Melancholic Wife
k a b a n a t a 31

Albana's POV

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Tinatawagan ko ang numeto ni Farris pero hindi siya sumagot.

Lumipas ang ilang minuto ay agad ko na namang nakita si Farris sa labas ng hall. Pumunta ako sa kaniyang gawi at tumabi rito.

Aalis sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya. May kung anong kilabot akong naramdaman nang dumikit ang balat namin sa isa't isa. "Hindi ka na puwedeng umalis pa, Farris," sabi ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya at tinitigan ako nang napakatalim. Napalunok ako nang nilapit niya ang mukha niya sa akin.

"You cannot stop me from what I want to do," sabi niya.

Naging sapat na dahilan ang tono niya sa pag-bigkas ng mga salitang 'yon para kilabutan ako. Kusa na ring kumalas ang kamay ko mula sa kaniya. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko para habulin siya.

"Mademoiselle?"

Nanlaki ang nga mata ko nang marinig ang boses ni Farris na katamtaman lang ang lalim at hindi katulad kanina na sobrang lalim at madiin pa kung mag-salita. Kinabahan ako pero lumingon ako para matiyak na si Farris ang tumawag sa akin.

Napabuga ako ng hangin nang makita ko na si Farris nga ito.

Kung si Farris ito ay sino naman ang isa kanina?

"M-Monsiuer," nauutal kong banggit sa pangalan niya.

Walang-gana siyang lumapit sa akin. Tumitig ako sa kaniyang mga mata. Inaral ko ang kilos niya.

May kakaiba rito. Hindi ko man alam sa ngayon kung ano ito pero tiyak akong may mali sa lahat ng mga kilos ni Farris.

"Sino ka?"

Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko.

"Ano ang pinagsasabi mo? I'm Farris. Ako ang binayaran mo ng 2 Billion."

Umiling ako. Lumapit ako sa kaniya at agad ko siyang tinulak.

"Huwag mo akong pinagmumukhang tanga, Monsieur! I know something is going on!"

Hinagis niya sa ere ang kaniyang mga kamay.

"Talagang may nangyayaring mali, Mademoiselle! Alam mo kung ano iyon? Iyong kinikilos mo! You are eager to see my wife agonizing!"

Muli ko siyang tinulak hanggang sa mapasandal siya sa sahig.

"Huwag mo akong lokohin, Monsieur! I experienced being cheated before kaya ay hindi mo na ito magagawa sa akin! Sino ka? Sino ka at ang Farris na naka-suot ng itim na suit!?"

Nakita ko kung paano nag-bago ang ekspresiyon ng mukha niya. Gulat na gulat siya matapos kong banggitin ang mga salitang 'yon.

"W-What? Ano na naman itong pinagsasasabi mo, Mademoiselle?"

Tumitig ako nang diretso sa kaniyang mga mata. Mas pinalalakas niya ang kutob ko na may mali sa pagkatao niya.

Bigla akong tumawa at pumalakpak. Hindi ko puwedeng madaliin ang lahat ng bagay. Hahayaan kong siya mismo ang aamin sa akin.

"Ano? Puwede na ba akong mag-artista? Umamin ka, Monsieur, nadala ka sa eksena," sabi ko.

He sighed.

"You made me difficult to breathe, Mademoiselle!" sabi niya.

Tinawanan ko lang siya.

Nahihirapan kang huminga kasi ay may tinatago ka. Malalaman at malalaman ko rin ito, Farris. "Saang hotel tayo?" agad kong tanong sa kaniya.

Naglalakad ako ngayon papunta sa aking sasakyan habang nakasunod naman si Farris sa akin.

"K-Kahit saan," aniya.

Tumalima ako papunta sa sasakyang hinatid ng mga tauhan ko kani-kanina lang.

Nang nasa loob na ako ay pinagbuksan ko agad ng pintuan si Farris. Pumasok naman siya nang walang pag-aalinlangan.

"K-Kailangan ba talaga natin itong gawin?"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Ano ang nangyayari sa kaniya? Akala ko ba ay pangarap niya akong matikman?

"What do you mean?"

"Nakokonsensiya ako para kay Aki. Oo, inaamin ko na gusto kita. Pero, Mademoiselle... Kasi..."

Hininto ko ang kotse. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Get out of my car!" bigla kong sabi.

Hindi niya puwedeng mahalin ulit nang buo si Jackielou. Hindi iyon ang gusto kong mangyari. Sisirain ko ang relasyon nila.

"Why?"

"Tandaan mo ito, Monsieur." Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata. "Ayusin mo ang sarili mo at ang mga desisyon mo sa buhay. You cannot love the women you want all at one time. Hindi iyon tama," sabi ko. Umiling siya.

"Mahal ko si Aki. Espesyal ka sa akin," sabi niya.

Bumigat ang loob ko dahil sa sinabi niya.

"Ano ang silbi ng pagiging espesyal ko sa iyo kung hindi mo naman pala ako kayang mahalin," biglang-bigkas ng aking bibig.

Naiinis ako sa sarili ko. Ginawa ko na ang lahat para lang akitin siya pero hindi niya pa rin ako kayang mahalin. Espesyal lang ako sa kaniya. Espesyal dahil ano? Dahil ba nakikita niya sa akin si Jenissa? And if that is so, then he is a dang! Kung umasta siya ay parang inaruga at minahal niya ako noong si Jenissa pa ako.

"Mahal ko si Aki. Lalaki lang ako at madalas ay nadadala sa mga tukso. Minsan na akong nagkamali kay Jenissa noon. Ayaw ko nang maulit pa ang pagkakamali kong iyon kay Aki," sabi niya

Binuksan niya ang pintuan at agad siyang lumabas.

Tahimik lang ako sa loob habang ang mga luha ko ay nag-uunahan sa pag-bagsak.

"Damn! Bakit hindi ko kayang labanan si Jackielou? Bakit siya ang mahal mo, Farris?"

Kahit na si Jen o si Albana man ako ay hindi niya ako kayang mahalin. That reality hurts me so much.

Nagmadali akong bumaba at agad ko siyang hinabol.

"Inangkin mo ako, Monsieur! Inangkin mo ako at pinagdadamot mo ako pero hindi mo pala ako mahal? Ano iyon? Lahat pala ay wala lang? Saan na napunta ang mga pinagsasasabi mo sa akin?" Tumigil siya sa paglalakad at humarap siya sa akin.

Madilim ang buong paligid. Tanging iilang ilaw lang sa nagkakalayuang poste ang matatanaw sa kalsadang ito.

"Noong una, totoo ang nararamdaman ko sa iyo because Aki became worse! But now, I realized that I don't need to be linked to anyone because my wife became worse!"

Nangingiig ang mga labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko na siya mahal pero binabalik ako ng mga sinabi niya sa panahong binabastos at hindi niya ako pinipili sa ilang beses na pagkakataon kaya ay nasasaktan ako. "Paano ako?"

"Let us stop what is between us, Mademoiselle. Ayaw ko na ulit saktan si Aki. Niloko ko noon si Jenissa nang dahil kay Aki. Hindi naman siguro tamang lolokohin ko rin siya para lang maging ikaw na at ako. I am now ending our secret relationship," sabi niya.

Pumikit ako. Ano pa ba ang mali sa akin?

Ako na si Albana Armano. Pinakitaan niya ako ng mga motibo. Akala ko ay mawawasak ko ang relasyon nila ni Jackielou. Parang tanga akong nakikipagharutan kay Farris. Hindi naman pala niya paninindigan ang mga sinabi niya. "Ilang beses na itong nangyari sa akin, Monsieur. Humanda ka lang at makikita mo kung paano ko kayo papabagsakin ng asawa mo," banta ko habang lumuluha. He smiled.

"Gagawin ko ang lahat para protektahan si Aki, Mademoiselle. I failed to protect Jenissa a year ago. This time, I will not let myself fail in protecting Aki," sabi niya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Protect my ass. Sinungaling ka, Farris. Kailanman ay hindi ko naramdaman noon ang sinasabi mong pagproteka. Ni hindi ko naramdaman na nakokonsensiya ka noon pagkatapos mo akong itali para babuyin mo. Wala man lang akong nakitang bahid ng pagsisisi sa mga mata mo matapos mo akong paliguan ng sandamakmak na suntok at sampal. "Malalaman natin kung hanggang saan ka dadalhin ng pagmamahal na sinasabi mo, Monsieur Bennett." Bago pa man siya tumalikod ay agad na akong nagmadali sa paglalakad upang maratnan ang aking kotse. Nang nasa loob na ako ng aking kotse ay hinampas ko ang aking mga palad sa manibela.

Pinaandar ko ang sasakyan ko at pinaharurot ito pauwi sa mansion.

Madali akong lumakad kaya ay hindi ko namalayan na nandito na ako sa loob ng aking kuwarto.

Lumingon ako sa paligid. Nasa akin na ang lahat; ganda, talino, achievements at yaman. Kung tutuusin ay kinaiinggitan nila ang pagkatao ko.

Tumitig ako sa salamin.

"Bakit hindi niya ako kayang mahalin? Bakit palaging si Jackielou ang pinipili niya? Hayop siya! Hayop silang dalawa!" gigil kong sabi.

Bumukas ang pinto. Nakita ko ang mukha ni Carli na nag-aalala.

"My Lady, ano ang nangyari?" tanong niya.

Humarap ako sa kaniya. Patuloy pa rin akong lumuluha.

"He said there's nothing between us anymore, Carli. Pinuputol niya na ang lihim naming relasyon," sabi ko.

Lumapit siya sa akin. Sa halip na damayan ako ay umirap pa siya.

"What now?"

"What's what now, Carli!?"

Umupo siya sa kama at agad siyang humalukipkip.

"E, ano naman ngayon kung nakipaghiwalay na siya sa iyo? Hindi ba, sabi mo ay hindi mo naman mahal si Farris?" She sighed. "Siguro ay mahal mo pa talaga siya kaya ka nasasaktan at lumuluha nang ganiyan, My Lady," sabi niya. Tumingin ako kay Carli. Inayos ko ang buhok ko at agad na pinahid ang mga luhang kumalat sa aking mukha.

"Crazy! Hindi ko na siya mahal! Nasasaktan lang ako k-kasi kahit na maging ano ang pagkatao ko ay hindi niya ako m-magawang piliin! A-Ano pa ba ang kulang sa akin, Carli? H-Hindi na ako si Jenissa pero nararamdaman ko ang sakit na pinaramdam niya sa akin noong si Jenissa pa ako!" iyak ko.

Ang mga luhang inalis ko ay muling napalitan ng bago.

"Lahat naman nitong mga mayroon ako ay malayo na kay Jenissa na kinaiinisan niya at kinaayawan, Carli! P-Pero a-ang hirap para sa kaniya ang huwag piliin si Jackie!" pagpapatuloy ko.

Inabot ni Carli ang kamay ko kaya naman ay kusa na akong sumuko. Napaluhod na ako sa tabi ng mga paa ni Carli. Tinulungan niya akong tumayo at pinaupo niya ako sa kaniyang tabi. Marahan niyang niyayapos ang aking balikat.

Yumakap ako sa kaniya. Wala na akong alam na gawin upang mapawi ang sakit na nararamdaman ko.

"Nais ko lang naman na mahulog siya sa akin at piliin niya ako. G-Gusto ko lang makaganti sa kaniya, Carli. Walang awa niya akong pinahihirapan noon pero pakiramdam ko ay parang pinoprotektahan siya ng tadhana laban sa akin," sabi ko. "My Lady, isa lang naman ang paraan para makaganti ka sa kaniya at tuluyan niyang marealise na mali ang ginawa niya noon." Humiwalay ako kay Carli.

"P-Paano? Ginawa ko na ang lahat, Carli. Alam mo iyon," angil ko.

Umiling siya.

"Hindi ka pa umamin at lumabas bilang si Jenissa, My Lady. Walang masisindak kapag mananatili kang mamuhay bilang si Albana. Kahit na nasa iyo na ang malaking share ng kompanya ni Farris at kahit na patuloy mong nababara at ginagalit si Jackielou ay hindi pa rin nila maiisip na karma nila iyon sa mga nagawa nila sa iyo. Ang iisipin nila ay si Albana Armano ka and you are nothing but a common threat to their lives," aniya.

"Ano ang gusto mong gawin ko, Carli? Lalabas ako at ipapakilala sa mga tao na ako si Jenissa?"

Tumango siya. Inabot niya ang aking mga kamay at marahan niyang hinahaplos ang mga ito.

"Tell it to the world and you'll be at peace, My Lady. Isampal mo sa kanila na buhay pa ang babaeng sinubukan nilang patayin noon."

Ngumiti siya. Sinabit pa niya ang ilang hibla ng buhok ko sa aking tainga.

"Tutulungan kita at maghahanap tayo ng tamang tiyempo kailan mo ibubunyag ang tunay na ikaw. Pagkatapos mong ipaalam kung sino ka ay magiging masaya ka na, My Lady. Live with the person you love. Alam ko na bukod kay Farris ay nandiyan si Rev. Tutulungan ka ni Rev na magsimula muli. Magsisimula kayo sa paraang tama at walang halong pagpapanggap. Mahal ka niya bilang si Jenissa at hindi bilang ibang tao," sabi ni Carli.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! Huminga ako nang malalim.

"Kaya ko na ba talagang humarap sa kanila bilang si Jenissa?"

"Kayanin mo, My Lady. Ito lang ang susi upang matapos na ang hinagpis na nararanasan ng puso mo. Hinding-hindi ka magiging masaya at habang-buhay kang magdudusa kapag hindi mo niyakap ang totoo at mananati ka lamang nakatago sa pagkatao ni Albana. Hindi ikaw iyan e."

Tumayo si Carli.

"Hahayaan kitang mag-isip, My Lady. Hindi na rin ako magtatagal dito marahil patapos na ang kontrata ko sa mansion. Gusto kitang makita na masaya bago ako aalis sa puder mo, My Lady," aniya bago lumabas mula sa aking kuwarto. Inisip ko ang mga sinabi ni Carli. I realised she was right. Panahon na upang haharap ako sa publiko at gagawin ko kung ano ang tama.

Hindi na ako magtatago bilang si Albana. Hiling ko na sana ay makamit ko ang nais ko. Gusto kong pagbayarin sa mga kamay ko si Jackielou at Farris. Kung hindi sila kayang pagbayarin ni Albana ay si Jenissa ang gagawa ng bagay na 'yon. Nagising ako na maga ang mga mata. Inabot ko ang aking smartphone at agad na binuksan ito. Nakita ko na sandamakmak na miss calls ang natanggap ko mula sa parehong numero.

Nagmadali ako sa paglinis ng sarili ko. Kaunting pampaganda lang ang aking nilagay sa aking mukha. Hindi ko na rin inabala ang mga katulong ko dahil kaya ko namang damitan ang sarili ko. Isa pa ay hindi naman ganoon ka-espesyal ang pupuntahan ko ngayon.

Nandito na ako sa labas ng restaurant kung saan ako gustong makausap ni Rev.

Lumapit ako sa isang crew.

"Madame Armano, Mister Morris is waiting upstairs," ngiting-saad nito sa akin. "Come and I will join you upstairs," sabi pa niya.

Kumapit ako sa kaniyang braso. Inalalayan niya ako hanggang sa maka-akyat kami sa taas.

Nang natanaw ko na ang likod ni Rev ay agad akong napangiti nang malapad.

Kailangan kong itama ang isang bagay na dapat noon ko pa ginawa. Alam ko na tatanggapin niya pa rin ako kahit na malaman niya ang totoo. Mahal niya ako at natitiyak ako sa bagay na iyon.

"Mister Morris, Madame Armano is already here," anang crew. "Maiwan ko na po kayo, Madame. Enjoy the food and the place," aniya bago siya umalis.

Niligaw ko muna ang tingin ko sa paligid. The set up is so beautiful. There are beautiful flowers and the red curtain mixed with white ones make the place more romantic.

Kinilig ako nang dumako ang titig ko sa lalaking nakasuot nang grey suit. His hair was brushed back and his lips were like the pink flower atop the round table. Lumapit siya sa akin at agad niya namang inalay ang kamay niya.

Pinatong ko ang aking kamay sa kaniyang kamay at agad niya akong dinala patungo sa table.

"Maupo ka," aniya.

"T-Thank you," sabi ko na halos mabulol dahil sa kaniyang guwapong mukha na ang lapit sa akin.

Inalayan niya ako ng alak kaya naman ay napangiti ako. Hindi ko pa naranasan ang ganitong serbisyo mula sa isang lalaki. Ni hindi ako nadadala ni Farris noon sa mamahaling restaurant.

"Rev," sabi ko at agad namang gumulong ang mga luha mula sa gilid ng aking mga mata.

Inabot niya ang aking pisngi at agad niyang inalis ang mga luha ko.

"Kahit na hindi ka magsasalita ay alam ko kung ano ang sasabihin mo, Jen," aniya.

"Bakit hindi ka man lang nagulat? Bakit hindi ka nagalit?"

Ngumiti siya. Hinawakan niya ang aking mga kamay.

"Bakit ako magugulat kung asang-asa ako na buhay ka p-pa?" His voice cracked at the end of his line. "Bakit ako magagalit kung alam ko na may purpose ang lahat? Alam mo kung ano ang naramdaman ko all of this time?" "A-Ano?" Halos hangin na lang ang lumabas sa bibig ko.

"Miss na miss kita."

Napahagulgol ako sa pag-iyak matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.

"R-Rev," sabi ko at agad na tumayo.

Sinalubong niya ako at wala na kaming sinayang na pagkakataon pa.

"Huwag ka nang mawala pa sa akin, Jenissa. Please... Hindi ko kayang magdusa ulit nang mahabang panahon," aniya.

Naglapat ang mga labi namin sa isa't isa at biglang naglaban ang mga ito sa isang mapusok at puno nang pagmamahalang halikan.

"H-Hindi na, Rev. H-Hindi na ako mawawala pa sa iyo," ani ko nang dinistansiya ko ang mga labi ko mula sa kaniya.

Ngumiti siya at muli niya namang siniil ng halik ang aking mga labi.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report