Langit Sa Piling Mo (SPG) -
Chapter 50: Silly
"GRABE ang pogi nila, panira lang sa view ang baklang kasama!"
Nakasimangot na nilingon ni Gerlie ang isang grupo ng kababaihan na nadaanan nila habang naglalakd sila sa loob ng Mall of Asia. "Pakilakasan po at hindi ko naririnig!" singhal niya sa babaeng nakatikwas pa ang kilay. "What's wrong?" Kunot ang noo na tanong ni Khalid sa baklang kasama.
"Those girls are so mean!" parang bata na sumbong ni Gerlie at nakatikwas ang daliri na itinuro ang babaeng nang-aakit kung makatingin sa mga hunks na kasama niya.
Naudlot ang paglapit sana ng babae na gustong magpakilala nang marinig ang sinabi ng inakalang bakla.
"She said you look a like goat because of that beard on your face."
"Hoy bakla, wala akong sinasabing ganyan ha!" halos bumuga ng apoy dahil sa galit ang babae kay Gerlie.
"Nonsense, let's go!" Nagpatinuna na ng lakad si Khalid, ni hindi tinapunan ng tingin ang babaeng nagpapa-cute sa kanya.
"Bleee!" Inilabas ni Gerlie ang dila upang asarin ang babae bago patakbong sumunod sa tatlong binata.
"B*tch kang bakla ka!" Pahabol na sigaw ng babae sa inis na nararamdaman kasabay ng pagpadyak ng isang paa.
Tumawa lang si Gerlie at itinaas ang middle finger at hindi na nag-abalang linguin ang babae.
"Stop acting like a child." Saway ni Khalid sa bakla, nakita niya ang ginawa nito at alam niyang iba ang meaning na sinabi nito sa kanya na sinabi ng babae kanina.
Nakangisi na nilingon ni Troy ang bakla at kandahaba na ang nguso nito ngayon at hindi na muli nagsalita. Para itong batang napagalitan ng tatay.
"George, try this." Tawag ni Xander sa bakla at hawak niya ang maiksing maong short na pambabae. Naisip niya na bagay ito sa bakla, kahit na hindi pa niya nakita ang binti nito ay alam niyang makinis ang morenang balat ng huli.
"He's a man, not a woman." Kontra agad ni Khalid nang makita ang hawak ng kaibigan. Naroon sila upang mag-shopping bago umuwi ng Hong Kong kinabukasan.
"C'mon, dude, let him wear based on his lifestyle." Inabot ni Xander ang damit na napili para sa bakla.
"He alread have a lot of things on his traveling bag, we can buy for him in Hong Kong if he really want." Kontra pa rin niya sa nais ng kaibigan. Hindi sa nagkukuripot siya, pero ayaw niyang ilantad ng bakla ang hita nito sa harap niya lalo na sa mga kaibigan. Sa nakikita niyang hugis ng binti nito sa suot na fited jeans, alam niya na daig pa nito ang binti ng tunay na babae. Mukha na itong bakla ulit ngayon dahil sa kapal ng pintura sa mukha.
Hindi pinansin ni Gerlie ang pagkontra ng kanyang amo. Mabilis na kinuha ang inaabot sa kaniya ni Xander. Walang paalam na pumasok sa fitting room upang isukat ang short at hanging blouse na katirno ng short.
"Aray!" Nagulantang niyang reklamo nang batuhin siya ng babaeng naabutan niya sa loob ng fitting room.
"Bastos!" Muli siyang binato ng babae ng hanger.
"Hoy, nakakasakit ka na ha!" Babatuhin niya rin sana ito ng hawak niya ngunit nagdalawang isip siya na baka madumihan ang damit.
"Labas, bastos kang, Bakla ka!" Todo kipkip ito ng hawak na damit sa dibdib nito upang itago sa kanya iyon, dahil tanging bra lang ang suot pang-itaas.
Mumurahin pa sana niya ang babae ngunit pumulot muli ito ng hanger. Patakbo siyang lumabas at kamuntik na siya mabangga sa assistant sales lady na nagmamadali ring papasok sa loob. Marahil ay narinig nito ang kumosyon sa loob. "Hindi ka ba marunong magbasa?" Mataray na tanong sa kanya ng sales lady habang itinuturo sa kanya ang nakasulat sa pintuan, 'Female'.
Pigil ni Gerlie ang sarili na sapakin ang kaharap. Nawala sa isip niya na isa nga pala siyang bakla ngayon.
"Nagkukunwari lang yata na bakla iyan at paraparaan, gusto lang manilip ng manyak na iyan!" galit na wika ng babae na ngayon ay nakabihis na.
"Aba, magdahan-dahan kayo sa pambibintang mga, Ateng! Galit na rin siya at pinameywangan ang dalawang babae.
Nagkapalitan ng tingin ang customer na babae at ang sales lady bago tinasan ng kilay ang inaakalang bakla.
"Heler, hindi ba pwedeng nakalimutan ko na lalaki pala ako? At saka hindi nakakamanyak ang figure mo!" mataray na baling ni Gerlie sa babae. "Mas malaki pa ang boobs ko keysa iyo." Iniliyad niya ang dibdib na flat kung tignan dahil inipit niya muli iyon.
Magsasalita sana ang babae ngunit nagulat ito nang bumaling naman ang huli sa sales lady.
"At ikaw," duro ni Gerlie sa sales lady, "hindi ka ba na orient kung paano makipag-usap ng maayos sa inyong custumer?"
Hindi agad nakapagsalita ang sales lady sa paninita sa kanya ng bakla. Pero hindi siya humingi ng paumanhin dito dahil nakikitang kakampi niya ang babaeng nabastos.
Lumapit ang security guard sa umpukan ng tatlo nang mapansin ang pagtatalo ng mga ito."May problema po ba dito?"
"Mambubuso po ang baklang iyan, Manong Guard!" Dinuro pa ng babae si Gerlie.
"Mukhang hindi naman talaga siya bibili ng damit. Ang mahal kaya ng damit na hawak niya." Sarkastiko na segunda ng sales lady, gustong makaganti sa pagkapahiya sa sinabi ng bakla dito kanina.
"Kung gusto mo pong magreklamo sa kabastusang ginawa niya, ma'am, ay maari ko po kayong dalhin na dalawa sa opisina ng manager." Pahayag ng guard na masama na rin ang tingin sa salarin.
"Hoy grabe kayo ha, kayo ang irereklamo ko!" Turo ni Gerlie sa dalawang babae habang hinahanap ang tatlong lalaki na kasama niya. Nagpaiwan ang mga ito kanina sa labas ngunit biglang mga nawala. Dehado siya kung sakali at lalo lang mapatunayan ng sales lady na wala nga siyang pambili ng damit.
"Huwag ka nang gumawa ng eskandalo dito na bakla ka, sumama ka sa akin!" Mahigpit siyang hinawakan ng guard ng naturang shop at pakaladkad na isinama. Nakaramdam siya ng hiya lalo na at halos natawag na nila ang pansin ng karamihan na naroon.
"What the hell you are doing with him?" Galit na humarang si Xander sa daraanan nang makita ang nangyayari.
Daig pa ni Gerlie ang nabunuta ng tinik sa dibdib nang makita ang isa sa kasama. Kung hindi agad ito dumating ay baka umiyak na siya dahil sa panghihiya na ginagawa sa kaniya ng tatlo.
"He is with you, Sir?" may pag-alinlangan na tanong ng guard sa dayuhan na mukhang mayamang negosyante.
"Yes, and get off your hands on him!" Maawturidad na utos ni xander sa guard.
Mabilis na pinakawalan ng guard ang brasong hawak at halata sa mukha ang kaba.
"What happened?" Nangungunot ang noo na tanong ni Khalid sa naroon nang makalapit. Bakas sa mukha ng kaibigan ang galit at ang bakla niyang tutor ay hinihimas ang braso na hawak kanina ng lalaking naka uniporme. "They accused me as maniac and can't afford to buy this things." Sumbong ni Gerlie sa kasamang mga hunks. Agad siyang dumikit kay Troy at nagpapakampi.
Biglang nagkulay kamatis ang mukha ng sales lady sa kaalamang hindi pobre ang ininsultong bakla. Namula iyon dahil nahihiya nang matuon dito ang tingin ng mga poging dayuhan. Ang babae naman na minanyak umano ay nagmamadaling umalis dahil mukhang natakot na matanong pa.
Agad na pumagitna ang manager at humingi ng depensa sa mga dayuhan lalo na kay Gerlie. Nangako ito na bibigyan ng leksyon ang guard at sales lady na nagtrato dito ng hindi maganda.
"Next time, be careful and you had to read first the sign on the door before you enter. You are a man not a woman." May pagkasungit na turan ni Khalid nang nasa sasakyan na sila.
"Opo!" Mahina niyang sagot habang nakayuko.
"What?" mataas pa rin ang timbre na tanong ni Khalid.
"I said yes, Sir! 'Opo' is a good manner as an answer like a yes."
Walang salitang ibinalik ni Khalid sa unahan ng sasakyan ang tingin. Narinig na niya ang salitang iyon na ginagamit ng asawa ni Zoe minsan lalo na kapag naglalambingan ang mga ito. Lihim siyang napangiti pero dagli ring iwinaksi ang kahangalang naisip. "He's a gay!" sikmat niya sa kanyang sariling isip.
Hindi na nagtanong pa si Gerlie nang mag-iba sila ng daan na tinahak. Ang dalawa nitong kaibigan na magkasama sa iisang sasakyan ay dumiritso na ng uwi. Samantalang sila ay hindi pa. Narinig niya kanina na mag-aaliw umano ito upang sulitin ang bakasyon sa kanilang bansa.
Humimpil ang kanilang sasakyan sa harap ng isang kilalang clubhouse sa makati. "Ayos na intsek ito ah, alam na alam na ang mga ganitong lugar dito sa Pinas!" anang isip ng dalaga habang nakasunod sa binata. Ngayon lang siya nakapasok sa ganitong lugar. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib nang maulinigan ang malakas na tugtog ng musika sa loob. Marami ng tao sa loob at kanya-kanyang pwesto sa lamesa. Karamihan ay nakatayo at sumasabay sa indak ng musika habang umiinum ng alak. Siksikan na rin sa dance floor at maharot na sumasayaw, babae man o lalaki.
"Sit here!" Malakas na wika ni Khalid sa kasama upang magkarinigan sila. Pinaupo niya ito sa sa isang bakanteng lamesa na pabilog at pandalawahan lamang. Umorder muna siya ng mainum at pulotan para sa kanilang dalawa. Mabilis na nilantakan ni Gerlie ang pulutan dahil kanina pa siya ginutom kakalakad. Marunong siya uminum dahil minsan nagkakayayan din sila ng mga kaibigan.
"Are you hungry?" Bakas sa mukha ng binata ang gulat nang mabilis na maubos ng bakla ang isang plato nilang pulutan. Ang balak niya ay maghahanap ng babaeng maikama ngayong gabi. Isinama niya ito upang maging translator niya kung sakali na hindi sila magkaintindihan ng babaeng mai-table.
Tinikman muna ni Gerlie ang kulay pulang likidong alak na nasa kanyang harapan bago tumango sa lalaki. "Aba, masarap ito ah!" Naibulalas niya bago straight na tinungga iyon.
"Hey, that is not a water!" Inagaw ni Khalid ang hawak na kopita ng bakla nang sunod-sunod itong inubo dahil nasamid.
"I thought it was a juice," ani ni Gerlie habang inuubo, ramdam niyang namula ang kaniyang pisngi dahil sa ubo at init na hatid ng alak. Tila nanikip ang kanyang dibdib dahil pakiramdam niya ay bumara ang alak sa kanyang lalamunan. "Silly!" Napapailing na kumento ng binata. Tinawag niya ang bartender upang dalhan sila ng tubig. Inilayo niya ang kanyang kopita na white wine ang laman at baka mapagkamalan naman nito na tubig iyon.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report