My Old Billionaire Husband
Chapter 60 Training (2nd Day "Katana versus Dagger Part 2)

Alexis

Bibitayin na nga ako ni Lolo, ay si Zac parin ang nasa aking isipan! Bakit ganito?

Umalis ka muna Zac at baka matuhog ako ni Lolo!

He's coming aggressively, mukhang papatayin talaga ako ni Lolo ah.

Patay ang beauty ko nito huhu. Pero laban Alexis!

Naging halimaw bigla ang sweet kong Lolo.

Takbo Alexis!

Pero pagod na ako sa kakatakbo. I stop running and face him with blazing desire in my eyes. Kaya ko 'to!

Walang preno si Lolo at tinusok agad ako ng kanyang kutsilyo!

Pero agad ko itong nailagan at binigyan siya ng Kung Fu kick.

I'm sorry Lolo, lumipad ka muna hehe.

At lumipad nga siya pero pinalipad din niya ang apat na kutsilyo sunod-sunod!

Ilagan mo Alexis. Patay yang pwet mo kapag tinamaan!

Ang ingay mo brain, tulungan mo kaya ako mag-isip para hindi tayo mapatay ni Lolo!

Naloka na talaga at kinakausap ko na naman ang aking sarili!

Bahala na, kapagod ng tumakbo. Bugbugan na tayo Lolo!

Hinarap ko si Lolo at himalang nailagan ko ang mga kutsilyo. Isa-isa itong nagsipagbagsakan at si Lolo ay may sneak attack ulit!

May dala pang dalawang kutsilyo na handa akong tusukin! Bakit hindi naman maubos. Saan kaya nilagay ni Lolo ang mga 'yan.

Iniharang ko ang aking mga kamay at sinalo ang mga ito. Parang candy lang pero kutsilyo pala ang sasaluhin.

At nasalo ko naman!

It's time for you to run Lolo hehe. Pwet mo naman ang pausukin natin!

Syempre gaganti tayo. Walang pasabi at agad kung binato si Lolo ng dalawang kutsilyo na naagaw ko galing sa kanya. Tumakbo si Lolo at nag tumbling. Ang galing umilag!

Pero huwag ka, pabalik na naman at walang kapaguran ang matandang ito! At meron pang mga kutsilyo?

Where the hell are they came from?

Medyo galit na ang Lola ninyo at gusto ko na tapusin ito! Grr.

It's now or never, I'm tired of being a coward and running. I'm sorry Lolo but you need to sleep and let's end this fight!

Hinintay ko ang kanyang pag-atake at hinarap with dignity. In a slow motion effect ay nag posing muna tayo habang nililipad ng hangin ang aking buhok.

At feel na feel ko na ang ganda ko!

Naloka kana talaga Alexis.

Shut up brain! This is my moment. Huwag kang epal diyan.

Naging seryoso na ako ng malapit na si Lolo. This time, I will use my killer moves. The high jump Kung Fu kick! Lumipad lang naman ako sa ere pataas at inatake si Lolo ng Kung Fu kick ko. Nabitawan niya ang mga kutsilyo at nagpagulong- gulong ng tamaan ko.

Kinabahan ako baka kung ano ang mangyari kay Lolo!

Hindi na siya bumangon pa. Pero baka tactics na naman niya ito at mag launch ulit ng sneak attack!

Naghintay pa ako ng ilang minuto at hindi na talaga nagising si Lolo.

"Is anybody there? Please check on Lolo!" Naiiyak kong sigaw.

Nilapitan ko si Lolo at nawalan ito ng malay na nakangiti. Weird!

And I heard a clapping of hands behind me. It's Mom!

"Very good Alexis. Don't worry your Lolo is okay. Matagal pa 'yan mamamatay!" Ang walang pakialam na sambit ni Mommy.

Kinilabutan ako sa cold na katauhan ni Mommy. May galit pa ba siya kay Lolo? Maya-maya ay may mga medics na nagsidatingan at binuhat si Lolo na wala paring malay.

"Now, it's my turn. Are you ready?" Malamig niyang tanong.

At na frozen lang naman ako sa aking kinatatayuan! Mommy deserves the title of Mafia Queen!

Eh, ako deserve ko ba ang maging Mafia Princess? Ewan huhu. Ano kaya ang gagawin namin. Kinakabahan na ako!

Maya-maya pa ay may inilabas ito na binunot galing sa kanyang likuran. Isang napakatalim na espada! Ano 'to? Magiging chop-chop lady ba ako? huhu.

"M-mommy bakit may espada? Nasa new era at generation na tayo eh. Mayroon pa 'bang ganyan?" Ang nauutal kong tanong.

She smirk at me like a devil herself.

"Yes, and this is my comfort weapon. It's a Katana." Seryoso niyang sagot at bumunot pa ng isa!

It's not just one, but two? Sobra pa sa chop-chop ang aabutin ko nito!

Ang kinang ng mga Katana at hindi naman obvious na sobrang talim nito huhu. Ano na Alexis?

Ewan ko brain, patay na tayo for sure.

May biglang inihagis sa aking harapan. Katana?

"Use it! I will not let you fight without a weapon." Utos niya sa akin.

Nanginginig kong kinuha ang mga Katana at parang hindi ko yata kaya ito! Ang talim niya at takot akong hawakan. Nanginginig pa ang buo kong katawan. Nakakangilo tingnan! "Mommy, wala ba'ng option? Hindi ko kaya gumamit ng ganito eh!" Mahina kong sambit.

Ngumisi lang si Mommy.

"Sure, I will let you choose whatever weapon you may like." Pumitik siya sa kanyang daliri at agad na nagsulputan ang The Blue Dragon Squad na may dalang sangkaterbang weapons. Ang dami! Mas lalo tuloy gumulo ang utak ko. Pero nakapagbigay ng pansin sa akin ang silver na maliit na dagger at may emblem ito na nakaukit ang Blue Dragon. Nagagandahan ako sa kanya at para niya akong tinatawag! Nababaliw na ata ako eh.

Dalawang silver dagger at nagustuhan ko rin ang mga shurikens na katabi nito na kulay silver din.

"Can I have them?" Tanong ko kay Mommy.

"You have the best choice! That dagger was use by the first Mafia Queen of Blue Dragon. That's her favorite and comfort weapon along with the shurikens. Isa siyang half Italian-Japanese. Actually, ang lahi natin ay madaming mix of bloods and kins." Paliwanag ni Mommy.

Tinatawag ba ako ng espritu ni First Mafia Queen? Huwag naman po ninyo akong takutin huhu. Hihiramin ko muna ang weapons niyo at ibabalik ko po.

"Take it then. Bagay sayo yan," Sambit ni Mommy.

Excited ko itong kinuha at nagustuhan ko hehe. At ang cute ng mga shurikens. Pero ewan kong paano ito gamitin. Baka dito ko magamit ang skills sa panonood ng Naruto haha. Bahala na!

Dagger versus Katana who will win? Ang liit pa naman ng mga dagger ko.

Fighting Alexis, kaya ko 'to!

"I'm ready." Sambit ko.

Parang ready lang pero hindi!

Bumunot na si Mommy ng kanyang mga Katana. Dagger babies ipagtanggol ninyo ako!

Jusko! Ang mata ni Mommy ay nakakapangilabot!

Ang Mommy ko na mahinhin kung kumilos at malunay magsalita ay naging devil na monster!

Parang kakainin lang ako ng buhay ni Mommy.

Bakit ba kasi napakaseryoso nila?

Syempre Alexis, Mafia war ang pupuntahan mo at hindi fashion show!

Galit ka brain? Sige, ikaw na ang magaling!

And here comes Mommy, papunta na sa akin and ready to strike her sharp Katana!

Magdasal kana Alexis baka pag gising mo ay nasa langit kana huhu.

Muntik na akong matamaan! Buti nalang at nakailag ako.

At ngayon ay takbo lang ako ng takbo. Paano ko ba lalabanan ang matalim na Katana?

"Stop running Alexis! Sasali ka ba ng marathon?" Naiinis na tanong ni Mommy.

"Eh, bakit ba kasi yan ang weapon mo Mommy! Ang talim niya at tiyak patay ako niyan." Sagot ko habang tumatakbo.

Huminto na si Mommy sa paghabol sa akin. At galit na ang mukha nito.

"You said that you wanted to train at ang seryoso mo pang sabihin that your decision is final. And now, tatakbo ka lang? Mas madami pang malalang weapons ang makikita mo Alexis kapag sumiklab na ang Mafia War! Hindi ka pwedeng tumakbo at iwan ang iyong nasasakupan." Biglang nakitaan ng pag-aalala ang mukha ni Mommy.

At naantig ang aking damdamin. Nakalimutan kong gusto ni Mommy ng tahimik na buhay pero kahit anong takas niya ay hinihila siya pabalik kung saan siya nararapat.

Hindi nga naman ito oras ng pagbibiro. We are talking lives in here!

At ayaw ko ng maulit pa at makakita ng malapit sa akin habang namamatay dahil wala silang choice!

I will give them the choice to live.

Kaya maging seryoso kana Alexis!

Yes brain, kaya natin ito.

"Come on Mom, Let's do the real fight!" Sambit ko.

At ewan ko kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob at biglang nagising ang katawan ko na handa ng makipaglaban! Baka sumapi na sa akin ang esperitu ng unang Mafia Queen. I suddenly have the urge to fight and my hands are itching to use the dagger and shurikens!

Ano ito?

Feeling ko ay naglalabas ang aking katawan ng matinding enerhiya at handa ng harapin ang Katana ni Mommy.

Goku is that you?

At nakisingit ka pa brain!

Nauna akong umatake at inihagis ng sabay-sabay ang mga shurikens kay Mommy.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Mabilis lang niya itong nailagan gamit ang kanyang Katana at inihagis pabalik sa akin!

Agad akong dumapa at nagpagulong-gulong para makaiwas.

But this time hindi na ako tatakbo. I'm ready to attack again!

Patakbo akong lumapit kay Mommy at umatake gamit ang aking dagger. Nasangga ito ng kanyang Katana.

Pero kahit gaano pa katalim ang kanyang Katana ay hindi susuko ang aking matibay na dagger.

No surrender na ako at hindi na tatakbo.

Habang busy si Mommy sa pag-sangga ng aking dagger ay palihim akong umatake gamit ang isang kamay na may shurikens.

Maliksi si Mommy at agad itong naitaboy habang ang isang kamay ay nakikipag-bakbakan sa aking dagger.

Ginamit ko ang isang dagger ng mawala ang mga shurikens and landed a strike on her shoulder at muntik na siyang matamaan kung hindi siya bumitaw sa pag-sangga ng isa kong dagger. Kinabahan din ako sa pag-aakalang nasugatan ko si Mommy!

Mabilis siyang umatake pabalik sa akin at kami ay naglaban gamit ang dagger at katana.

In fairness, ang tibay ng dagger! Ang talim kaya nang Katana ni Mommy pero hindi man lang nasira ito.

Humahanap lang ako ng timing kung paano ko tatalunin si Mommy ng hindi nasasaktan. At wala akong choice kung hindi gamitin ang walang kamatayan kong Kung Fu Kick!

Patuloy kami sa bakbakan, at sa wakas ay nakahanap ako ng chance para paliparin si Mommy.

Dahil busy siya sa pagsalo ng aking mga dagger ay mabilis akong umatake sa kanyang siko at binigyan siya ng Kung Fu Kick.

Pero hindi ko ibinigay ang full force baka mabalian si Mommy.

Just enough para mabitawan niya ang Katana at bumagsak ito.

Mabilis kong inagaw ang isang Katana na nasa kabila niyang kamay at tinutukan ng dagger ang kanyang leeg.

Wala ng kawala si Mommy!

"Tsk! That Kung Fu Kick of yours will be the death of all the Mafias out there!" Nakatawa niyang sabi.

Eh, ito talaga ang comfort weapon ko hehe.

"Mommy, Wala naman sa rules na hindi pwede mag Kung Fu haha. So, I win!" Masaya kong sagot.

"Yes, my princess. Congratulations!" Nakangiting sambit ni Mommy at ibinaba ang aking kamay na nakatutok sa kanyang leeg at niyakap ako.

"Thank you, Mommy." Masaya kong sagot.

At least Mommy accept her defeat. Straight na ang panalo ko.

"My baby is now a lady and I'm proud of you! Eat your lunch Alexis and get ready for your last opponent this afternoon." Ang sabi ni Mommy bago umalis. Mayroon pa? Akala ko wala na!

"Your husband, Zac." Nakangiting sagot ni Mommy bago ako iniwan.

"Sino?" Nagtataka kong tanong.

Ano naman ngayon ang susunod?

Husband versus wife?

Naloka na!

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report