My Stranger Legal Wife -
CHAPTER 22: Surprise
Ipinagsawalang-bahala na lamang ni Zeke ang nakita niya at sinaluhan niya si Alora sa pagkain. Matapos iyon ay nagsipaghanda na sila para sa seminar. Halos hindi na sila nagdaupang palad nang magsimula na ang seminar. Si Zeke ang speaker kaya nanatili na lamang si Alora sa tabi nina Art at Richelle.
Itinuon na lamang niya ang tingin sa kanyang mister ngunit nang lumipas ang oras ay tila ba nanlabo ang kanyang paningin. Ikinurap-kurap nito ang kanyang mata na nataon namang nakita ni Artheo Pueblo. "Ayos ka lang ba ma'am Alora?" Mababakas ang pag-aalala sa tinig ni Art.
"Ayos lang ako, medyo nahihilo lang ako ng konti." Pinilit ngumiti ni Alora.
"Do you want to go out, ma'am?"
"Hindi na. Kaya ko naman." Ibinalik ni Alora ang tingin sa kanyang mister.
"Mga thirty minutes pa po siguro ito, ma'am."
"Okay lang." Hindi niya inalis ang tingin kay Zeke.
Maya-maya lang ay nag-abot ng bottled water si Art sa kanya.
Liningon at ngitian niya ito ng tipid bago niya iyon tinanggap.
Hindi na nagkibuan ang dalawa matapos iyon, parehong napunta ang atensiyon nila kay Zeke na nagsasalita sa harap. Bagama't palingon-lingon sa kanya si Art.
"Ready yourself for our next activity tonight. For now, the remaining time are all yours. Enjoy the day."
Nagsipalakpak ang mga empleyado. Nang umalis si Zeke sa harap ay kaagad siyang dumeretso sa kanyang misis.
Ngumiti sa kanya si Alora.
Kaagad siyang niyakap ni Zeke. Matapos iyon ay masuyo itong humawak sa magkabilang pisngi nito.
"Are you okay? Art texted me. Nahihilo ka raw." Makikita ang pag-aalala sa berdeng mata nito.
"Ayos lang ako. Huwag mo akong intindihin." Tinanggal nito ang mga kamay ni Zeke sa kanyang pisngi at mahinang pinisil iyon.
"No. Let's go out here." Bumaling ito kay Art. "Art, ikaw na bahala sa kanila. Give them a short briefing about the activities tonight and tomorrow."
"Yes, sir. Magbibigay po ako ng briefing mamaya pagkatapos nilang kumain, sir."
Iginala ni Zeke ang kanyang paningin. Sa bandang likod ng hall ay mayroon na ngang nakahilerang pagkain roon. May service crew na rin doon. "Okay. My wife and I will go ahead."
Habang naglalakad sila patungo sa hotel room nila ay makailang ulit pang tinanong ni Zeke kung ayos lang ba ang kanyang misis. Lagi namang sinasabi ni Alora na ayos lamang ito.
Nang makapasok sila sa kwartong inuukupa nila ay pinahiga niya si Alora sa kanilang kama.
"Tell me, sobrang nahihilo ka ba?" Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito.
"Ayos lang ako. Gusto ko lang sanang pumikit."
Hinaplos ni Zeke ang buhok ng kanyang misis. Nang pumikit ito ay nanatili sa kanyang tabi si Zeke.
Maya-maya lang ay naging banayad na ang paghinga ni Alora. Hinayaan na lamang siya ni Zeke.
Nang mahimbing na ang tulog ni Alora ay binuksan niya ang kanyang laptop upang buksan ang email na ipinadala sa kanya ni Art. Naroon ang mga detalye para sa surprise proposal niya para sa kanyang misis bukas ng gabi. Magkakaroon muna ng salu-salo, palabas mula sa mga singers at dancers na kinuha nila at sa panghuling bahagi ay ang proposal niya kay Alora.
Hindi niya naiwasang mapangiti dahil sa excitement.
Matapos masilip ang mensaheng iyon ay pabalik-balik ng lakad si Zeke sa loob ng silid. Sa kanyang isip ay kinakabisado ang gagawin at sasabihin sa oras ng kanyang proposal.
Makalipas ang mahigit isang oras ay kumilos si Alora mula sa pagkakahiga. Mabilis siyang dinaluhan ni Zeke nang makita niya ang pagmulat ng mata nito.
"How are you feeling?"
Ngumiti sa kanya si Alora.
"Ayos na ako."
"Hindi ka na ba nahihilo?"
"Ayos na. Mukhang tulog lang ang hanap ng katawan ko."
"Are you sure?"
Tumango naman si Alora bilang tugon.
Mabilis siyang niyakap ni Zeke.
"You make me so worried, wife."
Kumalas ng yakap sa kanya si Alora.
"Ayos lang ako, Zeke."
"Do you want to eat. It's already pass six in the afternoon."
"Sige, mamaya. Maliligo lang muna ako saglit."
"Samahan na kita." Mabilis na saad ni Zeke.
"Huh?"
"Baka kasi bigla kang mahilo."
"Ahm hindi na. Kaya ko na. Ayos na ayos na ako."
"Please, wife."
"Naku! Hindi. Hindi na." Umiling-iling pa si Alora dahilan upang mapanguso na lamang si Zeke.
"Baka kasi...." Namula ang pisngi nito. Mabilis din itong nag-iwas ng tingin. "Ano, baka kasi.." Tumikhim siya bago muling nagsalita. " Baka kasi hindi lang ligo ang mangyari kapag sumama ka pa." Pinigil ni Zeke ang sariling mapabungisngis.
"Okay. But let me stay near the bathroom. Hihintayin lang kita."
"Sa labas lang, ha."
Tumango naman si Zeke bilang tugon.
Gano'n nga ang nangyari. Hinintay ni Zeke ang kanyang misis sa labas ng paliguan. Manaka-naka ay kinakausap pa niya ito. Paulit-ulit itong nagtatanong kung ayos lamang ba ito.
Nang matapos maligo at mag-ayos ng sarili si Alora ay pinagsaluhan nila sa balkonahe ng hotel ang kanilang hapunan. Naging maayos naman ang lahat. Tuluyan na rin nawala ang pag-aalala ni Zeke para sa kanyang misis. Nang pumatak ang alas-otso na ng gabi ay gumayak naman ang dalawa patungo sa pagdadausan ng aktibidades para sa mga empleyado.
Napakasiglang tugtugin ang pumapailanlang na tila lalong nagpagising sa kanilang diwa. Naging facilitator sina Zeke, Alora, Richelle at Art sa mga palaro para sa mga empleyado. Iba't-ibang team activities ang ginawa nila na pawang may papremyo. Walang kasing-sigla ang hiyawan ng mga ito sa tuwing makakapuntos.
"I know that you are tired already. Pero hindi pwedeng matapos ang gabing ito na walang salu-salo." Anunsiyo ni Art sa lahat.
Naghiyawan pa ang mga empleyado sa tuwa.
Nang magsimula na ang salu-salo ay nagpaalam naman si Alora para magbanyo.
Lumipas na ang ilang minuto ngunit wala parin si Alora kaya napagpasyahan nang lumabas ni Zeke para sundan ito. Ngunit ilang hakbang pa lang siya mula sa pinto ay nakita na niya si Alora.
Napahinto siya sa paghakbang nang makita niyang may kasama ito.
Si Kenneth Quino.
Hawak-hawak ni Kenneth ang isang kamay ni Alora. Bumubuka ang mga labi nila, tila ba nag-uusap, sa kalmadong paraan.
Humawak si Alora sa kamay ni Kenneth na nakahawak sa kamay niya.
At sa sandaling iyon parang sinaksak ang puso ni Zeke sa nakita. Nakaramdam siya ng paghapdi ng mata. Bago pa tumulo ang luha niya ay tumalikod na siya pabalik ng hall.
Pinilit niyang huwag ipakita ang nasaktan niyang damdamin sa mga tao sa hall. Pinilit niyang makihalubilo sa lahat. Maya-maya lang ay lumapit sa kanya si Richelle.
"Sir, try niyo po itong local wine nila. Masarap po." Nakangiti ito ng matamis sa kanya at saka iniabot ang isang wine glass na may laman.
"Thanks, Miss Ravina."
Ipinatong ni Richelle ang bote ng alak sa mesa kung saan naroon si Zeke. Matapos iyon ay nagpaalam na siya at nakihalubilo na rin sa mga empleyado.
Hindi nagtagal ay nakita na ni Zeke ang ang kanyang misis sa loob. Nakita niyang kausap ito ni Richelle. Nagtatawanan pa ang dalawa. Inabutan pa siya ni Richelle ng barbecue at nagpatuloy sila sa pag-uusap. Bumaling na siya sa ibang direksiyon nang makita niyang inabutan siya ni Richelle ng isang basong kulay dilaw na juice.
Hindi na siya muling bumaling pa sa kanyang asawa at nagpatuloy na lang sa pagtungga sa alak na ibinigay ni Richelle.
Manamis-namis ang alak ngunit mararamdam ang paghagod ng pait sa lalamunan. Tamang-tama lang ang aroma nito.
"Ayos ka lang ba? Lasing ka na ata."
Nag-angat siya ng tingin. Bumungad sa kanya ang magandang mukha ni Alora. Humawak siya sa pisngi ng kanyang misis at pinagsawa ang mata niya rito.
Napakainosente ng mata nito. Malantik ang mga pilikmata nito. Sakto lang ang tangos ng ilong at mamula-mula ang labi nito.
Nang kumibot ang labi nito ay kaagad niyang sinunggaban ng halik iyon.
Naramdaman niya ang sandaling paninigas ng kanyang kaharap ngunit maya-maya lang ay tumugon rin ito ng halik sa kanya. Masuyo, maingat, puno ng pagmamahal. Nang maghiwalay ang kanilang labi ay humawak siya sa kamay nito.
"Let's go to our room, wife."
"Mabuti pa nga. Mukhang lasing ka na"
Impit na napatili si Alora nang buhatin siya ni Zeke.
"Teka! Kaya mo ba ako? Lasing ka pa naman."
"Trust me, wife."
"Ibaba mo na ako, Zeke." Mahina niya itong pinalo sa kanyang braso. "Baka matumba tayo."
Impit itong napatili at natawa nang bahagya silang gumewang. Ngunit nang makuha ni Zeke ang balanse ay nagpatuloy siya hanggang sa makarating na sila sa kanilang kwarto. Si Alora na rin ang nagbukas at nagtulak ng pinto.
Nang ibaba siya ni Zeke ay muling lumapat ang labi nito sa labi niya. Masuyo nilang hinalikan ang isa't-isa ba tila ba paraan iyon upang iparamdam na mahal na mahal nila ang isa't-isa.
Dumausdos ang mga palad ni Zeke. Buong ingat itong humaplos sa iba't-ibang parte ng katawan ng kanyang asawa. At sa bawat haplos ay umiigting ang init na nararamdaman sa kanilang kaibuturan. Tila ba isang mahika ang nakakalunod na sensasyon. Namalayan na lamang nilang pareho na silang walang saplot. Napuno ng mumunting ungol ang silid. At sa mga paanas na tinig, paulit-ulit nilang binigkas ang pagmamahal sa isa't-isa.
Tila ba lalong nagliyab ang pagnanasa at ang kanilang pag-ibig nang maging isa ang kanilang katawan. Sa bawat pag-ulos ni Zeke ay tanging ungol na lamang ang naisukli ni Alora. Ang pag-iisa nila ay punong-puno ng sensasyon na tila ba sabik na sabik sila sa init ng bawat isa. Nang bilisan ni Zeke ang galaw ay walang ibang nasambit si Alora kundi ang pangalan ng kanyang kaniig. Tila musika naman sa pandinig ni Zeke na marinig ang kanyang pangalan mula sa babaeng mahal.
Nang marating nila ang rurok ng langit ay magkayakap silang ginupo ng antok.
Napakaganda ang gabing iyon na puno ng pagmamahal. Ngunit kabaligtaran iyon nang magising si Zeke kinaumagahan dahil sa matinding pananakit ng kanyang ulo. Agad niyang nasapo ang kanyang iyon nang siya ay bumangon. Nang ibaling niya ang tingin sa kanyang tabi ay para siyang nahimasmasan, tila na nawala ang sakit na nararamdaman nito.
Pinagpawisan ng malapot ang kanyang noo. Naramdaman rin niya ang panunuyo ng kanyang lalamunan.
Nang magtama ang kanilang mata ay tila siya sinampal ng katotohanan.
"What the hell are you doing here?!"
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report