OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 45: KNIGHT
DASURI
Sabado ng umaga.
Maaga kong gumising dahil meron akong isang lugar na pupuntahan. Nagpaalam ako sa mga magulang ko at agad din naman nila kong pinayagan. Mabuti nga't hindi na sila nagtanong pa nang kung anu-ano. Marahil ay hinahayaan na lang nila ko sa gusto kong gawin para tuluyan na kong makalimot.
"Alis na po ko, bye." Saad ko sabay labas ng pinto.
Dumiretsyo ko sa gate ng bahay namin at binuksan iyon. Isinara ko rin naman iyon nang maayos nang makalabas na ko.
Nagulat lang ako nang pagharap ko sa kalsada ay bumulaga sa akin ang isang L. joe na mukhang kanina pa inaantay ang paglabas ko. Napapitlag pa ko nang makita ito.
"Ay, anak ka ng tokwa!" bulalas ko. Inirapan naman nya ko't sumagot.
"I'm the son of my mom."
Gaya nang dati. Puno parin ito ng kasupladuhan sa katawan. Pang gangster ang porma at mukhang laging badtrip ang araw.
Ewan ko nga ba kung bakit napagtiisan kong maging kaibigan 'to. Charot. Hahaha.
"Anong ginagawa mo rito? May usapan ba tayong nakalimutan ko?" pagbabago ko sa usapan. Nakakapagtaka naman kasing makita sya dito. Lalo na't sa mismong bahay pa ng mga magulang ko.
Sabi na nga ba e. Inistalk lang ako nito kagabi kaya ako sinamahan pauwi. Mga galawang lalaki talaga o. Tss.
"Nothing, but I'm here because I want to make a deal with you." Kumunot ang noo ko nang marinig.
"Deal? Tungkol saan?" inosente ko pang sagot.
"It's about your secret. I won't spill it to anyone but in one condition," he pauses for a while and looks at my eyes. "Let me...."
"Let me take care of your baby."
Halos lumuwa ang eyeballs ko nang marinig 'yon. Kasabay nito ay ang pagbalik sa ala-ala ko ng mga nangyari kagabi.
"Dasuri, I'm confused. Chunji told me last night that you had miscarriage. But whenever I hold your wrist......"
Dali-dali kong pinutol ang sasabihin nya, "L. joe please..... kung ano man 'yung nalalaman mo. Pwede ba sa atin na lang 'yon?" I pleaded.
He looks shock and frustrated. Pero hindi naman nagtagal ay sumagot na rin ito, "I don't know your reason but if that's what you want, I'll keep your secret."
Dali-dali kong tinakpan ang bibig nya habang lumilingon sa paligid. Pwersahan ko rin syang hinila palayo sa tapat ng bahay ng mga magulang ko.
"Nababaliw ka na ba?!" sigaw ko matapos kong tanggalin ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig nya.
Gusto ko syang sipain para magising sa katotohanan. Mukhang nakasinghot na naman sya ng isang dosenang katol e.
"Alam mo ba 'yang pinagsasabi mo?!" naiinis kong pahayag. Akala ko ba napag-usapan na naming ang tungkol dito. So, bakit parang pinagkakalat pa nya? Tsk. Dahil nakatitig lang naman sya sa akin at mukhang walang balak sumagot sa tanong ko. Binalak ko na syang layasan,
"Aisst. Nakakaasar ka talaga. Bahala ka na nga dyan!" saad ko sabay hawi sa kanya.
Hinigit naman nya ko agad at ibinalik sa dati kong pwesto,
"Wait, listen to me first."
Nagbago awra ni L. joe. Bahagya na itong nakayuko habang nakahawak parin sa braso ko. Para bang nagdadalawang-isip syang sabihin ang nilalaman ng kanyang isipan. Nakita ko pa itong nagbuntong-hininga bago muling magsalita.
"I know Chunji told you already about my past. And he is not lying, I'm a product of an unwanted family,"
Ngumiti pa ito nang mapait na lalo lang nakadagdag sa lungkot sa kanyang mga mukha,
"I don't know if I can even call it a 'family', because I never felt that I have one. I grew up with my mom at State. Though, we lived there in a most luxurious way of lifestyle. I can still feel emptiness inside me. Maybe because I know in myself, that I'm still longing for that fatherly love that I never had."
Ininangat nito ang kanyang mukha at tumingin sa akin,
"It's not easy to be that kind of child. There are lots of questions inside you. Why I can't have my both parents? Why they are separated? Don't they love each other?"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"And the most painful question is that, why do I even bear?"
Nakaramdam ako nang lungkot nang maramdaman ko ang bigat na dinadala ni L. joe. Ngayon ko lang napapatunayan na maswerte pa rin talaga ko. Kahit sabihing paminsan-minsan ko lang nakakasama ang mga magulang ko. Atleast alam kong isa parin kaming pamilya.
Hindi kagaya ng mga katulad nya....
"I don't want your baby to experience my pain. I don't want to see him growing up questioning his birth. That's why, even it sounds stupid, I want to ask for your permission,"
Nagulat ako nang dahan-dahan nyang ipinagtagpo ang aming mga mata. Doon ko naramdaman kung gaano sya kaseryoso sa hinihiling nya,
"Let me take care of the child inside your womb."
Nakipagtitigan ako sa kanya at pilit na binasa ang isip nito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang mainis sa ginagawa nya. Kahit pa sabihing parang binablock-mail nya ko.
Marahil ay dahil alam ko ring ginagawa nya ito para rin sa ikabubuti ng bata sa sinasapupunan ko. Huminga ko nang malalim at hinawakan 'yung kamay nyang nakahawak sa braso ko. Unti-unti kong tinanggal iyon. Napatingin naman sya rito at halatang pinanghinaan nang loob.
Naglakad ako paalis sa pwesto namin. Bumilang pa ako nang limang hakbang bago huminto.
Muli ko syang hinarap at nagsalita, "Sige, pumapayag ako. Pero sa isa ring kondisyon,"
Sa pagkakataong ito, si L. joe naman ang kumunot ang noo at nagtaka sa sinabi ko. Ngumiti pa ko bago muling nagsalita,
"Hindi ka pwedeng mag-english kapag kausap mo ko."
He looks so amazed na para bang hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Siguro iniisip nya kung nagloloko lang ba ko o hindi.
"Seryoso ko, papayagan kitang alagaan ang anak ko kung mangangako kang hangul na ang gagamitin mong salita sa tuwing kakausapin ako." Hindi na nya napigilan at bahagyang natawa sa sinabi ko.
"B-but why?" naguguluhan pa rin nitong pahayag.
"Tss. What do you mean by why? Pinapapayagan na nga kita diba?"
Ang kulit naman. Pag ako nainis babawiin ko na lang 'yung sinabi ko. Dahil hindi malaman ni L. joe kung ano ang sasabihin. Na-speechless na lang ito at hindi mapigilan ang ngiti habang nakatitig sa akin. Hindi siguro sya makapaniwala na pumayag ako nang ganon kadali.
"Ano pang nginingiti-ngiti mo dyan? Tara na. Male-late na ko sa first check-up meeting namin ng ob ko." Saad ko sa kanya sabay talikod rito. Naramdaman ko naman ang pagsunod nya sa'kin kaya nagsimula na ko sa paglalakad. Naulinigan ko pa ang sinabi nya pagkarating sa gilid ko. "Dasuri, why so weird." Palihim akong napangiti.
Ang totoo nyan, dinahilan ko lang yung pagbabawal ko sa kanya na mag-english kapag kausap ako. Nung marinig ko ang paliwanag nya kung bakit gusto nyang tumayong pansamantalang ama ng anak ko.
I realized na tama sya, mahirap kung lalaki ang anak ko na walang ama sa tabi nya. At mahirap rin para sa'kin na asahan lang ang sarili ko. Siguro hindi naman masama kung hayaan ko syang gampanan ang mga obligasyon sa'kin ni Kai. Tutal ganon din naman ang ginawa ni Kai kay Hyena. Mas pinili nyang alagaan ang malanding babaeng 'yon kaysa sa akin na mismong asawa nya. So ano naman kung hayaan ko rin si L. joe na tumayong ama ng anak ko? Hindi ako ganoong kamartir para hayaang sya lang ang magpakasaya sa piling ng iba.
Para sa ganoong paraan. We're quits.
ΚΑΙ
"Ano pa bang kailangan mo?" diretsyahan kong pahayag nang magkita kami ni Hyena matapos nitong magmamakaawa sa akin sa telepono. Ayoko sanang pumayag dahil nangako na ko na hindi ko na sya kikitain pa kahit na kalian. Pero masyado itong mapilit.
"I just want to say sorry," mahina nitong pahayag habang nakatayo sa tabi ko.
Sa rooftop ng SME building ang napag-usapan naming lokasyon. Nakatitig lang ako sa kawalan at hindi sya nililingon.
"Your sorry is too late now. Pero sige, para mawalan kana nang dahilan na gambalain ako. I'm accepting it. Pinapatawad na kita sa lahat ng ginawa mo. Kahit hindi ko alam kung bakit nandoon ka noong araw na 'yon at kung bakit hindi mo nagawang ipaliwanag kay Dasuri na mali ang iniisip nya. Kung bakit kahit na alam mong may asawa na ko, pilit ka paring lumalapit sa akin. I will accept your sorry kasi 'yon na lang ang magagawa ko." Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
I feel so empty right now. Sobrang nami-miss ko na ang asawa ko. Sa tuwing uuwi ako ng bahay at makikitang wala sya roon, pakiramdam ko dinudurog 'yung puso ko. Nami-miss ko 'yung mga tawa nya. Ang mga yakap at halik nya. Maski na ang mga kapalpakan na ginagawa nya sa bahay namin. Lahat ng 'yon gustong-gusto ko na muling makita.
"I-I'm sorry. I'm really sorry. Hindi naman ito 'yung gusto kong mangyari e. I went to your place kasi nami-miss kita. Nagkataong nadumihan ako bago makarating doon so I asked your members kung pwede ba kong magpalit roon. Tapos pagkarating ko sa kwarto nyo ni D. O, I saw you sleeping kaya hindi na kita inabala pa. But Kai, promised. I never planned it that way. H-Hindi ko ginustong magkasira kayo ni Dasuri at.... at mawala ang anak nyo." I heard Hyena's soft cry. Sinusubukan nyang pigilan ang kanyang mga luha. Pero mukhang hindi nya magawa.
"G-Gusto ko lang namang makasama ka. 'Y-Yung makuha ang atensyon mo kaya ginawa ko ang lahat ng 'yon. Pero at end of the day, alam ko paring babalik at babalik ka asawa mo. Kaya nga kung may magagawa ko para maibalik sila sa iyo, gagawin ko.... m-mahal na kasi kita Kai, mahal na mahal....."
Hindi na ko nakatiis at nilingon sya. I saw Hyena crying so hard. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa mga pisngi nito. Ngunit kahit ganon, wala kong naramdaman na kahit ano. Para bang naging manhid na itong puso ko.
"Kung talagang mahal mo ko, sana naging masaya ka na lang na makita kong maligaya sa piling ng asawa ko. Hindi 'yung pilit kang pumasok sa eksena at sinira ang lahat." I gave her my very cold stare. Nagitla naman sya dahil sa sinabi ko. Halos napauwang pa ang mga labi nya pagkarinig nito.
Hindi ko ininda iyon at umalis na sa harap nya. Sawa na kong intindihin sya. Sawa na kong alalahanin ang iba.
Dahil sa kakaisip ko sa iba, nawala sa akin ang mga pinaka importanteng tao sa buhay ko...... ang asawa't anak ko.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report