Melancholic Wife
k a b a n a t a 24

Farris' POV

Dalawang araw na akong hindi nirereplyan ni Albana. Mas lalo ko tuloy namiss si Jenissa. Akala ko nang dumating si Albana ay maiibsan na ang lungkot sa puso ko pero hindi pala. Pagkakamali ko naman ang dahilan bakit ako ginoghost ni Albana ngayon. Baka nagpalit na rin iyon ng simcard. This is all my fault!

Naligaw ang aking titig sa malapad na screen ng TV nang biglang lumabas dito ang mukha ng lalaking humarang sa akin noong araw na namatay si Daddy.

"Akala talaga namin ay hindi ka na muling babalik pa, Mister Morris. Good to know that you are running for the position of congressman," sabi ng isang reporter.

Napatayo ako sa gulat nang makita sa malapitan ang mukha ng lalaki. Bahagya kasing nilapit ang camera sa kaniyang mukha.

"Damn it!" May kung anong umudyok sa mga paa ko upang lumapit sa TV.

"Why not, hindi ba? Masyado akong nasaktan noong nawala sa akin ang anak ko. Now that I am slowly getting better, I will make sure to win this position. Kitang-kita naman siguro ng lahat kung gaano ka-successful ang aking mga negosyo. Kahit na nawala ako ng isang taon ay patuloy lamang sa pagtaas ang sales ng kompanya ko. Ganoon ako magtrabaho, hindi maingay, hindi isinasapubliko ang galaw," aniya.

"It can't be," nababahala kong bulong sa sarili.

Siya ang lalaking lumabas sa media noon na sinubukang sabihin ang nakita niya. Kinabahan ako sa marahang paglitaw ng mga pala-isipan sa aking isip. The person who tried to destroy me before is the same with the person who said he will run to defeat me. Siya nga ang lalaking iyon! Sinabi rin mahal niya si Jenissa. And I hate it so much, alam ko kasi na may tyansa pa na mahalin siya ni Jenissa kumpara sa akin.

"Ano naman ang masasabi mo sa mga katunggali mo sa pagtakbo bilang congressman, Mister Morris?"

Napahawak ako sa stand ng TV. Kumunot ang noo ko at naningkit ang aking mga mata nang nadama ko paano siya tumitig sa akin.

"Ako, wala akong tinatagong sikreto. Alam ng mga tao ang nangyari sa personal kong buhay. But then, people still owns the decision who they will vote. Kung sino ang may magandang hangarin ay siya ang mananalo," sabi niya na ikinatuwa ng mga reporter at iilang mga taong nandoon.

"Isang katanungan na lamang po, Mister Morris. Kilala mo ba ang ilan sa mga katunggali mo?"

Umatras ako nang ngumiti ang Mister Morris na ito patingin sa akin. Kahit na nasa loob siya ng TV ay alam kong ako ang puntirya ng mga titig niyang puno ng pagbabanta.

"Oo naman. Pero isa lang sa kanila ang kilalang-kilala ko," tugon niya.

Uminit ang aking pisngi habang ang puso ko ay patuloy paring nakikipag-karerahan sa sarili nitong tibok.

"Sino ang tinutukoy mo, Mister Morris?"

"Maaari mo bang banggitin ang pangalan niya?"

"Kaibigan mo ba ang taong ito o kaaway?"

Nagka-gulo ang mga reporter dahil kay Mister Morris. Lahat sila ay gustong makakuha ng kasagutan mula sa punyetang lalaking ito. Humanda talaga siya sa akin kapag sisiraan niya ako sa mga tao.

Hindi puwedeng masira ang pangalan ko. Hindi ako puwedeng matalo sa labang ito. Maraming naka-taya sa labang ito. Marami ang mapapahamak kapag matatalo ako.

Nasa bingit ng bankruptcy ang kompanya ko. Katatapos ko lang bumigay ng Tig-Quarenta Milyones kay Maitha at Shiva dahil muli na naman silang bumalik upang e-blockmail ako.

"I just want to greet my friend Farris Bennett."

Nanigas ang mga panga ko dahil sa wika ng lalaking nasa loob ng TV. Mas lumakas ang ingay ng mga reporter na gustong halungkatin kung ano ang sinasabi ni Mister Morris. Papatayin ko na sana ang TV subalit pinigilan ako ng kaniyang sabi.

"Farris, kumusta ka na? Noong huli nating pagkikita ay halos hindi mo na ako makilala," aniya at bigla na lang siyang tumawa. "Farris is really a good friend. He is kind and true. Everyone would be wishing to be his friend," aniya. Kulang na lang ay suntukin ko ang screen ng TV.

"Farris, this is me, your old friend," sabi niya.

I turned the TV off. Hinablot ko ang vase sa tabi ng TV at agad ko itong hinagis sa sahig. Lumakad ako at puwersa akong umupo sa sofa. Napahilamos ako at tumingala ako sa kisami. Damn it! Hindi ito puwede. He can't win over me.

Tumunog ang telepono sa ibabaw ng lamesa. Bumutil ang mga pawis sa aking noo. Malamig naman sa loob dahil sa AC pero nag-iinit ang pakiramdam ko at bigla akong pinawisan dahil sa galit.

Humakbang ako papalapit sa lamesa. Yumuko ako at agad na inabot ang telepono.

Nanginginig kong nilapit sa aking tainga ang telepono.

"Kumusta ka na?" Tumawa pa siya matapos na magsalita.

Lumuha ako dahil sa galit. Hindi ko mapigilan ang sarili dahil sa inis ko. Palagi na lang akong inaalipin ng taong ito.

"Masaya ka ba!? Masaya ka ba na nilalagay mo ako sa sitwasyong kay gulo!?" galit na galit kong tanong sa kaniya.

Imbes na sumagot ay tumawa lang siya. Para sa kaniya, tagumpay niya ang nakita akong nahihirapan. Para sa kaniya ang mga galaw ko ay dapat nakabase sa gusto niya. I have to become evil because he wants me to live that way. "Kalma, huwag ka namang masyadong emosyonal."

"Wala na si Daddy! Hanggang kailan mo ako gagawing alipin ng anino mo? Lumitaw ka na lang kasi at gawin ang gusto mo! Humarap ka na lang sa mga tao dahil pagod na akong maging sunudsunuran mo!" sigaw ko. "Napapagod na akong mamuhay na nakadepende sa kung ano ang gusto mo!"

Hindi maitanggi sa boses ko kung paano ko kinasusuklaman ang kausap ko. He is making me suffer in this hell.

"Kumusta ang pangangampanya natin?" Iniba niya ang usapan. "Siguraduhin mo na mananalo ka. Kung hindi ay isisiwalat ko sa buong mundo na wala kang kuwentang tao dahil hinayaan mong mamatay ang asawa mo." I heard him made a sigh. "Ayaw mo nga na ako ang papatay sa kaniya pero hinayaan mo naman si Jackielou na siya ang pumatay rito."

My mind traveled back in the moments I tortured Jenissa. Walang gabi na hindi ako umiiyak dahil sa ginagawa kong pananakit sa kaniya. Palagi ko na lang siyang sinasaktan at pinahihirapan. Nabulag ako sa pinaniniwalaan kong katotohanan na hindi ako mamahalin ni Jenissa. Isa ito sa mga bagay na iniiyakan ko. When I heard that from Maitha, I really want to turn back the time. Yet, I know, it's too late.

Binalik rin ako ng mga wika niya sa gabing humihingi si Jenng tyansa na mabuhay siya. Ngumingiti ako noon na parang demonyo pero wasak na wasak ang puso ko habang pinagmamasdan ko siya.

I am so weak. Hindi ko man lang nailigtas ang babaeng mahal ko sa bingit ng kamatayan. I even command Aki to end her life. But God knows why I did it.

"Manahimik ka na! Ikaw ang may gusto nito, hindi ba? Hindi ako ang nag-file ng candidacy and it was you! Napakahayop mo talaga. Kahit kailan ay kinasusuklaman kita!" sigaw ko.

He presented to be me at nagpasama pa siya kay Aki upang mag-file ng candidacy.

"Kung isusumbong mo sa mga tao ang ginawa kong iyon ay ipagkakalat ko na ikaw ang pasimuno ng lahat!" inis kong dagdag na wika.

"Come on, Farris, walang maniniwala sa iyo kapag ginawa mo iyon. They will call you crazy and lunatic. Ikaw pa rin ang makukulong at hindi ako. Remember, ikaw ay ako. This is my game and I know I am playing it well." Humalakhak pa siya. "Kaya kung ako sa iyo ay ayusin mo ang mga ginagawa mo, Farris. Hindi iyong pambabae ang inaatupag mo. What if I will send some of your pictures to Jackielou flirting with a woman?"

Sumingkit ang mga mata ko.

"Damn you," puno ng galit kong mura sa kaniya.

Tumunog ang aking smartphone kaya'y inabot ko ito. Binuksan ko ang mga mensaheng nagsunud-sunurang dumating.

Napakagat-labi ako sa aking nakita.

"How did you take it?"

Bigla akong nakaramdam ng tunok sa lalamunan ko. Nahihirapan ako sa paghinga at naiinis ako ng lubusan. I saw my pictures with Albana. Ito iyong nangyari noong ilang gabi na ang nakalipas. Naguguluhan ako kung bakit mayroon siyang kuha namin ni Albana.

"Sumagot ka! Paano ka nagkaroon ng mga litratong ito!? Kasabwat mo ba si Manong Guard!?" gigil kong sabi.

"Tanungin mo siya. Siya lang naman ang taong kasama mo riyan, hindi ba?"

Mabilis kong binaba ang telepono. Kumaripas ako nang takbo palabas ng bahay.

Tinungo ko ang guardhouse. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang guwardiya ko na nakasandal sa kaniyang silya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"F-Fuck," gulat kong sabi.

Nakatirik sa gitna ng dibdib ng aking guwardiya ang isang matulis na bagay. Umaagnas na ang balat ay nangangamoy na ang bangkay niya.

Muli akong nakatanggap ng mensahe mula sa kaniya.

I saw myself in the picture holding the knife. Base sa litrato ay masasabing ako rin ang sumaksak sa guwardiya.

Hindi ko kayang gawin ang bagay na ito. Hindi ako masamang tao. Hindi ko kayang pumatay ng tao.

Bumabagsak sa screen ng smartphone ko ang malulusog na butil ng luha na dulot ng galit ko. Kinopya niya ang aking anyo. Mula sa estilo ng buhok ko at maging ang paraan ng pananamit ko ay ganoon rin ang ginawa niya, ginaya niya ito. Akong-ako siya. Paano ba namang hindi?

Gumalaw ang aking hinlalaki at madali nitong tinawagan ang numero niya.

"Surprise!" bungad niya. "Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa iyo?" tanong niya pa.

Umatras ako ng ilang hakbang dahil sa amoy ng nabubulok na katawan ng guwardiya ko. "Hayop ka! Gusto mo bang ipapulis kita!?"

"Nagpapatawa ka ba? No one knows that I am existing, My Dear Brother. Ikaw lang at ako ang nakakaalam na may isa pa palang ikaw. Kaya kung iniisip mo na natatakot ako sa sinabi mong isusumbong mo ako sa mga pulis ay nagkakamali ka, Farris."

"Damn you, Jarris! Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?"

"Hindi. Hinding-hindi ako mapapagod na gawing impyerno ang buhay mo. Hindi ako mapapagod dahil kinuha mo ang mga bagay na para sa akin, Farris! Kaya, putangina lang kung hahayaan kitang magpakasasa sa yaman na akin naman dapat! Dahil sa iyo ay nawala sa akin ang buhay na inasam ko!" His voice is full of resentment. "Ikaw naman ang dapat na nasa sitwasyon ko, Farris. Ikaw dapat ang tinatago pero dahil sa ginawa mo ay ako ngayon ang nasa sitwasyong ito," aniya.

Buo pa sa isipan ko ang pangyayaring bumago ng pagkakapatid namin ni Jarris. Mahal namin ang isa't isa at hindi kami nag-aaway sa kahit na anong bagay. Subalit nagbago ang lahat nang nangyari ang aksidenteng iyon. Naglalaro kami noon sa loob ng bahay. Lingid sa kaalaman ko na pinaplano ni Daddy na ibigay kay Jarris ang lahat ng yaman ng pamilya namin.

Nasa lahi namin na bawal ang kambal. Kapag may kambal sa pamilya ay iisa lang ang dapat na magmamana ng yaman ng pamilya. Si Jarris ang pinili ni Daddy pero naaksidente siya.

Pinag-aagawan namin ang bola. Hindi namin namalayan na nasa dulo na pala kami ng hagdan. Tinapon ko sa kabilang kamay ko ang bola kaya naman ay dumiretso sa ere si Jarris. Gumulong siya mula sa taas hanggang sa pinakababa ng hagdan.

Pinaniwalaan ni Daddy na tumutol ang tadhana na ipamana kay Jarris ang lahat kaya naman ay napilitan siyang ibigay sa akin ang yaman ng pamilya namin. Malas daw ang nangyaring aksidente kay Jarris kaya ay kailangan niyang ipasa sa akin ang pagiging tagapag-mana ng yaman ng pamilya at lahi.

Si Jarris ang mas matalino sa aming dalawa. Sinubukan niyang gawin ang lahat upang malamangan ako pero hindi na ito pinansin pa ng Daddy namin. Hindi na nawarak pa ang desisyon ni Daddy na ipasa sa akin ang yaman namin. Nagkasundo kami ng kambal ko na hindi niya ako gagambalain sa isang kundisyon, mahirap ang pinagawa niya sa akin pero kailangan ko iyong gawin, kailangan ko talagang sumunod sa kaniya. Marami na ang napahamak dahil sinusubukan kong isawalang-bahala ang kagustuhan ni Jarris.

Hindi mawala sa isipan ko ang unang napahamak dahil sa pagsuway ko sa utos ni Jarris na ligawan si Aki.

"Who's that woman?" she asked interestingly.

Nakita niya kasi ang litraro na kasama ko si Aki. Base sa mga mata niya ay gusto niya ang babae. "She is my classmate," tugon ko.

"Ligawan mo. I want her. Make her yours, pero dapat ako ang makauna sa kaniya," sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil ayaw kong pumasok sa relasyon kasi bata pa ako. Isa pa ay mabigat ang obligasyong dala ko sa pamilya namin. Kailangan kong maging perpekto sa mata ng pamilya namin at sa ibang tao. "Gago ka ba? Alam mo naman na hindi ako mahilig sa ganiyan, Jarris. I don't want to do that. Sinusunod ko naman ang lahat ng gusto mo, hindi ba?" alma ko.

Lumapit siya sa akin at hinigit ako papunta sa salamin. Naningkit akong nakatitig sa mga hitsura namin.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Gagawin mo o hindi?" sabi niya at tinuwid ang leeg ko upang mas matitigan pa ang repleksiyon niyang puno ng pagbabanta.

Pumiglas ako dahil sa pagka-irita ko sa kaniya. Hinarap ko siya at marahang tinulak.

"Hindi. Hindi ko gusto ang tao."

Bigla niya akong kinuwelyo at diniin pa ako ng kaniyang kamay sa pader. Napahingal ako dahil sa ginawa niya.

"Talagang hindi mo susundin ang gusto ko, Farris?" He made a freaking smile before he let go of me. "I will teach you a lesson," sabi niya.

Kinuha niya ang alaga kong aso na mahimbing ang tulog sa ibabaw ng kama. Hinabol ko si Jarris nang dinala niya palabas si Darbi, ang aso ko.

"Sto--Fuck you, Jarris!"

Lumuluha akong tumingin sa ibaba kung saan niya hinulog ang aso ko. Kumaripas ako ng takbo pababa upang tingnan si Darbi pero huli na ang lahat. Wala na ang aso ko. He killed Darbi.

Bumalik ako sa taas at agad ko siyang tinulak. Nagsuntukan kami dahil sa ginawa niya. Narinig ni Daddy ang ingay namin kaya naman ay pumagitna siya sa amin ni Jarris.

Bigla na lang nagpatumba si Jarris at hinawakan niya ang parte ng katawan niya saan siya nagka-fracture noon.

"Daddy, h-help!"

Malakas akong tinulak ni Daddy kaya ay natilapon ako sa sahig. Tinulungan niya ang paborito niyang anak at hinayaan lang akong masaktan. Nabali ang kamay ko dahil sa pagkakatulak ni Daddy sa akin pero hindi niya ito inintintindi. Patuloy lang siya sa pag-tulong kay Jarris.

"You are a useless son of a whore, Farris!" sigaw ni Daddy.

"I didn't start this, Daddy! Siya ang nagsimula-"

Hinarang ko ang mga sipa ni Daddy. Napaluha ako habang tinitiis ang sakit ng kamay ko at sakit sa puso ko.

Hindi lang si Darbi ang pinatay ni Jarris. He even killed my personal maid.

Mabait si Yaya Rosita pero kaya siyang patayin ni Jarris dahil sa inggit. Nakita niya kasi minsan paano ako alagaan ni Yaya Rosita kaya niya pinatay ang yaya ko.

Tulad ng ginagawa niya, nagpanggap siyang ako. Sinaksak niya sa mga mata si Yaya Rosita at pinutol pa nito ang mga kamay ni Yaya.

Bumalik ang katinuan ko nang bumagsak sa sahig ng guardhouse ang katawan ng guwardiya.

"Ano na ang gagawin mo ngayon, Farris? Send ko na ba ito sa police station?"

"Tumigil ka na sa kasamaan mo, Jarris!" sigaw ko at agad na binulsa ang smartphone ko.

I found a shovel and I did start to dig. Saglit kong iniwan na nakatabon ang bangkay ng guwardiya.

Hindi ko na inisip ang mga duming kumakapit sa aking damit. All that I have in mind is to dig deeper and deeper.

"Hindi kita mapapatawad, Jarris!"

Kontrolado niya ang bawat galaw ko. Gusto kong maging ako pero hindi puwede dahil alam kong tutol na tulol siya. I want to become that good Farris who I was before. I want to be kind but I can't because he is watching me. Jarris is watching me.

Mabilis kong binalikan ang bangkay na iniwan ko. Hinila ko ito papunta sa hinukay ko. Nilibing ko ang katawan ng guwardiya. Tiniyak ko na malalim at hindi masisilip na may nakalibing dito.

Kasalukuyan akong naliligo nang biglang tumunog ang aking smartphone. Saglit kong pinatay ang shower at tinuyo ang aking kamay. Sinagot ko ang tawag at ni-loud speak ito.

"Mister Bennett, may problema ang BGC. Malaking pera ang nawala sa account ng kompanya. Nagkakagulo ang mga shareholders at inventors. You need to be hurry and they want an emergency meeting, right now."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report