Langit Sa Piling Mo (SPG)
Chapter 48:Revie how thet met

ABOT hanggang sa kabilang ibayo ang kabang nararamdaman ngayon ni Gerlie habang naglalakad na sila ng kabigang si Lyca, papasok sa tinutuloyan ng maging amo niya. "Narito na tayo, huminga ka nga ng malalim para ma-relax ka." Inayos ni Lyca ang suot niyang sumbrero.

"Kinakabahan talaga ako Besh, baka mahalata ako?" Bahagya pang pumiyok ang boses niya. Sinasanay na kasi niya magsalita na malaki ang boses upang magmukha talaga siyang lalaki. "Kainin mo ito!" Isinubo niya kay Gerlie ang candy na lasang maasim. "Umayos ka, mukha ka ng baklang tikbalang." Biro niya sa kaibigan upang maibsan ang kabang nadarama nito. Hindi maipinta ang mukha ni Gerlie habang masama ang tinging ipinukol sa kaibigan. Ang asim pa ng isinubo sa kanya nito kung kaya nakalimutan na niya ang kabang nararamdaman. "Come!"

Nagulat pa siya nang may nagsalita sa kanilang harapan. Hindi niya napansin na nag-door bell na pala ang kaibigan. Bahagya pang napaawang ang kanyang labi nang masilayan ang guwapong mukha ng lalaking nagbukas ng pintuan. "Tayo na, tama na muna ang pantasya!" paanas na bulong ni Lyca sa kaibigan. Hindi niya ito masisi, sadyang ang pogi ni Khalid.

Bumalik na naman ang mga daga na naghahabulan sa kanyang dibdib nang tinitigan siya ng mapanuring tingin ng lalaking nagbukas ng pinto.

"Are you sure that he is a man, not a woman?" naninigurong tanong ni Khalid kay Lyca. Sinuri niya ang lalaki na maging tutor niya. Hindi niya alam kung totoo ba ang suot nitong bigote at ang kilay ay mukhang sinadyang pakapalan din. Ayos din ang porma sa suot na malaking t-shirt at maluwag na pantalon.

Mabilis na sumagot si Lyca at pinagsiklop pa ang dalawang palad upang tanggapin nito ang kaniyang kaibigan. Nakiusap siya at kailangan ng kaibigan ng trabaho.

Si Gerlie ay tahimik lang. Pasimple niyang sinulyapan ang tatlong naroon. Ang sabi ni Lyca ay matalik na kaibigan ito ng maging amo niya. Napayuko siya upang itago ang pamumula ng pisngi nang ngumiti sa kanya ang isa na naroon. "My name is Troy," pakilala ng lalaking ngumiti sa kanya nag-aalangan pa siyang tanggapin ang makinis na kamay ng lalaking nagpapakilala sa kanya ngayon.

Tumikhim muna siya bago sumagot upang alisin ang tila nakabarang laway sa kanyang lalamunan. "My name is, George, Sir.

Nagkatinginan sina Lyca at Gerlie nang magbulongan ang mga lalaki at hindi nila maintindihan dahil ibang lengwahe ang gamit ng mga ito. Kinakabahan siya dahil panay ang baling ng tingin ng lalaking maging amo niya. Mukha hindi nito gusto ang kaniyang mukha at nagdududa pa. Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang magtanong ito.

"You are hired, then." Bakas sa boses ng binata na napipilitan lamang ito dahil sa mga kaibigan at sa sitwasyon. "Do you have a passport?"

"Ah yes Sir, he have one!" mabilis na sagot ni Lyca kahit na hindi siya ang kinakausap.

Nangunot ang nuo ni Khalid, "are you deaf?" diskumpyado niyang tanong sa lakaki. Mula nang pumasok ang mga ito sa loob, tatlong beses niya lang narinig ang boses nito na tila inipit pa.

Muling tumikhin si Gerlie, "no, sir, I have a passport but I don't know that we're going to other country." May pag-aalinlangan niyang turan sa malagom na boses. Iniisip niya ang kapatid na mapalayo na naman sa kanya kung sakali. Tumingin siya sa kaibigan, pinandilatan siya ng mga mata nito at tinanguan upang hindi na siya tumutol o tumanggi.

"You're not willing to come with us in Hong Kong?" Lalong nangunot ang nuo na tanong ni Khalid sa lalaki.

"I'm going with you, Sir, " agaw ni Gerlie sa maling naisip ng lalaki. Kailangan niyang magsakripisyo muli dahil wala siyang matinong trabaho dito sa Pinas.

"Pack your things and come back here tomorrow with complete papers so that my friend can book your ticket."

Kulang na lang ay buhatin ni Gerlie sa tuwa ang kaibigan nang makalabas na sila ng naturang building. Ngunit dagli ring napawi ang ngiti niya nang maalala ang malaking problema.

"Bakit?" Tanong ni Lyca nang mapansin ang pagbago ng aura ng mukha niya.

"Malalaman nila na babae ako, Besh!" naiiyak na sagot niya sa kaibigan.

Natampal ni Lyca ang sariling noo nang maalala kung anong gender ang nakalagay sa passport ng kaibigan. "Paano na ito, wala na tayong oras para magawan ito ng paraan." Lumaylay ang balikat ni Lyca.

"Wala talaga akong swerte sa trabaho," ani Gerlie na lupaypay na rin ang balikat.

Biglang tumunog ang mobile ni Lyca, inilagay niya ang hintuturo sa kanyang bibig bilang senyas kay Gerlie. "Shhh tumatawag si Sir Zoe."

"Nakalimutan ko pala ibilin sa iyo na kay Mark Philip mo dalhin ang passport at iba pang papeles ng kaibigan mo upang mai-book ng ticket at makuhanan ng visit visa."

Napatalon si Lyca dahil sa tuwa nang maibaba ang tawag. "Yes! Problem solve! Bakit ba hindi ko naisip iyon kanina?" tanong pa niya sa kanyang sarili.

"Naisip ang alin? Ano ba ang sinabi ng amo mo at masaya ka pa?" curious na tanong ni Gerlie sa kaibigan.

"Nakalimutan ko na si Sir Mark nga pala nag-aasikaso ng papel ko noon upang maisama ako sa Hong Kong. Walang power sila Sir Zoe sa bagay na iyan dito dahil dayo lang sila at bakasyunista." Mahabang paliwang niya sa kaibigan. "Kaibigan pa rin nila iyan, baka ibuko niya tayo." Nakanguso na ani Gerlie sa kaibigan.

"Ako ang bahala, basta galingan mo ang pagpanggap na hindi ka agad mabuko. Triple ang sasahurin mo keysa sa nangatulong ka noon sa abroad. Kahit dalawang buwan lang itagal mo sa kanila ay ok na at madagdagan agad ang ipon mo para sa pag-aaral ni Chim."

"Thank you, Besh! Maasahan ka talaga sa oras ng kagipitan." Naluluha na aniya sa kaibigan. Halos kapatid na rin ang turingan nilang dalawa. Best friend niya ito since high school at umaalalay sa kanya minsan lalo na noong nasa ibang bansa siya, sa mga ito tumira ang kanyang kapatid.

"Huwag mo na alalahanin si Chim, malaki na siya at hindi alagain. Doon na muna ulit siya sa bahay at dito na pumasok ngayong pasukan."

Thank you talaga, Besh!" pasasalamat niya muli dito habang kayakap.

"Ano ka ba, para kang others eh! Basta kapag nakapag-asawa ka ng mayaman, huwag mo akong kalimutan na kuning alalay."

Natawa si Gerlie sa biro ng kaibigan, "sa dami ng gusto mong ialok ko sa iyo kung sakali, alalay pa talaga?"

Natawa na rin si Lyca sa tinatakbo ng kanilang pag-uusap. "Tara na at kailangan kong makausap si Sir Mark." Hinatak niya ito sa kamay at pumara ng taxi.

Kasama pa rin siya na humarap sa nangangalang, Mark. Ang pogi rin nito at mabait kahit mukhang suplado ang mukha.

"Akala ko ba ay lalaki ang maging tutor nila?" Nakakunot ang noo ni Mark habang tinitignan ang hawak na passport at ibalik ang tingin sa kasama ni Lyca.

"Sir, baka po magawan niyo ng paraan?" Pakiusap ni Lyca sa lalaki. Pinalungkot pa niya ang mukha habang nagkukuwento kung gaano kakailangan ng kaibigan ang trabaho.

Napatango na tinitigan ni Mark ang mukhang lalaki na kaharap matapos magpaliwanag ni Lyca. "Siguraduhin niyo lang na hindi agad siya mabuko para masulit itong ginagawa ninyo. Kilala ko ang kaibigan kong iyon, ayaw niya sa lahat at nililinlang siya. Once na malaman niya na babae ka talaga, asahan mo na itatapon ka niya agad pabalik dito sa pinas.

"Ok lang na itapon pabalik dito, sir, huwag lang sa kulongan." Sabat ni Gerlie,

Nagtatalon sa tuwa si Lyca at nagpasalamat sa lalaki. Lalo its ng bumait nang makapangsawa kaya hindi na siya nag alinlangang ilapit dito ang problema.

"Hindi po ba maapiktuhan ang pagkakaibigan ninyo kung sakali, Sir?" nahihiyang tanong ni Gerlie, ayaw niya sa lahat ay ang makasira ng relasyon kahit pagkakaibigan.

"Huwag mo na alalahanin ang bagay na iyan," nakakaunawa na tugon nito sa dalaga. "Goodluck sa iyo, mabuti na rin iyang alam niya ay lalaki ka. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ninyo kung gaano kahilig sa babae ang kaibigan ko?" "Tandaan ko po iyan, sir, maraming salamat ulit!" Bahagya pang yumukod si Gerlie sa harap ng lalaki habang pinagsiklop ang dalawang palad.

Pagdating ng bahay ay nagtatalon si Chim sa tuwa nang sinabi niya ang magandang balita. "Sa wakas, makapag-asawa ka na rin ate!"

Bintukan ni Gerlie ang kapatid, " gaga trabaho ang sinabi ko hindi boyfriend!"

"Doon din ang punta niyan, ate, sa una ay trabaho. Natanggap ka dahil nagandahan sa iyo, sunod niyan ay magustohan ka na tap-aray!" Hindi na niya natapos ang iba pang sasabihin nang batukan siya muli ng kapatid.

"Sa sobrang advance ng isip mo ay single pa rin ako hanggang ngayon!" sikmat niya sa kapatid.

"Kasalanan ko kung bakit hindi ka pa nakatikim ng lalaki hanggang ngayon? Kandahaba ang nguso na salungat nito sa kapatid.

"Para sa kaalaman mo, lalaki ang pakilala ko sa kanila dahil iyon ang kailangan para matanggap." Pinandilatan niya ng mga mata ang makulit na kapatid.

"Ay! Sayang naman, malahian sana ng pogi ang dugo natin. Pakilala mo na lang sa akin, Ate!"

"Gusto mo talagang masaktan?"

Napatakbo si Chim palayo sa kapatid nang makitang hinuhubad na ang suot nitong slipper.

Napailing na lamang si Gerlie nang wala na sa harapan ang makulit na kapatid. Pero tiyak na mamimis na namam niya ang kakulitan nito kapag nakaalis na siya.

Kinabukasan ay maaga na namang naghakot ang magkapatid ng kanilang gamit. Lilipat si Chim sa bahay nila Lyca at si gerlie naman ay doon na titira sa condo ng maging amo hanggang sa araw ng kanilang flight. Namili na rin siya ng mga personal needs niya na pang dalawahang buwan. Itinabi sa loob ng bag na hindi basta makikita.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report