Mr. CEO is my Secret Husband
CHAPTER 9 The Bittersweet Love

Nagkatinginan kaming bigla ni Shai pero nauna akong nagbaba ng tingin at inubos ang natitirang pagkain sa plato at mabilis ng tumayo. Nilagay ko ang mga ginamit ko sa lababo at hinugasan na rin ito.

"Babe napatawag ka" sagot nito sa kabilang linya." Of course not, of course i miss you. " halos pabulong ng wika nito sa nobya.

Hindi ko mapigilang makinig sa usapan nilang dalawa habang nagsasabon ng plato.

"I I-- love you you too " mahinang nito kay Charlotte.

Bigla na lang nanginig ang aking mga kamay sa aking narinig at dumulas ang hawak kong plato na aking sinasabon at nabasag ito. Kasabay ng pagpatak ng dugo sa nahiwa kong daliri ay ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Hindi ko maramdaman ang hapdi ng sugat ngunit ramdam na ramdam ko ang sakit sa aking puso. Nanginginig ang kamay na itinapat ko ito sa gripo at hinugasan.

"I have to go, i will call you later. " narinig kong wika nito sa kabilang linya. at maya maya lang ay lumapit na ito sa akin at agad na hinawakan ang nagdurugo kong daliri.

"Shit, you're bleeding, are you ok ?" Nag aalala na tanong nito sa akin. Nanatili akong nakayuko at hindi makasagot dahil hilam sa luha ang aking mga mata. " Ruth, look at me" sabi nito." Come, sit down first, kukuha lang ako ng first aid kit " iniupo ako nito a upuang naroroon at mabilis itong umalis. Ilang saglit lang ay nakabalik na rin ito dala dala ang kit.

"Is it hurt?" tanong nito sa akin, tumango na lamang ako. Mahapdi pero hindi ko alam kung ang daliri ko o ang puso ko ang mahapdi. Habang binabalot nito ang dailiri kong may sugat ay may pumatak na luha doon. Napatigil ito sa kanyang ginagawa. Napasinghot ako at agad na pinahid ang aking luha. Dahan dahan nitong iniangat ang aking mukha at agad na nagtama ang aming mga mata.

Hindi ko maiwasang muling tumulo ang aking mga luha habang nakatitig sa kanyang mga mata. Nakikita ko dito ang pagmamahal na alam kong kahit kailan ay hindi para sa akin. Ang sakit ng aking puso na araw araw kong itinatago, ang lihim kong pagluha sa gabi at ang pag asang sana balang araw ay ako naman ang kanyang mahalin ay naipon na sa aking damdamin. Ang aking tahimik na pagluha ay nagkaroon ng mahinang tunog kasabay ng paggalaw ng aking mga balikat. Ayokong umiyak sa kanyang harapan pero hindi ko alam kung bakit hindi ko ito kayang pigilan ngayon.

"A - ang sa- sakit " humihikbi na wika ko dito. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Marahan nitong hinaplos ang aking pisngi na basang basa na ng aking mga luha.

"Sshhh.., I'm sorry ok?" Sabi nito sa akin. Lalo lang akong napaiyak sa sinabi nito. Alam ba nito ang nararamdaman ko? Masuyo nitong hinalikan ang aking noo. Matagal ... matagal na animo ay pareho kami ng nararamdaman. Ako ang unang lumayo dito at dahan dahang tumayo.

"Akyat na ako sa taas. " paalam ko dito at naglakad na ako palabas. Ang luha kong tumigil na kanina ay muli na namang lumabas. Ganon na ba karami ang sakit na naipon sa aking dibdib? Mabilis na akong umakyat at agad na dumiretso sa aking kwarto. Agad akong nahiga at doon ay tahimik na lumuha hanggang makatulog na ako.

Kinabukasan ay hindi ako tinigilan ng dalawa kong kaibigan. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa aking mga mata ang matagal kong pag iyak kahapon. Sinabi ko na lamang na nasugatan ako kahapon at takot ako sa dugo kaya umiyak ako ng umiyak. Alam kong hindi sila kumbinsido pero hindi na sila nagtanong pa.

At katulad nga ng sinabi ni Shai ay ako na ang naka assign sa paglilinis ng opisina nito. Binilisan ko na lang upang hindi na kami magkita pa sa opisina nito. Sa hapon naman ay ganun din ang ginagawa ko. Pag Uwi naman sa bahay ay nauuna na kaagad akong kumain at agad ng pumapasok sa aking kwarto at di na lumalabas pa.

Hangga't maaari ay ilalayo ko muna ang sarili ko sa kanya. Paano kung kelan ako hulog na hulog na dito ay saka naman hindi nito ako sasaluhin. Wag lang sana magkakilala pa kami ng nobya nito at baka hindi ko na kayanin

Ngunit talaga nga sigurong sinusubok ako ng pagmamahal ko dito, dahil nalaman ko nalang na umalis ito ng bansa upang muling bisitahin si Charlotte. Hindi man lang ito nagsabi na aalis pala ito. Kasalukuyan akong kumakain mag isa ng hapunan ng lapitan ako ni yaya lourdes.

"Malalim yata ang iniisip mo Iha?" tanong nito sa akin at tumabi ito ng upo sa akin sa hapag kainan.

"Hindi naman po. Kumain na po ba kayo?" tanong ko din dito.

"Si Shai ba?" muling tanong nito sa akin na ikinalingon ko dito.

"Po?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Pasensya ka na iha, hindi ko alam na mag asawa pala kayo ni Shai. Ikinuwento ko pa sa iyo si Charlotte."

"P- po ? Paano nyo po nalaman ?"

"་ Tumawag dito ang Mommy ni Shai at hinahanap ka, nabanggit nya sa akin na kasal pala kayo at totoong mag asawa. Pero bakit pumayag ka na may nobya ang asawa mo? Ikaw ang may karapatan sa kanya". "Mahirap pong ipaliwanag. Hindi po ako ang mahal ni Shai "

"Pero mahal mo, hindi ba?" napatingin ako dito.

"Babae din ako Ruth, at nararamdaman ko na gusto mo sya. Bakit hindi mo ipaglaban? Bakit hindi nyo subukang maging tunay na mag asawa? " napailing iling ako sa tanong nito sa akin.

"Mahirap pong ipaglaban ang pag ibig kong isa lang ang nakakapit. Hangga't maaari po sana ay ayokong mapalapit ng husto kay Shai dahil baka po dumating ang panahon na hindi na ako makaahon pa. " sabi ko dito at bahagyang napayuko." Apat na taon ko na pong lihim na minamahal si Shai. Simula pa nung una ko syang makita sa picture. " malungkot kong kwento dito.

Hinawakan nito ang dalawa kong kamay bago nagsalita " Ikaw ang gumawa ng hakbang upang maayos ang inyong pagsasama. Kung kinakailangan mo syang pagsilbihan at paibigin, gawin mo. Walang masama dahil mag asawa kayo." "Natatakot po ako yaya. Baka mabigo lang ako."

"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. At ito ang palagi mong tatandaan iha, hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Ipaglaban mo kung ano ang sayo. At kapag alam mong sobra na at hindi mo na kaya, pwede kang magpahinga, Pero wag kang susuko. " mahabang paliwanag nito sa akin.

Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Ang tagal kong naghintay ng ganitong pagkakataon na may taong dadamay sa akin, na may taong nakakaintindi sa akin. Nakangiti akong niyakap ni yaya at doon sa kanyang balikat ay tahimik akong umiyak.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report