OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 17: THE DIFFERENCE
ΚΑΙ
Nakarating agad kami sa restaurant kung saang napagusapan na iinom ang buong staffs at casts. Pinagbukasan ko ng pinto si Dasuri at hinayaan syang maunang pumasok roon. Susunod na sana ko nang biglang hablutin ni noona ang braso ko.
"Hoy, loko ka! Hindi mo pa ba nasasabi sa asawa mo ang tungkol sa kissing scene nyo ni Hyena?" halos pabulong pa ang pagsasalita nito. Hinarap ko naman sya. "Humahanap pa ko nang tyempo." Sagot ko rito. Tumaas ang isa nyang kilay.
"Kailan pa 'yang tyempong 'yan? Kapag tutukain mo na 'yung leading lady mo? Hay naku, Kai! Siguradong malaking gulo 'yan. Tandaan mo, hindi lang kissing scene ang po-problemahin mo, may mas matindi pa 'don." Binigyan nya ko nang isang makahulugang tingin bago naunang pumasok sa loob.
I heaved a sigh, "Alam ko, hindi naman kasi 'yon ganon kadali." Bulalas ko sabay pasok na rin sa loob.
Pagpasok ko, nakita ko na ang mga kasama namin na may kanya-kanya nang upuan. Nasa isang reataurant kami kung saan, sa sahig umuupo ang mga customer. Sa dami namin dalawang mahabang mesa ang kinailangan para may mapwestuhan ang lahat. Naupo ako sa pwesto kung saan naroroon ang asawa ko. Tumabi ako sa kanya.
"Wow Kai, akalain mong jackpot ka pala dito sa asawa mo? Bukod sa maganda na, galing pa sa magandang pamilya." Komento ni Direk na nasa tapat namin ni Dasuri.
"Hindi naman po," nahihiyang saad ng asawa ko. Ngumiti ako't hinawakan sya sa balikat,
"Oo naman Direk, maswerte talaga ko sa asawa kong 'to."
Naghiyawan ang mga kasamahan namin. Kitag-kita ang tuwa sa mga mukha nila, lalo namang namula si Dasuri.
"Hubby, ikaw talaga." Bulong pa nito sa akin habang hinahampas ako sa balikat.
"Kiss! Kiss! Kiss!" pangangantyaw pa nang iba.
Wala pa sana silang balak na tumigil kung hindi lang dumating ang grupo nila Hyena. Yumuko ito at nagsalita,
"Pasensya na Direk kung nahuli kami, kinailangan pa kasing magpagas ng driver namin bago makarating dito."
"Wala 'yon. Hala, maupo kana nang maumpisahan na natin ang celebration." Sinunod nya si Direk at naupo sa tabi ko. Nginitian pa ko nito pagkaupo.
"Aigoo! Kung titignan kayo sa pwesto ko, masasabi kong perfect kayong tatlo para sa isang love triangle na drama." Saad ni Direk habang pinagmamasdan ang pwesto naming tatlo nila Dasuri at Hyena. "Really Direk? Do we look good together?" Isinukbit pa ni Hyena ang kamay nya sa braso ko. Napatingin 'don si Dasuri kaya agad-agad ko 'yung tinanggal. Nagsisimula na naman ang babaeng 'to.
"Okay guys! Makinig kayong lahat." Tumayo si Direk hawak-hawak ang isang baso ng soju.
"Ang gabing ito ay para sa pagkakaroon ng mataas na rating sa pilot episode ng drama natin. Itaas nyo ang mga inumin nyo at lahat tayo'y magcheers!"
"Cheers!" tugon ng lahat sabay inom sa mga hawak nilang baso. Pagkatapos 'non nilingon ko agad si Dasuri.
"H'wag kang uminom ng madami, baka ipagsigawan mo ulit sa lahat ang tungkol sa paggawa natin ng baby," bulong ko rito.
Bigla namang namula ang magkabila nitong pisngi. "Yah, hindi magandang joke 'yon a." sagot nito.
Hinaplos ko ang buhok nya sabay ngiti dito, "Mamaya gusto mo?"
Halatang nagulat sya sa sinabi ko. Bahagya pa kasi 'tong napaatras. "Lasing kana ba hubby? Kakasimula pa lang natin uminom."
Sasagot pa lang sana ko nang sumingit si Sehun sa usapan namin. "Saka na kayo maglandian kapag nasa bahay na kayo. Maraming tao dito, mahiya naman kayo. May nakakarinig po sa usapan nyo." Sabay kuha pa nito ng beef sa harap namin. Natawa na lang kami ni Dasuri sa inasal nya. Kahit kailan talaga. Haha.
"Oo nga pala, balita ko sa Seoul National University ka nagaaral? Totoo ba 'yon?" tanong ni Direk kay Dasuri.
"Hmm. Yeah, student po ko ng SNU, Business Ad. po ang kinukuha ko." sagot naman nito.
"Dahil ba ikaw ang nag-iisang anak mga magulang mo na makakapagmana ng kumpanya nila kaya 'yan ang pinili mo?"
"Ahmn, ang totoo po nyan hindi talaga ko pinilit ng parents ko kuhain ang kursong ito. Ako ang nagdesisyon para sa sarili ko. Malapit na po kasing magmerge 'yung company ng parents ko at ng parents ni Kai."
"At dahil tumatanda na, alam kong naghahanap na sila nang pu-pwedeng pagkatiwalaan sa posisyong inalagaan nila ng matagal na panahon. Masaya sana kung kaming dalawa ni Kai ang kumuha 'non."
"Bukod sa kami lang 'yung nag-iisa nilang anak, gusto ko sanang matupad 'yung pangarap ko. 'Yung araw-araw kaming magkakasama hindi lang sa bahay kundi pati sa trabaho. Sya bilang presidente ng kumpanya at ako bilang personal assistant nya. Ang sarap kasi sa piling pag ganon." Ngumiti pa ito nang napakatamis pagkasabi 'non.
Hindi ko akalain na mayroon palang ganong pangarap si Dasuri.
"Pero alam kong imposible 'yon. Alam ko naman kasi kung ano talaga 'yung gusto ni Kai na gawin sa buhay nya. At 'yon 'yung pagaartista. Kaya, ako na lang siguro 'yung tatanggap sa posisyon para naman magawa parin ni Kai ang gusto nya at makapagpahinga na rin ang mga parents namin."
Dati kasi... ang gusto nya lang ang mapangasawa ko.
"Masaya kong marinig na napaka-supportive pa lang asawa nitong si Dasuri. Kung ganon, wala na kong dapat alalahanin pa para sa next shooting kung saan kukuhaan ang kissing scene ni Kai at Hyena." Lumagok pa si Direk sa iniinom nyang soju pagkatapos 'non.
Halos maibuga naman ni Noona ang kinakain nya pagkarinig 'non. Sabay sila ni Sehun na napalingon sa tabi ko. Kitang-kita ko kung paano mamilog ang mga mata ni Dasuri dahil sa gulat. Nabitawan pa nya ang hawak-hawak nyang chopsticks.
"PO?! K-KISSING SCENE?!" hindi makapaniwala nitong tanong.
"Yeah, your husband will be going to kiss me. Bakit? Hindi nya ba nasabi sa'yo 'yon?" Singit ni Hyena. Lalo tuloy naging magulo ang sitwasyon. Napailing na lang ako.
Sinabi nang naghahanap pa ko ng t'yempo, Bakit kailangan pa nila kong unahan? Aish.
DASURI
Nagpakawala ako nang isang malalim na pagbuntong-hininga. Matapos ang nakakagulat na rebelasyon tungkol sa kissing scene ng asawa ko at ng leading lady nya. Pakiramdam ko may tumarak na pana sa dibdib ko. "Bakit hindi nya sinabi sa'kin agad 'yon? Bakit kailangang sa iba ko pa malaman? Para tuloy akong tanga kanina. Kainis." Sinipa ko pa 'yung maliit na bato sa harapan ko.
Nasa labas kasi ako ngayon ng restaurant na pinagkakainan namin. Mabuti na lang 'nung time na wala na kong masabi biglang tumunog 'yung cellphone ko. Nagpanggap akong may tumatawag at lumabas para sagutin 'yon pero ang totoo, alarm lang talaga 'yon.
Sinet-up ko 'yon para ipaalala sa sarili ko na kailangan kong tawagan si L. joe tungkol sa magiging practice namin. Mabuti pa siguro tawagan ko na 'yung mokong para masabi kong hindi naman ako nagsinungaling. Nakailang try din ako ng tawag bago nya 'yon sinagot.
"Yah! Bakit ang tagal mong sumagot? Cute ka ba para maging busy?!" singhal ko rito.
"Who are you?! Why are you calling me at this late night?" sagot naman nito.
Pansin ko nga sa boses nya na bagong gising lang sya. Bakit anong oras na ba? Alas-dyes pa lang naman nang gabi a? Tulog na agad sya?
"Tulog kana? Ayiee. Nagpapatangkad ka pa siguro? Hahahaha." Kahit kasi mas matangkad sya sa akin. Mas marami paring lalaki ang mas matangkad sa kanya. Nai-insecure siguro sa height? Hahaha. "Go. To. Hell." then hang up.
"Anak sya ng pusa! Pinatayan ako? Bastos!" nang-gigigil pa sana kong tawagan syang muli nang may maramdaman akong presensya ng tao sa likod ko.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Paglingon ko, nakita ko si Kai na nakatitig sa akin. Nasa loob pa ng bulsa nya ang dalawang kamay nya.
"Bakit?" tanong ko.
Grabe naman makatingin si hubby. Pakiramdam ko matutunaw ako sa ginagawa nya e. Hindi naman sya sumagot. Sa halip ay ipinagpatuloy ang pagtitig sa'kin.
"Yah! Naiilang na ko sa ginagawa mo." reklamo ko rito. Nagulat ako nang makita syang ngumiti. Lasing na ba 'to?
"Gusto mo ng ice cream?" aniya.
"Huh?" Tumingin muna sya sa relong nasa braso nya bago lumapit sa'kin at hawakan ako sa kamay.
"Maaga pa naman. Tara, ibibili kita." Saad nito sabay hatak sa akin palakad.
"Teka, hindi pa tayo nakakapagpaalam sa mga kasama na'tin. Mamaya hanapin ka nila Jamie unnie." Pigil ko rito. Hindi naman nya ko pinakinggan. Patuloy lang sya sa paghatak at paglalakad. "Don't mind them. Ang mahalaga kasama ko ang asawa ko," palihim akong napangiti dahil sa sinabi nya.
Ashush, bumabawi lang 'to. Porket nahuli ko syang nagsinungaling, manlalandi na. Para-paraan din e.
"Here." Inabot sa akin ni Kai ang binili nyang ice cream habang naghihintay kami ng masasakyang bus. Nakaupo kami sa bench na may maraming ilaw.
Ang kulit nga e.
"Thank you," sagot ko naman. Tinanggal ko 'yung balat nung ice cream at nagsimulang kumain.
"Ang tagal na rin pala since huli tayong kumain nito nang magkasama 'no? Akalain mong nagkahiwalay tayo pero tignan mo nga naman, magkasama pa rin tayo ngayon. Nakakatuwa." Saad ko habang dinidilaan 'yung ice cream. "Kasi nga mahal kita," komento nito.
"Konek 'non?" Tss. Layo nang sagot nya.
Umusod ito nang upo papalapit pa sa akin, "Kapag mahal mo, babalikan mo." saad nito habang nakikipagtitigan sa akin.
Iniiwas ko bigla ang tingin ko. Tama na hubby, kinikilig na ko.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko para hindi nya mapansin ang pamumula ng mukha ko. Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa nang maramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko.
"Wifey," saad pa nito.
"Galit ka ba sa akin?"
Dahan-dahan ko syang nilingon. Bakas sa mata nya ang pagsisisi, "I'm sorry kung sa iba mo pa nalaman ang tungkol sa kissing scene namin ni Hyena. But believe me, hindi ako nagsinungaling sa'yo. Hindi ko lang agad nagawang sabihin ang tungkol 'don. Ayoko kasing makitang malungkot ka kapag sinabi ko na sa'yo 'yon."
"Paano mo naman nasabing malulungkot agad ako kung hindi mo pa nasusubukan? Okay, sige, aaminin ko. Nalungkot talaga ko nang malaman ko 'yon. Pero alam mo kung ano 'yung mas masakit? 'Yung pakiramdam na hindi mo ko nagawang pagkatiwalaan. Siguro kasi tingin mo sa akin makitid ako mag-isip,"
"Pero hindi Kai, mas maiintindihan ko 'yon kung sinubukan mo sa aking ipaliwanag." Binawi ko 'yung kamay ko sa kanya at ipinanghawak sa ice cream. Itinuon ko na lang 'yung atensyon ko 'don. Nagtatampo ako.
Makalipas ang ilang minuto hindi parin umiimik si Kai. Napagod na kaya sya sa pang-aamo sa'kin? Napasobra ata 'yung pag-iinarte ko? Dapat yata pinatawad ko na sya agad kanina. Aish. Paano kung makipaghiwalay na naman sya sa'kin? Ayoko....
Bawiin ko na lang kaya 'yung sinabi ko kanina? Sasabihin ko pinapatawad ko na sya, tama. Ganon na lang. Huminga muna ko nang malalim bago sya sinubukang lingunin.
"Uhh, Kai," Nagulat ako nang makitang sobrang lapit nang mukha nya sa akin. Mukhang kanina pa nya hinahantay na lingunin ko sya.
"Dasuri, alam mo ba kung ano ang pagkakaiba mo sa ibang babae?" sambit nito habang nakatitig sa mga mata ko.
Napapalunok na lang ako kapag nasa ganitong sitwasyon kami. Hindi parin kasi nawawala 'yung bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing gagawin nya 'to.
"H-Hindi. Ano nga ba?" sabay iwas ko ng tingin. Napansin ko bahagya nyang pag ngiti.
"Ipaparamdam ko sa'yo." Nilingon ko sya upang liwanagin ang kanyang sinabi. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla nyang inilapat ang mga labi nya sa labi ko.
Halos mapatalon pa ko dahil sa gulat. Ilang beses na ba namin 'tong ginawa? Pero bakit kahit gaano na karami. Nandoon parin 'yung pakiramdam kagaya nung unang beses nyang angkinin ang mga labi ko?
Pakiramdam ko lahat ng pag-aalinlangan na meron ako kanina. Lahat ng sama ng loob, pagtatampo. Lahat 'yon naglahong parang bula. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang malalambot nyang labi.
Bahagya nyang pinaghiwalay ang aming mga labi at pinagtama ang aming mga tingin, "You know what Dasuri? Kahit gaano pa karaming babae ang makapareha ko? Kahit gaano pa karaming mga labi ang mahalikan ko?" naramdaman ko ang pag-anggat ng kanyang kanang kamay at pagdampi nito sa aking pisngi. Gumapang pa ito patungo sa aking mga labi.
"Ang mga labing ito ang pinaka paborito ko."
Pakiramdam ko nakuryente ko sa ginawa nya. Hindi ko tuloy maipaliwanag 'yung sayang nasa loob ko.
"Kaya sana h'wag kang magseselos kay Hyena. Malaki ang pagkakaiba ninyong dalawa. Hahalikan ko sya para sa ikasasaya ng iba pero ikaw, hinahalikan kita dahil doon ako sumasaya." Napangiti ako dahil sa sinabi nya, "Don't worry, naiintindihan ko na." saad ko sabay yuko.
Hindi ako mapagsidlan ng saya. Tama sya, magkaiba kami ni Hyena. Sya para lang sa drama, ako para sa totoong buhay. Hinayaan ko si Kai na hawakan ang magkabilang pisngi ko. Bahagya nya itong iniangat at itinapat sa kanyang mukha. "Then, let me kiss you again,"
Sa pangalawang pagkatataon, muli nyang inangkin ang aking mga labi. Habang tumatagal hindi ko na namamalayan na nabibitawan ko na pala 'yung hawak-hawak kong ice cream. Masyado kong nadadala sa ginagawa nyang paghalik sa'kin. Napamulat lang ako nang maramdaman ang tuluyang paghulog nung ice cream sa kamay ko. Halos lumuwa naman ang aking mga mata nang makita ang isang nakahintong bus sa tapat namin. Nakadungaw ang mga pasahero habang nag- e-enjoy sa tanawing nakikita nila. Ang iba pa nga'y kumukuha pa ng litrato.
Dahil sa sobrang gulat, itinulak ko si Kai, umayos nang upo at agad-agad tinakpan ang mukha. AHHH. NAKAKAHIYA. SOBRA. Bakit hindi namin napansin na dumating na pala 'yung bus? Nagkaroon pa tuloy ng libreng live show 'yung mga tao. Gee. Gusto kong maglaho na lang bigla dahil sa sobrang hiya.
"Paano iho, iha, sasakay pa ba kayo? O ipagpapatuloy ang ginagawa nyo?" may halong pang-aasar na tanong nung driver. Nilingon ko naman si Kai habang nakayuko parin. Mukhang proud na proud pa sya sa nangyari. Ngi-ngiti-ngiti pa kasi 'yung loko.
Tumayo ako at nagmamadaling pumasok sa loob ng bus habang tinatakpan ang mukha. Pilit kong iniiwasan ang tingin ng mga tao sa loob. Kahit hindi ko sila tinitignan halata ang mga pag ngiti ng mga 'to habang pinagmamasdan ang pagpasok ko. Naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ng bintana. Ipinako ko 'yung tingin sa labas at hindi pinapansin ang bulungan ng iba.
Naramdaman ko na lang ang pag-upo sa tabi ko ni Kai. Nilingon ko sya at bumungad sa'kin ang nakangiti nitong mukha. Hinampas ko nga sya, "Natutuwa ka pa talaga e 'no?"
Nagkibit-balikat naman 'to, "I told you, iba talaga ang reality sa drama lang, Haha."
Talagang masayang-masaya pa sya? Baliw. Ba't ganon, Nahihiya ko pero Kinikilig din ako? HAHA.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report