Langit Sa Piling Mo (SPG) -
Chapter 6: Bagong kaibigan
WEARING a short-sleeved blouse with collar and skirt above the knee. Pinatungan niya ang suot ng kulay asul na denim jacket. Nilugay din ang lampas balikat na buhok na medyo curly.
"Marie, is that you?" kausap niya sa sarili sa harap ng salamin. Napangiti siya sa kanyang hitsura, ibang-iba sa Joy na laging maluwag ang suot at old fashion pa. Sinuot muli ang salamin ngunit hindi na ganoon makapal. Hindi na siya mapagkamalan na siya si Divine Joy kung makita siya ng mga kasama sa trabaho.
Nagkaroon ng kaunting confident sa sarili si Joy matapos maayos ang sarili. Itinatak sa isipan na siya ngayon si Devine Marie na siyang haharap sa ibang tao.
Wala siyang kilala sa mga naroon kung kaya tahimik lamang siya na tumayo sa isang tabi. Samantalang ang iba ay nagkakamustahan at pakilala sa bawat isa na naroon.
"Which company you are belong, Miss? tanong ng isang matangkad at guwapong lalaki kay Joy.
"Villamor Manufacture Company, Sir." Magalang na sagot ng dalaga dito.
"Are you his "
"His secretary, Sir," hindi na niya pinatapos sa pagsalita ang kaharap.
"Ang swerte talaga ng lalaking iyon!" bulong nito sa sarili at may paghangang tumingin sa dalaga. "By the way, my name is Mark Philip Alfares." Pakilala nito at inilahad ang palad sa harap ng dalaga. "Divine Joy Ortega," sagot nito at nakipag shake hand sa lalaki.
"It's suit to your beautiful and angelic face!"
Nagulat si Joy nang iangat ng lalaki ang kamay niya at hinagkan nito ang likod ng kanyang palad.
"Ahm, Sir, my hand po!" Nahihiyang binabawi ang kamay mula sa pagkahawak ng binata. Ang ilang kababaihan na naroon ay nakataas ang kilay na nakatingin sa kanilang kinatatayuan.
"Don't mind them and just call me Mark or philip." Nakangiti na ani ni Philip at hindi magawang ihiwalay ang tingin sa mukha ng dalaga.
Tumango na lamang si Joy, hindi na humiwalay ang lalaki sa kanya kahit sa pag-upo nang mag-umpisa na ang meeting. Napag-alaman niya na isa ring magaling na negosyante si Mark at mahigpit na katunggali ng amo sa larangan ng negosyo. Magkaganoon pa man ay tinutulongan siya nito sa dapat gawin dahil sinabi niya na first timer lamang siya sa ganoong event.
Hayagan ang pagpapakita nito ng pagkagusto sa kanya at pilit pa siyang hinatid pauwi.
"HANGA na talaga ako sa iyo!"
Hindi alam ni Yosef kung papuri ba o nang-iinsulto si Mark nang tumawag ito sa kanya sa telepono kinagabihan. Hindi pa niya alam kung ano ang nangyari sa meeting na dinaluhan ng secretary kanina. Alam niya na puro yabangan lang naman at pataasan ng ihi sa ganoong pagpupulong kung kaya hindi na siya nag-abalang mag-aksaya ng oras doon.
"Ano ang kailangan mo?" nasa tinig ni Yosef na hindi siya interesado sa sasabihin ng kausap. Pinsan niya ito at laging nakikipag paligsahan sa kanya sa larangan ng negosyo. Ganoon pa man ay maayos ang pakikitungo sa isa't isa kapag nag
usap.
"Magaling ka sa negosyo, pati sa pagpili ng secretary daig mo ako."
"Type mo ang secretary ko?" Tumatawa na tanong nito sa kausap.
"Huwag mong sabihin na hindi siya kabilang sa mga babae mo?" Bakas sa boses ni Mark na natutuwa ito sa nalaman.
"C'mon Mark, kailan pa ako nagka-interest sa isang manang?" Sarkastikong balik tanong nito sa pinsan.
Rinig niya na tumawa ng malakas ang nasa kabilang linya. "What's funny?" Naka kunot ang noo na tanong niya kay Mark.
Tumigil naman si Mark sa pagtawa at nagseryoso. "Thank you at tinamad ka um-atend sa event kanina, asahan mo ang pagdalaw ko sa iyong office sa susunod na mga araw."
Napaisip si Yosef kung bakit umakto nang ganoon ang pinsan. At kung bakit naisip nito na pumasyal sa kanyang opisina ng walang dahilan.
Kinabukasan ay dumating nga ang pinsan. Wala ang kanyang secretary dahil may pinakuha siyang papel sa next floor ng building. "Anong masamang hangin ang nagtulak sa iyo dito?" pabiro na bati nito kay Mark.
"Nasaan si Divine Joy?" Palinga-linga na tanong ni Mark. Hinahanap ng kanyang mga mata ang simple pero magandang secretary ni Yosef.
"Hindi ko alam na nagbago na pala ang taste mo sa babae." Pigil ni Yosef ang tumawa dahil malinaw na sa kaniya ngayon na ang kaniyang secretary ang pakay nito.
Sasagot pa sana si Mark nang biglang may pumasok sa office ng pinsan.
"Sorry, hindi ko alam na may bisita ka, Sir." Hinging paumanhin ni Joy, hindi niya pa namukhaan ang bisita nito dahil nakatalikod.
Nakilala ni Mark ang boses ng dalaga kung kaya nakangiti na nilingon ito.
Natawa si Yosef sa pinsan nang unti-unting nabura ang ngiti sa labi nito nang makita ang kanyang secretary.
"Andito na pala ang binibisita mo," nakakaloko ang ngiti ni Yosef na nakatingin sa pinsan.
"Ikaw pala Mark," ngumiti si Divine sa binata.
Para namang namalikmata si Yosef nang ngumiti ang dalaga. Ngayon lang niya ito nakita na ngumiti ng ganoon at sa pinsan pa niya.
Bahagyang naipilig ni Mark ang ulo dahil halos hindi niya nakilala si Divine. Ibang-iba ang ayos nito ngayon maging ang suot na salamin sa mata. Kung hindi lang sa boses nito ay baka masabi niyang ibang tao ang nasa kanyang harapan ngayon.
Naengkanto ka na yata Mark?" hindi na nabura ang nakakalokong ngiti sa labi ni Yosef.
"Mukhang ako ang mas maswerte na nakilala siya kahapon." Hindi inaalis ang tingin sa dalaga at gumanti siya ng ngiiti sa dalaga nang mahimasmasan.
"May kailangan ka ba sa akin?" Nakaramdam ng pagkailang si Joy sa titig na ipinukol sa kanya ng binata. Para bang hinuhubaran siya kung makatingin ito.
"Gusto ko ang ayos mo ngayon," sa halip na wika ni Mark. "Hindi nga ako nagkamali na isa kang matalino. Alam mo kung ano ang nakakabuti at nababagay na ayos sa sarili mo ayon sa taong nakakasalamuha mo." Humahanga naman ngayon na pinuri ang dalaga.
"Hindi ko alam kung ano ang nakikita mo na hindi ko nakikita Mark. Ang weird mo, kung iyan lang ang sadya mo dito ay ituloy mo na lang sa bahay niya dahil marami pa kaming trabaho na tatapusin." Palatak na ani Yosef dito at pasimpleng tinaboy ang pinsan.
"Yayain sana kitang kumain sa labas mamaya Joy, ok lang ba? tanong ni Mark sa dalaga at hindi pinansin ang aroganteng pinsan.
"Hindi ko alam," wala sa loob na sagot nito. First time na may nag-aya sa kanya nang ganoon at lalaki pa. Gusto niyang tanggihan ngunit ayaw niya itong mapahiya.
"Sunduin kita mamaya at five o'clock," ani Mark na nakangiti sa dalaga.
"Hindi siya maari mamaya dahil may paglalamayan kaming papers sa araw na ito at baka ma late na ang kanyang uwi." Singit ni Yosef sa usapan ng dalawa.
"Hindi mo naman siya binabakuran sa lagay na iyan?" mapanuksong tanong ni Mark sa pinsan
"Of course not! Why should I?" defensive na tanggi ng huli kung kaya natawa si Mark.
Si Joy ay werdong nakatingin lamang sa dalawang binata. Mukhang siya pa ang nakatuwaan ng dalawa ngayon.
"Sa ibang araw na lang kung ganoon," kay Divine ito nakatingin. "Huwag kang magsuot at mag-ayos nang katulad kahapon kapag itong amo mo ang nakakasama mo para ligtas ka palagi." Kumindat pa ito sa dalaga bago nagpaalam upang umalis na.
"Ano ang suot mo kahapon?" nilamon ng kuryosidad ang isip ni Yosef dahil sa inasal ng pinsan sa harap ng kanyang secretary.
"Damit." Maiksing sagot ng dalaga at nilapag ang dalang maraming papel sa lamesa. Ngayon niya lang naramdaman ang pangangalay ng braso dahil sa hindi agad nailapag sa lamesa ang dala.
"I know it's a dress, where is your commonsense?" iritadong tugon ng binata sa dalaga.
"Hindi ko alam kung ano ang tawag sa kasuotan na iyon." Hindi na niya pinatulan ang ka arogantihan ng lalaki na mukhang may sumpong na naman.
Sinundan ng tingin ni Yosef ito nang tumalikod at lumabas ng pinto. Iniisip kung ano ang nakita ng pinsan dito at napahanga sa huli. Biglang naisip si Blue nang mapansin ang kulay ng sapatos ng secretary. Ngayon niya lang napansin na hindi nawawalan ng ganoong kulay sa bawat kasuotan ng dalaga.
"Crazy thoughts!" napailing sa sarili na naisatinig ng binata. Upang hindi na ma-distract ang isip ay hindi na muli kinausap ang secretary hanggang mag-uwian. Tulad nang nakagawian ay sa maliit na bintana nito pinadadaan ang kailangan mula sa dalaga maging ang kape.
Balisa nang gabing iyon si Joy at biglang naisip ang kapatid kung kaya kanyang tinawagan. Nadismaya siya nang ang kinikilalang ina nito ang nakasagot at tulog na umano ang kapatid. "Ok lang po ba siya diyan, Tita?" tanong niya sa ginang.
"May trangkaso siya, Hijaa, baka bukas ay ok na rin siya." Pinasigla ni Lydia ang boses upang hindi makahalata ang kausap.
"Sigo po, pakisabi na lang na tawagan ako pagkagising niya. Salamat nang marami po sa pag-aalaga at pagturing na tunay na anak sa kambal ko!" May ngiti sa labi na wika ni Joy sa ginang. "Kami ang dapat magpasalamat, Hija dahil dumating kayong magkapatid sa buhay namin. Hindi ka man namin naampon ay parang anak na rin ang turing namin sa iyo!"
Napaluha si Joy sa tinuran ng ginang. Ang swerte ng kapatid dahil napunta ito sa mabuting kamay at napalaki ng masaya at maginhawa ang buhay.
Sa kabilang banda ay tahimik na umiiyak si Lydia na pinapanuod ang anak anakan sa pagtulog. Kakainum lang nito ng gamot pampaampat sa sakit ng ulo nang mamilipit ito sa sakit nito kanina. Nauubos na ang pera nila pampa-hospital sa anak at sa mamahaling gamot nito.
"Kailangan na siguro natin lumapit sa mapagkawang gawa na mga kaibigan natin, Hon."
Napalingon si Lydia sa asawa na nagsalita. Hindi niya namalayan na naroon na ito upang dalawin silang dalawa. Maging ito ay malungkot at nasasaktan sa sinapit ng kanilang ampon.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report