OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 30: IS IT THE END? OR BEGINNING?
ΚΑΙ
"Oppa," ani ni Dada.
Patuloy parin ako sa pagtulong sa kanya sa pagluluto. Alam ko naman kasing paninindigan ni Dasuri ang desisyon nyang hindi tulungan 'yung bata. Masyadong matigas ang ulo 'non. Kung ano 'yung sinabi nya, ayun na 'yon. Wala ko sa mood para amuhin na naman sya.
"Hmm, bakit?" tanong ko without looking at her.
Nakakatuwa ang batang ito. Kahit sa murang edad alam mo nang maasahan sya. Sya ang naghihiwa ng mga sangkap na kakailanganin namin habang ako naman ang nakatoka sa mismong pagluluto.
"May tanong ako, okay lang po ba?" pansin ko ang paghinto nito sa paghihiwa sabay tingin sa'kin. Mukhang may gusto nga talaga syang malaman mula sa akin.
"Sure, basta ba hindi mo itatanong kung pwede pa ba kitang pakasalan. May asawa na ko e." nilingon ko sya at ginulo ang kanyang buhok. Sabay kaming napangiti sa isa't-isa.
"Mapagbiro ka naman oppa, Haha. Alam ko naman 'yon. Crush lang kita. H'wag kang masyadong assuming. Hehe." Eto ang gusto ko sa batang ito. Magaling sumakay sa mga biro ko. Sana ganito rin kadali makuha ang loob ng magiging anak namin ni Dasuri. I'm so excited to spend my whole day with my child.
"Good, I'm happy to hear that. Anyway, ano ba 'yung tanong mo?"
"Hmm. Tungkol po sa asawa nyo." Medyo nagaalangan pa sya habang sinasabi 'yon. Napahinto naman ako sa aking ginagawa.
"Sa asawa ko? Si Dasuri?" ulit kong tanong. Hindi kasi ako makapaniwala. Anong gusto nyang malaman about my wife?
Tumango-tango naman sya bilang sagot. "What's with her?"
"Talaga po bang mahal mo sya? Hindi ka ba napilitan lang na pakasalan sya? Masyado po kasi syang isip-bata para sa'yo. Mukha kasing puro sakit lang ng ulo ang hatid nya sayo." Bahagya akong natawa sa tinuran nya. Nakakatawa kasing isipin na isang bata ang nagsasabi sa'kin ng mga bagay na tulad nito. Akalain mong napapansin rin pala nya. Haha.
Nagtaka naman si Dada sa naging reaksyon ko. Kumunot pa kasi ang noo nito. "Seryoso po ko sa tanong ko. Bakit ka po tumatawa?"
I tried to calm myself, "Alam ko, pfft, Hindi ko lang kasi mapigilan ang tumawa. Haha. Mukha kasing mas matured ka pang mag-isip kaysa kay Dasuri." I can't stop myself from laughing.
"Halata nga po. Kaya nga naisip ko talaga, pinikot ka lang nya. Imposible naman kasing pakasalan mo sya kung nasa matino kang pag-iisip." Paninigurado pa nito. Huminto naman ako sa pagtawa at nilingon si Dada na may seryosong mukha. "Siguro nga baliw na ko. Kasi, ginusto kong pakasalan ulit sya sa pangalawang pagkakataon." Kung kanina pagtawa ang ibinigay ko sa kanya. Ngayon naman isang sincere na ngiti ang namutawi sa aking labi. Napauwang naman ang kanyang mga labi dahil doon. Halatang nagulat sya sa kanyang nalaman.
"Seryoso? D-Dalawang beses po kayong kinasal?! Woah. Kakagulat." Nginitian ko lang sya sabay balik ng atensyon ko sa aking niluluto.
"Tama ka, sakit talaga sya sa ulo. Madalas kaming mag-away dahil sa pagiging immature nya. Napakaliit na bagay, ginagawan pa talaga ng issue. Pati 'yung pagseselos nya? Madalas wala sa lugar. Naalala ko pa nga noon pati 'yung tatlong aso ko pinagselosan nya. Haha." natawa na naman ako nang maalala ang mga panahong iyon.
"Minsan tuloy natatawa na lang ako imbes na mainis. Pero alam mo kung ano 'yung mas nakakamangha? Mas gugustuhin kong makunsumi dahil sa mga kalokohang pinaggagawa nya kaysa naman gumising sa umaga na wala sya sa tabi ko. Ganon yata talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Magagawa mong tanggapin at yakapin ang lahat-lahat sa kanya. Pati na 'yung mga pangit na paguugali nya."
"Kaya nga kahit ako na lang lagi ang umiintindi at nagpapasensya sa aming dalawa. Hinding-hindi ko parin iiwan si Dasuri. Alam ko naman kasi at sigurado kong sya at sya lang din ang kakailanganin ko." "Wow. Sana makahanap rin ako ng prince charming na katulad mo. 'Yung kayang pagtiisan 'yung ugali ko."
"Of course, you can. Wag ka lang magmamadali. Hmm, sandali lang," pinatay ko na 'yung kalan dahil luto na 'yung niluluto ko.
Bakit parang tumahimik ata bigla? Nilingon ko yung lugar na kinapupwestuhan ni Dasuri kanina. Hindi ko na kasi naramdaman ang presensya nya mula nang maupo sya sa sulok. Nagulat ako nang hindi sya makita roon, "Saan naman kaya nagpunta 'yon?"
"Hyung! 'Yung batang dinala mo dito. Lumabas sya ng gate. Kitang-kita ng dalawang mata ko." saad nung batang kadarating pa lang ng kusina. Humahangos itong nagsumbong sa'kin. "Si Dasuri?" Paninigurado ko pa.
"Opo, 'yung pasaway na bata." Sagot naman nito.
"Naku, oppa! Hindi pa naman sya marunong magnihonggo diba? Baka maligaw sya." bulalas ni Dada mula sa gilid ko. Bigla kong kinabahan nang maintindihan ang mga nangyayari.
"Sht!" saad ko sabay takbo palabas ng building. H'wag naman sanang magkatotoo ang kutob ko.
DASURI
"Kanojo wa daredesu ka? *Who is she?"
"Kanojo wa daijōbudesuka? *Is she okay?"
"Byōin ni kanojo o motarasu koto ga dekimasu *let's bring her to the hospital"
Naalimpungatan ako dahil sa mga salitang naririnig ko. Hindi ko sila maintindihan kaya pilit kong minulat ang aking mga mata. Nagulat ako sa aking nakita. Nakapalibot sa akin 'yung mga tao habang lahat sila nakatuon ang atensyon sa akin. Kanya-kanya sila nang komento habang ako ay nakahiga sa kalsada. Ang iba'y sinusubukan pa kong kausapin. Hindi ko naman sila maintindihan.
"Daijobu desuka? *Okay ka lang ba?" tanong sa akin 'nung lalaking umupo sa tabi ko. Umayos naman ako nang upo at umiling-iling sa kanya. "I don't understand you. I'm sorry."
"Anata ga kizutsukete imasu ka? Anata wa watashi ga byōin de anata o dōkō shitaidesu ka? *Are you hurt? Do you want me to accompany you in a hospital?"
"Eh?"
Pakiramdam ko lalong sumasakit ang ulo ko sa mga pinagsasabi nya. Hindi ko sya pinansin at inalala ang mga nangyari. Base sa pagkakaalala ko masasagasaan na ko dapat e. Pero teka, bakit buhay pa ko?
Chineck ko 'yung buong katawan ko. Puro gasgas at galos lang naman 'yung nakita ko. Mukhang okay parin naman ako hanggang ngayon. Sinubukan kong tumayo dahilan para matigilan yung mga tao sa paligid.
"Nasaan ako? Nasaan na 'yung batang hinahabol ko kanina?" luminga-linga pa ko sa paligid para hanapin 'yung bata. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko iyon na nakatayo sa di kalayuan.
Nakatingin din sya sa akin na halatang nag-iisip kung lalapitan ba ko o hindi. Nagmamdali naman akong lumapit sa kanya. Sinubukan pa kong pigilan ng mga tao sa paligid ko pero hindi ko sila pinansin. Hindi ko nga sila maintindihan. "Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Alam mo ba kung saan may malapit na ospital dito? Tara, dadalhin na kita 'don." Sunod-sunod kong tanong habang tsinetsek ang buo nyang katawan.
Hindi sya sumagot sa mga tanong ko. Sa halip ay yumuko ito para iwasan ang mga mata ko, "Ale, s-sorry po. D-dahil sa'kin muntik ka nang mapahamak. S-sorry." Rinig ko ang munti nitong paghikbi.
Napangiti ako nang marinig 'yon. Hinawakan ko ang buhok nya at ginulo-gulo ito. "Ikaw talaga. Haha. Wag ka na ngang umiyak. Okay lang naman ako. Gasgas lang naman 'to. Kita mo. Nakakatayo pa nga ko." pagpapatahan ko 'don sa bata. Damang-dama ko kasi 'yung dinadala nya. Mukhang sinisisi nya 'yung sarili nya dahil sa nangyari sa'kin.
Nagulat ako nang bigla nya kong yakapin. Patuloy parin sya sa pagiyak habang pahigpit nang pahigpit ang kapit nya sa akin.
"Salamat po sa pagligtas sa akin. Maraming salamat po talaga. Salamat. Huhu."
Sa di malamang dahilan, nakaramdam ako nang kakaibang saya habang nakayakap sa'kin 'yung pasaway na bata. Siguro nga mali ako. Hindi naman siguro sila ganon kasama.
"Jun young! Anong ginagawa natin dito?" tanong ko matapos akong dalhin nung bata sa isang liblib na lugar.
Marami kaming iskinitang pinasukan bago makarating doon. Tapos pansin ko na tagpi-tagpi 'yung mga bahay sa paligid.
"May gusto po kong ipakita sa iyo. Tara po, dito tayo sa loob." Binuksan nya 'yung pinto ng isa sa mga bahay. Nagulat ako nang makita ang loob nito. Kasing laki lang 'yon ng kwarto namin ni Kai sa Korea. Tapos tagpi-tagpi 'yung bubong at ding-ding. Wala ding kalaman-laman na gamit ang bahay. Tanging yung dalawang batang babae na nasa edad tatlo at lima ang naroroon. Agad-agad silang tumakbo papalapit samin nang makita kami.
"Oni-ssan, oni-chan," sigaw ng mga ito. Mukhang kanina pa nila inaantay ang pagdating namin dito.
"Oh, teka, teka, eto o. Maghati kayo ah." inilabas ni Jun young yung tinapay na kinuha nya sa shelter kanina. Nagmamdaling inabot 'yon ng mga kapatid nya.
"chalamat chuya. Nina pa ko gugutom e." saad nung tatlong taon na bata. "Umiiyak na nga sya. Sabi ko lang, padating kana." Segunda naman nung isa.
"Pasensya na kayo a. Eto lang kasi 'yung nadala ko." sagot naman ni Jun young.
Kumirot ang dibdib ko nang masaksikan ang usapan nila. Hindi ko akalain na ganito pala ang pamumuhay na meron sila. "Nasaan 'yung mga magulang nyo? Bakit kayo lang 'yung nandito?" Hindi ko naiwasang itanong.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Wala na po kaming mga magulang. Namatay naman si nanay matapos ipanganak yung bunso naming kapatid. Tapos iniwan naman kami ng tatay namin at sumama sa ibang babae. Mula noon lagi na kong pumupuslit sa shelter para kumuha ng pagkain para dalhin dito sa mga kapatid ko. Wala na kasi kaming pwedeng asahan pang iba kaya kahit alam kong masama. Nagnanakaw parin ako ng pagkain para sa kanila." Pagtatapat sa'kin ni Jun young.
"Bakit hindi mo na lang rin sila isama sa shelter? Para hindi sila nagugutom dito. Tara, ako nang bahalang kumausap kila Mrs. yoon. Sasabihin kong mga kapatid mo sila." Sinubukan kong ayain na sila palabas pero agad-agad akong piniglan ni Jun young.
"Wag na po ale, okay na po kami sa ganito."
"Ha? Anong okay? Kita mo nang nagugutom dito 'yung mga kapatid mo." hindi ko sya magets. Bakit mas pipiliin nyang magutom dito ang mga kapatid nya kaysa dalhin 'don sa shelter at alagaan kasama nya. "Tama po cha. Dito lang kami."
"Ayaw namin 'don."
Lalong kumunot ang noo ko dahil sa tinuran nila. "Pero bakit?" buong pagtataka kong tanong. "Minamaltrato ba kayo 'don?"
"Hindi po.. napakabait nga po nila sa akin 'don. Pati na 'yung mga batang nandon. Sila Dada, lahat sila naging kaibigan ko na."
"Kung ganon, bakit ayaw mong isama doon ang mga kapatid mo? Anong dahilan." I want to know their reasons. Bakit sila magtitiis dito kung may iba namang paraan para mas mapagaan ang buhay nila?
"Ayoko po kasing magkahiwa-hiwalay kaming tatlo. Kahit na sobrang nahihirapan kami. Kahit na wala na kaming makain sa araw-araw, mas gugustuhin ko paring dito na lang kami sa bahay. Ang mahalaga sama-sama kami. Kapag kasi pumunta kami sa shelter, sigurado may mga taong mag-aampon sa amin. Kapag nangyari 'yon, mapipilitan kaming lumaki nang magkakalayo. Iyon ang isa sa mga bagay na iniiwasan ko."
"Hangga't maari kahit mahirap gusto ko lumaki kami nang magkakasama. Atsaka isa pa, umaasa parin kami na balang araw. Babalikan kami ng tatay namin. Balang araw, gugustuhin ulit nya kaming alagaan. Wala naman kasing magulang na magagawang tikisin ang kanyang anak diba? Wala?"
Nakatulala lang ako habang naglalakad na pabalik ng shelter. Sinubukan kong baguhin ang desisyon ni Jun young. Sinubukan kong kumbinsihin syang sumama sa'kin pati na ang mga kapatid nya. Pero matindi talaga ang paniniwala nyang babalikan pa sila ng tatay nila.
"Ayst. May ganon ba talagang mga magulang? Nagawa nyang iwanan ang mga anak para sa pansariling kaligayahan. Ayokong maging katulad nya. Ayokong maging pabayang magulang."
Sa kakaisip hindi ko namalayaan na nasa tapat na pala ko ng gate ng shelter. Mabuti na lang hinatid ako ni Jun young. Umalis lang sya nang medyo malapit na ko dito. Babalikan nya pa daw kasi 'yung mga kapatid nya. Kailangan nyang masiguro na okay ang mga ito bago bumalik sa shelter.
Pagpasok ko sa loob nung gate. Nagulat ako nang biglang sumigaw 'yung isang bata. "Nandito na 'yung tumakas na bata! Bumalik na sya."
Kumunot-bigla ang noo ko. Tumakas na bata? Sino ba 'yon? Ako ba 'yon? Unti-unti namang naglabasan 'yung mga tao sa building. Nakita ko sa mukha nila Ms. Yoon ang pagaalala.
"Mahabaging Diyos, salamat naman Mrs. Kim at nakabalik ka dito ng maayos. Sobra ang pagaalala namin mula nang malaman namin ang pagtakas mo. Lalo na ang asawa mong si Kai." Pahayag nito pagkalapit sa'kin.
"Oo nga po, lalo na nung nabalitaan naming may isang aksidente sa di kalayuan. Isang koreana daw 'yung nasagasahan. Nagmamadali tuloy lumabas si oppa,” dagdag pa ni Dada.
"Ano bang nangyari sa'yo at ganyan ang ayos mo?" sabay titig nya sa kabuuan ko. Puno kasi ako ng galos dahil sa nangyari kanina.
Oo nga pala si Kai, sinubukan ko syang tawagan kanina. Kaso naalala ko, wala nga pala kaming dalang mga cellphone. Aish. Siguradong nagaalala na sa'kin 'yon.
"Okay lang naman po ako Mrs. Yoon kaya wala na kayong dapat ipagalala pa. Si Kai po pala, may paraan po ba para makontak sya?" sasagot pa lang sana si Mrs. Yoon nang biglang may magbukas ng gate. Sabay-sabay kaming napalingon roon. Iniluwa nito ang asawa kong halatang kanina pa aligagang naghahanap sa akin.
"Hubby," lalapitan ko pa lang sana sya para alalayan nang mapansin ko ang matalim na tingin nya sa akin. Para kong naistatwa nang makita 'to.
Naglakad ito at dahan-dahang nagtungo sa pwesto namin. Halata rito na nagpipigil sya ng galit. Hindi kasi mawala 'yung talim ng tingin nya sa akin, "Ms. Yoon, Dada, mga bata. Okay lang ba kung iwan nyo muna kami ng asawa ko? Gusto ko lang sya makausap nang sarilinan."
Sila 'yung kinakausap nya pero sa akin sya nakatingin. Hala sya... mukhang galit na galit si hubby.
"Sige ho Mr. Kim. Mga bata pumasok muna kayo. Dalian nyo." Utos pa ni Mrs. Yoon.
Gusto ko sanang pigilan ang iba na umalis. Mukha kasing hindi maganda ang kalalabasan kapag kami na lang ni Kai ang natira kaso wala kong magawa. Ilang segundo lang din ang lumipas kaming dalawa na lang ni Kai ang natira sa kinaroroonan namin.
Pilit kong pinapakiramdaman ang sitwasyon. Hindi parin kasi nagsasalita si hubby. Nakatitig lang sya sa'kin na parang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Lalo tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko isa kong batang nagkasala at papagalitan ng parents nya. "Hubby..." basag ko sa katahimikan. Sa tingin ko oras na para magpaliwanag, "Ano.. Kasi... Yung tungkol sa nangyari. S-So---"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Shut up! I didn't allow you to talk!" napapitlag pa ko nang biglang sumigaw si Kai.
You can feel the authority on his voice. Pakiramdam ko umurong 'yung dila ko kaya hindi ko na maituloy 'yung sasabihin ko. Yumuko na lang tuloy ako't iniwasan ang tingin nya.
Nakakatakot si hubby. Ngayon na lang nya ulit ako sinigawan ng ganyan. Hindi ko tuloy alam kung paano magre-react. Lalo namang kumabog ang aking dibdib nang mapansin ang unti-unti nitong paglapit sa'kin. Kitang-kita ko mula sa sahig ang dahan-dahang paghakbang ng mga paa nito. Sinubukan kong umatras kada lalapit sya kaso binalaan nya agad ako.
"Move and you're dead."
What the fish! Don't tell me.... papaluin nya ko?!
Waaah. Mommy, help. I gasped when I felt his presence on my front. Puspa! Mukhang papaluin nya talaga ko! Pumikit na lang tuloy ako para mabawasan 'yung sakit kapag pinalo na nya ko sa pwet. Sa tanang buhay ko ngayon pa lang ako mapapalo tapos asawa ko pa yung gagawa. Kaiyak. Huhu.
Huminga ko ng malalim at inihanda ang aking sarili. Kasalanan ko naman kasi talaga kaya tatangapin ko na lang 'yung kaparusahan. Ngunit imbes na malakas na palo ang matanggap ko, isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa'kin ni Kai. Napamulat tuloy ako ng mata dahil sa gulat.
"Hubby?" usal ko nang hindi sya magsalita.
"Okay ka lang?" I tried to glance at his face kaso pinigilan nya ko sa pamamagitan ng paghawak sa likod ng ulo ko.
"I said don't move. Ang tigas talaga ng ulo mo." sermon pa nya sa akin.
Ramdam ko ang mahigpit na yakap nya sa akin. Para bang sabik na sabik syang makita ko. Napapout naman ako kahit hindi nya nakikita.
"Sorry naman po. Hindi ka kasi nagsasalita. Nagtataka tuloy ako. Dapat kasi pinapalo mo na ko ngayon diba?"
I heard him sigh, "Seriously Dasuri, Kailan ka ba matututong sumunod sa akin? Bakit kailangan mong umalis bigla kung alam mong mag-aaalala ko sa'yo ng sobra? Bakit ka lumabas ng gate kung alam mo namang pwede kang mapahamak? Arghh."
Bigla syang kumalas sa pagkakayakap sa akin sabay talikod. Nagulat ako sa naging reaksyon nya. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko napagpasyahang umikot at pumunta sa harap nya. Bigla naman syang tumingala sa langit na para bang may gustong itago mula sa akin.
"Fvck it! This is so gay," saad pa nya habang pasimpleng pinupunasan ang mga mata. Bahagya naman akong napangiti nang maintindihan ang nangyayari.
"Hubby, umiiyak ka ba?" sabay tanggal sa kamay nyang pinampupunas sa kanyang mata.
"No, I'm not." Tangi pa nito.
"Weh? Umiiyak ka e. Ayan oh, halata sa mata mo." pinilit kong paharapin sya kaso pilit syang tumitingala para itago ang mukha nya mula sa akin.
Pero hindi ako nagpatinag, ginawa ko ang lahat para magkaharap kami. Di naman nagtagal, hinarap nya ko't tumitig sa mga mata ko. Pansin ko ang pamumula ng mata nito.
"You don't have an idea what I felt nang mawala ka sa paningin ko. You scared me to death. Lalo na nang may mabalitaan akong aksidente sa di kalayuan. Pakiramdam ko huminto bigla 'yung pag-ikot ng mundo ko. Tapos kung anu-ano pang ideya ang pumasok sa utak ko."
"Paano kung ikaw nga 'yung tinutukoy nila? Paano kung hindi na kita ulit makita? Paano kung.... mawala ka naman sa'kin? Makakaya ko pa ba?"
Pumikit ito sandali para pakalmahin ang sarili. Nanatili naman akong nakatitig sa mukha nya. Halata rito na marami syang gustong sabihin, na marami syang gustong isatinig, kaya lang hindi nya mailabas dahil sa halu-halong emosyon na meron sya.
Muli itong nagbuntong-hininga bago magsalita habang nakatitig sa akin na may malalam na mga mata.
"Sa totoo lang, sa tuwing bibigyan mo ko ng sakit ng ulo. Naiisip ko na ring iwanan ka. Kaya lang sa tuwing naiisip ko 'yon naaalala ko rin, mahal na mahal na mahal na nga pala kita."
Bigla kong napangiti nang marinig ang mga huling katagang binigkas nya. Hindi ko kasi akalain na darating ang araw na maririnig ko mula sa bibig ng asawa ko ang mga salitang iyan. Hindi ko kasi inaasahan na ganyan na pala nya ko kamahal. Sino ba naman kasi ako diba?
Isa lang naman akong hamak na fan nya?
"Kaya pwede sa susunod bawas-bawasan ang katigasan ng ulo? Hindi porket hindi kita kayang iwanan, e pwede mo na kong pahirapan. Kutusan kita dyan e, gusto mo." muli nang sumilay ang ngiti sa mga labi ni hubby. Muli nya kong hinigit at niyakap ng mahigpit.
"Wag mo na ulit gagawin 'yon. Mauuna pa ko sa'yong mamamatay dahil sa pag-aalala. Stupid wife." he whispers.
Tinugon ko rin naman ang mga yakap nya, "Sorry kung pinagalala kita, hindi ko naman intension na gawin 'yon. Pero alam mo masaya ko ngayon, masaya kong malaman na hahanapin mo pala ko kapag nawala ulit ako sa tabi mo." mas hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Kai kasabay ng pagsubsob ng aking mukha sa kanyang dibdib. I heard him chuckle.
"My wife is so stupid."
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report