My Stranger Legal Wife
CHAPTER 13: After The Truth

Nagpalinga-linga si Zeke sa hapag kainan ngunit wala roon ang gusto niyang makita.

"Where is Alora, manang?" Muli itong nagpalinga-linga.

"Nasa kuwarto po niya, sir." Inilapag nito ang hawak niyang mangkok sa mesa katabi ng iba pang pagkain.

"What? Sinabihan ko naman siyang hintayin ako dito." Hindi naitago ni Zeke ang pagkairita sa boses nito.

Matapos kasi ang pag-uusap nila kanina sa library ay parang naging awkward na ang atmospera sa paligid kaya naman iniba na niya ang usapan at sinabihan niya itong bumaba na at hintayin siya sa kusina para sa agahan. "Naku, intindihin mo na lang, sir. Siguradong masama pakiramdaman niya. Hindi rin naman kasi biro ang sakit ng unang karanasan."

Napaubo naman si Zeke sa sinabi nito. Parang gusto niya tuloy magsisi na hinayaan niya ito na makita si Alora sa gano'n kalagayan.

"Ngayong bumalik na ang totoo mong asawa, ano na ang mangyayari sa kanya? Aalis na ba siya dito?" Nabanaag niya ang lungkot sa tono at mukha ng mayordoma.

"Dapat ko ba siyang paalisin, manang?"

"Ikaw ba, sir? Ano bang gusto mo?"

"Honestly manang, I don't know. Pero kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, manang, what will you do?"

"Kung hindi ako kasal sa iba, pananagutan ko siya. Gano'n ang totoong lalaki. Iyon kasi ang pinakaimportanteng yaman ng mga babae, sir."

Ngumiti na lamang ng bahagya si Zeke. Naisip niyang nakalimutan na yata ni Manang Linda na iba na ang panahon ngayon. At bukod pa roon, hindi na niya kailangang panagutan si Alora dahil pinakauna sa lahat ay matagal na itong kasal sa kanya nang hindi niya nalalaman.

"Bring her food, manang. And by the way, papasok ako sa trabaho ngayon." Umupo ito sa lagi niyang pwesto sa hapag-kainan.

"Okay po, sir. Sasabihan ko si Kanor na ihanda na ang sasakyan."

"Let Jessa do that, manang. Just go to Alora and bring her some food." Huminto ito sa pagsasalita at animo ay nag-aalangan," and take care of her."

Sumilay naman ang ngiti sa labi ng matandang mayordoma.

"Opo, sir." Yumuko pa ito bago tuluyang tumalikod.

"Naku, pinapaiiral pa kasi ang pride. Hay, pag-ibig! Kung kailan nagkaromansahan na at saka mag-iiwasan." Bagama't pabulong ay hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ni Zeke Xavier.

Hindi na lang umimik si Zeke at ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain. Ngunit para sa kanya ay hindi iyon dahil sa pride. Gusto lang niyang baguhin ang kanyang sarili. Pagod na siyang magpamartir, dahil wala namang isinukli sa kanya kundi pambabalewala lamang.

Bawat makasalubong o madaanang empleyado ni Zeke ay agad siyang binibigyan ng pagbati. Ngunit nang marating niya ang CEO's area ay binalot na ng katahimikan ang paligid.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Mula sa tahimik na paligid ay umusbong ang hikbi. Awtomatikong napahinto ang kanyang mga paa.

"Somone is crying?" Naisaisip niya.

Muli niyang narinig ang paghikbi. Nang makumpirma niya kung saan iyon nagmumula ay agad niyang tinungo iyon.

Mula sa secretary's table ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakayuko ito at sapo-sapo ang kanyang mukha. Yumuyugyog din ang balikat nito. Agad niyang naramdaman ang simpatiya para sa dalaga. "Why are you crying?"

Agad namang napaangat ng tingin si Richelle Ravina. Kita sa magandang mukha nito ang lungkot. Umaagos rin sa mga pisngi nito ang kanyang mga luha. Ngunit agad naman itong nataranta nang mapagtanto kung sino ang kasalukuyang nakatayo ngayon sa kanyang harapan.

"Wala po ito, sir. Konting problema lang po." Agad siyang nag-iwas ng tingin at pinunas ang pisngi gamit ang palad.

"Hindi ko ba pwedeng malaman 'yan, Miss Ravina?"

Muling bumalik ang tingin sa kanya ni Richelle. Nakita pa niyang napalunok ito bago bumuka ang bibig.

"Ano po kasi," Gumuhit ang pag-alangan sa mga mata nito. "pinapaalis na po ako sa tinitirhan kong apartment, sir. Wala na kasi akong pambayad." Yumuko ito upang itago ang nahihiyang mukha. "You can get your salary in advance." Iyon ang una niyang naisip na solusyon sa problema nito.

"Kaya lang sir, inilalaan ko po iyon para sa mama ko, para po sa dialysis niya." Muling umagos ang luha nito pero kaagad rin naman niyang pinunas iyon.

Hindi naman nakaimik agad si Zeke dahil sa narinig.

"Pwede ko naman po siguro pakiusapan ang landlady ko. Baka sakaling maawa siya sa'kin." Nagpakita ito ng pilit na ngiti.

"Kung bahay ang problema mo, I can help you. You can stay in my house for the mean time." Iyon ang agad na naisip ni Zeke bilang tulong. "Talaga po?"

Tumango ang lalaki bilang tugon.

"Naku sir, maraming salamat po. Malaking tulong po ito." Kumislap ang mga mata nito, sumilay roon ang saya. "Kaya lang po, hindi po ba magagalit si ma'am, sir?"

Agad namang napakunot-noo si Zeke sa tinuran nito. Mabuti ang ang pakikitungo ni Alora sa lahat kaya bakit maiisip ni Richelle na magagalit ito.

"What made you assume that?" Napatitig siya dito.

"Parang ang sungit po kasi ng wife mo, sir." Lalo namang napakunot-noo si Zeke. Sa tingin niya, Hindi naman mukhang masungit ang hitsura ni Alora.

"Kahit po magkamukha sila, malayong mas mabait po ang hitsura ni ma'am Alora."

Natigilan si Zeke. Napaisip siya kung saan nakuha ni Richelle ang idea na hindi niya asawa si Alora?

"Alora is my real wife. And she won't mind your stay."

"Opo, sir. Pasensiya na. Hayaan mo nalang ang sinabi ko, sir. Huwag mo pong masyadong intindihin." Hindi nito naitago ang pagkataranta gayunman ay nagawa pa rin nitong magbigay ng pilit na ngiti. Tumango na lamang si Zeke bilang tugon.

"Sige, sir. Tapusin ko lang 'yong document na kailangan niyong pirmahan."

Nang pumasok si Zeke sa kanyang opisina ay lalo siyang binagabag ng sari-saring isipin. Kaya naman nang hindi na siya nakatiis ay kaagad niyang hinugot ang kanyang cellphone

To: Artheo Pueblo

Hire our most trusted PI, he needs to investigate someone.

Eksaktong naipadala ni Zeke ang mensahe nang mag-ring ang hawak niyang cellphone. Inasahan niyang si Art iyon ngunit nagkamali pala siya.

Wife calling.....

Nag-alangan siyang pindutin ang answer button. Wala siyang maisip na dahilan para tumawag sa kanya si Alora. Dahil sa pag-aalangan ay napalampas niya ang tawag. Nang akmang ilalagay na niya sa kanyang bulsa ang cellphone ay muli itong nag-ring. It was Alora again. Kaya naman tinanggap na niya ang tawag.

["Sir."] Iyan ang bumungad sa kanya sa kabilang linya.

"Manang?" Agad naman sumibol ang pagtataka sa loob ni Zeke. Agad niyang natanong sa sarili kung bakit nasa mayordoma ang cellphone ng kanyang asawa.

["Sir, may lagnat po si ma'am Alora."] Agad napatayo si Zeke sa pagkakaupo. Sumilay sa kaibuturan niya ang pag-aalala ngunit agad din niya iyong napigilan. "Bring her to the hospital, manang." Kinuyom niya ang isang palad bago siya bumalik sa pagkakaupo.

["Lagnat lang naman ito, hindi na kailangan dalhin sa hospital, sir.]

"Kung hindi naman pala malala, then bakit kailangan mo ka akong tawagan, manang?"

["Dahil dapat ikaw 'yong nandito kasi kailangan ka niya, sir."]

"Manang! I'm busy. Ikaw na lang ang mag-alaga sa kanya. Hindi ako uuwi." Kaagad niyang pinatay ang tawag at hindi na hinintay pang makasagot ang katulong.

Ipinangako ni Zeke sa sarili niyang hinding-hindi siya uuwi. May kasalanan pa rin sa kanya si Alora kaya nararapat lang na tiisin niya ito. At isa pang pangako ang ipinangako niya sa sarili, maghihiganti siya sa lahat ng ginawa ni Leinarie Melendrez.

Napukaw si Zeke sa kanyang malalim na pag-iisip nang marinig niya ang tatlong katok sa pintuan. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Artheo Pueblo.

"Sir, I received a message from you."

Agad namang tumango si Zeke nilang kompirmasyon.

"Yeah, come here."

Agad namang lumapit si Art at umupo sa upuang nasa harap ng kanyang mesa.

"Sino ang gusto ninyong pa-imbestigahan, sir?"

Lumingon-lingon muna si Zeke bago nagsalita. "Si Richelle Ravina."

"Meron po siyang record sa'tin. The company's security team made an initial investigation before she was hired."

"That's good. I want to see her record."

"Nasa data base system po iyon, sir. And it's only you who can access it."

Agad naman binuksan ni Zeke ang kanyang laptop at nagsimula na siyang magtipa. Ilang sandali lamang iyon, agad niyang nahanap ang hinahanap nitong files.

"Sa pagkakatanda ko po, wala namang kahina-hinala sa records niya. She came from a middle class family. At maganda ang academic records niya."

Ipinagpatuloy naman ni Zeke ang pagbabasa habang nakikinig kay Art.

"Yeah. You're right." Nakita niya sa files ang sinasabi ni Artheo Pueblo. "At patay na rin pala ang mother niya." Natigilan si Zeke matapos niyang sabihin iyon. "Kaya lang sir, para po sa mama ko po iyon. Para sa dialysis niya."

"Para po sa mama ko po iyon. Para sa dialysis niya."

"Para po sa mama ko po iyon. Para sa dialysis niya."

Doon na siya, nagising sa realisasyon.

"Richelle Ravina is hiding something from me." Napasapo siya ng ulo.

"What do you mean, sir?" Napakunot-noo na rin si Art.

Agad nag-angat ng tingin si Zeke Fuentares.

"She said she will be using her money for her mother's dialysis. But according to record, her mother died two years ago."

Napaisip naman si Art. Walang siyang matandaan na nagpakita ng kahina-hinalang aksyon si Richelle.

"Hindi po kaya para sa papa niya, sir? Ang tanda ko, may sakit ang father niya."

"Hindi ako namali ng rinig unless namali siya ng nasabi."

"Sige, sir. I will contact our most trusted private investigator."

"Don't focus on her family background alone. Look for anything that is suspicious."

"Noted, sir."

"At may ipapagawa po ako sa'yo Art."

"Gumawa ka ng paraan para maging major stockholder ako sa Melendrez Corp nang hindi nila nalalaman." Malaki ang tiwala ni Zeke na kaya iyon ni Artheo. Minsan na rin kasi nilang nagawa iyon sa kalabang kompanya. "Okay, sir." Tumango-tango pa si Art.

"I will be leaving the country for business matter. Isasama ko si Miss Ravina dahil kailangan ko siya roon."

"How about ma'am Alora, sir?"

Saglit namang natigilan si Zeke. Hindi niya kasi mabasa ang emosyon ni Art. Hindi niya alam kung nag-aalala ba ito para kay Alora o dahil iyon sa plano nilang kailangang bantayan ang kilos ng kanyang asawa. "About that, si manang Linda na ang bahala sa kanya. And besides, both of us need space." Tumango naman si Art.

"At pakitingin-tingin na rin siya minsan, Art." Gusto mang bawiin ni Zeke kanyang sinabi ay huli na. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit niya nasabi iyon.

"I will, sir." Lihim na lamang napangiti si Art. Naisip niyang hindi bihasa sa pagtatago ng damdamin si Zeke.

Ayaw man isipin ni Art pero mukhang nagbukas na ang bagong kabanata sa buhay ng kanyang amo. Ang hiling niya lamang, sana ay walang masamang intensiyon si Alora Andrada. Iyon ang gusto niya, ang mahanap na ni Zeke Fuentares ang tamang babae. Iyong babaeng hindi sasayangin lahat ng effort at pagmamahal nito.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report