OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 28: TOKYO, JAPAN
ΚΑΙ
"Ano bang ginagawa mo? Para kang ewan." Saad ko nang mapansin ang mahigpit na pagkapit sa'kin ni Dasuri pagkalabas na pagkalabas namin ng unit. Matapos akong tawagan ng magaling naming kidnapers, inutusan ako nitong lumabas at hintayin ang sasakyang magdadala samin sa kung saan.
"Hindi ka ba natatakot? Paano kung nakasubaybay lang sa'tin 'yung mga kidnapers? Paano kung naghihintay lang sila ng t'yempo para tumbahin tayo? Bumalik na kasi tayo sa loob hubby, mas safe tayo 'don." Pahayag nito habang natatago sa gilid ko. Napakunot tuloy bigla ang noo ko.
"Baliw," bulalas ko pa. Gumana na naman ang pagiging inosente nya. Tsk.
"Nasa'an na kaya 'yon? Ang tagal naman ata nila." kausap ko sa sarili habang lumilinga-linga sa paligid. Patuloy lang sa paglalakad ang mga tao habang kami naman ng asawa ko ay nakatayo lang sa tabi ng kalsada.
Bakit ba wala parin 'yung sasakyang susundo samin? Naiinip na ko.
"Hoy, hubby," naulinigan kong tawag sa'kin ni Dasuri.
Nilingon ko naman sya. "Bakit?"
Nakakapit parin 'to sa braso ko habang aligagang palinga-linga sa paligid. "Ano ba talagang hinihintay natin dito? Saka paano nabuksan 'yung pinto sa unit kanina? Di ba nakalock 'yon?" halata sa mukha nya ang sobrang pagtataka.
I breathe heavily bago sumagot, "Stop asking questions, wala rin naman kasi akong balak sagutin ang mga 'yon. Basta magtiwala ka lang, hindi tayo mapapahamak."
Hinawakan ko ang kamay nya matapos dumating sa harap namin ang isang limousine. Bumaba ang isa sa mga sakay nito at pinagbuksan kami ng pinto.
"Ohaiyo Gozaimasu, bocchan, ojou-sama. *Good morning, young master, young lady*" yumuko ito sa harap namin bilang paggalang. Namangha naman ako nang makilala kung sino ito. "Akiyama-san," bulalas ko pa.
Hinarap nya kami ni Dasuri at saka ngumiti. "Anata o mōichido mite nisu, bocchan. *Nice to see you again, young master*" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ko rin maitago ang sayang nararamdaman ko. Ilang taon narin ba mula nang huli ko syang makita?
"Watashi mo. Shikashi, naze, anata wa koko ni imasu ka? *Me too. But why are you here?*"
"Watashi wa anata no riyū o oshiete katamukemasu. Dakara, chōdo motomezu ni watashitachi to issho ni kite kudasai. *I can't tell you the reason. So please, just come with us without asking.*"
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Napansin ko ang pasalit-salit na tingin samin ni Dasuri.
"Hubby. Anong pinaguusapan nyo? Nagtatanong ba sya nang direksyon?" bulong pa nya.
"No, pinasasakay nya tayo sa loob." Sagot ko naman.
"Huh? Ganyan ba ang pampublikong sasakyan nila dito sa Japan? Sosyal." Komento pa nito. Bahagya naman akong napangiti. "Oo, kaya maupo kana sa loob bago pa tayo maunahan ng iba." "Sige, sige."
Nagmamadali naman itong sumunod sa sinabi ko. I followed her and sat beside her. Isinara na nung lalaki 'yung pinto at saka pinaandar ang sasakyan.
Sa kalagitnaan ng byahe. Napagod na si Dasuri sa pagtingin sa labas ng bintana kaya ako naman ang kinausap nito. "Hubby, bakit wala nang sumasakay? Ang dami kayang pasahero sa paligid." Umpisa nito. "Hmm, baka mas gusto nilang magbus or taxi instead of this." Sagot ko naman.
"Ahh, ganon ba. Sayang naman. Mas maganda kaya dito. Hihi. Oo nga pala, paano ka natutong magjapanese? Pinagaralan nyo ba 'yon nung trainee pa lang kayo?" "Yeah, pero marunong na talaga ko since I was a child."
"Eh? Bakit?"
"I lived here for almost 8 years, then lumipat lang ako sa Korea nang kunin ako ng grandparents ko. Dito na kasi nakabase ang mga magulang ko." tumango-tango ito nang marinig ang paliwanag ko. "Oo nga 'no? Nandito nga rin pala sila Mama at Papa Kim. Bisitahin kaya natin sila? Tutal nandito na naman tayo." ngiting-ngiti nitong suhestyon. Nawala lang 'yon nang marinig ang naging tugon ko. "We can't."
"Huh? Bakit naman?" she looks so disappointed.
Naulinigan pa muna namin ang paghinto ng sasakyan bago ko sinagot ang tanong nya. Bumakas 'yung pinto sa gilid namin dahilan para makita ang isang malaking gusali sa tapat nito.
"Believe me or not, pero mas gusto nilang sumunod na lang tayo sa agos ng mga pangyayari." Ngumiti pa ko bago naunang lumabas ng sasakyan. Sumunod naman si Dasuri na hindi matanggal ang mga mata sa malaking gusali sa harap namin.
Meron iyong malaking gate na nagsisilbing harang para hindi mapasok o makalabas ang mga taong nasa loob niyon. Nakabalandra sa harap nito ang isang malaking signage na may nakasulat na, 'FOUNDATION FOR KOREAN CHILDRENS IN JAPAN'.
"Watashitachi wa koko ni iru. Koko de no taizai o o tanoshimi kudasai, bocchan, ojou-sama. *We're here. Please enjoy your stay here, young master, young lady.*" Yumuko itong muli para magpaalam. "Arigatou Gozaimasu." Sagot ko naman.
"Sono watashi no yorokobi wa futatabi anata o teikyō shimasu. *It's my pleasure to serve you again.*"'yon lamang ang kanyang sinabi at umalis na ito sa harapan namin.
Gusto ko pa sanang magtanong at makipagusap sa kanya pero mukhang hindi ito ang tamang oras. Hinawakan ko ang kamay ni Dasuri at isinama ito papasok 'don sa malaking gate.
Nagulat pa ito at nagtanong, "Sigurado kang papasok tayo dyan? Makakalabas pa ba tayo ng buhay dyan?" Kinakabahan nitong tanong. Pinisil ko naman ang kanyang kamay.
"Hmm, mamaya na'tin malalaman ang sagot sa tanong mong 'yan." Ngumisi pa ko bago tuluyang pumasok sa loob.
Even me, I don't have an idea kung anong kalokohan ba ang susuungin namin sa loob. Pero siguro naman..... makakakalabas parin kami ng buhay? Haha.
DASURI
Sobrang higpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Kai habang pumapasok sa malaking gate. Lumantad samin ang isang lumang gusali pagkapasok sa loob. Bakas dito kung gaano na sya katagal nakatayo. "Kai, natatakot ako." Bulong ko rito.
"Sssh, mukha namang harmless 'tong lugar. Atsaka hindi mo ba nabasa 'yung signage sa labas? Isa 'tong shelter para sa mga batang Korean dito sa Japan. Hindi ka magagawang patayin ng mga bata." Saad nito habang nangunguna sa paglalakad.
Kahit anong sabihin nya hindi parin ako mapapanatag hangga't hindi ko nakikita kung sino ba 'yung mga taong nasa loob ng gusaling 'yan.
Napapitlag ako nang may boses ng mga batang naghahabulan ang umalingawngaw sa paligid. Sabay kaming napatingin ni Kai sa direksyon kung saan lumabas 'yung mga batang iyon. Mukhang hindi nila napapansin ang presensya namin. Busy kasi sila sa pagtakas.
Hindi naman nagtagal ay lumabas ang isang batang babae na kung susumahin ko ay nasa siyam na taong gulang. May suot-suot na apron at may hawak na sandok bilang panakot 'don sa mga mas bata sa kanyang nagtatakbuhan. Dumaan ang mga ito sa harap namin at nagiwan pa ng balat nang saging. Kung saan naging dahilan para madulas 'yung pinaka matandang babae pagdating nito sa harap namin. Agad-agad namang binitawan ni Kai ang kamay ko at sinalo 'yung bata. "Waaaaah!!!!" Sigaw nito.
Huminto 'yung grupo ng mga batang hinahabol nya at sabay-sabay kaming tumitig kila Kai. Nasapo naman ni hubby 'yung babae habang nakahawak ang kamay nito sa leeg ng asawa ko. Dahan-dahan ang pagmulat ng mata nito at natulala pa nang masilayan ang mukha ng asawa ko.
"S-Sino ka?" pakurap-kurap nitong pahayag. Mukhang nabighani sya sa kagwapuhan ng asawa ko.
Ngumiti naman si Kai at inayos sya nang tayo. "My name is Kai, okay ka lang ba? May masakit ba sayo?"
"W-wala po, salamat." Hindi parin matanggal ang pagkabighani nito sa asawa ko.
"Good. Mag-iingat kana sa susunod." Hinawakan pa ni Kai ang buhok nito at hinaplos-haplos. Kitang-kita ko ang pamumula ng magkabilang pisngi nung bata.
Nagsilapitan naman sa pwesto namin 'yung mga batang hinahabol nya, "Ayieeeee. Dumating na 'yung prince charming ni Dada. Ayieee. Namumula sya. Wahahaha." Pangangantyaw nung mga bata.
Umusok bigla ang ilong at tenga ko. Anak ng! Kanina pa ko nagtitimpi dito ah. Kinuha ko 'yung kamay ni Kai na nakahawak sa buhok nung bata sabay hila sa kanya papalapit sa akin.
"Excuse me mga bata! Ako na ang nagmamay-ari sa prinsipeng ito kaya shut up na lang kayo." Sinamaan ko pa sila ng tingin para ipakitang seryoso ko. Hindi ko nga binigay si Kai kay Yuri at Hyena tapos sa isang bata papatalo ko? No way! "Weh? Maniwala kami sa'yo." Sagot nung isang batang lalaki na mukhang eight years old lang. "Oo nga, mukha ka nga lang bata na ilalagi din dito. Sya siguro 'yung nagdala sa'yo dito 'no?" "Kararating mo pa nga lang mangaagaw kana agad. Lagot ka. Dragona pa naman 'yang si Dada!"
Hindi na natapos ang salitan nilang komento. Lalo tuloy kumulo ang dugo ko. "Anong sabi nyo?! Gusto nyo bang pagpapaluin ko kayong lahat?!" nagsisimula pa lang ako sa panenermon ng pigilan ako ni Kai. "Stop wifey, mga bata lang 'yan." Bulong nito.
"Kahit na! Sila naman 'yung nanguna e. Harap-harapan kang pinapartner sa iba. Nakakabastos kaya 'yon!" medyo napalakas na 'yung boses ko. Hindi ko na kasi mapigil ang inis ko. Dinidilaan pa ko nung mga bata. Asar!
"Tignan mo. Dinidilaan pa nila ko oh! Aist!" sumbong ko. Nagulat naman ako nang imbes na ipagtanggol ay tinawan lang ako ng magaling kong asawa. Grabe sya. Ganyan ba ang dapat na reaskyon kapag may nangaaway sa asawa mo? Wala ba talaga syang balak na ipagtanggol ako? Grrrr.
"Mga bata! Anong kaguluhan na naman 'yan? Dada? Bakit nandito ka? Diba ikaw ang nakatokang magluto para sa mga bisita natin?" dumating ang isang may edad na babae. Mukhang ito ang nangangalaga sa lugar at sa mga batang naririto. Nagulat pa ito nang masilayan kami ni Kai. "Mr. and Mrs. Kim? Naririto na pala kayo. Pasensya na't hindi namin kayo naharap kaagad. Wala kasing nakapagsabi tungkol sa inyong pagdating. Ako nga pala si Mrs. Yoon, ang punong taga pangalaga ng shelter na ito." Yumuko pa sya para batiin kami. Tinugon naman namin iyon.
"Wala po 'yon. Natuwa naman po kami sa mainit na pagtanggap samin ng mga batang ito." Napalingon ako kay Kai dahil sa sinabi nya. Mainit na pagtanggap? Wow ha? Wow.
"Nagsisinungaling po si Kai. Ang totoo nga nyan, ang mga batang ito..." naputol ang pagrereklamo ko nang pisilin ni Kai ang kamay ko.
"Ang ibig pong ipakahulugan ng asawa ko ay mas higit pa 'don ang pagtanggap na ginawa nila nang makita kami. Sobra syang nagpapasalamat dahil 'don. Diba wifey?" nilingon pa nya ko para humingi ng kumpirmasyon. Kahit labag sa loob ko, sumang-ayon na lang ako. "Oo na lang," sabay simangot.
Bakit parang mas kinakampihan pa nya 'yung mga bata? Ako kaya 'yung asawa nya. Hinatak ko ang kamay ko at dumistansya sa kanya. Hindi naman nya 'yon inintindi na lalong nagpainit ng ulo ko.
"Masaya kong marinig iyon. Dada, dalhin mo na 'yung mga bata sa loob. Ako na ang bahalang umasikaso sa mga bisita natin." Pahayag ni Mrs. Yoon. Nilingon muna ulit nung Dada si Kai bago sumunod sa utos sa kanya. "Hmm, Oppa? Magkita na lang po ulit tayo mamaya. Salamat nga po pala ulit sa pagsalo nyo sa'kin kanina." Yumuko ito para magpasalamat. Nginitian naman sya ni Kai,
"Wala 'yon. You are always welcome my dear."
Namula na naman ang pisngi ni Dada nang tawagin syang dear ni Kai. Sige lang, maglandian pa kayo sa harap ko. Pag hindi na ko nakapagtimpi, papatulan ko na talaga ang Dada na 'yan. Hmp.
"Magsipasok na kayo sa loob. Malapit na kayong maligo. Ang hindi susunod sa'kin, hindi ko bibigyan ng pananghalian." Pananakot pa nito sa mga bata. Nagmamadali namang nagsipasukan 'yung mga iyon. "Hala! Pumasok na tayo dali!
"Bye, bagong salta. Kita na lang tayo ulit mamaya."
"Pakabait ka para may makain ka mamayang tanghali!"
"Bye~"
Inismidan ko nga silang lahat. "Akala ba talaga nila bata rin akong katulad nila? Mga baliw!" bulong ko. Mukhang narinig 'yon ni Kai. Napalingon kasi sya sa'kin kaya bigla kong nanahimik. Tanging ako, si Kai at Mrs. Yoon ang naiwan sa pwesto namin. "Pagpasensyahan nyo na po ang kakulitan ng mga batang iyon. Minsan talaga hindi nila mapigilan ang pagiging pasaway. Pero masisiguro ko sa inyong lahat sila ay mababait at magagalang." Panimula ni Mrs. Yoon. Hinarap naman namin sya
ni Kai.
"Wala ho 'yon. Actually, excited akong makasama 'yung mga bata. Gusto ko na po kasing maranasan kung paano ba magalaga ng mga katulad nila." dahan-dahan kong sinulyapan ang asawa ko. Nakatingin sya kay Mrs. Yoon at mukhang sincere sa kanyang mga sinabi.
Napaisip ako bigla, tama ba ang pagkakaintindi ko sa mga sinabi nya?
"Mabuti naman kung ganon. Halika kayo, doon na tayo sa opisina ko magusap. Doon, mas maipapaliwanag ko ng mas maayos ang dahilan ng pagpunta nyo rito." Nauna si Mrs. Yoon na pumasok sa loob. Nakatitig parin ako kay Kai at pilit na binabasa ang iniisip nya.
Talaga bang.... gusto na rin nya??
"Tara na, wifey, natulala ka na naman dyan." Natauhan lang ako nang lingunin nya rin ako.
"Ah, andyan na." sumunod ako sa kanila na may ngiti sa aking mga labi.
Hindi man ako sigurado, pero masarap pa lang malaman na hindi lang ikaw ang nangangarap na maging isa na kayong tunay na pamilya.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report