My Stranger Legal Wife -
CHAPTER 27: I Miss You
Ibinulalas ni Richelle ang kanyang sunod-sunod na mura.
"Ano na naman bang problema?" Nakahukipkip na itinuon ni Kenneth ang atensiyon sa kanya.
"Nawawala si Alora. Saan mo ba kasi napulot 'yong mga palpak na taong iyon?" Nagpupuyos ito sa galit. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito. "Nagawa nilang sunugin ang mansiyon pero ang mga bobo, hindi naman nagawang ma-kidnap si Alora. Bwisit!"
"Relax, okay? Baka pahiwatig na ito na dapat tumigil ka na sa mga ginagawa mo."
"Hindi! Ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan marami na akong nagawa sa plano. Tapos na sana ang lahat kundi lamang sa mga gunggong na iyon." Napabuntong-hininga na lamang si Art.
"Hindi pwedeng masayang lahat ng pinaghirapan ko. Hindi pwede!"
Sa nanlilisik niyang mga mata, unti-unting gumuhit ang alaala ng nangyari sa Cerie Hotel.
Pasimpleng nagmamasid si Richelle sa kilos ng kanyang amo. Nakikihalubilo siya sa mga empleyado ngunit nobenta porsyento ng kanyang atensiyon ay nasa mag-asawa.
Nang makita niyang naglakad patungo sa pintuan si Alora ay pasimple siyang nagtipa sa kanyang cellphone.
To: Ken
Lumabas na siya.
Mabilis rin naman siyang nakatanggap ng reply.
From: Ken
I'm ready.
Muli siyang nakipagdaldalan sa mga empleyado matapos mabasa ang mensahe ni Kenneth. Sa gilid ng kanyang mata ay nakikita niya ang kilos ni Zeke Fuenteres. Nanatili itong nakikihalubilo sa mga empleyado. Gustong-gusto na niyang puntahan ito at sabihing sundan niya si Alora pero hindi naman niya pwedeng gawin iyon.
Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita niyang sumulyap ito sa kanyang relo.
At nang makita niyang tumayo sa pagkakaupo si Zeke at tinungo ang pinto, mabilis siyang nagtipa.
To: Ken
Lumabas si Zeke. Give him a good show.
Malawak ang peke niyang ngiti sa mga katrabaho nang siya ay magpaalam. Buong ingat siya upang huwag mapaghalataang sinusundan niya si Zeke Xavier.
Nasa bungad pa lang siya ng pintuan ay natigil na ito. Nasaksihan niya mula sa 'di kalayuan ang pag-uusap nina Alora at Kenneth.
Napangisi siya nang makitang nasaksihan iyon ni Zeke.
Nang kumilos ang kanyang amo ay mabilis siyang kumilos pabalik sa loob. Kaagad siyang lumapit sa isang waitress na kasabwat. Iniabot nito ang isang bote ng local wine na may halong pampatulog. Nang makita niyang bumalik na si Zeke sa upuan nito ay inihanda na rin niya ang kanyang matamis na ngiti. Hindi naman siya nabigo dahil tinanggap naman ng kanyang amo ang alak.
Hindi mapalis ang ngisi niya nang iwanan niya ito. Nang makita niyang bumalik na sa loob si Alora ay nilapitan naman niya ito. Nang makakuha siya ng tiyempo ay inabutan niya ito ng juice na may halo ring pampatulog.
"Ma'am, parang lasing na po, sir. Mabuti po siguro puntahan niyo na siya."
"Oo nga. Sige, maiwan na kita dito, Miss Ravina."
Nginitian lamang niya ito ng matamis.
Nasaksihan ni Richelle ang masuyong paghalik ni Zeke kay Alora. Nakita rin niya ang paglabas ng dalawa sa hall. Pati na rin ang pagbuhat ni Zeke sa kanyang misis.
Napatingin si Richelle sa kanyang relo. Natanto niyang tamang-tama ang lahat kapag natapos na ang pagtitipon. Umabot ng hanggang alas-dos ang kasiyahan. Naghintay pa siya kulang-kulang trenta minuto bago siya lumabas ng kwarto at tinungo ang silid ng kanyang amo.
Ilang sandali lamang ay lumabas na rin sa kanyang silid si Kenneth.
Makahulugang tinginan at tango ang iginawad nila sa isa't-isa bago dahan-dahang buksan ni Richelle ang pinto.
Maliwanag ang ilaw sa loob ng silid. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan. Ngunit nang makita niyang tulog na tulog na ang dalawa ay nakahinga siya ng maluwag.
"Hurry up, Ken. Kailangan na nating mailipat agad si Alora."
Inalis ni Richelle ang kumot.
"Bullshit!" Awtomatiko niyang ibinalik ang kumot sa katawan ni Alora. "Kumuha ka ng towel sa loob ng banyo. Dali!"
Agad namang humakbang si Ken papunta roon.
"Ang usapan, ha? Wala kang gagawin kay Alora kundi tabihan lang siya."
"Hindi ako rapist, 'Chelle."
"Siguraduhin mo lang!" Ibinalot ni Richelle ang tuwalya sa hubad na katawan ni Alora.
"Tapos na. Buhatin mo na siya." Lumayo siya kay Alora. Nang lumapit sa kanya si Ken ay lumapit na rin siya sa mga nagkalat na damit ni Alora. Isa-isa niya iyong pinulot. Siya na rin ang unang nagtungo sa pinto. Sinilip muna niya ang pasilyo. Nang masiguro niyang walang kahit sino roon ay sinenyasan na niyang lumabas na rin si Ken. Naging mabilis ang kanilang kilos.
Pagpasok nila sa loob ay kaagad na ikinalat ni Richelle ang mga nakolekta niyang damit ni Alora. Mabilis din siyang lumapit sa kama at inaayos iyon.
Nang mailapag roon ni Ken si Alora ay tinanggal niya ang ibinalot niyang tuwalya rito bago niya ito kumutan.
Lumayo naman si Ken. Kumuha ito ng sigarilyo at nagsindi.
"Tandaan mo ang pinag-usapan natin, Ken." Pagbabanta sa kanya ni Richelle.
"Hindi ko 'yon makakalimutan, 'Chelle. And don't worry, tatabi ako sa kanya mamaya kapag malapit na siyang magising."
Binigyan pa niya si Ken ng nagbabantang tingin bago niya damputin ang tuwalya. Hindi niya inalis ang tingin niya rito hanggang sa mabuksan nito ang pinto.
Nang bumalik si Richelle sa silid ni Zeke Fuentares ay isinampay niya ang tuwalya sa headboard ng kama. Nakapukol ang tingin niya sa natutulog na si Zeke nang sinimulan niyang tanggalin ang kanyang saplot. Nang bumalik sa kasalukuyan ang diwa ni Richelle ay nagngingit ang kanyang ngipin.
"Hindi pwedeng masayang ang plano. Kailangang mahanap natin kung na'san si Alora."
Samantala, sa rest house ng mga Fuentares naman ay walang pagsidlan ang pag-aalala ni Zeke.
Dalawang linggo na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hindi parin makita kahit anino ni Alora.
"What's the news, Art? Still no update?"
"Pasensiya na po, sir. Ginawa ko na po lahat."
Napabuntong-hininga na lamang si Zeke.
"Hanggang ngayon po, hindi parin po ma-trace ang ambulansya kung saan sumakay si ma'am."
Napasabunot sa sarili si Zeke. Mula noong mawala si Alora ay halos hindi na siya kumain at matulog. Hindi na lang iisang police station ang pinuntahan nila. Maging pamimigay ng flyers ay ginawa na nila. "Hindi naman po tatanggapin iyon na case of kidnapping kasi po kusa pong pumasok sa loob si ma'am Alora. At saka dahil na rin po sa statement ni Manang Linda."
"Did you keep an eye to Kenneth Quino?"
"Yes, sir. Unfortunately, wala pong kaduda-duda sa mga kilos niya. Mukhang hindi siya ang kasama ni ma'am Alora."
"Tingin mo, napagod na ba siya sa'kin? Nawawala nga ba siya o iniwan na niya ako?"
Akmang aawang na ang bibig ni Art upang magsalita nang may tumikhim.
Parehong napunta roon ang tingin nina Art at Zeke.
"Excuse me po, sir. Mag-juice po muna kayo." Nakangiting lumapit sa kanila si manang Linda at inilapag ang juice at sandwich sa harap nila.
"Salamat, manang."
"May iuutos pa kayo, sir?"
"Wala na po."
Tumango-tango pa si manang Linda bago tumalikod sa dalawa.
Nakakailang hakbang na siya nang huminto ito at lumingon sa kanyang amo.
"Hindi po sa panghihimasok pero tingin ko, hindi ka iniwan ni ma'am Alora."
Hindi umimik si Zeke.
"Nakita ko kung paano siya umiyak noon. Alam kong mahal ka niya."
"Pero bakit hanggang ngayon wala parin siya? Bakit hindi pa niya ako binabalikan?"
"Ang magagawa mo na lang siguro ay ang magtiwala."
"Pero kung dumating 'yong araw na ayaw na niyang bumalik sa'yo, huwag mong ibunton lahat ng galit sa kanya. Ang isang relasyon madalas nasisira hindi dahil sa pagkukulang ng isa." Aminado siyang malaki ang naging pagkukulang niya sa kanyang misis lalo sa mga nakaraang araw.
"Nasisira ang isang relasyon dahil isa ang sumuko o pareho kayong ayaw nang lumaban pa."
Naging laman ng isip ni Zeke ang mga salitang binitawan ni manang Linda hanggang sa sumapit na ang gabi. Napatingala si Zeke sa mga bituin. Pinagmasdan niya ang hugis pusong grupo ng mga bituin, katulad ng palagi niyang ginagawa matapos mawala si Alora.
Napasandal siya reclined chair at saka ipinikit ang mata.
Dumaloy sa isip niya ang matamis na ngiti ni Alora. Parang recorded video na nag-play sa utak nito ang bawat pagtawa nito, ang pamumula ng pisngi nito at ang pagpalo sa kanya nito tuwing maaasar.
Nang magmulat siya ng mata ay kumawala sa mga mata nito ang butil ng luha na kaagad rin naman niyang pinahid.
Muli niyang pinakatitigan ang mga bituin.
"I miss you so much, wife." Mahinang usal niya. Diretso parin ang tingin nito sa hugis pusong constellation.
Naagaw ang atensiyon ni Zeke nang marinig niya ang notification sounds ng kanyang cellphone.
Agad niya iyong hinugot mula sa kanyang bulsa.
Isang message ang na-receive niya mula sa isang unregistered number.
Nakaramdam siya ng kabog ng dibdib. Pakiramdam niya hindi ito maganda katulad nang huli niyang karanasan nang makatatanggap ito ng mensahe mula sa hindi kakilala. Humugot siya ng hininga at lakas loob niya iyong tinipa.
From: Unknown number
Alora is with me. Don't worry, she's safe as well as the baby.
Agad na nagtipa si Zeke at tinawagan ang numero. Kumabog ang dibdib niya nang mag-ring ito. Sa isip niya ay ang paulit-ulit niyang inusal na sana tanggapin nito ang tawag.
At gano'n na lamang ang pagkadismaya niya nang matapos na ang tawag. Akmang pipindutin na niya ang call again button nang makatanggap siya ng mensahe mula sa numero. Nang buksan niya iyon, bumungad sa kanya ang isang litrato. Larawan iyon ni Alora habang nakaupo sa isang sofa. Sideview at mukhang stolen ang pagkakakuha ng ito. From: Unknown number
This is the only help I can give you, an update through messages.
Agad siyang nagtipa ng mensahe para dito.
I want to see my wife.
Agad naman siyang nakatanggap ng reply.
From:unknown number
It's still risky. Your wife is in danger. Just for you to know, the fire is planned. I can bring her back with you anytime as long as you can assure her safety.
Ilang sandaling pinakatitigan ni Zeke ang mensahe. Hindi niya alam kung paano niya iyon sasagutin. Ngunit bago pa siya makapagtipa ay muli siyang nakatanggap ng mensahe. Isa iyong larawan ni Alora. Nahiga ito sa kama at sa tabi nito ay may isang babaeng nakasuot ng doctor's gown.
From: unknown number
I hope you'll understand. I am just after the baby's safety.
Agad naman nagtipa si Zeke ng reply.
Who are you? Are the baby's father?
From: unknown number
I want to keep my identity secret. You'll meet me in the right time. About your second question, my answer is no.
Natanggap pa ng ilang litrato si Zeke. Paulit-ulit niya iyong binalikan.
Gumugulo sa isip niya kung ano ang katauhan ng message sender.
Isa ngayon ang gusto niya, hindi pwedeng hindi niya malaman kung nasaan ang kanyang asawa.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report