OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 4: INSENSITIVE
DASURI
"Bakit tayo pumunta dito?" bulalas ko habang papasok kami sa isang night supermarket. Pagkatapos kasi naming kumain ng hapunan sa isang restaurant. Kinalkad na ko ni Kai papunta rito. Hindi naman nya ko nilingon at nagdire-diretsyo sa loob.
"Walang kalaman-laman ang refrigerator natin sa bahay. Ayoko namang iwanan ako ng asawa ko dahil lang sa ginutom ko sya." sagot ni Kai habang kumukuha ng shopping cart. Tumawa naman ako nang mahina.
"Sabagay, may point ka 'don. So, ibig sabihin magsa-shoping tayo ngayon na parang isang tunay na mag-asawa?" biglang nagningning ang mga mata ko nang maisip ko ang ideyang iyon. Humawak din ako sa handle ng shopping cart at tumabi sa kanya.
"Mag-asawa na naman talaga tayo." saad nito habang busy sa pagtingin sa mga nakahilerang produkto sa paligid. Kasalukuyan kasi kaming nasa food section ng store.
Ano ba 'yan. Kinilig ako bigla. Nararamdaman ko kasing seryosohan na talaga 'to. AS IN FOR REAL. Hihi.
"Hmmm."
Luminga-linga rin ako sa paligid at saka naglakad-lakad. Ayieee. Na-e-excite ako kapag iniisip kong simula sa araw na 'to. Ako na ang bibili ng mga pangangailangan ni Kai. Gaya nung mga nakikita ko sa mga telenobela? Taas-noo akong papasok sa mga malls at confidence na magagawa kong bilhan ang asawa ko nang gamit na sakto at siguradong magugustuhan nya. Habang iniisa-isa ko ang mga damit ay hindi maiwasang pagtinginan ako ng mga kababaihan sa paligid.
"S'ya yung asawa ni Kai diba? Wow. Ang ganda nya pala sa personal."
"Sinabi mo pa. Bakit kaya sya nandito sa mens wear?"
"Ano ka ba. Malamang binibilhan nya ng damit ang asawa nya. Awww."
Magpapanggap akong walang naririnig at patuloy parin sa pagmimili. Hahayaan ko silang hangaan at pagpantasyahan ang aking buhay pamilya. Maingit kayo. HAHA.
"Umm. Miss, meron ba kayong medium size nito?" pagkuha ko sa atensyon ng saleslady. Inabot ko sa kanya ang isang plain white long sleeve. Nagmamadali naman itong lumapit sa akin.
"Ah' ma'am. Meron po, para po ba sa asawa nyong si Kai?"
Ngumiti ako't tumango. "Yes, may dadaluhan kasi syang awarding ceremony. Alam mo na, bilang asawa kailangan kong maging hands-on sa mga susuotin nya. Kahit pa may sarili syang stylish. Mas gusto nya pa rin daw kasing suotin 'yung mga binili ko para sa kanya. Haha."
"Wow! Ang sweet nyo naman ma'am. Nakakaingit."
Hinawi ko ang buhok ko at inipit sa kaliwang tenga bago ngumiti sa kanya. Ganon talaga. Mas maganda ko sa'yo eh. Charot. "WAAAH!!!!" napapitlag ako nang biglang sumigaw 'yung sales lady sa harap ko at ibang tao sa paligid namin.
"Woah! Bakit ba kayo bigla sumigaw?" tanong ko rito.
Hindi naman 'to makapagsalita at pasalit-salit ang tingin sa akin at sa bandang likuran ko. Naintriga ko kaya nilingon ko 'yon. Laking-gulat ko nang bigla kong salubungin ng halik sa pisngi ng lalaking kadarating pa lang. Bahagya ko naman syang hinampas.
"Ano ka ba. Bakit mo ginawa 'yon. Ang dami kayang nakakita. At saka, ano bang ginagawa mo dito? Akala ko ba may taping ka pa?" pabebe ko kunwari.
Inilagay naman nya ang kanyang kamay sa bewang ko't bumulong. "Oo, kaso na-miss ko bigla ang asawa ko kaya minabuti kong puntahan na sya dito. Gusto ko na kasi s'yang iuwi sa bahay at maghabulan." Sabay papak nito sa tenga ko. "Ano ba~ hubby naman eh. H'wag dyan nakikiliti ako." Bumababa na kasi 'yung halik nya mula sa tenga papuntang leeg. Nakakahiya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Wifey," tawag sa akin ni Kai.
"Yes, hubby? Umm."
"Dasuri?"
"Y-Yeah? Uhh. Umm."
"What are you doing? You're making weird sounds."
Bigla kong natauhan at napamulat nang marinig ang sinabi ni Kai. Bigla kong namula nang makitang nasa harapan ko sya at mukhang nawi-weird-uhan sa kinilos ko.
"Huh? Ahh."
Shocks. Nasa supermarket pa rin pala kami. At nag-daydream na naman ang lola nyo. Arghh.
"I was just asking you kung gusto mo bang bilhin ko 'to or not?" ipinakita nya sa akin 'yung bagay na ginagamit para panlinis ng alikabok sa bahay. 'Yung malambot na parang balahibo ng pusa tapos may hawakan? Hindi ko alam tawag 'don eh.
"Pero sa itsura mo, mukhang you are dreaming of something...." he grins at me na para bang sinasabi nyang. Nababasa nya ang nasa utak ko. Naalarma naman ako't pinabulaanan 'yon.
"Mali ka nang iniisip 'no. N-Never ko kayang naisip 'yon." Tinakpan ko 'yung mukha ko at nagmamadaling umalis sa pwesto namin. Nakakainis talaga sya. Grrr.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtingin-tingin sa paligid. Pero teka, ano nga ba ang kakailanganin namin ng asawa ko? 'Yung mga karaniwang nakaimbak sa cabinet at refregirator ng isang bahay?
Noodles? Milk? Cans? Frozen foods? Argh. Mas mahirap pala 'to sa inaakala ko. Dati kasi ang alam ko lang ay kumain. Si Maria Unnie na ang bahalang mamili at magasikaso sa mga gawaing bahay. Mag-iiba pala talaga ang buhay mo kapag nag-asawa kana.
Nagpatuloy ako sa pag-iikot hanggang sa may isang bagay ang nakakuha ng atensyon ko. Iba't-ibang kulay ng baby gloves na may design ng bear at ribbon. Pagkakitang-pagkakita ko pa lang dito ay naakit na ko. "Waah! Ang kyut naman ng mga 'to. Nakakatuwang titigan." Kinuha ko 'yung blue stripped 'yung kulay. Hinawakan ko 'yon at mas lalong natuwa sa lambot nito.
"Kung ako magkaka-baby, gusto ko eto 'yung gamitin nya. Ang kyut nya sigurong tignan. Waaah!" nasa kalagitnaan pa ko ng pagde-day dream nang maulinigan ko ang boses ni Kai.
"Dasuri, nasaan kana? Meron ka pa bang bibilhin? Ayos na siguro 'tong mga napamili na'tin." Natauhan ako't nilingon sya. "Sandali lang,"
"Sige, hintayin na lang kita sa counter." Tumango ako bilang sagot.
Muli kong pinagtuunan nang pansin 'yung hawak-hawak kong gloves. "Hmm. Ang kyut talaga nito. Kaso wala pa kong paggagamitan." Labag man sa kalooban ko. Pikit-mata kong ibinabalik sa lalagyan 'yung gloves. 'Yung malapit ko na itong maibalik. Dumilat ako't binawi ito. "Sayang naman kung hindi ko bibilhin. Baka hindi ko na 'to makita sa susunod. Bahala na nga."
In the end, kinuha ko 'yung gloves at pumunta sa kinaroroonan ni Kai. Dahan-dahan ko pang inilagay 'yung dala ko sa shopping cart na hila-hila ni hubby. Nahihiya kasi ako sa ginawa ko. Lalo na nang titigan nya ko nang makita 'yon. "Uhh... nakyutan lang ako kaya ko kinuha pero h'wag kang mag-alala, walang ibig sabihin 'yan. Hehe." Pagpapaliwanag ko kahit hindi sya nagtatanong. Hindi naman na sya nagsalita pa't inabot na sa cashier 'yung mga pinamili namin.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Wooh! Ang awkward 'non ah. Bakit kasi naisipan kong bilhin pa 'yon. Weird mo talaga, Dasuri.
Habang nasa tapat na kami ng counter. Nawala ang hiyang nararamdaman ko kanina nang mapansin ko ang ginagawang pagpapakyut ng cashier kay Kai.
"Aigoo. Hindi po talaga ko makapaniwala na nasa harapan ko kayo. Alam nyo po bang isa ko sa mga fans nyo? Inaabangan ko nga po 'yung incoming drama nyo eh." pahayag pa nito habang ini-scan 'yung mga pinamili namin. "Salamat naman kung ganon. H'wag kang mag-alala, hindi ka madi-dissapoint sa flow ng istorya." Sagot naman ni Kai.
"Ay, aabangan ko talaga 'yan. Oo nga po pala, kamusta na 'yung grupo mong..... Shinee?" Take note! Ang tagal pang inisip ni ate 'yan ha. Haha.
"Grabe! Lagi ko pong pinapakingan 'yung mga kanta nyo. Hihi." Biglang natameme si Kai nang marinig ang pangalan daw ng grupo nya. Palihim naman akong natawa.
Lumapit ako kay Kai at kumapit sa braso nya, "Hubby, nakalimutan kong sabihin. Nakita ko 'yung larawan ng grupo mo kanina sa Gangnam district. Grabe. Pati pala MCM, kinuha na ang EXO bilang endorser nila. Nakakatuwa." I emphasize the word EXO. Wala naman talaga kong issue sa mga fans, kasi ganon din ako. Pero ang hindi ko matake, 'yung mga fake na kagaya nito.
Feeling alam lahat. Feeling loyal fan. Nagwapuhan lang naman kaya nakiki-idol. Tss. Sakit nila sa bangs.
"Ay, oo. EXO po pala, Hihi. The best po 'yung mga songs nyo. Lalo na 'yung debut song nyong GROWL? Gosh. Daebakk!"
Literal na bumagsak ang panga ni hubby nang marinig 'yon. Halata rin na medyo naiilang sya sa nangyayari. Kumulo tuloy bigla 'yung dugo ko. Wala ba talaga syang kahihiyan? Kung wala syang alam, h'wag na syang magdunung-dunungan. Masyado lang nyang inilalantad ang kanyang katangahan.
Balak ko na sanang patulan 'yung cashier kung hindi lang ako pinigilan ni Kai. Sinenyasan nya ko nang 'hwag na.
"Uhm' miss, magkano lahat?" pagbabago nito sa usapan.
Wala tuloy akong nagawa kundi patayin na lang sya sa isip. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin. Naku. Pasalamat lang talaga sya't napigilan ako. Kung hindi.... baka na-blade ko na 'yang leeg nya. Tss. "Uhh' 500, 000 won po lahat. Cash po ba or Card?" tanong nung babaita habang walang tigil sa pagpapakyut. Upakan kita dyan eh.
"Card." Sagot naman ni Kai sabay labas ng wallet nito.
Wala pang isang minuto kong pinag-iisipan kung paano ko mabe-blade 'yung babaeng nasa harapan ko nang maulinigan ko ang pag cuss ni Kai sa tabi ko. "Shit."
Bigla tuloy akong napatingin sa kanya. "Why? May problema?" tanong ko.
Nagulat ako nang tumalim ang tingin nya sa akin, "Sinira mo nga pala 'yung credit card ko kanina."
Ngumiti ako nang may pagkaalanganin nang malala 'yon. Kasalanan rin naman nya 'yon. Wala na syang nagawa kundi harapin muli 'yung cashier.
"Sa tingin ko hindi magkakasya 'yung cash ko para sa mga napamili namin. Hmm. Tumatanggap ba kayo nang ibang cards like this?" ipinakita ni Kai 'yung iba pa nyang cards. Dahan-dahan namang umiling 'yung babae. "Pasensya na po pero isang klaseng card lang po 'yung tinatanggap namin. At wala po 'yon sa mga dala nyong credit cards." "Ganon ba?" ilang minuto pang nag-isip si Kai bago muling magsalita 'yung cashier.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Ahh. Ehh. Ano na po palang gagawin natin sa mga napamili nyo?" Iniisip siguro 'nung babae wala kaming pambayad. H'wag syang magalala hindi namin ipababalik sa kanya lahat nang 'yan 'no.
"Ako na lang. Dala ko naman 'yung wallet ko." singit ko sa usapan. Natuon naman ang atensyon nilang dalawa sa akin. Kinuha ko 'yung credit card ko at inabot 'don sa cashier. Bigla namang nabuhayan yung loka. "Sige po," Aabutin na sana nung babae 'yung credit card nang bigla 'yong hablutin ni Kai.
"Hindi. Hindi ako papayag."
"What?" I asked shockingly. Hinarap naman ako ni Kai.
"Look Dasuri, ako ang lalaki dito. Kapag hinayaan kitang magbayad ng pinamili natin. Magmumukha akong katawa-tawa."
"Huh? Sino naman ang magtatawa sa'yo? Mag-asawa naman tayo kaya kung anung sa'kin. Sa'yo na rin. Hayaan mo na kong magbayad para makaalis na tayo dito." Pamimilit ko pa.
"No. I said no. That will never happen."
Eh? Ano bang problema 'don. Hindi ko sya maintindihan. Pasalit-salit na 'yung tingin sa amin 'nung cashier. Hindi nya siguro malaman kung sino ang susundin nya.
"Ganito na lang miss, I have 450, 000 won cash. Babawasan na lang namin 'yung mga pinamili namin para magkasya 'to." Aist. Ang tigas talaga ng ulo. Pinagmamasdan ko lang sya habang namimili nang bagay na tatanggalin nya. "These gloves. Eto na lang 'yung hindi namin bibilhin." I was shocked nang makita ang itinuro nya. Otomatikong kumilos ang mga kamay ko para pigilan 'yon.
"No!! Bakit 'yang gloves pa ang napili mo?! Pwede namang 'tong shaver ah. o di kaya 'tong mga junk foods. Basta h'wag 'yang baby gloves ko." Halos maghesterical na ko sa harap ni Kai. Papayag ako sa lahat ng gusto nya pero h'wag lang 'to. Hindi ako papayag. PERIOD.
"At bakit hindi? Wala ka namang paggagamitan nyan. Itatambak mo lang yan sa bahay." Nakatitig lang ako kay Kai habang sinasabi nya 'yon. Walang kahit isang salita ang lumabas sa labi ko. Paano nya 'yon nasasabi nang ganong kadali? Napaka-insensitive nya talaga. Nakakainis.
Umalis ako sa harap nya't lumabas ng store. Alam ko namang wala talagang paggamitan 'non. Alam ko namang wala 'yung kwenta para sa kanya. Pero sana man lang naisip man lang nya 'yung nararamdaman ko. Nakakainis s'ya. Sobra!
KAI
Pagkatapos kong bayaran 'yung mga napamili namin. Dumiretsyo ako sa kotse at inilagay ang 'to roon. Naabutan ko 'don si Dasuri na nakaupo na sa loob. Tumalikod pa ito sa akin pagkaupo ko sa tabi nya. "Pag-aawayan pa ba natin 'to? Parang isang gloves lang." bulalas ko habang ikinakabit ang seatbelt sa katawan ko. Hindi naman nya ko hinarap at pinandigan ang pagtalikod sa'kin.
"Kung para sa'yo simpleng bagay lang 'yon. Pwes sa akin hindi." Umiling na lang ako't pinaandar ang makina. Minsan talaga ang hirap intindihin ng asawa ko.
Pagkarating namin sa bahay, hindi na nya hinintay na pagbuksan ko sya ng pinto. S'ya na mismo ang lumabas ng kotse diretsyo pasok sa loob ng bahay. Hindi ko na lang pinansin pa 'yon para hindi na lumala ang away naming dalawa. "Mahal mo kasi Kai kaya pagtiisan mo." kausap ko pa sa sarili ko habang binubuhat 'yung mga pinamili namin papasok.
"Ilagay mo na lang sa kusina 'yung mga pinamili. Bukas ko na lang aayusin. Hindi mo na ko kailangang utusan." Naulinigan kong sambit ni Dasuri pagkarating ko sa sala ng bahay. Umakyat naman 'to sa taas at pumasok sa kwarto namin. Kailan kaya mag-mamatured ang asawa ko?? Matagal-tagal pa siguro.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report