OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 52: I WOULD
DASURI
Aist.
Ilang pagbubuntong hininga na ata ang ginawa ko pero hindi pa rin 'non nababawasan ang kaba sa aking dibdib. Takte naman kasi! Ano bang pumasok sa utak ng mga magulang ko at dito pinatulog si Kai?! Nakakaloka. "Ehemp," pagbasag ko sa katahimikan.
Kasalukuyan kasi kaming nakaupo ni Kai sa magkabilang dulo ng sofa. Nauna nang umakyat sila papa dahil may pupuntahan daw silang business meeting bukas.
Malamig na yung klima kaya ramdam mo ang ito hanggang dito sa sala pero bakit parang pinagpapawisan pa rin ako? Sa telebisyon rin sa tapat namin nakatuon ang atensyon ni Kai pero bakit parang nakakailang pa rin? Aist. Bakit ganito? Bakit kahit wala syang ginagawa, naapektuhan pa rin ako sa presensya nya? Tsk.
Napabawi ako nang tingin nang bigla akong lingunin ni Kai. Nagpanggap pa ko na may ibang ginagawa.
"Di ka nanood ng tv?" tanong nito.
Tumango naman ako kahit di sya nililingon. Busy pa rin ako sa pagpapanggap na may ginagawang iba. Maituon lang sa iba ang atensyon ko.
"Aist. Now I realized, ganito pala kahirap kunin ang atensyon ng asawa ko. Dati kasi kusa nya 'yong binibigay sa akin." Napahinto ko sa aking ginagawa but I handle myself not to look at him. Alam ko namang 'yon ang gusto nyang mangyari. "Hmm, ano kayang dapat kong gawin para pansinin nya ko?" Sabay lingon pa sa pwesto ko.
"Ahh. Alam ko na." Umusod ito nang upo papalapit sa pwesto ko. Naalarma naman ako bigla.
"Wala na naman dito ang parents mo. So, I guess, pwede na kitang landiin?" Literal na tumayo ang mga balahibo ko nang ilagay ni Kai ang kanang braso nya sa sandalan ng sofa sa likod ko. Kung saan aakalaing mong inaakbayan nya ko. I tried to stop myself from freaking out. Hindi ko pwedeng ipahalatang naapektuhan ako sa kanya. Dahil gagamitin nya ang kahinaang kong 'yon to win. Kailangan kong maging matatag.
Tumayo ako't buong lakas na nagsalita, "Aakyat na ko." maikili kong pahayag. Napatingin naman sya sa'kin.
"Matutulog kana?" aniya.
I rolled my eyes and answered, "Paki mo?"
Ngumiti muna ito bago pinatay yung tv. Tumayo rin sya kagaya ko. "I do care. Baka kasi gusto mo munang makipaglaro sa'kin. You. Me. having a good time...." sabay lingon nito sa kwarto ko sa second floor. Napatingin naman ako 'don. "NO WAY!" Sigaw ko nang magets ang gusto nyang iparating.
Anak sya ng tipaklong! Sobrang pula na kaya ng pisngi ko. "Ituloy mo pa 'yan nang sa labas ka matulog!" singhal ko pa rito habang tinatakpan ang makabila kong tenga na nagiinit narin kanina pa.
Kai laughed, "Hahaha. Your face is red like hell. I bet you're imagining it already." He teased.
Pero ang talagang nagpanginig sa tuhod ko ay nang huminto si Kai sa pagtawa at tignan ako ng seryoso. Nakatitig ito sa'kin na para bang ako lang ang kanyang nakikita. He made a small step to go near me. Ginawa nya 'yon habang hindi inaalis ang tingin sa aking mga mata.
"Pero alam mo kung ano talaga ang pinakapaborito kong part?" He hushed then stand right in front of me. Naamoy ko pa ang pabango nyang hinding-hindi ko makakalimutan.
He leans on me and whisper, "That's when you call my name hundreds of times, because of pleasure that I'm giving to you. It's like a music to my ears, wifey."
I stare at him and read his reaction. Wala akong makita kahit kaunting bahid nang pagsisinungaling mula rito. Nakaramdama ako ng pagbilis ng tibok ng aking puso. Kasabay nito ang pagbabalik sa alaala ko nang mga pangyayaring tinutukoy nya. I close my eyes and feel again the moment.
"Don't just imagine it wifey. Pwede naman nating totohanin e." Napamulat ako nang aking mata nang marinig ang sinabi ni Kai. Tinulak ko sya at nagtatakbo paakyat ng hagdan. Hindi ko na naisip ang pwedeng kalabasan 'non. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay makatakas kay Kai.
Anak sya ng kapre!!!!! Wag ako ang anuhin nya oy. Ayoko. Masasaktan ang baby ko!!!
Hingal kabayo ko matapos kong tumakbo nang mabilis makarating lang sa kwarto ko. Dali-dali kong nilock yung pinto habang nakasandal rito. Nanginginig parin ang mga tuhod ko dahil sa kaba. Langya yung Kai na 'yon. Makukunan pa ata ko sa pinaggagawa nya e.
Patay parin ang ilaw sa kwarto ko ngunit hindi ko napansin 'yon dahil sa mga ideyang nagrarambol sa utak ko. Ayoko man sanang isipin pero paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang mga sinabi ni Kai. Para ba iyong sirang plaka na nagpeplay ng paulit-ulit.
Aigoo! Totoo ba 'yung sinabi nya? Totoo bang ganon ako kaingay sa tuwing.......
"Ay, anak ka ng talong!" Napapitlag ako nang may biglang kumatok sa pintong sinasandalan ko. Napakagat ako sa labi habang nililingon 'yon.
I'm sure si Kai yang kumakatok. Sya lang naman yung pupunta dito sa kwarto ko e.
"Dasuri, open the door." saad nya. Umiling-iling ako kahit hindi nya nakikita.
"Ayoko! Manigas ka dyan." sagot ko naman.
Ayoko nga! Baka gahasain nya ko bigla e. Hindi sya nagpatinag at nagpatuloy sa pagkatok.
"Hey! Hindi mo ba talaga ko papasukin?"
Hindi ako sumagot. Pinili kong makinig lang sa mga litanya nya. "Maaatim mo talagang matulog ako sa sala? Malamig kaya 'don." Pangungunsensya nya pa. "Kasalanan mo kapag nagkasakit ako."
Ayoko sanang magpadala sa mga sinasabi nya kaso nung mapansin ko ang malakas na ulan sa labas mula sa bintana ng kwarto ko ay bigla kong napaisip,
'Sira nga pala yung heater sa sala. Siguradong magkakasakit yung taong matutulog sa sala dahil sa lamig. Aist.'
Pikit-mata kong binuksan 'yung pinto ng kwarto ko. Bahagya lang ang pagkakabukas nito para hindi masyadong makita ang nasa loob. Bumungad naman sa'kin ang nakangiting Kai. He looks so happy huh? Tss.
"May mga kondisyon ako bago kita papasukin sa kwarto ko," panimula ko.
"Kapag sinuway mo ang dalawa sa tatlong rules ko. Pasensyahan tayo pero sa labas ng kwarto ka matutulog. Pinagbigyan na kita so once na pumuro ka, choice mo na 'yon." Tumango naman ito para sabihing 'sige magpatuloy ako sa pagsasalita'
"Una, no eye contact. Bawal mo kong titigan." Hindi pa ko tapos sa pagsasalita ay sumingit naman agad 'to.
"Ano?! Seryoso ka ba?! Paano kung kakausapin kita? Saan mo ko gustong tumingin? Sa paa? Tsk." I saw him smirked na kinairita ko naman.
"Manahimik ka muna pwede? Di pa ko tapos sa pagsasalita dumadada kana agad. Wala kong pakialam kung saan mo itutuon ang tingin mo kapag kakausapin ako. Problema mo na 'yan! Basta ayokong magtatagpo ang mga mata natin. Nakakairita kasi..." but on the back of my mind. Ayokong magkatitigan kami kasi natatakot talaga kong baka bigla kong bumigay. Mahirap na. "Pangalawa, hindi mo ko pwedeng hawakan. You are NOT allowed to touch even the tip of my nails."
"Wag kang magaalala. Wala kong balak hawakan ka." Singit na naman nito sabay iwas ng tingin sa akin. Mukhang naiinis na rin sya sa mga pinagsasabi ko. "Edi maganda. Hindi tayo magkakaproblema." I said sarcastically.
Inirapan ko pa sya bago nagpatuloy sa pagsasalita. Kung wala naman syang magandang sasabihin. Sana naman nanahimik na lang sya di 'ba? Tss. Nakakastress.
"Okay ang pangatlo at pinaka importante. Kapag sinuway mo ito. Kahit pa sabihing ito lang ang ginawa mo. Wala nang explain-explain. Automatically evicted kana. Kaya kung ako sa'yo hinding-hindi ko gagawin 'to. Kahit pa sabihing natetempt ka kasi malamig or whatsoever basta keep on mind. HINDI MO PWEDENG GAWIN 'TO OKAY? HINDI." Mukhang naiinip na si Kai sa kakatalak ko kaya minabuti na nyang patapusin ang sasabihin ko. Hinarap nya kong muli at saka tinignan ng seryoso sa mata.
"Itigil mo na 'yang kadadada mo. Inaantok na ko kaya sabihin mo na 'yung pangatlo para makapasok na ko." Wala naman akong nagawa kundi mapatss na lang. Talaga naman. Napakamainipan nya talaga. Wala kong masabi.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Oo na po, tss." Sinalubong ko 'yung tingin nya at humugot ng lakas ng loob.
Parang gusto ko nang bawiin 'yung sasabihin ko ah? Para kasing nakakailang. Tumaas naman ang isa nitong kilay na para bang sinasabing 'ano na? Naiinip na ko.' Lakas makaSehun ah?
Napilitan na tuloy akong ituloy na lang 'yung binalak kong gawin. I breathe for the second time then open my mouth.
"Bawal mo kong halikan." saad ko sabay iwas nang tingin.
Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi nagsalita si Kai. Hindi sya umanggal o pumayag man lang. Lalo tuloy akong nailang. Sinubukan kong silipin ang reaskyon ng mukha nya. Nakatitig lang ito sa akin na para bang hinihintay ang pagtingin ko rito.
"Bakit ganyan ka makatingin? Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ko? Sabi ko hindi mo ko pwedeng halikan. Kung ayaw mo sa mga rules ko, umuwi ka na lang sa inyo." Pagsusungit ko. Para naman kasing wala sa kanya yung sinabi ko. Nakakaasar.
"Sige na, matutulog na ko." Isasara ko na sanang muli 'yung pinto ng kwarto ko nang pigilan 'yon ni Kai.
He locks his eyes with mine and ask me sincerely, "Seroyoso ka ba dyan? Talaga bang ayaw mong halikan kita?" Nagitla ako't natameme.
Alam mo 'yung pakiramdam na parang napasubo ka lang sa sitwasyon? Yung gusto mong bawiin na lang lahat 'yung mga sinabi mo. Pero hindi mo magawa kasi nangingibabaw 'yung pride. Ako 'yon e. Kinakain na ng sistema. Taas-noo kong sinagot 'yung tanong ni Kai, "Oo. Sigurado ko."
Nagpabuntong-hininga pa ito sa harap ko bago itinulak 'yung pinto para makaraan sya papasok, "Fine, sabi mo e."
Nilagpasan nya lang ako at nagdire-diretsyo sa loob. Wala naman akong nagawa kundi pagmasdan lang ang kilos nya. Napasimangot ako nang makita ang dissapoinment sa mukha nito. Ba't ganon, dapat masaya ko diba? Pero bakit parang hindi?
I closed the door na nakasimangot. Hindi naman ganito 'yung inaasahan kong mangyayari e. Kaasar. Nagtungo ako sa kama atsaka nahiga. Nagtungo naman si Kai sa kinaroroonan ng switch ng ilaw. Hinayaan ko syang buksan iyon. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha nito nang masilayan ang kabuuan ng kwarto ko.
Mula sa mga posters nyang nakadikit sa pader. Pati na bed sheet, pillow at kumot kong may larawan nito. Idag-dag mo pa ang mga albums, standee bag at kung anu-ano pang gamit na may pagmumukha nya.
Yeah, eto yung pinaka rason kung bakit ayaw kong papasukin sya sa kwarto ko. Hindi dahil sa nakakailang, ayoko lang sanang malaman nyang kahit gaano ko kagalit sa kanya. Hindi ko parin magawang tanggalin sa buhay ko ang mga bagay na konektado sa kanya. Muntanga 'no? Ewan ko ba. Naiinis na nga rin ako sa sarili ko.
"Wag ka nang magtaka, kahit na naghiwalay tayo noon, at galit ako sa'yo ngayon. Hindi ko parin magagawang itapon lahat ng 'yan. Dahil kahit anong pangit ang kalabasan ng relasyon nating 'to. Babalik at babalikan ko parin 'yung kwento kung paano tayo nagsimula and thats when I became your fangirl." Itinalukbong ko sa'kin ang kumot ko. Ayoko nang makipagtalo kay Kai. Matutulog na lang ako. Tutal 'yon na naman talaga ang rason bakit kami nandito---ang matulog. "Wow. Just wow. I-I didn't imagine this. Woah. You really like me huh?" Hindi ko sinagot ang tanong nya.
Aaminin ko, medyo naiilang ako sa sitwasyon namin ngayon. Kahit pa sabihing matagal rin kaming nagsama sa iisang bahay at nagsalo sa iisang kwarto. Marami na kasi ang nangyari. Marami na ang nagbago. "Dasuri, tulog kana?" Naulinigan kong tanong ni Kai.
Base sa boses nya mukhang nakapwesto sya di kalayuan sa akin. Iminulat ko ang aking mata habang nasa ilalim ako nang aking kumot.
"Hindi mo na kailangang sumagot. Alam ko namang gising ka pa," hindi na ko nakatiis. Bahagya kong iniangat ang tumatakip sa'king kumot para silipin ang kinaroroonan ni Kai.
Hindi nga ko nagkamali, nakita kong nakahinga sya sa isang blanket na inilatag nya sa sahig. Kinuha nya siguro 'yon sa mga gamit ko. Nakatalikod sya sa akin kaya malaya ko syang napagmamasdan. Hindi ko mapigilang mapangiti nang mapagtanto kong gamit-gamit nya ang mga bagay na puno ng kanyang larawan. Dati pangarap ko lang 'to e. Parang sya, dati pangarap ko lang, ngayon nasa harapan ko na.
"Kung ayaw mong sumagot sa mga tanong ko. Okay lang sa akin. Ang mahalaga alam kong nakikinig ka," I heard him breathe heavily. Mukhang seryoso sya sa mga sasabihin nya.
"I just want to voice out my true feelings about our situation. Ang bigat na kasi e. Ang sakit-sakit nang ipunin. Lalaki kasi ako kaya ayokong umiiyak kaso takte lang, kapag ikaw na yung pinaguusapan kusa nang tumutulo 'yung mga luha ko." "Tsk. Stupid me." Sinubukan nya pang tumawa pero hindi 'yon nakatulong. Lalo ko lang naramdaman ang lungkot nya.
"It's been 4 years since nung unang beses tayong ikinasal. Ang dami na nating pinagdaan bilang magasawa. Siguro nga hindi pa sapat ang mga panahong 'yon to prove that we're meant to each other. Kumbaga sa race, nagsisimula pa lang tayo. Ang nakakalungkot lang imbes na pangalagaan natin 'yung isa't-isa para pareho tayong makaabot sa dulo. Tayo pa mismo ang nananakit sa isa't-isa." Unti-unting tumatama sa dibdib ko ang mga sinasabi ni Kai. Nasasaktan ako kahit hindi nya sinasadya.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Nasaktan kita dahil nagtago ako ng sikreto, na nagsinungaling ako sa'yo. You cried and hated me for that. Kaya nga ganito ang sitwasyon natin ngayon.."
"Oo na, sige na. I will admit it. Naiingit ako sa tuwing nakikita kong may kasama kang iba. Nagseselos ako sa tuwing nasa kanya ang atensyon mo, kapag napapangiti ka nya. Nasasaktan akong malaman na hindi na lang ako ang nagpapatibok sa puso mo. But you know what worst? This doubt on myself."
"Simula kasi nang mapansin kong nagugustuhan mo na sya. Nagkaroon ako ng mga katanungan sa isip ko. Did I really make you fall for me Dasuri? Or you just fall in love with your ideal image of me?" Nagulat ako nang bigla syang lumingon at humarap sa'kin. Dahil sa sobrang gulat ay hindi ko nagawang magtalukbong muli ng aking kumot. Wala na kong nagawa kundi ang titigan ang malungkot na mata ni Kai. Mababanaag mo 'yon sa paraan nang kanyang pagtingin. "Kanino ka ba talaga na-inlove Dasuri, kay Jong In na asawa mo? O kay Kai na idol mo?" Hindi kagaya dati noong tanungin ako ni L. joe nang kaparehong tanong. Bakit ngayon, hindi ko magawang magsalita at sumagot? "Kung hindi ba ko naging idol, kung isa lang din akong pang karaniwang tao sa buhay mo. Magawa mo rin kaya akong mahalin at pagtuunan nang pansin?" I gasped when I heard his question. Para bang biglang nanigas ang mga dila ko at hindi ako makapagsalita. Nakipagtitigan lang ako kay Kai habang dumadaloy sa aking isipan ang mga pangyayaring nanganap sa nakaraan.
Yung mga panahong nagsisimula pa lang kami. Mga panahong pinagmulan nang kung anong meron kami ngayon.
Matapos lumipas ang ilang minutong katahimikan. Ang pagtunog nang aking cellphone ang nagpagising sa aking diwa. Napabawi ako nang tingin sa kanya at bumalikwas ng upo upang abutin ang cellphone kong nakalagay sa side table. Inabot ko iyon at binasa ang pangalan ng caller. Napasulyap pa ko kay Kai nang makitang si L. joe ang tumatawag. Nagdalawang-isip pa ko nung una pero sa huli ay sinagot rin ito. "Hello? Napatawag ka bigla?"
"Ahh, 'yon ba. Okay lang ako. Nakauwi naman ako nang maayos." Sa paraan nang pagtitig sa akin ni Kai habang may kausap ako sa cellphone ay halatang hindi sya sang-ayon rito.
Kahit medyo naiilang na ko ay ipinagpatuloy ko parin ito. "Amp, oo. Okay lang naman sa'kin kung sunduin mo ko bukas. Yeah, the same time."
"Sige na, ibababa ko na. Bukas na lang ulit tayo mag-usap. Ha? H-hindi sa ganon. Hindi sa ayaw kita kausap, ano lang kasi..... woah!" nagulat ako nang muli kong sulyapan si Kai ay napunta na ito sa harap ko.
My eyes were wide open when he pushes me on my bed. Dahil sa impact ng aking pagbagsak, nabitawan ko 'yung phone at tumilampon sa bandang itaas ng kama. Hindi pa 'yon natapos doon. He grabs my both wrist and pinch me on my bed. Naulinigan ko pa ang pagsigaw ni L. joe sa phone.
"DASURI?!! WHAT HAPPEN?!! WHY DID YOU SHOUT?!! ARE YOU OKAY?!!"
Imbes na sumagot ay natuon ang atensyon ko kay Kai na nakatitig sa akin.
"Kai... A-Ano 'tong ginagawa mo?" Medyo kinakabahan kong pahayag.
He didn't say anything. Tanging pagtitig lang sa akin ang kanyang ginawa. It looks like this is his own way of protesting.
Gusto ko sanang ituon ang atensyon ko sa boses ni L. joe at sa sinasabi nito. But I can't. Masyado kong nadadala sa mga titig na ibinibigay sa akin ni Kai.
"What happen to us, Dasuri? What went wrong? Anong nangyari sa relasyong sabay na'ting pinaglaban?" Parang matutulis na kustilyo na gumuguhit sa aking dibdib ang mga katanungan ni Kai. Lalo na't kitang-kita ko kung paano may mamuong luha sa mga mata ng asawa ko.
"Hanggang dito na nga lang ba tayo? Eto na ba 'yung dulo?"
"Kasi ako, gusto ko pang lumaban. Gusto pa kitang ipaglaban. Kaso pakiramdam ko unti-unti mo na kong isinusuko." He slowly leans on me and gently put his lips on my forehead.
"Just tell me how to walk away..." he goes near on my ear. "Away from loving you." then whisper, "And I would..."
Nanigas ang buo kong katawan at hindi ako makapagsalita. Nakatulala lang ako kay Kai habang pilit na inaabsorb ang kanyang mga sinabi.
Ayoko mang aminin pero bigla akong nakaramdam ng takot....
Binitawan ni Kai ang kamay ko at bahagyang umalis sa ibabaw ko.
"Sorry if I break all your rules. But don't worry, I will face the punishment." he said then left the room.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report