Alon's POV

"'Yan ka na naman kakabasa riyan sa text sa 'yo. Bakit hindi mo kasi reply-an? Ako ang na-sstress sa 'yo." Bahagya pang humalakhak si Sed habagnv nakatin sa akin.

Nanatili lang akong nakatingin doon. I don't know what to say. Hindi ko rin alam. I just don't know when I'll come back. Ayaw ko namang paasahin na lang ito. If ever she finds someone who will take care of her, she won't need to think about me. But I still want to see her. I still want to be someone. I can't wait to end my contract and go back to her.

"Ang sabi mo'y para sa kanya 'tong ginagawa mo? Ang sabi mo balak mo siyang balikan kapag may maganda ng hinaharap? Paano kung makahanap siya ng iba?" Tipid naman akong ngumiti.

"Kung makahanap man siya, susubukan kong maging masaya para sa kaniya."

Sa totoo lang kating-kati na ang kamay kong reply-an siya. I want to tell her everything. Na nahihirapan din ako rito da ibang bansa dahil nanonose bleed kaka-ingles. Mga bagay na nagiging madali kapag kausap ko na siya. But I tried really hard not to send it to her.

Ayaw ko ring maging pabigat pa sa kanya. Kung babalik man ako I don't want her to feel sorry when I'm helping her. Alam ko kung gaano siya nakonsensiya noong mga panahong hiniram niya ang pera para sa pamilya niya sa probinsiya. I want her to tell me her problems.

Gusto kong magkaroon ng stable na trabaho na hindi ako magiging pabigat. Wala naman talaga akong pangarap noon but when I met her nag-iba bigla ang ikot ng mundo ko.

Mataas ang pangarap niya habang ako'y sapat na nakakakain nang tama noon. But now, nakikita ko na lang din ang sariling nangangarap kasama siya and I need money and job to do that. Hindi naman sapat ang pa-racket racket lang ako. Gusto ko lang na kapag bumalik sa kanya maibigay ko lahat ng gusto niya. Mga pagkain na hindi ko maibigay dahil wala akong pera, mga damit na gusto niyang bilhin, mga bagay na gusto naming gawing dalawa.

"Wow, nanonood ka na naman ng news," natatawang saad sa akin ni Sed. Nailing na lang ako rito. Siya lang ang pinagtitiisan ko dahil nosebleed na nosebleed na kapag kaharap ang ilang katrabaho.

"Local news pa ang pinapanood, makabayan." Tumawa pa siya kaya nailing na lang ako.

"Yong news nga ba ang pinapanood o 'yong reporter?" Sinamaan ko siya ng tingin at iniwas ko na ang laptop para tigilan na ako ng mga ito. Ang lakas mang-asar ni Gago.

"Yan ba 'yong ex mo, Alon?" tanong ni Asia, siya ang papalit na CEO kapag nag-retire na ang kaniyang ama.

"Infairness, ha? Pretty niya! Kahit ako hindi makaka-move on diyan," aniya na nakangisi ngayon.

"Ayos lang 'yan. Hindi pa rin naman nakaka-move on sa 'yo si Sed." Hindi naman pupuwedeng ako lang nang ako ang inaasar nito.

Nakita ko namang palihim na umirap si Sed. Natawa ako nang mahina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on kay Asia.

"Tapos na pala ang bahay mo sa pilipinas, Alon?" tanong sa akin ni Asia. Iniiba na ang usapan.

"Hindi sa kanya 'yon para sa ex pa rin niya." Humalakhak pa ito. Pinipikon talaga ako ng hayop. He will always take the chance he gets to annoy me.

I managed to survive 3 years abroad. Waiting for a chance to go home. Mabuti na lang din ay may panibagong kontrata ngunit sa pilipinas naman na.

"Excited ka na ba makita ex mo?" tanong sa akin ni Sed habang nag-aayos kami ng gamit. Hindi naman ako nagsalita. Uuwi na kami ng pilipinas. I can't wait to see her. I don't know if it's still me but I always see her text messages. I know I'm selfish but I wish it were still me.

Nang makarating kami sa pilipinas. Ramdam ko ang saya. I always want to go home pero nangunguna pa rin sa akin ang pag-iipon at panghihinayang sa flight.

"Alon, halika rito!" Kinunutan ko naman si Sed nang tawagin ako.

"Yan ba 'yong ex mo?" Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang tinuturo nito. Pilit nitong sinisiksik ang sarili sa kumpalan ng mga tao.

Mas lalo pa itong gumanda. Maikli na ang buhok habang ganoon pa rin naman ang mga mata. Para ka pa ring mawawala kapag pinagmamasdan ito.

"Alon, laway mo." Sinamaan ko naman ng tingin si Sed.

Hindi na muna ako sumabay pa sa paglabas sa teammates ko para lang titigan ito. Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan at kung paano ko siya babatiin. Paano nga ba?

Habang nag-iisip, nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang itong mapaupo sa sahig. Hindi ko naman na napigilan pang mapadalo sa kanya.

Napatulala ako sa kanya. Gago? Required ba na dapat maganda bago himatayin?

"Fuck!" Mabuti na lang ay nakita ko 'yong kasamahan niyang nagngangalang Brix. Dadalhin ko na sana siya sa hospital kaya lang ay sinabihan ako nitong Brix na huwag daw dahil magagalit lang 'tong si Isla. Pasaway talaga. Hindi naman ako nakinig. Hanggang hindi ko 'to nadadala sa hospital ay hindi ako makakampante.

"Tinext ko na po si Alice, papunta na ho iyon dito." Naghintay na lang kami sandali bago ako umalis.

"Huwag mo na lang banggitin na nagtungo ako rito. Mauna na ako." Nagtataka niya naman akong tignan ngunit sa huli'y napatango na lang din at nagpasalamat sa akin.

Sa iskwater ako dumeretso. Na-miss ko lang ang bahay namin dito. Nagulat sila nang makita ako. Madaming bumati sa akin at halos nanlalaki ang mga mata ng mga ito, kahit paano naman ay updated ako sa nangyayari dito dahil na rin kay Isla at minsan ay binabalitaan ako ni Totoy.

Kahit na alam ko naman na nagpupunta si Isla rito. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha dahil ganoon na ganoon pa rin ang bahay sa dati. Parang walang nagbago rito. Alagang-alaga niya pa rin ang mga halamang nasa tapat at maayos pa rin ang bahay. Hindi ko naman naiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang isang litrato naming dalawa na nilagay niya.

Naging abala ako nang araw na 'yon sa pakikipagkwentuhan sa mga kapitbahay at syempre sa pagtingin ng mga pagbabago.

"Tangina..." Nagising ako na may sumusubok buksan ang pinto ngunit mukhang hindi niya magawa. Bigla naman akong kinabahan. Hindi para sa akin. Baka mamaya'y ganito ang nararanasan ni Isla kapag nandito siya.

Binuksan ko 'yon ngunit napakunot ng noo nang makitang si Isla 'yon at mukhang lasing na lasing. Sinipa pa ako nang hindi niya magawang makapasok. Napakabrutal talaga nito. Napailing na lang ako sa kanya nang makita siyang nahiga sa kama at hindi na inalis ang kahit na ano dahil sa kalasingan.

Inalis ko ang heels nito dahil mukhang namamaga na ang paa niya. Hinilot ko 'yon sandali at napailing na tinitigan 'to. Namumula na siya dahil siguro sa alak, natatandaan kong pinakaayaw niya ang nagtatagal ang make up sa kanyang mukha, madalas niya 'yon ireklamo sa akin kaya naman sinubukan kong alisin ngunit hindi ko mapigilang kabahan nang tignan niya ako. Para akong mawawala sa kaniyang mga mata. Natawa na lang din nang makitang nakatulog na naman ito. Ni hindi ako nakatulog sa ideyang nasa iisang lugar lang kami. I really miss her. So much. Hindi ko mapigilan ang titigan siya. Ex ko ba talaga 'to? Buti pinatulan ako?

"Pre! Kailangan ka rito sa office. May sumusubok i-hack ang system!" natataranta na saad ni Sed mula sa kabilang linya. Napatikhim naman ako dahil pinagluluto ko na si Isla ngayon at gusto ko sanang hintayin 'to na magising. Binilin ko na lang siya kay Francisco dahil nasabi niya naman sa akin na mas lalo silang naging close na dalawa.

I ended up not sleeping at tinapos na rin ang trabaho dahil gusto ko na agad balikan si Isla sa bahay.

"Pre, ex mo nasa baba. Inaabangan ako," mayabang na saad sa akin ni Sed dahil siya 'tong sinasabing si Mr. Rat daw.

Code name nila sa akin 'yon. Hindi ko naman gustong magulo ang buhay ko riyan sa media kaya ayos lang na si Sed itong maging Rat tutal mukha naman siyang daga kaya lang parang nagbago bigla ang isip ko dahil nakita ko si Isla na tumatakbo. Hinahabol si Sed.

Wala pa ring kupas ito. Napailing na lang ako na nilapitan siya dala-dala ang tubig. Noong una'y sa mukha niya lang ako nakatingin ngunit laking gulat ko nang makitang ang laki ng sugat nito mula sa kaniyang paa.

Nataranta naman ako. Ni ayaw pang magpadala sa hospital. Tigas talaga ng ulo.

Gago. Ang bango pa rin. Pakiramdam ko'y mapapaso ako habang hawak-hawak ito. Ang lakas ng tibok ng puso'y hindi na rin napigilan pa.

She was just looking at me the whole time. She looked amused. Miss ko na siya.

"Aray! Bakit mo naman may suntok?" gulat na gulat na tanong ni Sed sa akin.

"Gago ka, nabubog si Isla dahil sa 'yo." Masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya.

"Hala! Sorry na, Boss. Hindi ko naman alam na may lahi pa lang runner 'yong ex mo," natatawang biro pa nito. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Pero iba ka rin, Boss, ah. Balita ko'y may bago ka raw kotse? Para saan? Hatid sundo sa ex mo?" Napailing na lang ako sa kanya. Ingay. But it's kinda true. Para sa amin ni Isla.

"Grabe, you want the spotlight na rin, Alon?" tanong sa akin ni Asia nang nakiusap akong maglabas siya ng statement na ako ang hacker na gustong kuhanan ng ulat ni Isla.

"Or you want the attention of your ex?" natatawang tanong niya pa. Hindi naman ako nagsalita. I want a peaceful life but if it's her. Yes, please.

"Patay na patay ka talaga ex mo, kaloka!" Nagkibit naman ako ng balikat dahil totoo rin naman.

Halos tumalon ang puso ko nang makita na naman siya sa tapat ng bahay na may dala-dalang pagkain. Hindi ko alam kung madi-disappoint ako dahil para sa kompanya nila kaya niya ginagawa ito o matutuwa dahil nandito siya ngayon sa harapan ko.

Pero imbes ata na matuwa ako sa kanya ay makukunsumi lang lalo. Lalo na nang mag-igib siya ng tubig na may heels.

"When kaya magkakabalikan?" nakangising tanong ng ilang kapitbahay namin. Hindi ko naman pinansin ang pang-aasar ng mga ito at nagpatuloy na lang din sa paghahatid kay Isla. Sometimes I get disappointed when it's just for the company but of course I like the thought that she's still here for me. But she still like me, right?

Naunahan na naman ako ng takot, ayaw kong itanong.

"Sir, may nagpapabigay po sa inyo ng lunch." Napakunot naman ako ng noo.

"Kakakain ko lang." Palabas na sana kami kaya lang ay agad kong nakita si Isla na may hawak-hawak na paper bag. Pinigilan ko ang mangiti, iniisip na para sa akin 'yon.

"Ex mo, Boss," sabi ni Sed.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Nakita ko."

"Sinabi ko lang naman," reklamo agad ni Sed ang narinig. Hindi ko na siya pinansin at nilapitan si Isla.

Nilapitan ko naman ito at pinanatiling kalmado ang sarili kahit na nagwawala na naman ang puso dahil narito siya.

"I already eat," sabi ko kahit na gusto pa rin namang kunin ang lunch box niya. Nadismaya naman ito at balak pa sanang ibigay ang pagkain sa mga kasamahan ko. Of course, I won't give that to someone else. It's mine. She's mine. Halos araw-araw ay may pinagluluto ako nito ng breakfast at madalas dalhan ng lunch. Walang palya.

"Hindi ka pa talaga kakain, Alon?" tanong sa akin ni Sed na binilhan pa ako ng pagkain dahil hindi ako sumama sa kanilang maglunch.

"May hinihintay ka bang lunch, ha?" Hinihintay ko talaga si Isla ngayon dahil ang sabi niya'y ipagdadala niya ako ng lunch ngayon. "Baka nakalimutan na, Alon."

Hindi niya 'yon makakalimutan dahil si Isla 'yon. Napatingin ako sa orasan nang makitang alas dos na at hindi pa rin 'to dumadating. Sinubukan ko pang tumambay sa lobby dahil baka nakalimutan lang ibigay sa akin. Naghintay ako nang naghintay hanggang sa makita ko siyang nakatalikod na at balak pang ibigay ang lunch na para sa akin kay Sed. Agad kong sinamaan ng tingin si Sed kaya umalis na ito

Hindi ko namam maiwasang mapasimangot kay Isla na basta-basta na lang binibigay ang lunch ko sa ibang tao.

After that incident, she never goes back to our home. Ni hindi niya na ako tinatawagan at tinatanong kung kumain na ba. I felt like she's avoiding me or baka hindi na ako ang gusto nito. Baka dahil na lang sa TeaNews kaya niya ginagawa ang lahat? Hindi ko na rin alam. Hindi ko na sigurado.

I'll take the risk. Kahit hindi na ako nito gusto, susubukan ko pa rin. I still want to court her. She's still the one I would like to spend my future with. Siya lang ang gusto ko.

But all of my thought vanished nang maka-received ng text at tawag mula sa kaniya.

Ako:

Mshak pa ein kira.

Halos mawalan ako ng hininga nang makita ang mensahe galing sa kaniya. Mshak pa ein kira? Bagong lenggwahe ba iyan? "Alon..." bungad niya nang sagutin ko ang tawag.

"Hello.."

"Miss na miss na kita." Damn. I miss her too.

"Naghintay ako... Naghintay ako na babalikan mo pero wala na, hindi na ako..."

"Pero huwag kang mag-alala, ayos lang ako. Ayos lang kung hindi na ako..." Ako hindi ayos. Siya pa rin hanggang ngayon. "Kasalanan ko naman, 'di ba? Kasalanan ko na pinagtulakan kang iwan ako..."

"No, it's not your fault at all, Isla..." Mukhang hindi naman niya naririnig dahil sa lakas ng hikbi at ingay mula sa background niya. "Bakit umalis ka agad? Bakit mo ako iniwan?" Fuck.

"Alam mo ba kung gaano ako kasaya no'ng nakita kita ulit? Tangina, sabi ko baka pwede pa... Baka binalikan ako... Baka ako pa rin..." "Ikaw pa rin naman, Miss..."

"Pero hindi na nga siguro ikaw ang Alon ko... Ibang-iba na... Ibang-iba na sa Alon na minahal ko... Ang hirap mo nang abutin."

"Bago ako huminto, gusto ko lang sabihin sa 'yo na ikaw pa rin hanggang ngayon." What? Ni hindi ko na namamalayan ang sariling nagmamadaling sumakay sa kotse ko.

Pagkadating na pagkadating ko roon, nilibot ko ang aking mga mata. Hindi naman siya mahirap hanapin dahil kumikinang siya sa mga mata ko. She was really wasted, lasing na lasing na ito. Naiinis ako, hindi sa kanya, naiinis ako sa sarili dahil sa akin kaya siya naglalasing nang ganito.

Balak ko na siyang kausapin kaya lang napakagaling tumakas.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Nakita niyo po si Isla?" tanong ko nang mataranta habang palabas ng eskinita.

"Oo, nagmamadali ngang umalis. Nag-away ba kayo?" tanong nila sa akin. Hindi ko naman na nasagot pa dahil nagmamadali na rin akong umalis. Agad ko siyang nakitang sumakay sa cab habang pagewang-gewang pa. Papatayin niya talaga ako sa nerbiyos.

Isla:

I'm home. I need to sleep.

This girl will really bring chaos in my mind but yeah, sure. Napapikit na lang ako dahil kahit paano'y naibsan ang nadarama nang makauwi ito nang payapa.

Patuloy niya akong iniiwasan kaya naman nag-isip ako ng mga paraan para lang makita at makausap ito. Ako na mismo ang kumontak sa Chief nila para makita lang siya but that girl really knows how to play her game. Ni hindi ko alam kung bakit niya kakalimutan ang nararamdaman. Do I really keep on giving her pain?

Napakapropesiyonal nito. Hindi ko mapigilan ang humanga habang pinagmamasdan siya. Of course, she's Isla. Kayang-kaya niya 'to.

Gusto ko na sana siyang kausapin pa kaya lang iniiwasan niya kahit anong topic tungkol sa aming dalawa.

"Miss ko na ang ina mo," hindi ko mapigilang kausapin si Choco.

"Miss mo na rin ba siya?" Tumahol naman siya kaya agad akong napangisi ako.

"Miss mo na nga siya." Ngumiti pa ako sa kaniya.

I tried texting her but she's really ignoring me.

"Huh! Your mom is ignoring you, Choco! Hindi ka miss ng nanay mo," pang-aasar ko kay Choco. Nasisiraan na talaga ako ng bait dahil hindi ako kinakausap nito.

I tried really hard para lang kausapin ito. Kahit nga pagiging valet sa tapat ng TeaNews ay pinapatulan ko na para lang malibang kahihintay sa kaniya.

I was scared na kung magpapatuloy pa ito'y tuluyan na siyang mawala sa akin kaya naman sinubukan kong tawagan si Alice para lang pakiusapan. Mabuti na lang ay kaibigan ko na rin si Deo.

Gulat na gulat si Isla nang makita ako. Finally. Time to talk to her.

"What I said the last time I called you... I mean it..." aniya.

"I still love you the same way...No... Mas lumala pa... But don't worry about it. Ako na ang bahalang kumalimot niyon... I still love you but I respect you and Asia... Kalimutan mo na lang. Wala akong intensiyon na guluhin ka... Na guluhin kayo. Hindi ko gus--" Bago niya pa matutuloy ang sasabihin niya ay dumampi na ang labi ko sa malambot na labi nito. Anong kalimutan? Walang kakalimot dito?

"Mahal pa rin kita," bulong ko sa kaniya. I just want to say it. Personally. Mahal ko pa rin ito. Noon hanggang ngayon.

"You-- Cheated." What?

"May girlfriend ka, Alon! Paano mo nagawang magloko?!"

"Do you think I'll kiss you when I'm committed to someone else?" I only like her. Paano ko pa magagawang mag-commit sa iba kung sa kaniya ko lang gustong ibigay 'yon?

"I only kiss someone I love, Miss, and you're that someone."

"Wala akong girlfriend. Depende kung babalikan mo ako."

"Lokohin mo lelang mo. Anong tawag mo kay Asia?" Asia is only a friend. She's nice but that's just that. Kaibigan at boss ko lang ito.

"Boss?"

"I only like you, Miss."

"Sige. Thanks."

"Anong sige?"

"Tayo na ulit."

"I love you... Araw-araw." bulong ko habang nakayakap sa kaniya.

And now, that girl is finally mine.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report