Langit Sa Piling Mo (SPG) -
Chapter 26: Panic
"BABE?"
"Hmmmm?" sagot ni Marie sa inaantok na diwa.
"One more, please!" pangungulit ni Mark kay Marie.
"Wala ka bang balak matulog?" Nakasimangot na tanong sa katabing lalaki. Kakatapos lang nila sa ikalawang round, wala pang limang minuto ay humihirit na naman ito. Wala pa yatang isang oras tulog nila kanina matapos ang first round. Nagising siya na humihiling ito ng second round at ngayon ay pangatlo na.
"Hindi inaantok si manoy, Babe." Paanas na bulong ni Mark sa tainga ni Marie.
"Hmmmp! Tumigil ka na, maaga akong malulusyang niyan sa iyo." Tumalukbong sa kumot si Marie upang makaiwas sa halik ng binata.
"Babe naman, isang taon din itong nagtiis dahil ikaw ang hinahanap." Parang bata na ungot nito sa dalaga.
"Pinagloloko mo ba ako?" Napabalikwas ng bangon si Marie at kipkip ang kumot sa dibdib upang maitago ang kahubadan.
"Bakit ba hindi ka naniniwala? Kahit sinabi ko nang mahal kita, ayaw mo ring paniwalaan." Malamlam ang mg matang tumingin sa dalaga. Himig nagtatampo na rin siya dito dahil kahit ano ang sabihin ay hindi pinaniniwalaan. "Paano kita paniwalaan? Nakataas ang kilay na humarap sa lalaki na nakasandal sa headboard. "Gusto mo pa ngang sumakay doon sa babae na kasama mo palagi!" Inirapan niya ang binata.
"Si Jhaina ba?" Tumatawa na kinumpirma sa dalaga. Halata sa mukha nito ngayon na nagseselos sa kanyang pinsan.
"At babe pa ang tawag sa iyo!" Nanunulis na ang nguso ngayon ng dalaga.
"Umamin ka na kasi na mahal mo rin ako, babe at pakakasalan mo na ako." Nakangiti ang binata at gumagalaw ang dalawang kilay taas baba habang nakatingin sa dalaga. Hindi muna niya sinasabi dito ang tungkol sa relasyon niya kay Jhaina. Biglang bumalik ang agam-agam sa isip ng dalaga pagkarinig sa salitang kasal. Nabuhay ang takot na namamahay sa kanyang puso't isipan mula nang malaman na may sakit siya. Kahit sinabi nang magaling na siya ay naroon pa rin ang takot niya na baka biglang bumalik kapag nagdalang tao ulit siya. Hindi rin niya alam paano sabihin sa binata na may nabuo noon ngunit nawala rin. Takot siya na baka iwan siya nito kapag nalaman ang history ng kanyang sakit. "What's wrong?" Sinapo ng kanyang palad ang baba ng dalaga nang mapansin ang biglang pananahimik nito.
"Nothing, may naisip lang ako." Umiwas siya ng tingin sa binata.
"Kung si Jhaina ang iniisip mo, don't worry dahil wala kaming relasyon. Ipakilala ko siya sa iyo nang maayos bukas." Masuyo niyang hinalikan sa noo ang dalaga. Gusto niyang pawiin ang anumang gumugulo sa isipan nito ngayon. Natanggal ang kumot na tumatabing sa katawan nang ipinulupot niya ang kamay sa batok ng binata. Pilit iwinaksi ang pangamba at nagpatangay sa agos ng init ng kanilang katawan. They kiss each other in passionate way. Ramdam ni Marie ang pananabik ng binata at pagmamahal sa kanya sa bawat haplos at halik na pinalalasap nito sa buo niyang katawan.
"Uhmmmm!" Napaliyad siya nang dumapo ang mainit na labi nito sa kanyang kasarinlan. Tila uhaw na sumisid doon at tinutudyo ang maliit na bagay doon ng malikot na dila nito.
Agad na binigyang espayo ang galit na alaga ng binata nang tumutok na sa kanyang perlas. Mabilis at sagad ang bawat labas masok ng binata sa kanyang basang kweba.
Walang kapaguran na inangkin siya sa iba't ibang estilo ng posisyon hanggang sabay na marating ang kasukdulan.
"I love you, Babe!" Niyakap niya ng mahigpit ang dalaga matapos makaraos sa ikatlong pagkakataon.
Hindi man tumugon sa kanyang pahayag ang dalaga ay ramdam niya na mahal na rin siya nito. Gumanti ito ng mahigpit na yakap sa kanya at umunan sa kanyang braso. May ngiti sa labi at payapa na natulog muli maging ang kanyang alaga.
...
"Ahhh Yosef!" Hiyaw ni Joy dahil sa sakit habang tinatawag ang asawa.
"Manang sandali, maliligo muna ako bago tayo mag-loving loving!" Malakas ang boses na tugon nito sa tawag ng asawa. Kakatapos niya lang magbawas ng kinain at naisipang maligo dahil plano niyang umiskor ngayong gabi sa asawa. "What the! hindi na naituloy ni Joy ang gustong sabihin nang muling sumakit ang kaniyang balakang. Hindi niya maiwasang hindi mapamura dahil sa sakit na nadarama.
"Sex na naman iyang nasa utak mo, lumabas ka na riyan!" Napahawak si Joy sa tiyan niya dahil lalong kumirot nang sumigaw siya.
Naisuot muli ni Yosef ang nahubad ng boxer nang marinig ang pag aray ng asawa na halatang nasasaktan nang husto.
"Love, ano nangyari?" Mabilis na dinaluhan ang asawa na sapo ang tiyan.
"Ang sakit po!" Parang bata na nanguyapit siya sa asawa.
"Hushhh, halika dito!" Niyakap niya ang asawa at hinimas himas ang tiyan nito ng isa niyang kamay.
"Malakas ba ang sipa ni Baby?" malambing niyang tanong dito, hindi alam na iba na ang sakit na nadarama ng asawa dahil hindi pa nito kabuwanan.
"Ahhhh. aray!" Sa balakang niya naman ito napasapo dahil lumipat doon ang sakit. Lalo lamang siya nakaramdam ng sakit sa ginawa ni Yosef na paghimas sa kanyang malaking tiyan.
"Baby, huwag mo naman sipain ang mommy mo sa likod!" Lumipat doon ang kanyang kamay at hinimas ulit upang mawala ang sakit. Pitong buwan na ang tiyan nito at hindi nila inalam ang kasarian ng kanilang unang anak. "Ikaw ang sisipain ko kapag hindi mawala itong sakit!" Mangiyak-ngiyak na wika ni Joy dahil sa sobrang sakit.
"Love naman, alam mo naman na puro sarap lang ang ibinibigay ko sa iyo." Kumakamot sa ulo na sagot nito sa asawa.
"Tumahimik ka―aray!" Hindi na alam ni Joy kung saan hahawak sa parte ng kanyang katawan nang domuble ang sakit na naramdaman.
"Ano ang nangyayari riyan, bakit ang ingay niyo?" Kumakatok ang ina ni Yosef sa pintuan ng kanilang silid. Naroon ito pansamantala upang maalalayan si Joy sa pagbubuntis nito.
"Ma, lumakas po yata ang sipa ni baby sa tiyan ng asawa ko." Bakas sa mukha ng lalaki ang pagkabahala para sa asawa.
Agad na tumuloy sa loob ang ginang nang mapagbuksan ng pinto ito. "Jusmiyo, bilisan mo, hijo at manganganak na ang asawa mo!"
"Po?" Tila nabingi si Yosef sa tinuran ng ina. Natauhan lamang siya nang muling dumaing sa sakit ang asawa at napaupo sa kama.
"Bilisan mo, buhatin mo siya at dalhin natin sa hospital!" Nataranta na rin ang ginang. Kahit ano ang makita na gamit para sa bata ay kinipkip at mabilis na sumunod kay Yosef na hirap maglakad habang buhat ang asawa. Sobrang laki ng tiyan nito kung kaya dumoble ang bigat.
"Maglalakad na ako, love," kahit nasasaktan ay naawa si Joy sa asawa. Alam niya na sobrang bigat niya para buhatin nito.
"No, just stay and relax, love, kaya ko kayo ng ating anak!" ani nito habang buhat ang asawa papasok sa loob ng hospital.
Pinagtitinginan sila ng lahat na naroon sa hospital lalo na si Yosef. Hindi na nila napansin na nakasuot lang ito ng sando at boxer short.
"Ang hot naman niya, sayang may asawa na!"
Rinig ni Joy na bulong ng isang babae na nakasalubong.
"Oh, huwag nang magalit!" Saway ni Yosef dito nang mapansin ang pagsimangot ng asawa. Narinig niya rin ito ngunit walang ibang nasa isip ngayon kundi ang kalagayan ng kanyang mag-ina.
Tila nakiayon ang bata sa loob ng tiyan at pinagbigyan muna ang mga magulang na mag-away.
"Bakit kasi ganyan lang ang suot mo?" Hinampas niya ng kanyang kamay ang dibdib ng asawa.
"Sorry na, love, nataranta na ako kanina at nakalimutan na magbihis. Paliwanag nito sa asawa bago ito pinaupo sa de gulong na upuan na dala ng isang nurse.
"Sir, dito lang po muna kayo." Awat ng isang nurse kay Yosef nang tumapat na sila sa silid ng paanakan.
"Gusto kong kasama siya sa loob!" Turo ni Joy sa asawa.
Wala nang nagawa ang nurse at pinasama na siya sa loob. Naroon na ang kanilang private doctor na siyang may hawak sa kanyang asawa simula nang ito ay maglihi.
...
Nagising si Marie sa tunog ng kanyang cellphone, marahan na bumangon upang hindi magising ang binata na sobrang himbing ng tulog sa kanyang tabi. Napatigil siya sa pagbangon nang humigpit ang yakap nito sa kanya. Tumigil na rin ang pagtunog ng cellphone, hindi na sana siya babangon nang marinig ang message alert.
"Hmmm!"
Napangiti si Marie nang gumalaw si Mark at kumakapa ang kamay sa higaan habang nakapikit. Mabilis niyang kinuha ang unan at ipinalit sa kanyang pwesto. Nang masiguro na mahimbing na ulit ang tulog nito habang nakayakap sa unan niya ay tinungo ang bag at kinuha ang cellphone.
"We're here in hospital five hours ago, mapaaga ang anak ng iyong kapatid. She's still under observation right now." Message from Yosef.
May limang missed call din mula sa bayaw, nakonsensya siya bigla dahil hindi na niya nakamusta ang kapatid nang ilang araw dahil kay Mark.
May pagmamadali na kinuha ni Marie ang ilang mahalagang gamit at umalis. Nawala na sa isip ang binata na mahimbing pa rin ang tulog. Swerte at mayroong available plane ticket at paalis nang araw na iyon. Alas tres pa lang ng madaling araw nang makarating siya sa Airport at alas singko ang alis ng eroplano.
"Ayst!" Inis na ibinalik ang cellphone sa bag nang makitang battery low na ito at hindi niya nadala ang charger.
"Hindi bale, alam ko naman kung saan sila ngayon." Pampakalma ni Marie sa sarili at pumikit. Dala ng puyat at pagod ay nakatulog siya sa waiting area. Nagising lamang siya nang magtawag na ng pasahero ang eroplanong sasakyan. "Babe?" Kinakabahan na hinanap ni Mark ang dalaga nang magising at wala na sa kanyang tabi. Tinanghali na siya ng gising at tulad sa nangyari noon sa Hong Kong, kahit anino ng dalaga ay hindi makita ngayon. Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang damit ng dalaga sa cabinet.
"Hindi po siya pumasok, Sir." Sagot ni Mhai kay Mark nang tumawag ito at hinahanap ang kaibigang si Marie.
"Tinakasan mo na naman ako!" tiim bagang na bulong ni Mark.
"Pero hindi mo na ako matataguan sa pagkakataon na ito!" madilim ang anyo ng aura niya nang mga oras na iyon. Mabilis siyang bumalik sa hotel upang magbihis at sundan ang dalaga.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report