Langit Sa Piling Mo (SPG) -
Chapter 43:Selos at galit
"OUCH!" Daing ni Zoe kasabay ng paghawak sa sariling nang alugin ng marahan ni Jhaina iyon. "Why you do that?" "Sorry, ginawa ko iyan at baka sakaling maalala mong asawa mo ako." Nanunulis ang nguso na wika ni jhaina.
"Asawa kita?" Turo niya sa dalaga at naaliw sa mukha nito na mukhang paiyak na.
Kung alam niya lang na ito ang paraan upang mapaamo ang dalaga at maalala siya nito ay sana noon pa siya nagpa hospital. Gustong matawa ni Zoe sa kaniyang sarili dahil naisip pa niyang ayos lang maaksidente kung ito naman ang kapalit. "Obvious ba?" Pinandilatan niya ng mga mata ang binata at sinindak upang maniwala sa kaniya.
"Pero sino naman ang babaeng namulatan ko kanina at ang pangalan ay, Trexi?" Nanunubok na tanong niya sa dalaga. Natutuwa siya sa paiba-ibang reaksiyon na nakikita sa mukha nito ngayon. "Gusto mo ang babae na iyon kahit may amnesia ka na?" Hindi na maipinta ang mukha ng dalaga dahil sa selos. Tila nasusuka pa ito sa isiping mas gusto ng binata ngayon ang karibal kaysa dito.
"Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdam pero she called me, honey, kaya confused ako ngayon." Kibit balikat na sagot niya sa dalaga. Hindi napansin ang biglang pamumutla ng mukha nito.
"Eh ano naman kung honey ang tawag niya sa iyo? Ako rin naman tawag ko sa iyo ay Baby!" inis niyang paliwanag sa binata at kusang Tumulo na naman ang kanyang mga luha. Mabilis siyang yumuko upang hindi makita ng binata ang kaniyang pagluha.
"Hindi ko narinig na tinawag mo ako ng ganiyan." Patuloy niyang panunukso sa dalaga.
Sa sobrang sama ng loob ni Jhaina ay hindi na niya nagawang sumagot pa. Kinagat niya ang sariling labi upang pigilan ang pag-alpas ng hikbi sa kaniyang bibig.
Ramdam niyang nagtatampo na ang dalaga kaya iniba na niya ang kaniyang tono. "Lumapit ka nga dito at may sasabihin ako," tawag niya sa dalaga ngunit umiling lang ito at nanatiling nakayuko.
"Sige na, naniniwala na ako na asawa kita pero dapat pakasal ulit tayo." Sumusuko na ani ni Zoe dahil ramdam niyang umiiyak na ang mahal niya.
Mabilis na umangat ang ulo ni Jhaina at masayang inilapit ang inuupuan sa kama."Talaga? Naniniwala ka na at pakakasalan mo ulit ako?
"Yes, kaya huwag ka ng umiyak," nakangiti na hinila ang kamay ng dalaga upang mayakap ito. Sobrang na miss niya ito at walang mapagsidla ang tuwa na nadarama niya ngayon.
Bago pa siya mayakap ng binata ay inilayo niya ang sarili dito at nang-aarok ang tinging ipinukol. "May amnesia ka ba talaga?"
"Hmmm siguro, kasi hindi ko matandaan na sinagot mo ako?" Pilyong ngiti ang pumaskil sa kaniyang mga labi at muling hinila sa braso ang dalaga upang mayakap ito.
Nahihiya na gumanti ng yakap si Jhaina sa binata. Ang loko at sinusubukan lang pala siya.. Isipin na lang na ginaya niya ang paraan nito sa pag-angkin sa kanya noong siya ang maysakit.
"I love you! Kahit nasaktan sa higpit ng yakap ng dalaga ay hindi siya nagreklamo.
"Mahal mo ako kahit hindi kasing sexy manamit tulad ni Trexi?" Tanong nito sa binata, biglang nakaramdam ng-insecurities sa kaniyang katawan.
"Mas sexy ka doon, baby lalo na kapag walang suot na damit." Pilyong tugon ni Zoe sa dalaga.
"Heh! Huwag mong sabihin na nakita mo na rin katawan ng babaeng iyon?" Nakasimangot na tanong niya sa binata.
"Huwag ka na magselos, she's my past only." Hinaplos niya ang buhok ng dalaga at pati ang mga mata niya ngayon ay nakangiti. Sobrang saya niya at sa wakas ay maging legal na niyang asawa ang babaeng pinag alayan ng puso sa ikalawang pagkakataon.
"Ako ang pipiliin mo kahit na magka-amnesia ka?" Naninigurong tanong niya muli sa binata. "Hmm maybe?" tipong napaisip pa ang binata pero hindi na nabura ang ngiti sa mga labi nito.
"Why maybe?" Nakalabi na tanong nito sa binata.
"Maybe, dahil hindi mo pa ako sinasagot." Seryoso na tugon ng binata.
"Kailangan pa ba iyon? Nakailang sakay ka na nga sa akin noong lasing ka."
"Aha, so totoo nga na nagpaubaya ka sa akin nang gabing iyon at hindi iyon isang panaginip lamang?" Nakangisi na ani nito sa dalaga na namumula na ngayon ang pisngi dahil sa hiya.
"Pinilit mo lang ako noon ah!" pagtatangol nito sa kaniyang pride.
Natawa na lamang si Zoe sa pagmamatigas ng dalaga at ayaw pa rin umamin ng tunay na damdamin nito sa kanya. Ramdam niya na mahal na siya nito ngayon at tuluyan nang natunaw ang pusong lalaki ng dalaga. Kaunting landi na lang niya dito ay alam niyang aamin na rin ito.
Naputol ang paglalambingan ng dalawa nang dumating ang mga kaibigan ng lalaki kasama na ang kanyang pinsan na si Mark Philip.
"Ikaw lang pala ang hinahanap noon ng babaero kong kaibigan, Jhai." Nanunudyo ang tingin ang ipinukol ni Mark sa pinsan na nahihiya tumingin sa kanya. Pangalawang dalaw na niya roon pero ngayon lang sila nag-usap ng ganito. "Huwag mo na siyang tuksohin, dude at kanina pa iyan nahihiya nang umamin na mahal na rin niya ako." Tumatawa na biro ni Zoe sa kaibigan. "Wehhh, hindi nga?" sabay na bigkas ng tatlong kaibigang intsek.
Sa halip na mapikon si Zoe sa pang-aasar ng tatlo dahil hindi naniniwala sa kaniya at natawa siya. Nakakatawa lang ang tono ng mga ito kapag nagtagalog. Well, ganoon din naman siya pero kaiba pala kapag narinig iyon mula sa mga kaibigan at first time ng mga ito magtagalog.
Pakiramdam ni Jhaina ay napagkaisahan siya ng lahat. Laking pasalamat niya nang dumating si Marie, malaki na ang tiyan nito ngayon at parang siya ang nahihirapan at nabibigatan tumingin sa tiyan ng asawa ng kaniyang pinsan. "I think I also need a private tutor, so that I can relate to what you guys are talking about." Napapalatak na ani ni Khalid na napanganga na lang sa pag-uusap ng dalawang kaibigan. Maging ang dalawa pang kaibigan ay napapailing din at gusto na ring matuto ng salitang tagalog.
"I recommend Lyca to you, Dude," ani Zoe sa kaibigan. Magaling ang babae kung kaya madali siyang natuto magtagalog.
"Good idea, dude, but I want a man, not a woman." Tanggi ni Khalid sa alok ng kaibigan.
Nagtawanan ang lahat sa tinuran ni Khalid, alam nila na takot ito mapikot kung kaya ayaw na may makasamang babae sa iisang bubong. Dahil sa kamanyakan nito, muntik na itong mapikot noon ng isang katulong ng mga ito.
"I will ask Lyca about a male tutor, then." Gumalaw-galaw ang kilay ni Zoe habang nakangiti sa kaibigan.
Lumabas sandali si Marie at Jhaina dahil ang gulo ng kalalakihan. Hindi na sila naka relate lalo na kapag ginamit na lengwahe sa pagsasalita ay hindi english o tagalog.
Hindi na naalis ang tingin ni Jhaina sa tiyan ni Marie at pakiramdam niya ay mayroon siya dapat malaman ngunit hindi alam kung ano iyon. Pagtingin niya sa mukha ng kaharap ay mukha itong proud sa status nito ngayon. Muling bumalik ang tingin niya sa tiyan nito nang humaplos doon ang kamay nito.
"Hindi ba mahirap magbuntis, Ate?" Curious na tanong ni Jhaina sa asawa ng pinsan.
"Sa stage ng paglilihi ay nahirapan ako noon, pero hindi naman pare-pareho ang dinadanas ng lahat sa paglilihi. Mayroon na parang wala lang o hindi naglilihi."
Napaisip si Jhaina, nawala sa isip na maari rin siya mabuntis dahil ilang ulit na may nangyari sa kanila ni Zoe.
"Ano po ba ang senyalis upang malaman na buntis na? tanong niya muli kay Marie.
"Kapag hindi ka na dinatnan ng buwanang dalaw mo, sigurado na buntsi ka." Mataman na tinitigan ni Marie ang dalagang kausap.
Napalunok si Jhaina ng sariling laway pagkaalala ng monthly period niya. Dahil sa mga sunod sunod na pangyayari, hindi na niya alam kung kailan siya huling dinatnan.
"May problema ba?" may pag-alala na tanong ni Marie sa dalaga nang mapansin na natigilan ito at bahagyang namutla.
"Ahm, wala naman, Ate Marie," sumilay ang tipid na ngiti sa kaniyang labi at tinago ang kabang nadarama. "Mauna na ako, ate, baka hinahanap na ako ni zoe." Mabilis niyang paalam dito at bumalik sa loob ng silid.
"Sige at baka makasalubong mo si Kuya Mark mo. Pakisabi dito na ako maghihintay sa kanya."
Kumaway pa si Jhaina sa asawa ng pinsan bago tuluyang tumalikod. Malayo rin ang kinaroonan nila ni Marie mula sa silid kaya nagulat siya nang makasalubong ang apat sa hallway.
"Uuwi na kayo? Sino ang kasama ni Zoe sa loob?" tanong niya sa mga ito dahil hindi manlang siya hinintay na makabalik bago iniwan ang binata.
"Hi, Jhaina, wanna come with us?" Nakangiti na tanong ni Troy sa babae.
"Yeah, c'mon, Jhai, let's get some fresh air outside." Segunda ni Xander at humarang pa sa dadaanan niya.
Nagtatanong na tingin ang ipinukol niya sa kanyang pinsan na tahimik lang sa kanyang harapan.
"Sumama ka muna sa amin, kailangan niya magpahinga sa ngayon." Hinawakan ni Mark ang braso ng pinsan.
Nakiusap ang kaibigan nila nang dumating si Trexi na huwag muna papasukin si Jhaina sa loob upang makapag-usap sila ng maayos ng babae at matuldokan na ang lahat. Nangako naman ito na ang pinsan na niya ang mahal nito ngayon kaya sumang-ayon siya sa nais nito.
Napilitang sumama si Jhaina sa mga ito pero ramdam niya na may tinatago ang mga ito sa kanya. Niyaya siya kumain ng mga ito pero wala siyang gana. Makukulit at maingay ang mga kaibigan ni Zoe lalo na si Troy na sobrang makwela. Namaalam siya na gagamit ng palikuran sa mga ito at pasimple na lumabas ng kainan upang bumalik sa hospital na hindi naman malayo mula sa pinagdalhan sa kanya ng mga ito.
"Minahal mo naman ako hindi ba? Maibabalik ko pa ang pagmamahal mo noon sa akin kung hahayaan mo lang ako na bumawi sa iyo."
Napatda si Jhaina sa kinatatayuan nang marinig ang boses ng babae. Napahigpit ang hawak sa seradura at hindi muna tumuloy sa loob.
"Alam mo kung gaano kita kamahal noon." Paliwanag ni Zoe sa kay Trexi. Makulit ito at ayaw siyang tigilan. Halos paulit ulit na lang sila sa paksa tungkol sa pagmamahal nito at hindi siya iniintindi sa kaniyang paliwanag. Napahawak si Jhaina sa dibdib nang marinig ang sagot ng binata. Parang may tumusok na matulis na bagay sa kanyang puso sa kaalaman na sobrang mahal nito ang babaeng kausap ngayon.
"I know, honey, at sobrang kampante ako nang mga panahon na iyon na ako lang hanggang sa huli. Nagsisi na ako, gagawin ko ang lahat at pangako na ikaw lang ang mamahalin ko kapag bumalik ka na sa akin." Lumuluha na hinawakan ni Trexi ang kamay ng binata.
"Gagawin mo ang lahat mapatawad lang kita?" Nanunubok na tanong ni Zoe sa babae. Hinayaan lang niya na hawakan ang kanyang kamay, tinitimbang ang sariling damdamin para sa babae na sobra niyang minahal noon.
Para naman nilindol ang pagkatao ni Jhaina nang mga sandaling iyon. Sa tono ng pananalita ni Zoe ay mukhang umaasam pa rin ito na magkabalikan ito at ni Trexi.
"Yes, honey, just tell me what you want!" Nabuhayan ng loob na tanong nito sa binata.
Pinakatitigan muna ni Zoe ang babae bago sumagot. "Kiss me first," ani niya dahil gusto masiguro sa sarili kung wala na ba talaga epikto ang dalaga sa kanya kahit sa physical.
Ngiting tagumpay ang nakapaskil sa labi ngayon ni Trexi, mabilis na sinakop ang bibig ng binata at mapusok na hinalikan ito.
Hindi kinaya ni Jhaina ang mga narinig at nasaksihang halikan ng dalawa. Napasandal siya sa pintuang nakaawang ng makaramdam ng panghihina at pagkahilo. Bago tuluyang dumilim ang paligid ay narinig niya ang sigaw ni Zoe at tinatawag ang kanyang pangalan.
"Ahh fuck! Call anyone!" Bulyaw ni Zoe kay Trexi na tulalang nakatingin kay Jhaina na nakahandusay sa sahig at namumutla.
Taranta na pinindot ni Trexi ang button nasa gilid ng higaan ni Zoe. Hindi nagtagal ay dumating ang mga nurse at isang doctor. Pinagtulongan ng mga ito na buhatin si Jhaina upang madala sa kabilang silid at sinuri.
"Mr. Cornishe, please calm down!" Pilit na pinahiga muli ng isang nurse si Zoe nang magtangka itong bumangon kung kaya dumugo ang sariwang sugat nito sa balikat.
"Please gusto ko siya makita," nanghihina na pakiusap niya sa mga naroon.
"Hon, inaasikaso na siya kung kaya huwag ka na mag-alala sa babaeng iyon!" ani ni Trexi na tumulong na rin na mapakalma ang binata.
"It's all your fault!" naniningkit ang mga mata sa galit na binalingan ito. "Hindi na kita mahal at wala na akong naramdamang spark sa halik mo. Aasahan ko na ito na ang huli nating pagkikita at hindi mo na kami gulohin pa!" Luhaan na nilisan ni Trexi ang silid, seryoso ang binata at ni hindi nga ito tumugon kanina sa kanyang halik. Alam niyang humiling lang ito ng isang halik para patunayan sa kaniya na wala ni katiting na damdamin ito para sa kaniya. Maging lust ay wala na rin epikto dito kapag siya ang humalik. Naramdaman na niya kanina na may ibang taong nanunuod sa kanila kaya sinamantala niya sa halik kahit tinutulak na siya ni Zoe kanina.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report