My Old Billionaire Husband -
Chapter 71 Grandeur Wedding part 1
Alexis
This is it pansit!
It's my wedding day today.
Or sabihin natin, na ito ang dream wedding ko with the man that I love. Akala ko noon ay si Rond na but Zac is the right man for me. My baby!
First wedding with Zac ay para kaming aso at pusa. Ang sakit sa kalooban ko yon dahil mahal ko pa si Rond at that time.
Nagawa ko pang tumakas at nahuli parin ni Zac.
Rebelde ang Lola ninyo mga besh!
Ang inakala kong pangit na matandang bilyonaryo ay napakagwapo pala.
At mahal ko na siya ngayon.
I'm ready to get married again and become Mrs. Alexis Jenn Buenavista Walker!
Naiiyak ako!
Kahapon pa ako hindi mapakali.
Hindi ako makatulog pero pinilit ko dahil baka pumangit ang skin ko at magka dark eyebags pa.
Syempre, dapat maganda parin.
At ang ganda ko ngayon!
Kaya, kalma ka lang Alexis.
Yes brain, ikakasal na tayo!
Excited kong sigaw sa aking isipan.
Lukaret na talaga ako at ngumingiti habang inaayos ang mukha ko!
Baliw na kung baliw basta masaya ako hehe.
"Besh! Ang ganda mo!" Ang sumisigaw na tili ni Debbie.
At nadagdagan pa ng lukaret kong best friend!
Ang ganda rin naman niya.
Maganda kaming dalawa.
"Mas maganda ka Besh. Na kontak mo ba si Lara? Nagtatampo na talaga ako sa babaeng 'yan! Nag enjoy na ng husto sa Korea at nakalimutan na tayo." Nakasimangot kong hinaing. "Huwag kang malungkot besh. Naku papangit ka niyan. Malapit na ang kasal niyo ni Zac. Excited na ako haha." Ang naiihi nitong sigaw.
"Hoy Debbie baka mabingi ang make-up artist ko! Sakit sa tainga ng boses mo besh. Okay ka lang girl?" Tanong ko sa kanya.
"Yes, my princess. I'm okay." Matipid nitong sagot.
Oops, English pala ito. Imported na bakla hehe.
Girl pa naman ang tinawag ko, naku!
Buti naman at naintindihan niya dahil may okay.
Yong girl na word ay bahala na siya.
"Pero besh, bagay sa'yo ang black wedding gown! Buti at pumayag si Zac?" Tanong ni Debbie.
"Alam mo naman na emo girl ako. I love black! Pumayag siya dahil ito ang dream wedding ko besh. At ang saya ko!" Naiiyak kong sagot.
"Oops huwag kang umiyak! Ang make up mo. Sabagay, water proof naman pero huwag kang umiyak papangit ka! I'm happy for you Besh." Seryosong sambit ni Debbie.
At mas gusto ko tuloy na umiyak!
Kahit mga baliw kami ay Mahal namin ang isa't-isa.
"Huwag mo akong paiyakin besh! Baka mamugto ang mga mata ko mamaya huhu." Sambit ko na pinipigilan huwag mahulog ang aking luha.
"Okay, stop na tayo sa ka dramahan. Biglaan kasi ang kasal mo besh. At si Lara ay busy sa kanyang hubby. Nasa bundok sila haha." Nakatawang paliwanag ni Debbie.
"Bundok? Grabe naman ang trip ng babaeng 'yon. Baka kung mabinyagan na ang baby mo ay nasa saturn na siya haha." Nakatawa kong sagot.
"Ay grabe naman, buntis pa nga ako. Ikaw talaga besh haha." At nagtawanan kaming dalawa.
Agad din napawi ang aking mga ngiti ng pumasok si Mommy.
"Ang ganda naman ng anak ko!" Masaya nitong sambit.
Mahinhin lang ang boses ni Mommy at hindi masakit sa tainga.
"Hello Tita, bigyan ko muna kayo mag bonding moment before the wedding. See you a little bit besh!" Paalam ni Debbie at umalis na.
Sumunod na lumabas ang aking make-up artist. Tapos na ang aking make over at ang ganda ko!
At ako ay naiwan na nakaupo at nakaharap sa malaking salamin.
Si Mommy ay nasa likuran ko at masayang pinagmamasdan ang aking repleksiyon.
"You are very beautiful my daughter." Mahinang sambit niya.
"Thanks Mommy. Pero sa iyo ako nagmana. Ang ganda po ninyo!" Sagot ko habang pinagmamasdan ang nakangiting mukha niya sa salamin. Maya-maya ay may kinuha siyang parihaba na jewelry box na may emblem ng blue dragon.
And it's a white gold necklace with a blue dragon itself design!
Ang ganda at kumikinang pa.
Bumagay naman sa wedding gown ko na may mga maliit na diamonds.
Real diamonds ito mga besh!
Ang taray diba?
Nakasabit ang mga ito sa aking gown at kumikinang.
Ang rich mo girl!
Oo brain haha. Naloka na.
Pero si Zac ang may gusto nito. Mas mahal pa daw ako sa Diamond. At bagay daw sa black gown ko na kumikinang. And I'm the most beautiful wife for him! Walang tigil na kilig ang nararamdamn ko ngayon!
And now ang ganda rin ng kwentas ko!
Isinuot ito ni Mommy sa aking leeg.
Bagay na bagay!
"This is our family heirloom that was passed through generation. It's time for you to have it. Happy Wedding Alexis. Congratulations!" Sambit ni Mommy at niyakap ako. Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak. Mabilis pa sa rumaragasang falls na nagsilabasan ang aking mga luha.
"Don't cry! Matatanggal ang make up mo." Saway ni Mommy.
"Thank you Mommy. Na touch lang ako at ang ganda ng kwentas. But don't worry dahil waterproof ang aking make-up." Umiiyak kong sagot.
"You're crying again! Baka mugto na yang mga mata mo mamaya. Stop crying because this is your day! Are you happy?" Tanong ni Mommy.
Bigla akong natigilan. This is like a Deja vu!
Same question lang din ang tanong ni Mommy noon sa akin.
But at that time ay hindi pa ako masaya and Mommy is hiding her secret identity before.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Umiyak pa siya noon, blaming herself kung bakit ako ikakasal kay Zac.
But now, I'm happy at walang pagsidlan ang sayang nadarama ko!
"This time. I'am the happiest bride from the whole universe!" Umiiyak kong sagot.
"But you are crying again. I'm telling you my daughter. Ang mata mo, stay beautiful! Ilang minuto nalang ay wedding mo na. At ang ganda nitong beach resort na napili ninyo." Sagot ni Mommy. Andito kami sa isang napakagandang island dito sa Italy. It is one of the tourist destination but we rented this place for three days.
Nakuha mo Besh! Dito na rin ang honeymoon at kinakabahan na ako.
Erase na muna 'yang mga dirty thoughts!
I love beach wedding at napakalawak at laki ng island na ito.
Syempre ang dami kaya namin.
Biglang lumaki ang circle of family ko in just a couple of days!
Si Joanna ay wala rito. Buti nalang talaga!
Request ko kay Dad na ayaw ko siyang makita sa kasal ko.
Okay lang naman sa akin si Annalise.
Wala na kaming hatred sa isa't-isa.
Ikakasal na ako the second time around at satisfied na siya..
Secured na ang asawa niya haha.
Sa kanya lang si Rond at wala naman akong balak na mang-agaw!
"Yes Mommy. Thank you sa support at pati sila Mom and Dad. I felt lucky na naging parents ko kayo. Isali na natin si Dad bigote hehe." Biro ko.
At tumawa ng napakalakas si Mommy!
Ang saya ng Lola ninyo.
Yong totoo Mommy?
May gusto ka pa kay Dad?
OMG!
Brain huwag ka ng sumingit pa!
Hayaan na natin ang mga adults sa problema nila.
Adults na nga diba?
"My pleasure. Ang saya ko na makita kang masaya! Let's go to your wedding. Nag text na ang Daddy mo." Sagot ni Mommy habang nakatingin sa kanyang cellphone. This is the moment of truth!
Nahirapan pa akong tumayo dahil ang haba ng wedding gown ko.
Andito naman si Mommy at nakaalalay sa akin.
At ang bongga ng wedding venue!
Ang ganda ng mga flowers sa paligid.
Hindi ko talaga expected ito na gagastos si Zac ng bongga sa aming kasal!
Ang buong paligid ay napapalibutan ng middlemist's red camellia flowers!
Ang pinaka rare na bulaklak sa buong mundo!
At ang ganda nila. Hindi naman siya kulay red kagaya ng pangalan niya.
It's a deep pink rose-like-flower.
At dahil sa rare ang bulaklak na ito. Matatagpuan lamang sa bansang New Zealand at England!
But Zac make it possible for our wedding!
Panalo na si Zac kung effort lang ang pag-uusapan.
Hindi ko na alam kung magkano ang nagastos niya.
Everything is expensive!
Lahat ng makita ng aking mga mata ay puro maganda at mamahalin.
Bongga ka talaga girl!
Pero mas bongga ang groom ko.
Gusto ko na siyang lapitan dahil tanaw ko na siya buhat sa aming kinatatayuan.
Ang gwapo ni Zac sa kanyang black tuxedo outfit na may halong white sa ilalim. Buti at hindi diamond ang nilagay nito hehe.
But wait-
May diamond!
Isang nag-iisang kumikinang na diamond sa kanyang bow tie!
Iba ka talaga baby!
At hindi ko kinaya ang maghahatid sa akin sa altar. Ang dalawa kong tatay na ngayon palang ay nagbabangayan na.
Hay naku!
Nakalinya na ang lahat ng abay sa kasal at si Debbie lang ang nag-iisa kong bridesmaid.
"Dad, Daddy! Ano ang ginagawa ninyo? Remember, may munting palabas pa tayo hehe. Kaya huwag muna kayo mag-away diyan!" Mahina kong bulong. "Naku, I'm sorry my daughter. Nakalimutan ko haha." Sagot ni Dad.
"Ulyanin kana kasi Juanito." Ang nakaismid na sambit ni Daddy.
Ay ewan ko sa dalawang ito!
Speaking of revenge...
Yes mga besh, tama ang nabasa mo!
I will have this little revenge to my one and only baby.
Kahit pa ang gwapo niya ngayon ay wa epek muna!
Alam niyo naman na ako si Alexis Jenn Buenavista and my forte is revenge bwahahahah.
And this the moment!
The music is playing and I like the song.
Everyday I Love you for my wedding march.
Araw-araw kung mamahalin ang pangit at bugnutin na taong ito.
Pero sobrang sweet at caring naman.
Araw-araw kong sasabihin sa kanya na Mahal ko siya...
But-
Revenge time muna!
Are you ready for my mini drama?
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report