My Old Billionaire Husband -
Chapter 33 Painful Decision
Alexis
Nauna ng pumasok si Daddy sa kwarto ko. Medyo tahimik siya ngayon at hindi mabagsik ang mukha. Gaya ng dati na parang tigre. Ano'ng nangyari kay Daddy?
"Sit down Daddy." Paanyaya ko sa kanya.
Umupo siya sa couch at napabuntong-hininga.
"I'm sorry for what happened in your life. Specially about your marriage." Mahinang sabi niya.
Malungkot si Daddy?
"Okay lang Daddy. Basta Ayoko maging Mafia. Okay na ako dito." Sagot ko.
"Naghanap talaga ako ng problema ng umibig ako sa Mommy mo. Pero Mahal ko siya handa 'kong gawin ang lahat para sa kanya. Pero ikaw naman ang nag suffer." Naiiling na sabi ni Daddy. "Pinakasal kita kay Zac for our Family's protection. Since he is indebted to your Grandpa he agreed." Sabi ni Daddy.
"Protection? Hindi naman po Mafia si Zac?" Naguguluhan kong tanong.
"Yes, he's not. But their family is one of the most powerful here in the country and internationally. Madami silang connection from Powerful Mafias like his friend Hector." Paliwanag niya. Medyo naintindihan ko na.
Wow, grabe pala ang family ni Zac. Akalain mo 'yon.
Hindi alam ni Daddy na hindi naman yan talaga ang tunay na dahilan kong bakit nagpakasal si Zac sa akin. He needs an heir. As simple as that pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nagagawa. Buti nalang nagka amnesia siya. "I decided to convince your Mom. To take over again the Mafia World." Mahinang sabi ni Dad.
Pero parang nabingi ako sa balita niya.
"No Dad! Alam mo naman how Mom hated the Mafia life."Napasigaw ako. She cursed that life at ngayon pababalikin ni Daddy?
"Yes, Alexis. She needs to go back para hindi na magkagulo ang angkan nila and most especially para sa iyong kaligtasan. "Malungkot na sagot ni Daddy.
"No, iiwan niyo ba ako dito?" Kinakabahan kong tanong.
"You have your own family now. I want you to live a peaceful life. Ikaw lang ang nag-iisang anak namin tapos puro kaguluhan pa ang idinulot namin sa iyong buhay." Medyo gumaralgal ang boses ni Daddy na tila maiiyak. This is the first time that I see Dad's weakest side. Inaaway ko pa siya noon sa pagiging pakialamera sa buhay ko. Without knowing that I'am his weakness. Gusto ko na rin maiyak! Hindi ko na sila makikita 'pag nagpunta sila sa Italy! Bakit nagkaganito? Okay lang ako na awayin at laging sawayin ni Daddy. Kahit hindi na magsalita si Mommy dahil sa pagka mahinhin niya. Okay lang ako. Huwag lang sila mawawala!
"No Dad, Don't leave me! Sasama ako." Sabi ko.
"You can't Alexis. You know that they will force you kapag nalaman nila na ikaw ang the last heiress." Tanggi ni Dad.
Bwesit na last heiress na yan! Bwesit na Mafia na 'yan. Bakit? Puno ng hinanakit kong sabi sa aking sarili.
"Pero paano kayo? Forever kayo titira sa Italy?" Naiiyak kong tanong.
"I guess yes. As long as Mafia World exists. Huwag ka lang mapasali sa kanila. Matitiis namin yan ng Mommy mo." Determinadong sagot ni Daddy.
Masakit parin eh! Bakit ganito? Hindi ko parin maintindihan ang mga nangyayari.
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at napahagulgol ako ng iyak. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Mommy na labis na nagtaka. Agad siyang lumapit sa akin.
"What happen baby?" Nagtatakang tanong niya at agad akong niyakap.
Ito ang sobra kong ma miss eh. Ang mga yakap ni Mommy! Lalo lang tuloy akong umiyak ng malakas.
"Shhhh, it's okay." Sabi niya habang hinahagod ang aking likuran.
"What did you say to her?" Galit na tanong ni Mommy kay Daddy.
"Nothing. I just told her my plan. Let's go back to Italy and rule the Mafia World." Seryosong sagot ni Daddy. Handa siyang pasukin ang mundo ni Mommy dahil sa labis na pagmamahal.
"Are you insane? You know that I hate that place!" Sigaw ni Mommy.
"Do I like that place? Never Honey! But we need to suffer for our daughter. Hindi sila titigil hangga't walang namumuno doon. They will continue to come in here and fire us always. Yan ba ang gusto mong buhay ng anak mo?" Madamdaming sagot ni Daddy.
Natigilan si Mommy at napaiyak ito.
"I'm sorry baby!" Niyakap niya akong muli. Wala na akong masabi pa kundi ang umiyak.
It's for real na. Hindi na biro. I'm growing up na puno ng pagbabago ang nangyayari sa aking buhay. Ayokong umalis sina Mommy at Daddy.
May magagawa ba ako? Wala!
Mas lalo lang akong napahagulgol ng iyak. At bigla kong naalala si Zac!
Kumain na kaya siya? Iniwan ko siya kanina at hindi na bumalik.
Nagpahid ako ng mga luha at nagpaalam sa kanila.
"Babalik po ako ng hospital, Si Zac lang mag-isa doon. Baka nagugutom na 'yon." Paalam ko sa kanila.
"Magpahatid ka sa mga bodyguards." Pahabol na sigaw ni Mommy.
Sana hindi pa sila umalis. Kailangan ni Zac ng mag-aalaga. At otang ko ang buhay ko sa kanya. Gustuhin ko man mag stay at magkipag bonding sa Pamilya ko ay hindi ko magawa. Malungkot akong sumakay. Tanaw ang aming Mansion habang papalayo.
Ang dating maingay na bahay ay mapapalitan na ng katahimikan. Napabuntong-hininga nalang ako.
Dumaan ako sa isang Five star restaurant at binili ang mga favorite foods ni Zac. Sana lang hindi pa siya tulog. 9 pm na! Gutom na yon. Halos takbuhin ko na ang papasok sa loob ng hospital. Nasa 5th floor pa si Zac.
Humihingal kong binuksan ang pintuan. At si Zac ay mahimbing na natutulog. Kawawa naman! Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Parang anghel lang si Zac. At hindi naiwasan ng aking kamay na haplusin ang kanyang mukha.
Napakagwapo niya!
And I never expected na magigising siya. At tila nalunod ako sandali sa blue eyes niya.
Nag-init Bigla ang aking mukha at hindi ko maintindihan kung bakit ako pinagpapawisan, ang lamig naman ng aircon.
"You're finally here. Where did you go?" Nakangiti niyang tanong.
Jusko mas lalo ata sumama ang pakiramdam ko! Parang may kung ano sa tiyan ko. Bakit pa kasi ngumiti eh, mas lalong naging gwapo.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Zac.
"Oo naman nagutom lang cguro ako. Kumain na tayo." Paanyaya ko sa kanya.
Sabay kaming kumain at medyo awkward para sa akin. Dati ay maingay kami. Kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin.
Ngayon ay parang... Ewan ko!
"I know now the reason why we get married. Sa kasamaang palad ay may amnesia ka. Hindi mo rin maiintindihan kapag e share ko sayo." Malungkot kong sabi.
"So, there's a reason. I now understand why I choose you to be my wife I guess." Sabi niya.
Bakit pa kasi nakangiti eh! Para akong natutunaw?
Hoy, Alexis. Umayos ka!
Sigaw ng utak ko.
"Oo meron. Pero may reason ka rin kaya nga may contract tayo- ay!" Bigla akong napatigil.
Gusto mo na ba manganak Alexis?
Tanong ng utak ko. It's just a slip of my tongue. Pahamak ka talaga dila!
"Contract, what kind of contract is this?" Seryosong tanong ni Zac.
"I'm sorry. Hindi Kita masasagot unless mawala 'yang amnesia mo. It's private and personal."Buti naman at nakalusot pa!
"Is that so, but why I have doubts?" Nagdududang tanong niya.
"Doubts ka diyan. Hindi basta-basta yong reason mo pangit ah. Puri ko ang nakataya sa contract natin!" Bibig ko talaga!
Kinagat ko ang aking lips. Ayan ang sakit tuloy huhu.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Aray!" Napasigaw ako ng mahina. At napatawa si Zac.
"I guess I like you for being funny and childish. But wait... You mean?" Nanlaki ang mga mata nito.
Bwesit ah! Kinabahan ako.
"Mean what?" Tanong ko na nanlaki narin ang mata haha.
"You're still a virgin?" Di-makapaniwalang tanong niya.
Aba! Tingnan mo ang mata ng pangit na 'to.
"Bakit, Shock ka? Virgin pa ako until now pangit!" Naiinis kong sagot.
"I'm sorry. I thought that you're a liberated girl." At least nagpaumanhin naman.
"Huh! Kahit kay Ron ay hindi ko binigay ang virginity ko. Because of our contract. Buti nalang at nagka amnesia ka hehe." Nakatawa kong sabi.
"Ron, who is that?" Nakakunot noong tanong ni Zac.
"My ex-boyfriend. Taksil na 'yon. We recently break up." Paliwanag ko.
"We have a third-party? At ikaw ang may Lover?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Huh! Ginawa pa akong makasalanan.
"It's part of our contract baby." Nakairap kong sagot.
"Baby? Hmmm, you want me to cuddle you?" Nakangiting tanong ni Zac at hinila niya ako!
Napaupo ako on his lap. At hindi ko maintindihan kung bakit nag-iinit ang buo kong katawan at pisngi!
Hinawi niya ang mga buhok na tumatakip sa aking mukha at hinaplos ang aking pisngi. At hindi ako makagalaw! "You're beautiful." Bulong niya.
Napakurap lang ako ng aking mga mata habang nakatitig a kanya.
Sh*t! Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko?
Umalis ka diyan Alexis!
Wala letse, nakatitig lang ako kay Zac!
At biglang bumukas ang pintuan.
"Hala, ang sweet nila!" Sigaw ng lukaret na si Debbie. At magka holding hands sila ni Hector?
Okay na ata sila? Ang saya ng loka! Mamaya makikipag chika ako at syempre maki-chismis na rin hehe.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report