Langit Sa Piling Mo (SPG)
Chapter 34: Kadaupang palad

"ANAK, wala ka ba talaga natatandaan kung sino ang may kagagawan nito sa iyo?" Malungkot na tanong ni David, sa dalagang anak. Natulala ito noong una nang sabihin nila na biktima ito ng karahasan ngunit wala itong maalala. "Wala po, dad, at ayaw ko nang alalahanin dahil hindi ko matanggap!" Matigas na umiling si Jhaina sa ama. Nakalabas na siya ng hospital at ayaw niyang may makaalam na iba sa nangyari sa kanya noong nawala siya. Hindi matanggap ni Jhaina na hindi na siya virgin at basta na iyon nawala nang hindi niya alam. Wala siyang matandaan at nandidir siya kapag iniisip na may lalaking humawak sa kaniyang katawan. Kung babae pa siguro ang namantala sa kaniya ay hindi siya makaramdam nang ganito.

Nabahala ng husto ang kanyang pamilya sa kanya dahil naging malungkutin siya at ayaw lumabas ng bahay. Nagpasya ang mga ito na payagan nang mapalapit siya sa babaeng gusto niya na siyang dahilan kung bakit siya naaksidente. Kahit papaano ay bumalik ang sigla ni Jhaina dahil tanggap na ng pamilya ang kaniyang damdamin.

"Ready na ang gamit sa sasakyan, hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ni Lucy, pagkabungad sa tarangkahan ng silid ni Jhaina.

"Nariyan na po ba si Rochelle?" Malumanay na tanong ni Jhaina.

"Kararating lang niya at naghihintay siya sa iyo sa labas"

Mabilis na tumayo si Jhaina at excited na lumabas upang makita ang babaeng mahal. Hindi pa siya nito sinasagot pero pinaparamdam sa kanya na may katugon din ang kanyang damdamin dito.

Nanlulumo ang mag-asawa na sinundan ang dalaga, pilit tinatanggap kung ano ang tunay na damdamin nito bilang lalaki.

"Kuya?" nakakunot ang noo na tawag ni Jhaina sa kapatid.

"Nariyan ka na pala!" Mabilis na inalis ang kamay sa braso ni Rochelle na halatang nasaktan sa sinabi niya dito.

"Hi!" Pilit na pinasaya ni Rochelle ang boses nang makalapit kay Jhaina.

"Ano ang ginawa mo sa kanya, Kuya?" Mapanuring tingin ang ipinukol niya sa kapatid habang hawak ang namumulang braso ni Rochelle.

"Wala ito, Jhai, muntik na kasi akong matumba at nasalo niya ako kung kaya napahigpit ang hawak ng kamay niya sa aking braso."

Lihim na napaismid si John Carl sa pagsisinungaling ni Rochelle. "Magaling na Actress!" ang naibulong niya sa kanyang isip. Kanina lang ay parang tigre na palaban ito nang wala ang kapatid. Ngayon ay parang maamong tupa. Napailing na lang siya sa hitsura ngayon ng kapatid, pinangatawan na talaga nito ang pag-astang lalaki. Maluwag ang t-shirt na suot nito at short pang lalaki na lampas tuhod na bumagay sa suot na rubber shoes.

"Let's go, baka maiwan tayo ng eroplano!" Tawag ni David sa lahat at nagpatiuna na sa pagpasok sa loob ng sasakyan. Patungo sila ngayon ng Boracay upang um-atend ng kasal nila Mark at Marie.

Pagdating sa Boracay ay agad inilibot ni Jhaina ang tingin sa magandang tanawin sa isla. Galing na rin naman siya roon pero hindi siya nagsasawa pagmasdan ang paligid. Hapon na silang dumating kaya lalong maganda tignan ang dalampasigan. Hinayaan niyang mamasyal si Rochelle sa paligid at hindi na nasamahan ito dahil sumama ang kaniyang pakiramdam.

Maaga siyang nagkulong sa kaniyang silid at nagpahatid lang din ng pagkain para sa hapunan. Alam niyang marami ng bisita ang dumating maging sina Yosef. Pero wala siya sa mood na humarap sa mga maraming tao ngayon. Close sila ni Mark pero ang mga kaibigan nito ay hindi mga ka close or kilala ang iba.

Kinabukasan ay maaga ang kasal ng pinsan sa dalampasigan. Nakahanda na lahat at sobra siyang napahanga sa ganda ng venue. Nanatili siya sa kinatayuan at hindi na tumingin sa paligid dahil naiilang siya sa kaniyang hitsura ngayon. Napilitan siyang magsuot ng dress dahil siya ang bridesmaid.

Nang magsimula na sila na ay pumuwesto siya sa likuran ni Marie habang hawak ang laylayan ng mahabang gown nito. Sa totoo lang ay naiirita siya sa ginagawa ngayon lalo na at maging ang suot na gown ay mahaba rin. Unang naglakad papuntang altar ay ang mga abay at flower girl habang may kumakanta.

Lahat ay humahanga sa ganda ng boses ng lalaking kumakanta ngayon sa harap ng altar. Parang namagnito ang mga mata ni Jhaina na napatingin dito. Parang tumatatak sa kanyang isip at dama ang mensahe ng bawat lyrics na kinakanta nito. Sa mukha nito ngayon ay tila nangungulila sa minamahal at tulad sa kanta ay hinahanap pa ang taong iniibig. Nang matuon ang tingin nito sa gawi nila ni Marie ay mabilis siyang yumuko ng ulo.

"Kilala mo ba siya?" Nakangiting tanong ni Rochelle sa katabi. Lihim na humahanga sa lalaking kumakanta, bukod sa maganda ang boses ay ang guwapo pa ito.

"No, ngayon ko lang siya nakita." Walang gana na sagot ni Jhaina sa babae.

Nakaramdam si Jhaina ng inis sa lalaking kumakanta dahil ramdam niya na humahanga si Rochelle dito. Sadyang hindi umaalis sa kaniyang tabi ang dalaga dahil inaalalayan siya. Nang magsimula nang lumakad ang bride ay nakayuko muli ang ulo na sumunod dito. Nakaramdam na naman siya ng hilo at may mga imaheng sumisingit sa kaniyang alaala simula nang mapatitig sa katabi ni Mark.

"What happen?" Pabulong na tanong ni Zoe kay Mark. Naka pwesto na siya sa tabi nito bilang best man.

"My cousin have headache."

Sinundan niya ng tingin ang babaeng tinutukoy ng kaibigan. Hindi niya nakikita ang mukha pero biglang kumabog ang kanyang dibdib sa pigura nito. Pinalitan ito ng babaeng kasama nito dahil bigla umanong sumama ang pakiramdam ng babae.

Natapos ang kasal at nasalo pa ni Zoe nang hindi sinasadya ang garter na binato ni Mark sa kanilang kalalakihan.

Pagdating nila sa reception ay napatda si Zoe sa bungad ng nang marinig ang boses ng babaeng kumakanta ng 'Till Death Do Us Part.'

"Hey, what's wrong?" gulat na tanong ni Troy sa kaibigan nang hinawi silang tatlo nang walang pasintabi upang mauna sa pagpasok sa loob.

"Her voice!" Ang tanging sagot niya at mabilis na nagpatiuna sa pagpasok.

Halos maiyak siya nang makita ang mukha ng babaeng kumakanta. Hindi lang maganda ang mukha nito, maging ang boses ay nakaka-inlove. Napangiti siya nang tumingin ito sa kanya habang kumakanta ngunit dagli ring napawi iyon nang kumunot ang noo nito at blangko ang tingin na ipinukol sa kanya.

"She have a problem."

Napalingon siya sa nagsalita. "What do you mean?"

"I heard that she was missing for two weeks and when she came back, she doesn't know what happend." Pagkukuwento ni Troy sa kaibigan. "Chismoso!" Nakangisi na siniko ni Khalid si Troy.

Tawanan ang tatlo at ginawang biro ang mga natutunang salitang tagalog bukod sa kaniya. Lapat ang mga labi at nangangalit ang kaniyang mga ngipin habang pinagmamasdan ang dalagang ilang gabi niya ring hinanap. Kung totoo ang sinabi ni Troy, kailangan niyang gumawa nang paraan upang maala siya ng kaniyang asawa.

Napatingin silang tatlo kay Zoe nang tumayo ito at pumunta sa mini stage.

"Rock in roll!" Panabay na wika ng tatlo at nag-apir sa bawat isa. Lahat sila ay mahilig kumanta at marunong din mag guitar si Troy.

Nagulat si Jhaina nang makita ang lalaking palapit sa kaniyang kinaroonan. Nakailang kanta na rin siya habang abala ang lahat sa pagakain. Ang pinsan at ang asawa nito ay mukhang may mga sariling mundo na. Ang bouquet ay hawak pa rin niya dahil inabot sa kaniya kanina ni Marie.

"Epal!" ang naibulong ni Jhaina nang umugong ang palakpakan sa paligid dahil sa sipol na intro ng lalaki na kanina pa niya kinaiinisan. Nagseselos siya dahil maging si Rochelle ay napatayo sa kinauupoan at humiyaw dahil sa kilig. (Wind of Change)

By: Scorpions

Zoe's whistles while looking at her. Lumapit siya sa dalaga na ngayon ay alam na ang tunay na pangalan. Hindi niya pinansin ang masamang tingin nito sa kanya at sanay na siya sa ganoong ugali nito kapag naiinis sa kaniya. Patuloy siya sa pagkanta at ang tatlo ring kaibigan ay sumasabay sa kaniyang pagkanta.

Nabigla si Jhaina nang pangahas na hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay. Kung wala lang tao sa paligid na nakatingin ngayon sa kanila, tiyak na nasuntok na niya ito.

"Tang *ina! Bitiwan mo na ang kamay ko!" mabalasik na bulong ni Jhaina sa lalaking hawak pa rin ang kanyang kamay kahit tapos na itong kumanta.

"I miss you!" pigil ang sarili na yakapin ang dalaga na ramdam niyang hindi nga siya nakilala. Maaring bumalik na nga ang alaala nito at siya naman ang nakalimutan. Pero hindi siya makakapayag na hindi siya maalala nito, gagawin niya ang lahat upang maalala ng babaeng bumihag sa kanyang puso sa ikalawang pagkakataon.

"Baliw ka ba?" Kinilabutan si Jhaina sa narinig, tumingin pa ito sa kanya na para bang siya ang hinahanap nitong tao sa kinanta nito kanina.

"Hindi mo ba ako natatandaan, Tin?" Malungkot na tanong ni Zoe sa dalaga.

"Who the hell are you? Stop staring at me like that, you look idiot!" pinakita ni Jhaina ang pagiging barako niya sa lalaki.

Magsasalita pa sana si Zoe ngunit muling nag-ingay ang paligid nang umakyat na rin sa munting entablado ang tatlong pasaway na kaibigan. Hiyawan at sumabay sa sayaw ng tatlo ang mga bisita nang tumunog na ang minus one music.

Waka Waka

By: Shakira

Halos lahat ay napaindak lalo na ang mga dalaga at binatang bisita nang magsimula na sa pagkatanda ang magkakaibigan.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report