My Stranger Legal Wife -
CHAPTER 6: Sick
Alora's Point of View
Nang magising ako, bumungad sa'kin ang puting kisame. The room is a little bit dim. Tanging ang ilaw lamang mula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Nanlaki ang mata ko. Kwarto ito ni Zeke! Bakit nandito ako sa kwarto ni Zeke?
Pinilit kong inalala ang nangyari. Naaala kong nang umulan ay kaagad kaming tumakbo patungo sa kwarto niya.
Napakurap ako nang maalala kong nakaidlip ako sa biyahe.
Napalunok ako.
Binuhat ba niya ako patungo rito?
Naramdaman kong may nakadantay sa aking tiyan. Only to find out na kamay pala ni Zeke iyon.
Dahan-dahan kong tinanggal iyon kaya naman naramdaman ko ang nakakapasong init mula dito.
Hindi ako nagdalawang isip na damhin ang noo niya.
Ang init niya. Mukhang nilalagnat siya.
Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Nang tingnan ko ang oras, pasado alas onse na ng gabi. Siguradong tulog na ang mga maid niya.
I look for a first aid kit. May nahanap naman ako sa cr. Nang may makita akong thermometer, I checked his temperature and I was right, nilalagnat nga siya.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Kaagad akong kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo. Kumuha na rin ako ng gamot at tubig.
"Zeke." Tinapik ko siya ng mahina para magising siya.
"Hmm." Nanatiling nakapikit ang mga mata niya.
"You're sick. Bangon ka muna saglit and take this medicine."
Unti-unti naman siyang nagmulat ng mata.
Ilang sandali niya akong tinitigan.
"Y-you're taking care of me?" mahinang saad niya.
"Ofcourse! C'mon, take this so that your temperature gets low."
Tumalima naman siya. Tinulungan ko na rin siyang bumangon. Matapos niyang inumin ang gamot, bumalik din siya sa pagkakahiga at muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Inilagay ko ang bimpo sa kanyang noo. Nang makaramdam ako ng antok, tumabi ako kanya. I alarmed my phone at one in the morning to monitor his condition.
Just like my plan, I checked his temperature at one in the morning. Dahil mataas pa rin ang lagnat niya, nagpasya na akong punasan ng basang bimpo ang katawan niya. I also change his clothes.
Huwag advance mag-isip! Siyempre hindi ko tinanggal ang underwear niya. Pero aminin ko, napasadahan ko iyon ng tingin. Medyo maumbok iyon pero hindi ko masyadong pinansin. Medyo tinablan kasi ako ng hiya. Zeke's Point of View
Nagising akong may bimpo pa sa noo ko.
Napangiti ako. I never imagined that my wife will take care of me. Hindi naman siya gano'n dati. Konting lagnat lang dati, tatawagan at papupuntahin na niya ang family doctor namin sa bahay. At hahayaan niyang sila na ang mag-alaga sa'kin. Lumingon-lingon pa ako just to check if she's still here in my room but I couldn't trace her.
I decided to go downstairs. Agad akong dumeretso sa kusina. Agad akong kumuha ng tubig kasi nakaramdam ako ng uhaw. Kasalukuyan akong nagsasalin ng tubig sa baso nang makarinig ako ng halakhak.
Siya ba yo'ng tumatawa? Out of curiosity, lumapit ako sa pinanggalingan no'n.
"Talaga manang? Loko-loko din pala 'tong si Zeke noong bata pa siya," tumatawang saad niya.
Hindi ko naiwasan ang mapataas ang kilay.
So, they're talking about me, huh?
"Oo madalas ngang magpaiyak ng kaklase niya dati eh."
Mula pagkabata, si manang Linda na ang nakamulatan kong katulong ng pamilya namin. Bukod sa kanya, ang lahat ng maid namin ay naging katulong lang namin right after I married my wife. "How about girls, manang? Did he also make them cry?"
Naningkit ang mata ko dahil sa tanong niya. Why is she asking?
"Marami siyang naging kasintahan noong nagbinata na siya. Hindi ko lang alam kung may pinaiyak siyang babae." Patuloy po rin si manang sa paghiwa ng patatas.
"Looking at him, I think he is a heart breaker," saad niya.
Aaminin ko naman, I played girl's feeling when I was still studying.
"Pero alam mo hija, noong maghiwalay kayo, hindi na siya nakipagrelasyon pa sa iba."
Bigla akong nahiya. Bakit kasi kailangan pang sabihin iyon ni Manang Linda.
"Bini-build up mo lang ata siya eh, manang."
"Hindi naman."
Nakita ko naman ang pag-iling-iling niya.
"But you know what manang, Zeke and I can't live as married couple anymore." Sumeryoso ang tono ng pagsasalita niya.
"Bakit naman? Ayaw mo na ba sa kanya?"
Tila naman kinurot ang puso ko.
Siguro nga 'di na kami pwede. May babe na kasi siya eh.
"Hindi po sa gano'n. It's just that, I already found the man of my life. Hindi na kami pwede ni Zeke."
Lalong tumindi ang hapdi sa puso ko.
Sabi ko na nga ba eh.
"Sayang naman, mahal na mahal ka pa naman niya."
"Manang, sooner or later, I'll tell you everything. For sure, you'll understand me, once you already know the truth."
Truth? What truth is she talking about?
Hinintay kong mag-usap pa sila kaso naging busy na sila sa ginagawa nila.
"Good morning," I said to get their attention.
Lumingon naman sila.
"Good morning po, sir," bati ni Manang Linda.
"Gising kana pala?" Diretso ang tingin sa'kin ni Alora habang papalapit siya.
Tumingkayad siya at dinama ang noo ko.
"Ba't bumangon kana? May lagnat ka pa." Sa tono niya parang nag-aalala siya. Pero anong halaga ng pag-aalala kung sa huli ay iiwan rin naman niya ako? Concern siya pero may mahal naman siyang iba. Tss, may pa- man of my life pa siyang nalalaman kanina.
"Halika nga," saad niyang hinawakan ang kamay ko at dinala sa dining area. Pinaupo niya ako sa isang upuan.
Sumunod naman si Manag Linda na may dalang pagkain.
"You should eat so that you can now take your medicine."
"Luto po to ni Ma'am Alora, sir," nakangiti pang saad ng katulong bago bumalik sa kusina.
"Kain na," saad niyang inilapit sa'kin ang kutsarang may lamang soup. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.
"You took care of me last night." I said.
"May lagnat ka, alangan namang iwan kita at pabayaan."
Hindi ko itinago ang hinanakit sa mga mata ko.
"Kapag ba lagi akong maysakit, hindi mo na ako iiwan?"
Napatitig siya sa'kin. Kumunot din ang noo niya.
"Even I'll do everything just to fix our marriage, it will never work because no matter what I do you will still leave me." Hindi ko na itinago ang hinanakit ko.
Napapikit niya at saglit pa siyang napahawak ng kanyang sentido. Napabuntong-hininga pa siya bago muling tumingin sa'kin.
"Kain na, okay? Iba din ang epekto ng lagnat sa'yo eh," saad niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kamay niyang may hawak na kutsara.
"Huwag mo na akong paasahin na maaayos pa natin 'to. Iwan mo na ako ngayon."
Mas mabuti na sigurong iwan na niya ako, tutal may man of my life ka naman na. At doon rin naman ang end in namin.
" Hay naku! Oh sige na, sasabihin ko sa'yo. May boyfriend na ako at hindi na natin maaayos ang marriage natin. Pero hindi kita iiwan ngayon. Anong akala mo sa'kin walang konsensya para iwanan kitang ganyan?" litanya niya. "I have many maids to take care of me. I can also hire a doctor," I bitterly said.
"Oh sige. Give me the divorce paper then I'll leave," saad niyang ibinaba na kutsarang hawak niya.
So, lumabas na ang totoo, inalagaan niya ako dahil may kailangan siya, dahil sa divorce.
Sa halip na sagutin ko siya. Tumayo ako at pumanhik pabalik sa kwarto namin.
Narinig ko ang pagtawag niya sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Naramdaman ko ring sumunod siya pero hindi ko siya nilingon. Dumeretso lang akong dumapa sa kama namin.
Maya-maya lang narinig ko ang pagbukas ng pinto. Ilang sandali pa ay lumundo ang kama, senyales iyon ng pag-upo niya sa tabi ko.
"Zeke," tawag niya pero 'di ko siya sinagot.
"Galit ka ba?" sunod niyang saad.
Humawak siya sa braso ko.
"Hindi ko alam kung galit ka ba o nagtatampo ka. But tell me, what should I do to make you feel better?"
Nilingon ko siya. Bago siya makahuma ay hinila ko siya at niyakap.
"Huwag mo akong iwan." That's the only thing that can make feel better now.
Bumuntong-hininga siya. At saka siya kumalas sa yakap ko.
"Oh sige na nga. Hindi na kita iiwan. But for sure, kapag alam mo na ang lahat, ikaw mismo ang magpapaalis sa'kin," turan niya.
"Ano bang dapat kong malaman?"
Kumalas siya sa pagkakayakap ko.
"Kumain ka muna and then I'll tell you everything."
"Sabihin mo muna."
"Alam mo, ku-----" natigil siya sa pagsasalita nang may kumatok sa pintuan.
Nagkatinginan muna kami bago siya nagsalita.
"Ako na ang magbubukas."
Bago ako makaimik ay lumapit na siya sa pinto. Nang buksan niya ang pinto, nakita ko ang nakatayong si manang Linda sa labas.
"Ma'am, may bisita po si sir sa baba."
"Who?" Ako na ang sumagot. Bumangon rin ako sa kama.
"Secretary niyo raw po, sir."
"Assist her to the library and tell her to wait for me."
"Pero may sakit ka pa." Sabat ni Alora. Kita ko ang pagtutol sa mukha niya.
"It's important and very urgent. And besides, do you really care? Stop giving me false hope because I am aware that you will end up leaving me."
Narinig ko pa ang pagsinghap niya sa sinabi ko pero dumeretso na ako sa walk in closet para magbihis.
Nang lumabas ako roon, nakita ko siyang nasa loob parin. Halatang hinihintay niya ako.
"Ang tigas din ng ulo mo, noh?" Nakahalukipkip pa siya.
Hindi ako umimik. Basta dumeretso lang ako palabas ng kwarto at dumeretso sa library.
"Good morning, sir." Binigyan ako ni Richelle ng tipid na ngiti. Agad ko ring napansin ang hawak niyang folder.
"Is that the papers that I need to sign?"
"Yes, sir." Iniabot niya iyon sa'kin.
Agad ko namang kinuha iyon. Pinasadahan ko ng tingin ang nilalaman nito.
Nang mag-angat ako ng tingin, mabilis siyang nag-abot sa'kin ng ballpen. Kinuha ko iyon ngunit 'di sinasadyang masagi ng kamay ko ang kamay niya. Gumuhit ang gulat sa mukha niya.
"Mainit ka, sir."
Mabilis din siyang lumapit at dinama ang noo ko.
"Linalagnat ka, sir." Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
"I'm fine." Ibinalik ko ang tingin ko sa papeles na hawak ko at pinirmahan iyon.
"Uminom ka na ba ng gamot para sa lagnat, sir? Kailangan niyo po ba ng tulong?"
I was about to speak when a three knock on the door got my attention.
Pareho kaming napatingin doon ni Richelle.
"Tapos na ba?" Nakasandal sa bukas na pinto si Alora. Mukhang naiwang bukas iyon kanina at mukhang kumatok lang siya para kunin ang atensiyon namin. "Baka pwedeng tapusin niyo na 'yan?"
Pinigilan ko ang ngumiti. She looks like a pissed wife.
"Tapos na po, ma'am. Ang totoo po, paalis na ako." Magalang ang tono ni Richelle. Ang laki ng pinagbago niya, parang hindi na siya ang Miss sungit na nakilala ko noon. "Ah no! Don't leave, join us for breakfast. My wife cooks very well."
Ang totoo, ngayon lang siya nagluto. Hindi naman siguro ako mapapahiya, alam ko namang naka-back up sa kanya si Manang Linda.
"Nakakahiya po, sir."
"No, don't be shy."
Nang muli kong ibalik ang tingin ko sa asawa ko, bahagya itong nakanguso. Pero agad ding napalis iyon nang makita niyang nakatingin ako sa kanya.
"Tara na, kain na tayo." Muli kong yaya kay Richelle.
Nagpatiuna na rin ako sa paglalakad.
Hindi ko lamang liningon si Alora kahit ramdam ko ang matalim niyang titig sa akin.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report