Melancholic Wife -
k a b a n a t a 28
Albana's POV
Nagulat ako sa bagay na ginawa ni Farris. Nakita ko paano niya sinuntok si Rev na naging dahilan upang matilapon ang isa sa sahig.
Namuo ang mga tanong sa isipan ko. Bakit siya napunta rito? Sinundan niya ba ako?
"Monsieur! Stop this!" awat ko kay Farris.
Susugod sana si Rev pero pumagitna ako. Hingal na hingal ako dahil napagod ako sa ginawa namin ni Rev kanina at dumagdag itong pagpapagitna ko sa kanilang dalawa. "Don't you ever kiss her, Morris! She is mine!" sigaw ni Farris.
Insultong ngiti ang ginawad ni Rev. He wiped the blood in the side of his lips.
"Isn't it you killed someone who definitely looks like her? Baka kinakain ka lang ng konsensiya mo kasi nakikita mo sa kaniya si Jen!" Tinuro pa ni Rev si Farris. "Stop, Farris!" sigaw ko pero hindi siya nagpaawat.
He pushed Rev so hard. Natilapon muli si Rev sa sahig. Pinatungan siya ni Farris at sinuntok ng ilang beses.
"Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo, Morris! Wala lang alam! Hindi ko pinatay ang asawa ko," galit na galit niyang sabi.
Farris kept on calling Jenissa a wife now. Mas madalas niyang tawagin na asawa si Jenissa mula noong nawala na ito sa kaniya kumpara sa panahong kapiling niya pa ito. Yumuko ako at inagaw ang kanang kamay ni Farris.
"Monsieur! I said stop!"
Para akong umaawat ng mga torong baka. Ang hirap nilang awatin pareho. Kahit na nakapatong si Farris ay lumalaban pa sa suntukan si Rev. Tumayo ako at hinayaan ko na lang silang dalawa.
"Sige! Magpatayan kayo kung gusto niyo! Kill each other if that satisfies you!" I shouted on top of my lungs.
At saka lamang sila tumigil nang sumigaw na ako. Lumunok ako habang umaangat ang mga balikat ko dahil sa paghingal.
Tumayo silang dalawa. Naglaban ang kanilang mga mata. Halos hindi na sila kumukurap dahil sa matalim na pagtitigang ginawa nila.
Para akong nanay na inawat ang nga anak dahil nag-aagawan ng laruan, or I must say na, para akong laruan na pinag-aagawan ng dalawang bata.
"Tantanan mo si Albana," maawtoridad na sabi ni Farris.
He is so protective of me. Sana noon ay pinadama niya sa akin na nagmamalasakit siya sa akin at gusto niya akong protektahan. "Paano kung ayaw ko? Ano ang gagawin mo?" anang Rev.
Gusto kong lumundag matapos marinig ang mga salitang sinabi ni Rev. Mas dama ko ang pagmamahal ni Rev kumpara kay Farris.
"Stop this already! Hindi na kayo nakakatuwa. Pareho kayong tatakbo bilang public servant pero nag-aaway kayo dahil sa isang babaeng akala niyo ay si Jenissa?" Humalukipkip ako at salitan silang tiningnan.
Tumigil ang titig ko kay Farris.
"Ikaw, Farris, kung ano man ang ginawa mo sa asawa mo noong nabubuhay pa siya ay kargo mo na iyon. Do not make me an instrument to clean your mess and tame your conscience!" Pinukol ko ang titig ko kay Rev.
"And you, Mister Morris, do not interfere with my life. Hindi ako ang babaeng pinangarap mo noon. Hindi ako si Jenissa! Pagbutihin niyo na lang ang pangangampanya niyo," sabi ko. Tumalikod ako mula sa kanila. Mabuti na lang at hinayaan na nila ako. Baka pagsasampalin ko silang dalawa kapag aawatin pa nila ako.
I grabbed my phone and called Maitha.
"Do not open the door, Maitha. Nandito sa labas ang dalawang lalaki at nag-aaway sila. Manatili kayo sa loob. Iwasan niyo si Farris dahil kapag nalaman niyang magkakilala tayo ay matatapos ang lahat at mauuwi sa wala ang pinaghirapan ko," wika ko nang sagutin ni Maitha ang tawag.
"Masusunod, My Lady. Okay ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ni Farris?"
Hindi niya ako sinaktan. He kissed me actually.
"H-Hindi," tugon ko.
"Si Rev? Hindi ka niya sinaktan? Baka sinaktan ka niya dahil nawala si Shon at ikaw ang sinisisi niya."
"He did not blame me."
Sobra pa sa ginawa ni Farris ang ginawa ni Rev sa akin. Nagustuhan ko iyon.
Ngayon ay alam ko sa sarili ko kung ano ang totoo kong nararamdaman.
Mahal ko si Farris noon kaya ako nasasaktan at may kaunting paglayon na sana noon ay minahal niya ako, hindi iyong pinararamdam niya sa akin na nagsisisi siya at namimiss niya si Jenissa kung kailan huli na ang lahat at sarado na ang puso ko para sa kaniya.
Here is Rev, mahal niya ako. Damang-dama ko iyon. Ang mga mata niya ay puno ng kislap habang nakatitig sa akin. Ang bawat haplos at halik niya ang siyang nagpapatunay na mahal niya talaga ako. "Goo bye, My Lady, mag-ingat ka," anang Maitha.
I turned off my phone after our call. Minabuti ko ang tumungo sa basement at agad na pinuntirya ang aking sasakyan.
Napabuntung-hininga ako sa loob ng sasakyan ko bago ko pinaandar ang makina nito.
I drove home safely.
Naligo ako at bumihis.
Nasa hardin ako ngayon at nakatulala habang nakatitig sa wine glass na may lamang alak.
Sumimsim ako mula sa kupita.
Lumingon ako nang biglang tumikhim si Daddy. He is quite fine now. Hindi ko siya hinahayaang lumabas dahil baka hulihin siya ng mga pulis. Siya kasi ang unang suspek sa pagkamatay ni Henry Bennett. Mas mainam na rumito na lang siya sa mansion para naman ay may matinong makausap si Abuela at tiyak ang kaligtasan niya.
"Malalim yata ang iniisip ng aking prinsesa," he said.
My tears rolled down my cheeks unstoppably. Binuhos ko ang lahat ng luha ko.
Ang komplikado na ng lahat. Marami na akong nadamay sa plano kong paghihiganti. Sana matapos na ito at magiging matiwasay na ang buhay ng mga mahal ko sa buhay.
"Alam mo, Jen, mula noong nawala ang Mommy mo sa akin ay palagi akong tumatanaw sa langit. Sometime, it makes me sad if the moon is not watching me, inisip ko kasi na pumunta ang Mommy mo sa moon upang magsilbing liwanag sa madilim kong mga gabi," kuwento ni Daddy.
Lumingon ako sa kaniya. Ngumiti ako at tumitig ako kay Daddy na nakangiti habang nakatanaw siya sa langit.
"The moon is as beautiful as your Mommy. Sa buwan ko na rin sinasabi ang mga hinanakit ko sa buhay. L-Lalo na noong pati ikaw ay nawala na sa akin. Walang araw at oras na hindi ko pinagsisisihan ang lahat ng mga ginawa ko. If I am a strong father and a man with sanity ay hindi ka nawala sa akin at hindi ka nahihirapan ng ganito," aniya.
Magkatabi na kami ni Daddy ngayon. Pareho na rin kaming nakatitig sa buwan.
"Hindi mo kasalanan, Daddy. Biktima tayo ng panahon at tadhana. Huwag ka ring mag-alala dahil tinitiyak ko na darating ang araw na magiging masaya tayong lahat at magbabayad ang mga taong gumawa ng komplikasyong ito sa buhay natin," sabi ko.
Tumingin sa akin si Daddy. Kinabig niya ang katawan ko kaya naman ay napalapit ako sa kaniya.
Nakaakbay siya sa akin ngayon.
"Don't let your anger drive your mind away from your sanity, Anak. Justice is never blind and never deaf," aniya.
I shook my head.
"There is no justice when we just wait for it to come. Tayo ang gagawa ng sarili nating hustisya... hustisyang gusto natin at hindi ang kakarampot na hustisyang itatapon ng batas sa atin," sabi ko. "Let us not settle for less." The beautiful moon agrees with me, I can sense that.
Marahil sa mabigat na damdamin ay hindi ako nagparamdam kay Farris at kahit na kay Rev ay ganoon din. I only watch the news about them.
Palapit na ng palapit ang election. Mas umiinit na rin ang tensyon sa pagitan ni Farris at Rev. Palagi na lang sila ang laman ng balita. Pati ang eksena sa labas ng unit nila Maitha ay nasama rin sa balita. Mabuti na lang at blind item ako sa balitang 'yon, kung hindi ay tiyak akong napagalitan na ako ni Abuela.
Huminga ako nang malalim matapos akong make-up-an ni Carli. Pupunta kasi kami ngayon sa event ni Farris Bennett. Himala nga dahil nakuha niya pa ang magpa-party kahit na paubos na ang pera niya. Yes, the company is still in critical condition in terms of its financial matter.
"Patingin ng damit na isusuot ko," ani ko.
Hinila ni Carli ang isang walking cabinet at agad niya itong binuksan. Isa itong gown na pinagawa sa isang sikat na designer.
"Do you like it, My Lady?" malapad na ngiting tanong ni Carli.
Tumango lang ako. Marahan kong sinuot ang gown. Nang matapos ay lumingon ako sa malaking salamin.
Isa itong kulay red na chiffon gown. Ngumiti ako sa salamin.
"You are gorgeous, My Lady," anang Carli.
"Kinakailangan kong isampal kay Jackielou na wala siya sa tuktok ng buhok ko. I have to be gorgeous as always."
Sabay kaming bumaba ni Carli. Siya kasi ang isasama ko sa event na ito. Bukod kasi sa party ay may auction pang magaganap. I wonder what will happen later. I think this event will go well.
Sabay na lumingon sa akin sina Abuela at Daddy. Kanina pa sila nag-uusap tungkol sa mga kontrobersyal na isyu sa pagitan ni Farris at Rev.
"Ang ganda mo, Mihija!"
"My princess is so beautiful," sabi ni Daddy nang sinalubong niya ako.
"This event is not mine, Daddy. Bisita lang ako at magre-raise ng amount na hindi nila mapapantayan," ani ko.
"Take care, Mihija," sabi ni Abuela.
"Mag-iingat ka, Anak!"
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Niyakap lang ako ni Daddy at agad din siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina.
Patuloy lang kami sa paglalakad palabas ng mansion. Tanaw ko ang kotseng sasakyan namin patungo sa event hall.
"My Lady," yumuko ang driver.
Pumasok ako at sa kabila naman pumasok si Carli na nakasuot ng itim na kamiseta.
"My Lady, parang nagsisimula na yata ang auction," atat na sabi ni Carli.
Tiningnan ko siya.
"Hindi pa. Tumingin ka kasi minsan sa relo mo. Ano ang gamit niyan kung hindi mo susuriin mula riyan kung ano'ng oras na?" sabi ko sa kaniya.
Mas excited pa siya kumpara sa akin. Palagi niyang sinasabi sa akin na ang saya niya kapag nakikita niya na nahihirapan ang mga taong nagpahirap sa akin. But in reality, natatakot siya kapag may mga risky plans akong sinasabi sa kaniya. Inalalayan kami ng driver palabas ng kotse.
Una akong lumakad. Huminga ako ng malalim bago ko tinahak ang red carpet.
"Wow! The rumours are real! Kamukha nga talaga niya si Jenissa."
"Isn't it awkward for Madame Jackielou?"
Napapailing ako sa mga bulungan na naririnig ko. Well, that is what I want, iyong ma-awkward siya hanggang sa himatayin siya.
"Nakakaduda naman," sambit pa ng isa.
Nagmadali ako sa aking paghakbang nang makita ko sa dulo si Farris at Jackielou.
Malayo pa lang ako pero amoy na amoy ko na ang sunog na plastic na sumusungaw mula sa pagkatao ni Jackielou.
"Oh, God! We met again, Albana! You look so gorgeous with your red chiffon gown!"
Dinampi namin ang aming mga pisngi sa isa't isa.
"So as you, Madame Bennett! Ang ganda mo," sabi ko.
I did wet my lip nang lumingon ako kay Farris.
"You are the most handsome man tonight, Monsieur," sabi ko kay Farris.
Nilahad ko ang kamay ko at tinanggap niya naman ito.
"Thank you for that compliment, Mademoiselle."
Habang yumuko si Farris at hinalikan ang aking kamay ay nakatitig ako sa kaniyang asawa at binigyan ko ito ng nakaaasar na ngiti.
"Palagi ko namang sinasabi sa iyo na ang guwapo mo, Monsieur," nakangiti kong saad nang nakaahon na si Farris.
Puno ng pagbabanta ang mga titig ni Jackielou pero hindi ko siya sinamaan ng titig tulad ng ginawa niya. As what they always said, kill your enemies with kindness, kaya ang ginawa ko ay ngiti ang sinukli ko sa kaniya habang nilalandi ko ang asawa niya. Isn't it a kind revenge?
"Flirt," pabulong na sabi ni Jackielou.
"Parang ikaw," sabi ko sa kaniya nang naligaw sa ibang investors ang pansin ni Farris.
"Mademoiselle, kailangan kong batiin ang iba nating kaibigan," aniya.
Tumango ako at hinawakan siya sa kaniyang braso. Tumitig siya sa akin na para bang binabalaan niya ako na mag-iingat sa mga galaw ko marahil nasa tabi lang niya ang asawa niyang selosa. Ang hindi niya alam ay nagugustuhan kong pagmasdan ang mukha ni Jackielou habang nagseselos siya at para bang nasasabik siyang saktan ako.
"Don't worry about me, Monsieur. Aalagaan naman siguro ako ng asawa mo." Ngumiti akong tumingin kay Jackielou.
"O-Of course, Albana. Let us go this way?"
Hindi na siya nakatiis kaya naman ay inagaw niya sa akin ang braso ng asawa niya. Dalawang beses pa niyang ginawa ang paghila sa kamay ko mula sa pagkapit sa braso ni Farris bago siya nagtagumpay sa kaniyang plano.
Sinenyasan ko si Carli na gawin ang pinapagawa ko sa kaniya. Pinaaalam ko kasi sa kaniya kung sino ang mga taong gustong ibenta ang shares nila sa BGC dahil bibilhin ko ang mga ito. Nais ko kasi na magulat na lang si Farris na kaming dalawa na lang ang may hawak sa kompaniya niya.
I want to see him suffer in losing the company that fed them from the very beginning. Nawala ang kompanya ng Daddy ko dahil sa kanilang mga Bennett kaya gagawin ko ang lahat para mawala rin ang kompanyang inaalagaan ng pamilya niya.
May pasabog din sa bandang huli ng auction na ito. The final item will be Farris. Planado na ang lahat dahil kinausap ko ang mga taong naghandle ng event na ito. It will be fun and I am excited.
"Nilalandi mo talaga ang asawa ko," aniya.
"Are you asking? Para kasing pinagbibintangan mo ako base sa tono mo," sabi ko sa kaniya. "Magdahan-dahan ka," babala ko sa kaniya.
Mainis lang siya ng mainis sa akin pero hindi ako titigil sa ginagawa ko. I'm enjoying it!
"Sinasabi ko ang nakikita ko. Alam ng isang asawa kung nilalandi ng isang whore ang asawa niya,” aniya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Dumaan ang waiter kaya kumuha ako ng alak mula sa tray niya.
"Ako ba ang tinatawag mong malandi?"
"Oh, Albana, huwag ka namang malito. And yes, ikaw ang tinutukoy ko," matapang na aniya. "Hindi mo ba kilala ang sarili mo?" tanong niya sa akin.
Tumawa ako bago ako sumimsim ng alak mula sa kupita ko.
"Kilala ko ang sarili ko."
Tinapon ko ang natitira kong alak sa kaniyang damit na kulay rosas. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Iyan ako, ganiyan ang pagkatao ko. Hindi ako pumapayag na tawagin ako ng kahit na anong gustong itawag sa akin ng mga tao sa tabi-tabi. I am an Armano and Armanos are never afraid to humiliate some stupid people in front of many," sabi ko.
Sisigaw sana siya dahil sa inis pero hinila ko siya sa kaniyang braso. Piniga ko ang braso niya kaya naman ay napatitig na lang siya sa akin ng kay sama.
"Hindi mo na kailangang gawin ang bagay na iyan. Don't make a scene, Jackielou. Masasayang lang ang effort mo. Alam ng mga tao kung ano ang ugali naming mga Armano. We are like cactus to them, we can hurt them but still, they want to hug us just to have connection with us. So, if I were you, I will not bother making a stupid scene!" imporma ko sa kaniya.
"Huwag mo ring kalimutan na tatakbo ang asawa mo bilang congressman. Gusto mo ba na mawalan ng tiwala ang mga tao sa kaniya dahil sa ugali mong sobra pa sa kanal?"
Damang-dama ko ang panginginig ng laman ni Jackielou. Habang galit na galit siya ay para naman akong nasa alapaap. I'm addicted to her whe she is having anxieties!
"The battle is just between us, Jackielou, kaya huwag ka na lang mandamay ng iba. Tingnan natin kung kaya mo talaga akong tapatan. Huwag ka ring masyadong threatened baka mahimatay ka. Also, ako ang dapat matakot sa iyo marahil sa mga banta mo na paluluhudin ako," ani ko.
"You will regret this."
Pumiglas siya kaya ay napilitan akong pakawalan ang braso niya. My fingers left marks on her arm. Para tuloy siyang tinattoo-han ng mahahaba kong daliri. "Regret, what?"
"Everything you did," aniya.
"Wala pa akong ginagawa pero nasisindak ka na. Paano pa kaya kapag may gagawin na ako? Baka, ikamatay mo ito," sabi ko sa kaniya.
Lumakad ako. Halos madapa ako dahil inapakan ni Jackielou ang dulo ng damit ko. Mabuti na lang at marunong akong magbalanse. Lumingon ako sa kaniya.
Binalikan ko siya. Muling dumaan ang waiter. Hinarang ko ang paa ko sa daanan ng waiter.
"Gosh!" anang Jackielou nang natapon sa kaniyang dibdib ang lahat ng wine na dala ng waiter.
"S-Sorry, Madame," paghingi ng tawad ng waiter.
Yumuko ako at tinulungan ang waiter na umahon. Yumuko ang waiter at nagpasalamat sa akin.
"Thank you, Madame Albana!"
"Go and fix it," utos ko.
Gagalaw na sana ang waiter pero pinigilan ko siya.
"Hindi ikaw," sabi ko sa waiter.
Nasa aming banda ang atensiyon ng mga tao pero hindi pa rin ako nagpaawat. Some of the people are taking pictures of us. Ang iba naman ay nagbubulungan. "Parang hindi magkasundo ang dalawa."
"Bagay lang iyan kay Jackielou. Sa simula pa lang ay hindi na maganda ang pakikitungo niya sa investors ng BGC!"
"Mabuti nga sa kaniya, nakahanap na rin siya ng katapat niya," sabi pa ng isang babae.
Sinenyasan ko si Jackielou kung ano ang gagawin niya.
"What?"
"Hindi ba naging teacher ka? I believe in the level of comprehension of the teachers. Mabilis nilang nakukuha kung ano ang ipinahihiwatig ng kausap nila," sabi ko.
"What? You want me to clean this mess?" she asked in a high-pitch.
"Jackie, ang nagkasala ang kinukulong. Hindi porket waiter siya ay siya na ang palpak at mag-aayos ng mga kalat dito. You started this, you stepped on my gown para madapa ako. Hindi pa ako nabalik sa tamang balanse ko kaya na-block ko ang daanan niya. You caused this mess kaya ikaw ang mag-aayos ng sarili mong kalat. You get it?"
Gumulong mula sa gilid ng mga mata niyang matalim na nakatingin sa akin ang mga luha.
"You will pay for this," galit na galit niyang sabi habang marahan niyang binababa ang kaniyang katawan hanggang nakaluhod siya sa aking tapat.
Yumuko ako at binigyan siya ng nakakainis na ngiti.
"Sino ngayon ang lumuhod, Jackie? Watch your manners next time so you won't end up being embarrassed."
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report