OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 40: BELIEVE ME... PLEASE!

DASURI

"Dasuri, can I....? Can I.... take care of Hyena?"

Pakiramdam ko nabingi ako nang marinig ang sinabi ni Kai. Para bang sinampal 'yon sa buong pagmumukha ko. Tumitig ako sa mga mata nya, hinintay kong bawiin nya ang kanyang mga sinabi. Hindi ako naniniwala, hindi nya 'to magagawa sa akin.

Hindi pwede.

"Dasuri, I'm sorry but I need to do this. I'm sorry." He tried to hug me pero dahil 'don mas lalo lang akong nalungkot. Para na rin kasi nyang hinihiling sa'kin na bigyan ko ng pagkakataon si Hyena na maagaw sya nito mula sa akin. Huminga ko nang malalim para pakalmahin ang aking sarili. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagkakaroon ng komosyon sa loob nang aking katawan. Napapitlag ako nang makaramdam ako nang kagustuhan kong dumuwal. Napakapit ako kay Kai na kasalukuyang mahigpit ang pagkakayakap sa akin.

Matapos ang ilang segundong pagpipigil, hindi ko na nakayanan. Itinulak ko si Kai upang makaalis sa pagkakayakap nya. Nang magkaroon ako nang pagkakataon. Dali-dali akong tumayo at nagtungo sa lababo. Binuksan ko 'yung gripo, at kasabay nito ang walang tigil kong pagsuka.

"Blurrrggghhh." Kasabay nito ay ang pag-alala ko sa naging usapan namin ni L. joe kanina,

"Para saan ba 'yan?" tanong ko. Nakakapagtaka naman kasi bakit sya bumili nang ganon. Meron ba syang nakaone-night stand? Tapos inaabot nya pa sa'kin ngayon? Geez.

"Can't you get it?" kunot-noo nitong tanong. Nag-isip pa ko sandali bago mabagal na tumango-tango. Hindi ko talaga sya magets. Napabuntong-hininga naman ito at bahagyang napapapikit pa dahil di makapaniwala. Pinatay ko 'yung gripo at pinunasan ang bibig ko. Idinantay ko ang dalawa kong kamay para kumuha nang suporta. Ilang minuto akong nag-isip at pilit na inaabsorb ang mga nangyayari.

"Arghh, Dasuri.... why are you doing this to me?" he blurted out while looking straight to my eyes. Lalo naman akong naguluhan sa naging reaksyon nya. Ano bang ginagawa ko sa kanya?

Kinuha nya yung kamay ko't inilagay doon yung PT. Ikinuyom nya ito kasabay nang bahagyang pagpisil rito. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata,

"I know that someday, it will really happen, and I prepared myself. But now that I'm facing it? It's killing me."

Umikot ako't humarap kay Kai. Gusto kong makita ang mukha nya at doon kumuha nang lakas. Dahan-dahan akong umupo sa sahig at doon ko na nabuo ang isang ideyang hindi ko nagawang paniwalaan nung una. "Should I congratulate you? Because I think... you're pregnant."

"Dasuri? What's happening? Look at me." Naulinigan kong pahayag nang aking asawa. Sinunod ko naman sya't tumingin sa kanyang mga mata. Nang magtama ang aming mga paninigin hindi ko mapigilang mapangiti.

Sa wakas, matutupad na rin 'yung matagal ko nang hinihiling sa maykapal, ang magbunga ang pagmamahalan naming dalawa.

"Kai, I think.... I'm pregnant."

Ilang minutong namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Parehas lang kaming nakatitig sa isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit biglang natahimik si Kai. Masyado ba syang natuwa sa kanyang narinig kaya maski ang yakapin ako ay hindi nya magawa?

KAI

"Kai, I think... I'm pregnant."

Five words. Limang salita lang ang sinabi ni Dasuri pero bigla kong nablanko. Pakiramdam ko biglang huminto ang mundo ko.

I want to shout and jump just to express my feelings. Though, I didn't do it because of my sudden realization. Tahimik akong tumayo mula sa pagkakaupo sa harap nya. Napaangat naman sya nang mukha para sundan ang pagkilos ko. Halata rito ang malaking pagtataka sa naging reaksyon ko.

"Hubby? H-Hindi ka ba masaya? Sabi ko, I...I think I'm pregnant."

Akala nya siguro hindi ko naintindihan ang mga sinabi nya that's why she said it again, but she's wrong. I heard it loud and clear. Why I ignore it? Dahil malinaw din sa akin kung bakit nya biglang i-nopen up ang tungkol dito. "Tama na Dasuri, alam ko kung ano ba 'tong ginagawa mo. Ayokong masaktan ka pa lalo pero ako na mismo ang magsasabi sa'yo nito. This is NOT the right strategy para mapilit mo kong layuan si Hyena. Hindi nakakatuwang gawin mong dahilan ang pagdadalang-tao para mapasunod mo ko sa gusto mo." I said with a cold tone.

Namutla naman si Dasuri nang marinig iyon. Para bang binuhusan sya nang malamig na tubig base sa reaksyon ng mukha nya. Dahan-dahan itong tumayo habang hindi pinuputol ang pagtitig nya sa aking mga mata.

"A-Akala mo ba nagsisinungaling ako? Na gawa-gawa ko lang 'yung pagsusuka ko?" gulong-gulo nitong pahayag.

Gusto ko sanang isagot na... OO. That's what I exactly thought pero pinili ko na lang na manahimik at ituon sa ibang direksyon ang atensyon ko para hindi na humaba pa ang usapan.

Napabuga ito ng hangin sa ere habang may namumuong luha sa gilid ng mga mata nya.

"I...I can't believe this Kai. Paano mo nasasabi sa akin ang lahat nang 'yan?! A-akala ko ba mahal mo ko? A-Akala ko ba hindi mo na kayang mabuhay nang wala ko sa tabi mo. Pero bakit ngayong sinasabi ko sa'yong buntis ako.."

"B-Bakit hindi mo ko magawang paniwalaan?!" sumikip ang dibdib ko nang makita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ng asawa ko. Gusto ko sana syang lapitan at yakapin nang mahigpit. Gusto kong punasan ang mga luhang pumapatak sa pisngi nya.

Ngunit hindi ko magawa dahil alam ko at sigurado kong hindi sya nagsasabi nang totoo.

"I'm sorry but I can't believe you this time. Ikaw na rin naman ang nagsabi diba? You have your period now. Kaya imposibleng may mabuong bata...." I look down on her tummy.

"Dyan sa sinapupunan mo." I heaved a sigh then left the kitchen. Hindi ko na sya kayang titigan pa. Ayoko man syang iwan sa ganoong kalagayan, pero kailangan ko syang tikisin para meron syang matutunan. DASURI

*KREEEEEEENG* *KREEEEEEENG* *KREEEEEEENG*

*KREEEEEEENG*

Walang tigil ang pagtunog ng telepono sa aming bahay. Marahil ay si Sora ang tumatawag, pero hindi ko 'yon pinapansin. Nakatulala lang ako sa kawalan habang nakaupo sa isang sulok ng kusina. Kung saan iniwan ako ng asawa kong nag- iisa. Nakapatay ang ilaw at patuloy ang pag agos ng luha sa aking mga mata.

Hindi ko alam kung ano ba 'yung dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung kanino ba ko dapat magalit? O sino ba talaga ang may kasalanan. Paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang mga katagang binitawan ni Kai.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"I'm sorry but I can't believe you this time. Ikaw na rin naman ang nagsabi diba? You have your period now. Kaya imposibleng may mabuong bata...."

Paulit-ulit din nitong sinasaktan ang damdamin ko.

"Dyan sa sinapupunan mo."

Ipinasok ko ang kamay ko sa kanang bulsa ko at kinuha ang isang bagay na inilagay ko roon bago ko lumabas ng kwarto namin ni Kai. Ipinasya ko talagang hindi tignan iyon hangga't hindi ko kasama ang asawa ko. Gusto ko kasi sanang sabay naming makita ang magiging resulta. Gusto kong makita kung gaano sya.... magiging masaya.

I can't help but to smile bitterly when I saw two red lines on my pregnancy test kit. I feel happy and sad at the same time. Niyakap ko nang mahigpit ang mga tuhod ko sabay subsob dito. Hindi ko na mapigilan, hindi ko na kaya. Inilbas ko 'yung sama nang loob ko at saka nag-iiyak.

"K-Kasalan mo Dasuri, Ang tanga mo kasi... Ang tanga-tanga mo..."

"GOOD MORNING EVERYONE!!!!" sigaw ko pagpasok ko ng room. Napatingin naman sa'kin lahat ng kaklase ko.

"Good morning your face! Absent kana ng isang subject masigla ka pa? Ibang klase. Tss." Komento agad ni Gain pagkalingon sa akin.

Nilapitan ko naman sya't inakbayan, "Ashush. Na-miss mo lang ako kaya mo ko sinusungitan e. Umamin kana. Hahaha." Pang-aasar ko rito. Naningkit naman lalo ang mga mata nya.

"A-anong sabi mo?! Hindi ah!!!" dipensa nya agad habang medyo namumula pa ang magkabilang pisngi.

Dinilaan ko lang sya sabay upo sa upuan ko. "Hahahahaha. Asar talo talaga yun. Hahaha." Walang tigil ang pagtawa ko kahit ilang minuto na ang nakalipas. Kakaiba na nga 'yung tingin sa'kin ni Sora e. Para bang nakakita sya nang baliw sa daan.

"Hoy babae. Okay ka lang?" nakataas kilay nitong pahayag.

"Oo naman. Bakit?" ngiting-ngiti ko namang sagot.

"Wala. Para kasing sobrang saya mo ngayon. Para tuloy hindi na kapani-paniwala. Nag-away na naman ba kayo ng asawa mo?" nawala ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ang salitang 'asawa'.

Natahimik ako't napatingin sa ibaba.

"Ano? Kami magkaaway? Hindi 'no..." halos pabulong kong saad. Ayokong ipakita sa iba na malungkot ako. Ayokong malaman nila ang tungkol sa pinagdadaanan ko.

Kahit man lang sila, maisip nila na... wala kaming problema ng asawa ko.

Iniangat ko ang mukha ko at hinarap sya nang may ngiti sa aking mga labi. Kahit pa gustong-gusto nang tumulo nang luha sa aking mga mata.

"Okay lang kami... okay lang...."

Huminga ko nang malalim at kinagat ang aking mga labi. Bakit ganon, bakit kahit ilang beses kong isuksok sa utak ko na 'Okay lang kami'. Bakit patuloy parin akong nasasaktan? Bakit hindi ko magawang lokohin ang sarili ko? Nakakasar naman oh.

Napansin kong nakatingin na rin sa amin si L. joe. Mukhang kanina pa nya pinakikingan ang usapan namin ni Sora. Naalarma naman ako kaya umisip ako nang paraan para makatakas sa sitwasyon.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Ayt. Nakalimutan ko pala 'yung libro ko sa locker. Sandali lang ah." Tumayo ako't nagmamadaling lumabas ng room. Baka kasi lalo nilang mahuling nagsisinungaling ako.

"Nasa'an na 'yon? Dito ko lang nilagay 'yon." saad ko pagkarating sa tapat ng locker room. Balak ko kasi talagang kunin 'yung libro ko kaso pagkadating ko naman dito. Hindi ko na iyon makita.

"Imposible naman na nawala 'yon. Nakalock 'tong locker ko tapos ako lang 'yung may susi. Ayst." Medyo naiinis na ko dahil sa mga nangyayari. Balak ko na sang sumuko sa paghahanap nang may biglang magsalita mula sa likod ko. "Is this what you are looking for?" napalingon ako sa nagmamay-ari ng boses na 'iyon. Hawak-hawak nito 'yung librong hinahanap ko.

"Bakit nasayo 'yan?!" gulat kong pahayag.

Umayos naman ito nang tayo mula sa pagkakasandal sa pader. Nilapitan nya ako't kinausap,

"I borrow it from you. Can't you remember?"

Naalala ko naman 'yung araw na tinutukoy nya. "Ahh, oo nga pala. Kaya ka ba nandito kasi isasauli mo na sa akin 'yan? Sige, akin na. Salamat na rin sa pagdala." Sinubukan kong kunin 'yung libro sa kamay nya. Pero nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang braso ko at isandal ako sa mga locker.

"Ano bang ginagawa mo?!" puna ko rito.

"Let's talk." Pahayag nya habang nakatitig sa aking mga mata. Agad-agad ko namang hinawi ang mga kamay nya.

"Wala tayong dapat pag-usapan." Bulalas ko sabay akmang aalis na sa harap nya. Ngunit bago ko pa magawa iyon, muli nya kong isinandal sa pader. Medyo napaaray pa ko nang tumama ang likod ko sa locker.

"Ano na naman ba ang gusto mo sa akin?! Nakakaasar kana." Naiinis kong wika. Hindi naman ininda ni L. joe 'yon. Mas hinigpitan pa nga nya ang pagkakahawak sa braso ko.

"What is the result? Is it positive?" my eyes automatically rolled when I heard his question.

Sabi ko na nga ba iyon ang dahilan kung bakit sinundan nya ko dito. Kailan nya ba ko balak tigilan? Nakairita na.

"Ano bang pakialam mo? 'Yung asawa ko nga walang pakialam kung buntis ako o hindi. Tapos ikaw kung makaasta akala mo kung sino. Teka lang ha, lilinawin ko lang. Baka kasi nakakalimutan mo na. We're not even friends para mag-usisa ka ng sobra tungkol sa buhay ko."

"Please, leave me alone." Diretsyahan kong pahayag.

Halata sa mukha ni L. joe na nasaktan sya sa mga sinabi ko. Dahan-dahan nyang tinanggal ang pagkakahawak sa'kin habang unt-unti ring bumaba ang tingin nya mula sa'kin. Medyo nakaramdam ako nang guilt pero mas namutawi ang inis ko kaya hindi ko 'yon binawi.

"Sorry..." bulong pa nito.

Hindi ko naman sya pinansin at nagsimula nang maglakad paalis sa harap nya. Nakakailang hakbang na ko pero sya nananatili parin sa pwesto nya mula pa kanina. Mukhang masyado nyang dinamdam ang mga sinabi ko. Sorry din L. joe, pero gusto ko munang kalimutan ang lahat.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report