My Old Billionaire Husband -
Chapter 18 Chaos between Family
Alexis
Nagising ako sa ingay ng aking paligid. May mga boses na nag-aaway at nag sisigawan.
Agad akong bumangon at napatigil ng sumakit ang aking ulo.
"Besh, huwag ka munang tumayo. Mahiga ka ulit." Si Debbie?
"Bakit ka narito?" Nagtataka 'kong tanong.
Tumawa lang ito.
"Anong bakit ka diyan? Two days na kaya kitang binabantayan! Kami ni Lara." Nakatawang sagot nito.
Napatingin ako sa paligid. Wala na kami sa parking lot! At two days akong hinimatay?
"Two days? Nasaan sina Zac at Lolo?" Kinakabahan kong tanong.
"Ah, nasa labas ang ingay nila. Si Lolo ay bantay sarado. Ayaw papasukin si Rond haha. Pero patuloy parin si Rond sa pagbalik dito."Nakatawang paliwanag ni Debbie. Si Bebe?
"Papasukin mo si Rond Debbie. Nasaan daw ang mga goons? Patay na ba lahat?" Tanong ko.
At si Debbie biglang na blanko ang mukha at nagtaka.
"Goons? Patay? I don't understand besh. OMG kilala mo pa ba ako?" Namimilog ang mga matang tanong nito.
Lukaret talaga.
"Pwede ba Debbie. Seryoso ako." Naiinis kong sabi.
"Ako din. Pero hinimatay ka dahil nagutom ka! Baka naka affect sa brain mo or whatsoever. Teka! Tatawagin ko pa pala ang Doctor." At kumaripas na ito ng takbo palabas. Pagbukas ng pintuan ang maingay na si Lolo at Bebe ang bumungad sa aking harapan. Sila pala ang kanina pa maingay.
"You old bastard! Let me in." Galit na sigaw ni Bebe.
"Over my dead body. Don't tempt my little princess. She is already married to Zac. So back off!" Pagbabanta naman ni Lolo.
Nailing nalang ako sa aking nasaksihan. Both of them are stubborn. Goodluck nalang kung sino ang unang bibigay.
Napatigil sila sa pagtatalo ng makita nila ako.
"Little princess?" Si Lolo.
"Bebe?" Si Rond na labis ang saya. Na miss ko si Bebe.
Sa di-kalayuan ay nando'n si Zac. Nakapamulsa habang nakatawa sa nakikitang kaguluhan.
Kumusta kaya siya? Bakit ba naman ako hinimatay? Jusko nakakahiya kaya yon! Na imagine ko na ang pawisan at pangit kong mukha during that time.
At nahimatay daw ako dahil sa gutom? Mas lalong nakakahiya naman ang reason na sinabi nila sa aking mga friends.
Nag-agawan pa talaga sina Lolo at Zac sa pagpasok sa pintuan.
Hayy ewan ko sa inyo.
"Lolo, Bebe. Pwede ba huwag muna kayo mag-away? Medyo masakit sa teynga 'yong mga boses ninyo eh." At napahilot ako sa aking sintido. "Hindi kami nag-aaway apo. Bati kami ni Rond." Sabay akbay ni Lolo kay Bebe.
"Of course! Joke lang yon Bebe." Si Rond na abot mata ang ngiti pero kita mo naman ang gigil nito para kay Lolo.
Ewan!
Dumating si Debbie na may kasama ng Doctor at nurses.
"How's my little princess Doc?" Seryosong tanong ni Lolo.
"She's doing fine. Thanks God she survive the traumatic experience." Sabi ng Doctor.
"Nakaka trauma pala ang mag diet at hindi kumain Doc? Naku! No more diet na ako." Kinikilabutan na sabi ni Debbie.
At gusto kong tumawa ng malakas. Pinagsasabi ng lukaret na ito?
Pero thankful ako sa kanila ni Lara for being a true friend to me.
Lalo na in times of need.
"Thank you Doc. Pwede ka ba makausap personally?" Seryosong tanong ni Lolo.
"Sure. Let's go Mr. Night." At umalis na sina Lolo at ang Doctor ko.
"Oops... It's Bebe time! Balik nalang ako mamaya." At tumakbo na si Debbie papalabas.
Agad akong niyakap ni Bebe.
"I miss you so much. Okay ka na ba talaga? Wala na bang masakit sayo?"Nag-aalalang tanong niya.
Ang sweet talaga ni Bebe.
"Okay na ako. Ikaw? Okay ka lang?"Malambing kong tanong.
"Hindi, grabe ang matandang 'yon! Ayaw ako papasukin. Kailan ka pa nagka Lolo?" Nakakunot noong tanong nito.
"Hindi ko rin alam eh, basta naging Lolo ko nalang si Grandpa. Masyadong magulo Bebe." Naiiling kong sagot. Napabuntong-hininga nalang ito.
"Nag hallucinations ka na ba noong tumawag ka sa akin? Bakit ka naman nag diet? Maganda na 'yang katawan mo Bebe." Niyakap niya ako ulit at gumanti naman ako. Hindi na ako nakipagtalo pa. Parang gusto itago nila Lolo at Zac ang totoong rason kung bakit ako na ospital.
Agad ako kinuyumos ng halik ni Bebe. At dahil na miss ko siya ay gumanti rin ako ng halik. At nasa ganoon kaming ayos ng dumating sina Mommy at Daddy.
"Get out!" Galit na sigaw ni Daddy.
Ayaw sana lumabas ni Rond pero pinisil ko ang kanyang balikat at agad na itong lumabas. At nag sorry sa pamamagitan ng aking mga mata. "Muntik ka nga mamatay, kabit pa ang inaatupag mo? At si Zac, nasa labas lang! Ano ba ang nasa utak mo ha?" Galit na tanong ni Daddy. Nakakabingi din pala minsan.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Baka nakalimutan niyo Daddy na Rond is my boyfriend before ninyo ako pinilit na ipakasal kay Zac!" Sigaw ko.
Pero parang wala na akong lakas ah. Bigla akong nanghina.
"Stop it! Walang kasalanan si Alexis and you know that. She's so weak right now. Stop pressuring her." Galit na saway ni Mommy kay Daddy.
Kakaibang Mommy na naman? Seryoso at astig ang mukha. Ang powerful ng aura! Nasaan na ang maamong pusa na Mommy ko?
"Are you okay?" Malumanay na tanong ni Mommy.
"Yes Mommy, Pero medyo nahihilo pa ako" sagot ko.
"Just take a rest." At pinahiga ako ni Mommy at kinumutan.
"Mommy, bakit may mga goons? Kilala mo ba kung sino sila?" Natanong ko lang.
Hindi ko parin makalimutan ang insidente. Parang sa movie lang pero nangyari sa totoong buhay. Nakakatakot!
And Mommy's eyes flickered as if there's something hiding in there.
Ano 'yon?
Agad naman ito napalitan nng inosenteng ngiti.
"Huwag mo ng isipin 'yon. Let Zac handle all of it." Nakangiting sagot nito.
Nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Lolo na may dalang foods.
At ang bango!
Nagutom ako bigla. Two days na pala akong hindi kumakain eh.
"Little princess. I cook chicken tinola for you. Soup is good for your health." Masayang sabi nito habang inihahanda ang chicken tinola sa lamesa.
Pero si Mommy ay biglang naging mabangis na tigress ulit! At inaway si Lolo.
"You are still here. Lumayas ka na! Pahamak ka sa buhay namin. Ngayon ano na? Kilala na nila si Alexis and I she will become now their main target salamat sa'yo! Sigaw ni Mommy.
Kilala? Main target? Sinong sila? Naguguluhan ako! Ang tahimik na Family of three namin ay naging magulo.
Napaka chaotic na!
"Mommy? Ano ba ang mga pinagsasabi mo? Pwede paki explain at ng maging aware naman po ako. Sa totoo lang wala akong maintindihan ni isa sa mga kaganapan lately." Naguguluhang sabi ko sa kanila.
Pero walang nais na magsalita! Pag ganito ay magkakampi sila? At ako ay naiwan sa ere na nangangapa at hindi alam kung ano na ang nangyayari sa aking pamilya!
Wala ni isa sa kanila ang balak sagutin ako. Parang napaka unfair naman. Hindi biro 'yong na experience ko sa mga kamay ng pangit na goons na 'yon! Tapos wala silang balak man lang sabihin sa akin ang totoong nangyayari.
Si Daddy na maingay at mabangis. Ayaw man lang ako tingnan. Kanina ang lakas maka sermon. Pero pag real talk na, ang tahimik!
Parang sasabog ata ang dibdib ko sa sama ng loob na nararamdaman. Kung meron lang sana mag explain para maintindihan ko.
"Excuse me, may I feed my wife?" Biglang napalingon ang lahat ng dumating si Zac.
"Sure, Zac go ahead. Uuwi na muna ako." Agad ng umalis si Lolo para maiwasan ang galit na mga mata ni Mommy.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Si Mommy ay binulungan ni Daddy at ewan kung ano ang sinabi niya at umalis na silang dalawa.
Si Zac ang naging ice breaker sa mainit na sagutan kanina.
At hindi ko alam kung bakit gusto kong umiyak!
Parang unti-unting nagbabago ang dati kong mundo.
Ang mundo na kay saya sa paningin ko noon ay nagbabadya ng kalungkutan ngayon.
"Are you okay?" Seryosong tanong ni Zac.
"I'm not. I don't know!" Sagot ko.
"Come here." Nilapitan ako ni Zac at niyakap.
Napahagulgol naman ako ng iyak.
Comforting ang mga bisig ni Zac at umiyak ako ng umiyak.
Nang biglang tumunog ang aking tiyan.
Nakakahiya!
"Let's go at the table. Let's eat."At ini-offer niya ang kanyang kamay para alalayan ako.
Syempre mga girls, tinanggap ko na no! Nagugutom na kaya ako.
Inalalayan ako ni Zac para makaupo. Gentleman pala si Pangit hehe.
"Let's eat, I'm hungry too." At pinaghain niya ako.
Pero ang plato ay isa lang pati ang tinidor at kutsara. Pang isang tao lang ang dinala ni Lolo!
"Can we share?" Zac ask shyly. At nahiya pa talaga! First time to ah.
"Oo naman." Nakangiti kong sagot. Friend na kami ni Zac kaya okay lang.
Una niya akong sinubuan then siya. Salitan kami until naubos namin ang three pieces of chicken!
We are really hungry indeed. Maya-maya pa ay hindi na ako nakatiis at nagtanong.
"Zac, do you know what is going on?" Seryosong tanong ko.
"I don't have the right to answer your question. Just give your parents some time and maybe later on, they will tell you the truth." Sagot niya.
"But how long should I wait?" English yon girl! Masyadong seryoso ang topic and Zac is very serious too.
"I actually don't know Alexis. But one thing is for sure. I'am always be your friend." He said sincerely.
At medyo na touch ako! Zac is a true friend and I will never forget all about it.
Sa gitna ng kaguluhan. May isang'
kaibigan akong masasandalan.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report