OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 55: SHOULD I?

DASURI

"Sabi na e, s'ya pa rin."

"Idinedeny mo lang because you hate him right now. Nagagalit ka sa ginawa nya sayo. Your mind hates him but your heart still belongs to him. Wag na tayong maglokohan dito Dasuri," tumayo ito at ipinasok ang kamay sa kanyang bulsa. Nilingon nya ko't nagsalita, "Umuwi kana sa asawa mo."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang naglalakad pauwi sa bahay. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako naroroon. Basta gusto ko lang munang maglakad-lakad at pag isipan ang mga nangyari. Matapos ang naging usapan namin ni L. joe. Minabuti kong umuwi na, pakiramdam ko kasi hindi na tamang manatili pa ko 'don. Nakakalungkot lang kasi hindi ko masabi kung may tampuhan ba kami ni L. joe o ano. Wala naman akong maalalang nagawa kong kasalanan ko sa kanya para sabihin nya 'yon.

"Baka napapagod na sya sa kadramahan ko? Pero hindi.. hindi naman sya ganon e. Hindi sya basta basta nauubusan nang pasensya." Huminto ko sa tabi ng stoplight para hintayin ang oras ng pagtawid. Napakamot pa ko sa batok ko habang nakatingin sa daan.

"Pero bakit?" Bago ko pa masagot ang sarili kong katanungan. Naging green na ang kulay ng stoplight dahilan para maglakad na ang mga taong nasa paligid ko.

Natauhan naman ako't sumunod sa kanila, "Ayy, go na pala."

Nagpatuloy ako sa pagtawid kahit wala ako sa sarili. Hindi ko kasi akalaing magagawa kong ipagtabuyan ni L. joe. Akala ko kasi sasamahan nya ko hanggang dulo. Gaya nang pangako nya.

"Oh." Napahinto ko sa paglalakad nang bumangga ako sa isang katawan. Unang tumama rito ang ulo ko dahil nakayuko ako habang naglalakad.

"Pwede ba Miss, sa susunod na maglalakad ka. Tignan mo yung dinaraan mo." Iniangat ko ang aking mukha para tignan yung nagsasalita.

"Hindi yung kani-kanino ka bumabanga." Isa yong matangkad na lalaki na nakasuot ng cap at facemask.

"Pati tuloy ako tinamaan sayo." Dagdag pa nya. I look at his face and realized who he is.

"Teka, kilala kita ah?" Sita ko pa. Bago pa man sya makasagot ay nagbago na ang ilaw ng stop light. Mula sa green ay naging red na ito.

Napatingin naman 'don 'yung lalaking kaharap ko. Napailing pa sya sabay hablot sa kamay ko. "

Badtrip. Mukhang mapupurnada na naman ang diskarte ko. Tara na nga." Nagulat pa ko nang hilahin ako nito patungo sa dapat patutunguhan ko. Hinayaan ko naman sya hanggang sa makatawid na kami pareho.

Pagkarating namin sa kabilang side ng kalye. Huminto ito at humarap sa'kin. Tinanggal pa muna nya ang mask sa kanyang mukha bago magsalita.

"Gabi na ah? Bakit nasa galaan ka pa 'rin?" Paninita nito sa akin.

Hindi ako sumagot at sa halip ay pinagmasdan lang ang mukha nito. Mukhang naconcious naman sya dahil sa ginawa ko.

"Alam ko galit ka parin sa'kin pero wag naman 'yung gantong di mo ko kinakausap. Di ko naman ginusto 'yung nangyari sayo." Malungkot nitong pahayag. Ni hindi nga sya makatingin sa'kin ng diretsyo.

"Ayst. Sige na, magsosorry na ko. Patawad kung dinala pa kita sa dorm namin. Kung alam ko lang... Kung alam ko lang talaga. Argh. Kainis." Bahagya kong natawa nang makita ang reaksyon ng evil maknae na 'to. Halatang inis na inis 'to sa sarili pero wala syang magawa.

Iniangat ko 'yung kanang kamay ko't inabot ang mukha nya. Pinitik ko 'yung noo nya sabay ngiti.

"Adik! Bitawan mo na nga 'yung kamay ko. Masyado kang nag-enjoy sa paghawak."

Napaangat naman sya nang mukha at tinignan ako na medyo gulat. "Hindi ka na ba galit sa akin?" tanong pa nito.

"Depende." sagot ko naman.

"Panong depende?" aniya.

"Depende kung ano ba 'yung maililibre mo sa akin." then gave him a wide smile. Napangiti din naman sya pagkatapos 'non. Yayakapin pa nga sana nya ko dahil sa tuwa kung hindi ko lang sya tinaasan ng kilay.

"Oh? Yayakap ka? Bakit? Pasko?" Binitawan naman nya yung kamay ko sabay kamot sa batok nya.

"Sabi ko nga lilibre na kita. Tara, ano ba gusto mong kainin? Wag mahal. Nagtitipid ako ngayon."

"Ashush. Sabihin mo kuripot ka lang talaga." pangaasar ko.

"Di ah. Iniiwasan ko lang mapamahal...." he glimpse at me and continue, "Sa magagastos ko sa'yo." Napanguso tuloy ako.

"Tss. Kuripot talaga. Magramyeon na nga lang tayo. Dali! Nagugutom na ko e." Hinila ko na sya palakad. Ramyeon na nga lang ililibre, dami pa kuda. Tsk.

Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakahanap rin naman kami agad ng isang convenience store. Pinasya naming sa labas na lang nito pumwesto. Tutal may upuan at mesa na roon. "Magdahan-dahan ka naman sa pagkain. Kala mo di pinapakain sa bahay. Ginugutom ka ba ng asawa mo? Dami-daming project 'non, di pinapakain ang asawa."

"Tss. Ang daldal mo. Kawawa magiging asawa mo. Matotorete sa kabubunganga mo." Parehong naming sinamaan ng tingin ang isa't-isa. Ang dami pa kasing komento. Hindi na lang kumain ng kumain. Pati si Kai dinadamay. Tsk.

"Ha. Sorry ka, buhay prinsesa ang babeng pakakasalan ko. Magluluto? Maglalaba? Maghuhugas ng pinggan? Ako gagawa lahat ng yon. Sya, tiga gastos lang ng income ko. Ganon kasarap maging Mrs. Oh. Mahihiya lahat ng dapat mahiya. Haha." Yabang talaga ng Maknae na 'to.

Inirapan ko lang sya saka nagpatuloy sa pagkain. Kala naman nya ganon lang talaga kadali ang pagaasawa. Di porket masaya kayo nung una, ganon din kayo hanggang dulo. Tignan nyo kami ni Kai, hanggang ngayon meron paring di pagkakaintindihan.

Bigla ko namang naalala 'yung nangyaring komprontasyon namin ni Gain kanina. Nababahala parin talaga ko sa sinabi nya. Paano kung totohanin nya 'yung mga sinabi nya? Paano kung sabihin na nya kay Kai yung tungkol sa kalagayan ko? Kamuhian nya nga talaga ko? Pero kung ako mismo ang umamin sa kanya. Magagalit parin ba sya?

Iniangat ko ang tingin ko at pinagmasdan si Sehun na kumakain narin sa harap ko. Tutok na tutok ang atensyon nya sa kanyang kinakain habang pinagmamasdan ko naman sya. Subukan ko kaya kay Sehun? Subukan ko kung magagawa kong aminin sa kanya 'yung tungkol sa pagbubuntis ko?

Ibinaba ko 'yung chopstick at huminga ng malalim. Bumwelo muna ko bago magsalita.

"Ahemp," paninimula ko.

"Ah, Sehun?" Pagkuha ko sa atensyon nya.

"Bakit?" Patuloy parin sya sa pagkain.

"Ahmm, wag kang magugulat ah? May gusto sana kong sabihin sa'yo." Pilit kong tinatantya ang magiging reaksyon nya.

"Ano ba 'yon? Uutang ka ba?" Binuhat nya yung cup ng noodles at akmang hihigop ng sabaw rito.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Hindi. Ano kasi... buntis ako." Kaswal kong pahayag. Hinintay ko ang magiging reaksyon nya.

Huminto ito sa paghigop ng sabaw. Ilang segundo pa ang lumipas bago nito dahan-dahang ibinaba 'yung cup na nasa tapat ng mukha nya. Nakapoker face na naman ito habang nakatitig sa akin. Inilapag nya muna nang maayos 'yung cup bago ko hinarap. Nakatitig lang ako sa kanya.

Ngumisi pa ito bago nagsalita, "Tang-ina. Joke ba 'to?"

Hindi ako sumagot sa halip ay umiling-iling. Mukhang nakuha naman nya 'yon at lalong nawindang.

"Tang-ina talaga. Paano nangyari 'yon? Di naman na kayo nagtatabi ni Kai di 'ba? Kaya panong?" Napaisip sya sandali saka tinignan ako nang di makapaniwala.

"Walangya! Wag mong sabihing.... yung... yung panget na malandi na 'yon?!" Napaisip ako sa sinabi. Nabasa nya siguro sa mukha ko ang kalituhan kaya nagsalita syang muli.

"Yung lalaki sa school mo. Yung makadikit sayo kala mo linta. Iniisip ko pa lang yung lokong 'yon kumukulo na dugo ko. Tapos sya pa 'yung nakadali sa'yo? Tang--mmmph!" Hindi ko na kinaya. Tinapalan ko ng noodles ang bunganga ng lalaking 'to. Kung anu-ano lumalabas sa bibig e.

"Itigil mo nga 'yong pagmumura. Di pa lumalabas 'yung baby ko, bad influence kana agad." Sinamaan ko sya ng tingin.

"Saka pwede ba? Kung makapagsalita ka parang ang dumi kong babae. May asawa kong tao, malamang 'yung asawa ko 'yung ama ng baby sa tyan ko 'no. Oa ka magisip e." Sermon ko rito. Nilunok naman nya lahat nung noodles na sinubo ko sa kanya.

"Pero di 'ba nakunan ka? Wag mong sabihing kambal yang nasa tyan mo. Tapos natira 'yung isa?" Hindi na ko nakatiis, sinapok ko sa ulo 'tong kaharap ko. Parang ginawang aso 'yung baby ko e. "Aray ah. Nawiwili ka sa pamamalo sa akin. Pag ako talaga nainis. PAPATULAN NA KITA." naiinis na saad nito. Inismidan ko naman ito.

"Umayos ka kasi. Ang gusto ko lang namang sabihin... buntis ako."

"Ay hindi, buntis pa rin pala ako. Walang batang nawala sa sinapupunan ko. Hindi ako totoong nakunan. Sinabi ko lang 'yon sa ospital kasi galit na galit ako kay Kai. Sa sobrang galit ko, inisip kong ipagkait sa kanya 'yung anak namin para... makaganti." pagtatapat ko rito. Sumeryoso naman ang mukha nya. Natahimik pa ito sandali na parang inaabsorb ang lahat ng sinabi ko.

"Bakit sa akin mo sinasabi ang tungkol dyan? Bakit hindi kay Kai?" basag nito sa katahimikan.

"Sinubukan ko lang kung kaya ko. Pero ngayong nasabi ko na sa'yo. Ang sarap para sa feeling, pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa leeg. Sana ganto lang rin kadali kapag si Kai na 'yung kaharap ko." Ngumiti ako rito na puno ng pagasa habang hawak-hawak ang aking tyan.

"Sana... matanggap nya rin agad ang anak namin."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report