OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 20: START OF WAR

DASURI

"Fvck! You step on my feet again!" sigaw ni L. joe nang matapakan ko na naman 'yung paa nya habang nagpa-praktis.

"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya."

"Hindi mo sinasadya?! For how many fvcking times?! Damn it! I quit." Binitawan nya ang kamay ko at saka naupo sa sofa. Minasahe nya 'yung paa nya habang namimilipit sa sakit.

Nanlumo naman ako bigla, "Hindi ko talaga sinasadya. Ang hirap kasi nung pacross-cross na steps. Hayaan mo gagalingan ko na sa susunod." Pagdedepensa ko.

Ibang-iba naman kasi 'to sa mga Kpop dance steps na sinasayaw ko. Masyadong mabagal at kailangan talaga ng matinding coordination sa partner.

Napabuga naman 'to ng hangin sa ere, "Don't mock at me. You already said that, ten times an hour ago." Nangagalaiti nitong pahayag. Lalo naman akong nalungkot.

"Nangako ka diba? Sabi mo kahit anong mangyari hindi mo ko susukuan. Tapos ano? Ngayon tatakas kana? Akala ko pa naman isa kang lalaking may isang salita! Pero sad to say, nagkamali ako." Kitang-kita kung paano manlisik ang mga mata nya dahil sa sinabi ko.

Wala na kong choice, I need to do this para mapasunod sya. Kumbaga kapit na sa patalim ang peg ko.

"Fine, but this is the last time, okay? If you messed up again, I'll leave." Tumayo ito at muling inilahad ang kamay. Napangiti naman ako dahil 'don.

"Okay," then start from the beginning.

"Left right, left right, left right," dahan-dahan kong pagsunod sa steps.

"Left right, left left, ay hindi, right right Ahhhhh!" dahil sa nagkabuhol-buhol kong mga paa. Natisod ko si L. joe at nadamay sa pagbagsak. Napapikit pa ko dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari.

Pag mulat ng aking mga mata, nakahiga na sya sa sofa habang ako naman ay nakayakap sa kanya. Nakapatong ang aking ulo sa kanyang dibdib. Rinig ko ang mabilis na tibok ng puso nito. Pakiramdam ko mayroon mga kabayo sa loob na nagkakarerahan. Masyadong mabilis 'yon para sa normal na heartbeat ng tao. Dahan-dahan kong iniangat ang aking mukha at hinarap sya. Nakatingin na rin ito sa akin dahilan para matameme ako.

Bakit ganto sa tuwing tinititigan nya ko, pakiramdam ko, gusto nya talaga ko. Nagha-hallucinate lang ba ko?

ΚΑΙ

Pagkarating ko sa tapat ng gate napansin ko agad ang isang motorsiklo sa gilid nito. Base sa disenyo nito, lalaki ang nagmamay-ari 'non. Bigla kong napaisip. Lalaki 'yung kaklaseng tinutukoy ni Dasuri?

Ipinasok ko na 'yung kotse at ipinark 'to nang maayos. Sa ganitong pagkakataon, sa tuwing maririnig nya ang tunog ng makina ko lumalabas agad sya ng bahay para salubungin ako. But this time, mukhang may kakaiba ata. Lalo akong nagdududa kung ano bang meron sa loob ng bahay. Lumabas na ko ng kotse at nagdire-diretsyo sa loob.

"Nandito na ko," bulalas ko pagkasarado ng pinto.

Binagalan ko pa ang pagtanggal ng sapatos para tignan kung sasalubungin ba ako ng asawa ko. But still, walang Dasuri ang sumulpot.

Nagdire-diretsyo ako sa sala at napamura sa aking nakita. Halos sumabog ang mga ugat sa aking ulo nang maabutang nakahiga sa sofa ang walangyang kaklase ni Dasuri na si L. joe habang nasa ibabaw naman nya ang asawa ko.

It looks like hindi nila sinasadya ang mapunta sa ganoong posisyon. Pero kahit anong gawin ko, hindi parin 'yon matanggap ng utak ko. Ang lakas ng loob nyang gumawa ng kalokohan sa mismong pamamahay ko?! Dali-dali akong lumapit sa kanila at hinila si Dasuri patayo. Halos lumuwa naman ang mga mata nya nang makita ko.

"Uhh, h-hubby, sandali. Chill ka lang. M-Mali 'yung iniisip mo. Magpapaliwanag ako." Mautal-utal pa nitong saad. Hindi ko na napigilan 'yung inis at sumigaw.

"WHAT THE FVCK ARE YOU DOING HERE?!!!"

Matapos kong sigawan ang walangyang lalaking nasa sala. Hinila ko ni Dasuri papunta sa kusina para mag-usap. Hindi parin matanggal ang inis na nararamdaman ko mula kanina. Hindi ko matanggap na iniwan ko ang asawa ko sa bahay kasama ang lalaking 'yon.

"Huminahon ka muna hubby, okay? Huminga ka muna nang malalim at makinig sa sasabihin ko," Pagpapakalma nito sa akin.

But it didn't help, lalo lang kumukulo ang dugo ko dahil sa ginagawa nya. Paano nya nagagawang ipagtanggol sa harap ko ang lalaking 'yon?! Stupid wife!

"'Yung nakita mo? Wala lang 'yon okay? Nagpa-praktis kasi kami kanina nung sayaw tapos natisod ako't nadamay sya. Sakto namang sa sofa kami nahulog kaya ganon 'yung naabutan mo pero promise, cross my heart, hope to die. Wala talagang namamagitan sa aming dalawa."

"Kahit na. Di 'ba sinabihan na kitang lumayo sa kanya? I told you that I don't want to see that guy na kasa-kasama mo. But looks what you did, isinama mo pa sya sa bahay natin. Hindi mo lang binali ang pangako mo pinagmukha mo pa kong tanga." Gusto kong ipakita sa kanya na hindi talaga ko natutuwa sa ginawa nya. I'm really pissed.

"Pero hubby, hindi naman ako nangako sa'yo. Umoo lang ako kasi ayokong pagawayan pa natin 'yon."

"Like what we are doing now," komento ko pa.

Napakamot sya sa batok nya dahil sa tinutungo nang usapan namin. Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Makinig kang mabuti hubby ha?" pangaamo na naman nito. I gave her a cold stare.

"Si L. joe at ako, magkaklase lang kami. Nagkataong sya lang ang makakatulong sa problema ko kaya wala kong choice kundi ang pakisamahan sya. Kaya nga sana, h'wag kang magseselos sa kanya dahil gaya ng sabi mo sa akin noon. Malaki rin ang pagkakaiba nyong dalawa. Buti nga kami sasayaw lang nang magkasama. E ikaw atsaka si Hyena," bago pa man nya ituloy ang kanyang sinasabi. Pinigilan ko na agad 'to.

"Oo na, naiintindihan ko na." Tss. Eto 'yung sinasabi nilang ginisa ka sa sarili mong mantika. Pasaway na asawa.

Sumilay naman dito ang isang ngiting tagumpay bago ko yakapin nang mahigpit. "Yehey! Ikaw lang naman kasi 'yung mahal ko, ikaw lang 'yung nagmamay-ari sa puso ko kahit na lagi tayong nagaaway. Alam mo naman 'yon diba?" paglalambing nito. As if she gave me a choice, tss.

"Of course, I know," sagot ko sabay balik sa yakap nito.

"I love you hubby"

"I love you more."

Wala pa sana kong balak na pakawalan ang asawa ko kung hindi lang may sumulpot na asungot mula sa pinto ng kusina. Sabay kaming napalingon roon nang magsalita sya.

"Done with your drama? Let's go Dasuri, you still have a lot of steps to learn." Umayos sya nang tayo mula sa pagkakasandal sa pinto. Nagsmirk pa ito bago muling pumasok sa loob ng sala.

Bumitiw naman sa akin si Dasuri at nagmamadaling sumunod sa kanya. "Andyan na. Sige hubby, magpa-praktis lang ulit kami. Mamaya na lang."

Damn that guy! He's trying to really piss me off.

DASURI

"I thought your husband is a busy person, so why he's here?" naulinigan kong tanong ni L. joe pagkarating namin sa sala.

"Oo nga, kaso free day nya ngayon kaya nandito lang sya sa bahay." Sagot ko naman. Bumalik naman sya sa pwesto namin kanina at parang may ibinulong, "I don't give a fuck!" "Ha? May sinasabi ka?" ang hina kasi nung boses nya.

"The hell you care? Just focus on our practice."

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Nagsusungit na naman ang mokong na 'to. Red days ata nya e. Masyadong mainit ang ulo. Lumapit na ko sa kanya't pumwesto sa harap nya. Ipapatong ko pa lang sana 'yung kamay ko sa kaliwang kamay nya nang mapansin ko ang pagdating ni hubby. Dumaan sya sa gitna namin habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa. Napaatras tuloy ako bigla. Umupo pa sya sa sofa sa gilid at saka nakangiting tumingin samin.

"Oh? Akala ko magpapahinga kana sa kwarto? Bakit nandito ka?" ako na 'yung nagtanong.

Alam ko kasi napagod sya sa mga ginawa nya nung nakaraang araw kaya nga gusto nyang humilata lang maghapon. Tapos ngayon manonood pa sya nang praktis namin?

"Gusto ko lang maupo rito. Mahirap na, baka may mawala pa sa akin pag natulog ako." Eh? Ano 'yon?

Ang nakakapagtaka lang, ako yung nagtanong pero kay L. joe sya nakatingin nung sumagot. Naduling na ata 'tong si hubby.

"Let's start this shit." Usal naman nung kaharap ko.

Ano ba 'yan. Bakit ba ang susungit ng mga tao ngayon. Hindi naman ganon kainit para mairita sila. Nakakawala tuloy ng gana.

Lumapit na ko sa kanya para magsimula. Dahan-dahan naman nyang inilahad ang kamay nya para sa akin.

"Give me your hand," bulalas nito habang nakatitig sa'kin.

Pakiramdam ko sinusubukan nya kong tunawin sa tingin nya. Wagas kasi makatitig. Bigla tuloy akong nailang. Dahan-dahan kong ipinatong ang kamay ko sa kanya. Pinisil nya pa 'to dahilan para mapapitlag ako. "Look at me, eye contact is important while dancing in partners." Usal nito.

Iniiwas ko kasi 'yung tingin ko dahil sa nakakailang na atmosphere. Kanina naman hindi ganto 'yung feeling habang nagpa-praktis. Bakit parang may nagbago ata? Sinunod ko na lang sya at pinatagpo ang aming mga mata. Ngayong magkaharap kami, ngayon ko lang napansin na maganda rin pala ang mata nang taong 'to. Matangos ang ilong. Maliit at mapupula ang labi. Hindi bagay sa gangster nyang porma.

"Woah!" bulalas ko nang bigla nya kong higitin papalapit sa kanya.

Hindi ko namalayan na nahawakan na pala nya ang bewang ko at nailapit ako sa kanya.; Napakurap-kurap pa ko nang makitang sobrang lapit namin sa isa't-isa. Mas malapit 'to kaysa kanina. Pakiramdam ko nga niyayakap na nya ko sa ginagawa nya. Gosh. Ano na bang nangyayari?!

"Just focus on me."

Napalunok ako nang marinig ang sinabi nya. Mag-focus lang ako.... sa KANYA?! Tama ba 'yung pagkakaintindi ko?

"Stop," nakahinga ko nang maluwag nang paghiwalayin kami ni Kai. Bigla kong natauhan, oo nga pala. Nanonood nga pala sya samin. Tinignan naman sya ni L. joe.

"What the heck are you doing?!" matigas nitong saad. Sinalubong ni Kai ang ang mga tingin nya.

"May tamang posture na sinusunod ang sayaw na tango. Hindi pwedeng sobrang lapit ng magkapartner sa isa't-isa. I'm pretty sure that you are aware of that." Balik nitong sagot.

Gee. Bakit parang nagpapatayan na sila sa tingin pa lang? Nagsusukatan kasi sila ng tingin at parang walang gustong magpatalo.

"Teka, teka, nagugutom na ko. Ang mabuti pa siguro kumain muna tayo diba? He-he." May pagkaalangin kong tawa.

Hindi ko man alam ang dahilan pero mukhang malapit nang magsapakan ang dalawang ito. Kailangan muna nilang magpalamig masyado na silang mainit e.

"Andyan na 'yung pagkain. Yehey!" patakbo kong lumabas para salubungin 'yung may dala nang inorder naming black noodles. Sumunod naman sa akin si Kai.

"Stop running Dasuri, madadapa ka lang sa ginagawa mo." pagsaway sa akin ni hubby. Hindi ko naman sya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Manong, maiinit pa rin po ba 'yan?" excited kong usisa. Nagugutom na talaga ko e.

"Oo iha, kasama 'yon sa pagdeliver namin. Kailangang madala namin 'tong mainit parin sa mga customer." Papapaliwanag naman ni manong habang inaabot sa'kin 'yung mga noodles. "Mahirap po siguro 'yon? Kailangan nyong magmadali lagi."

"Hindi naman. May sasakyan naman kasi kami para gawin 'yon."

"Eto po 'yung bayad namin." Inilabas ni Kai 'yung wallet nya at nagbayad kay Manong. Nilingon naman sya nito.

"Aba iho, nakikita kita sa tv ah? Ikaw 'yung bidang lalaki sa pinapanood kong drama tuwing gabi." Bulalas pa nito habang inaabot 'yung bayad.

"Sya po talaga 'yon at ako ang asawa nya," pagmamalaki ko pa.

"Aigoo! Mas maganda 'yung kapareha mo 'don sa drama kaysa sa kanya. Sayang, dapat sya na lang yung pinakasalan mo." biglang kumulo 'yung dugo ko.

"Anong sabi mo Manong?! Hindi totoo 'yon no! Mas bagay kaya kami ng asawa ko. Magsalamin na po kayo. Malabo na 'yang mga mata nyo." Depensa ko agad. Natawa naman si Kai dahil sa reaksyon ko. Hindi na sumagot si Manong. Binigyan nya lang ako nang 'hindi-ako-naniniwala-look' bago umalis sa harap namin. Inismidan ko nga sya.

"Kainis 'yon. Sa susunod wag na tayo sa kanila o-order ng black noodles." Usal ko habang papasok na kami ng bahay.

"Opinyon nya 'yon Dasuri. Hindi pwedeng kontrolin mo lahat ng sinasabi ng tao. H'wag mo na lang silang pansinin para hindi ka mainis." Medyo natatawa pang pahayag ni Kai.

"Kahit na. Hindi na talaga ko o-order sa kanila. Hmp!" sabay pasok sa loob. Ako lang ang bagay sa asawa ko. Period. No orase!

"Bakit hindi ka kumakain? Hindi ka ba nagugutom?" puna ko kay L. joe na hindi man lang ginalaw 'yung pagkain nya. Nagsimula na kasi kaming kumain sa sala habang nanonood ng tv.

"I don't eat foods bought by strangers." Sagot naman nito. Napansin ko ang pagbuga nang hangin ni Kai sa ere bago magsalita. "Tama sya, hayaan mo syang magutom kung gusto nya. Basta kumain ka na lang dyan." Inayos pa ni Kai 'yung pagkain ko. "Okay," sagot ko na lang. Kailan ba sila titigil sa bangayan?

Makalipas ang ilang segundo napatingin ako sa flash reports sa tv.

*Ang dating kinikilalang idols at actor ng kanyang henerasyon na si Lee Kyo Won ay napabalitang na ospital dahil sa sakit nito sa puso. Gabi ng lunes ay inatake ito at na-confine ng ilang araw.* "I'll go now," tumayo si L. joe at kinuha ang helmet nya sa gilid. Napahinto naman ako sa pagkain at napatingin sa kanya.

"Sandali-um---pano yung---um--praktis natin?" puno pa yung bibig ko habang nagsasalita.

"Let your husband help you. I already learned the whole dance." Saka nagdire-diretsyo palabas.

"Sandali," tatayo na sana ko para sundin sya nang pigilan ako ni Kai. Napalingon ako sa kanya.

"Ako na maghahatid sa kanya sa labas. Tapusin mo na lang 'yung pagkain mo." wala na tuloy akong nagawa kundi ngumuso at magpatuloy sa pagkain.

Naman eh. Bakit ba kasi bigla-bigla na lang syang nagpasyang umuwi? Tsk.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report