OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 58: PA-FALL
DASURI
5:00 AM
Matapos ang nangyari, napagdesisyunan namin ni L. joe na bumalik na ng America. Doon na lang namin balak ituloy ang mga bagay-bagay tungkol sa amin. Tutal, doon naman talaga sya nagmula. Ipinaalam ko kila mama at papa ang naging desisyon ko. Hindi naman sila tumutol. They even told me na susundan nila ko 'don after ma-settle ng mga business matters na inaayos nila dito. Mabuti talaga't may kakilala sila papa sa airline company na sasakyan ko. Hindi na nagkaproblema sa pagkuha ng ticket kahit pa parang late na para 'don.
Alas-singko pa lang pero nagising na agad ako. Alas-nuwebe pa ang flight namin kaya masyado pang maaga para mag-ayos. Kinapa ko 'yung cellphone na nakatabi sa ilalim ng aking unan. Binuksan ko iyon at pumunta sa contacts. Hinanap ko 'yung pangalan ng asawa ko't pinindot ito. Lumabas ang mga options na pagpipilian ko. Call, send a messge, delete and back. Napatitig ako sa larawan nya. Dapat ko ba syang tawagan?
Pero baka magalit lang sya pag ginawa ko 'yon. Baka masaktan lang ako pag sinabi nyang wala syang pakiaalam.
Sa huli, mas pinili kong h'wag na syang tawagan. Ayokong magmukhang desperada, baka isipin pa nya, ginawa ko 'yon kasi gusto kong magpapigil.
Ibinaba ko 'yung cellphone sa tabi at tumayo sa kama. Nilapitan ko 'yung mga posters sa pader at isa-isa iyong tinanggal.
"Panahon na siguro para mag-retire ako as a fangirl."
Itinupi ko ang mga iyon at inilagay sa isang malaking box. Nilibot ko ang paningin ko sa apat na sulok ng kwarto ko. Puno iyon ng Kpop stuff na naipon ko since I was first year on middle school. Nakakatuwang isipin na after ng ilang taong pagkalulong ko sa Kpop. Hindi ko akalain na darating ang panahon na ito. 'Yung panahon na ititigil ko na ang mga nakasanayan ko, aalis sa mundong minsang nagpasaya at nagbigay kulay sa boring kong buhay, para harapin ang TOTOONG MUNDO na minsan kong iniwasan.
I never quit on our fandom nor broke my own promises to stay on my bias side until their last stage. Sadya lang tumatanda na ko, at hindi ko mapipigilan ang mga pagbabago sa buhay ko. Bagong responsibilidad, pananaw at pagsubok na dapat kong harapin para maging matibay at matatag sa buhay.
Gaya ng mga kwento tungkol sa paglalakbay sa Narnia at Neverland. Ang mga naranasan ko sa pagiging isang FAN, hinding-hindi ko makakalimutan 'yon. Isa 'yon sa mga rason kung sino ako sa kasalukuyan. It was like a magical story na hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong maranasan.
Ngunit gaya rin doon, hindi ako habang buhay bata. Hindi pwedeng manatili lang ako 'doon habang buhay. I need go out from that world to be a BETTER Person.
Reality strikes me when I heard my ringtone. Muli akong bumalik sa kama at kinuha ang aking cellphone. Binuksan ko 'yon at binasa ang isang mensaheng natanggap ko.
I'm sorry but I can't pick you up later. Is it okay kung sa airport na tayo magkita? I'll be there before 9:00. - L. JOE
Sinagot ko ang message nya at saka nagsimula nang magayos. Mukhang wala na talagang atrasan 'to.
"Ang tagal naman ni L. joe. Aalis na 'yung eroplanong sasakyan namin."
Mahigit isang oras na kong naghihintay sa lobby ng airport pero 'yung lalaking hinihintay ko? Nowhere to be seen. I tried to call him for hundreds of times pero takte lang! Hindi sumasagot ang mokong.
"Arrgh. Inaasar talaga ko ng mokong na 'yon. Mukhang may balak pa kong indyanin? Asar!!!" Halos mapapadyak na ko sa sahig dahil sa sobrang inis.
Eto rin ang araw ng retreat namin but instead of coming there. Nandito ko sa airport at ilang minuto na lang ay lilipad na ko paalis ng Seoul. Walang nakakaalam tungkol sa pagalis ko. Maski sina Amber at Sora. Ewan ko ba parang nagiging hobby na. Tsk.
Muli kong sinulyapan 'yung board na kinalalagyan ng mga nakaline-up na flights. Nakalista na roon 'yung flights na papuntang America. Halos mapamura ko sa isip nang makita 'yon. "Hay nako! Masasapak talaga kita L. joe pag nagkita tayo." bulalas ko.
Lalo naman akong nataranta nang may marinig na magsalita sa speaker. Tinatawag na nito 'yung mga pasaherong kagaya ko na tutungo sa America. Napatayo pa ko dahil 'don. "Naku, lagot! Ano nang gagawin ko? L. joe naman kasi e. Nasaan ka na ba?"" I tried to contact him again pero wala paring nagbabago. Nakapatay pa rin ang phone nya. Arrgh. Badtrip.
Muli akong tumingin sa orasan sabay hawak sa maleta ko. Huminga ko nang malamin at nagdesisyon.
"Bahala na nga. Basta wala kong balak umatras. Hmp." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa maleta ko at nagsimulang humakbang. Babalik ako ng America kasama ko man si L. joe o hindi. Nasa kalagitnaan na kong paglalakad patungo sa eroplanong sasakyan ko nang biglang may mapansin akong kakaiba.
"Huh?" Teka.
Ba't parang bumigat bigla yung maletang dala-dala ko? Para yung naipit sa kung saan at hindi maalis sa kinaroroonan nya.
Again, all passengers whose flight are going to America. Your airplane will take off after 10 minutes.
"What?! T-Teka! Argh." Halos lumuwa ang mata ko nang marinig 'yon. Takte. Maiiwanan pa ata ko ng eroplano.
Muli kong hinila yung maleta habang diretsyo ang tingin sa harap. Pero gaya nang kanina. Hindi parin ako makaalis sa kinaroroonan ko.
"Ano ba kasi 'to!"
Sa sobrang inis ko, nakasalubong ang dalawang kilay kong nilingon 'yung maleta para malaman kung ano ba ang nangyari dito at hindi mahila-hila.
Nagulat ako nang may makitang kamay na nakahawak rito. Nawala ang kunot sa noo ko at napalitan ng pagtataka. Mukhang ito ang dahilan kung bakit di ako makaalis sa pwesto ko kanina pa.
Kumabog ang aking dibdib nang may makita kong singsing sa daliri nang nakahawak rito. Dahan-dahan kong iniakyat ang aking tingin patungo sa mukha nang lalaking nasa harap ko. "K-Kai?!"
Hindi ko makapaniwalang pahayag. T-totoo ba 'tong nakikita ko? Talaga bang asawa ko 'tong kaharap ko?!
Nakasuot s'ya nang puting polo habang kulay kape naman ang pang ibaba nito. Nakatitig lang sya sa akin na para bang walang tampuhan ang namamagitan sa aming dalawa. "B-Bakit ka nandito?" Takte. Bakit ba ko nauutal sa harap nya?
Gosh! Parang gustong tumulo ng mga luha sa mata ko.
"Isn't it obvious?" sabay tingin sa kamay nyang nakahawak sa bagahe ko. Panandalian naman akong nablanko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
All passengers going to America. Please come here in 5 minutes or you will need to wait for the next flight. Thanks.
Natauhan naman ako't napahawak nang mahigpit sa maleta ko. "H-hindi ko alam yung tinutukoy mo pero male-late na kasi ako sa flight ko. S-Sige na. Bye."
Ako ang unang pumutol sa tinginan namin. Sinubukan ko ring hilahin muli 'yung gamit ko pero masyadong malakas si Kai kaya napabalik lang ako.
"Aist. Why so stubborn?" Nagulat ako nang maramdaman ko ang pagbuhat nya sa akin. Kinuha pa nya sa akin ang maleta ko sabay lakad habang bitbit-bitbit ako sa balikat. "Woah!" Naalarma ko sa ginawa nya.
"Anong ginagawa mo?! Ibaba mo ko!" saway ko rito pero hindi sya nakinig. Naglakad parin sya habang buhat-buhat ako.
"Waaah! Ibaba mo ko! Ano ba!!!" I tried to convince him na ibaba ako pero ayaw nyang makinig.
"No, until we reach our destination." Sagot naman nya.
Pinagtitinginan na kami nang mga tao dahil sa ingay na ginagawa namin pero hindi 'don ako nababahala. Kundi sa kalagayan ng baby namin. Hindi natuloy ako nakapagpigil at napasigaw. "ANO BA KIM JONG IN! IBABA MO KO! NAIIPIT SI BABY!!!!!"
Mukhang natauhan naman si Kai nang marinig ang sinabi ko. Kasabay nang pagtitig samin ng mga tao ay ang paghinto ni Kai sa paglalakad at dahan-dahang pagbaba nito sa akin. Bahagya kong nahiya sa pagsigaw ko pero masaya kong ibinaba na ko ni Kai.
"Sorry, I forgot that you're pregnant." Nagsisisi nitong pahayag.
Hindi ko magawang tumingin sa mga mata nya kaya nakayuko akong sumagot, "Okay lang."
Kinuha na lang nya ulit 'yung maleta ko at maingat na hinila 'to pabalik sa lobby ng airport. Sinundan ko naman sya. I heard him murmured.
"Bakit kasi ang tigas ng ulo mo? At bakit sa tuwing mag-aaway tayo, lagi mong naiisipang maglayas? Argh. Dapat yata lagyan kita ng kadena to make sure na hindi muna ko iiwan ulit."
You may think that I'm crazy, hindi kasi ako makapaniwala. At naguguluhan parin sa mga nangyayari, but I can't stop myself from smiling. Akala ko kasi ayaw na talaga sa akin ni Kai kaya maski sagutin ang mga tawag ko ay hindi nya magawa. But look us now, nandito sya sa harap ko... pinigilan ang pag alis ko.
"Next time you do this? Susunugin ko na 'yung visa mo para siguradong di ka makakaalis ng bansa." Saad ni Kai habang patuloy pa rin sa paglalakad.
Tinitigan ko ang likod nya. Pinipilit kong itago ang sayang nararamdaman ko. Ilang segundo ko pa syang tinitigan bago ko nagkalakas ng loob na magsalita. "Kai..."
"Di kana ba... galit sa akin?"
Napahinto si Kai sa paglalakad nang marinig ang sinabi ko. Muntikan ko ba syang mabangga kung hindi ako nakapreno agad. Medyo nagsisisi tuloy ako. Mali ata na tinanong ko sya agad tungkol 'don. Nilingon naman nya ko at tumitig sa aking mga mata.
"Of course..." I gasped for a while.
"Of course, I'm still angry at you. Hindi ganon kadaling kalimutan ang ginawa mo sa akin." Nawala ang kaunting pagasa na meron ako.
Napayuko ako nang marinig 'yon. Akala ko... okay na kami. Umasa lang pala ko sa maling kalkulasyon.
"Then why you stop me from leaving?" medyo may inis kong tanong. I assumed again. Tsk.
He just shrugged his shoulder, "Dahil anak ko pa rin ang batang nasa sinapupunan mo. I have the rights to take care of my child and be his dad." sagot nito.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
So, it's all about the baby? Nothing more? Nothing less?
KAI
Kanina pa walang imik si Dasuri. Naka-pout lang ito habang nakatitig sa sahig. Nakatayo lang ako sa harap nya. Pinaupo ko muna sya sa bench habang naghihintay kami ng oras. Napapangiti parin talaga ko sa tuwing naalala ko ang reaksyon nya nang marinig ang sinabi ko.
"Then why you stop me from leaving?"
"Dahil anak ko pa rin ang batang nasa sinapupunan mo. I have the rights to take care of my child and be his dad."
Kitang-kita ko ang dissapointment sa mukha nya. It's so obvious, she doesn't like my answer. Napatingin ako sa listahan ng mga aalis ng eroplano. Sinulyapan ko muna ang relo sa kaliwa kong braso bago sya lingunin.
"Let's go?" Pagkuha ko sa atensyon nito. Napaangat naman sya nang mukha at napatingin sa'kin.
"Huh? Bakit? Saan ba tayo pupunta?" Walang kaide-ideya nitong pahayag.
"Somewhere where my heart belongs" nagkaroon ng question mark sa mukha ni Dasuri. Halatang lalo lang sya naguluhan sa sinabi ko.
"Wag ka nang magtanong dahil simula ngayong araw. You don't have the rights to question my action. It's either follow me or do what I want." I will be more dominant to Dasuri. Hindi kasi maganda ang kinalabasan ng pagbibigay ko sa kanya ng sobrang kalayaan.
I almost lost her.
"C'mon, we don't have enough time." Kinuha ko yung maleta nya at nagsimulang maglakad. Nagulat man ay nagawa nitong sumunod sa akin.
"Wait! Bakit tayo papasok dyan?" Tanong nya nang mapansing papasok kami sa loob ng airport.
"Dahil sasakay tayo sa eroplano?" Sagot ko naman.
"Ha? Pero..."
"Akin na 'yung passport mo." Kahit litong-lito, inabot naman nya sa akin 'yung passport.
"Good. Here's our passport and tickets." Inabot ko sa staff ng airport and ticket and passport naming mag-asawa. Tinatakan naman 'yon ng staff at saka binalik sa'kin.
"You can now proceed to your airplane." Nakangiting pahayag nung staff. Nilingon ko naman si Dasuri na lutang parin. Hindi ko napigilang mapangiti.
"You're cute." Saad ko.
"Teka nga, naguguluhan na talaga ko!" Malapit na kaming makarating sa eroplanong sasakyan namin ng marinig ko itong magsalita. Pareho kaming napahinto sa paglalakad. I look at her face.
"Di 'ba galit ka pa sa akin? Di 'ba di pa tayo bati? So, bakit mo ko pinigilan makasakay ng eroplano pabalik ng America? Saan ba talaga tayo pupunta? At bakit... bakit kung tignan mo ko ngayon, bakit parang mahal na mahal mo pa rin ako?" She looks cute. Asking me of things that pretty obvious. Arrgh. I really miss my wife. I lean on her and softly whisper, "Coz you're my wife."
Napakurap-kurap pa sya habang namumula ang magkabilang pisngi. I smirked and added, "And my child is inside your tummy, remember?"
I saw her smirk. "Tss. Pa-fall"
I laughed, "Narinig ko 'yon. Pero sige, to make it fair with you. Sasabihin ko kung saan tayo pupunta."
"Sa lugar kung nasaan ang puso mo?"
"Yeah, my hometown."
After 4 hours of flight, we landed on my hometown. Natulog lang sa buong byahe si Dasuri. Nakasandal ang ulo nya sa balikat ko habang nakakumot sa kanya ang jacket ko. Nagising lang ito nang tumunog ang speaker ng eroplano para sabihing we landed safely.
"Argh. Sumakit 'yung balikat ko sa'yo." Reklamo ko nang makababa na kami ng eroplano. Dala-dala ko parin ang mga bagahe nya habang sya ay nakasunod sa gilid ko. "Sorry naman. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya di ko nakayanan 'yung antok kanina." Nakanguso nitong pahayag.
"Halata nga, may laway ka pa sa gilid ng labi mo." Natatawa kong pinunasan iyon. Naconcious naman sya bigla.
"A-ako na." saad nya pero hindi ako sumunod.
"Nahihiya ka? Tss. I already taste it. Ano bang bago 'don. Aray!" Di ko inaasahang hahampasin nya ang balikat ko.
"What was that?" Inis kong saad.
"Ssh. Bunganga mo naman. Nakakahiya, baka may makarinig." suway nya sa'kin dahil pulang-pula na ang magkabilang pisngi nito. Palihim naman akong napangiti.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Patikim pa lang 'to, wifey. Di pa talaga ko nagsisimula.
DASURI
Matapos naming makalabas ng airport. Sumakay pa kami ni Kai sa isang tren para makarating sa sinasabi nyang hometown.
Nakadungaw lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga magagandang tanawing nadaraanan namin.
"Wow. Ang ganda..."
Mangha kong pahayag nang masilayan ng mga mata ko ang isang napakalawak na bukirin. Napapalibutan iyon ng magaganda at makukulay na bulaklak.
Sinulyapan naman 'yon ni Kai na nakaupo sa tabi ko. "That's the property of Kim family."
Gulat akong lumingon sa kanya, "Jinjja?!"
Kaswal naman nyang sumagot. "Yeah,"
Literal na bumagsak ang panga ko sa sahig. "Mas mayaman ka pala sa akin." Komento ko pa.
Agad-agad naman syang umiling, "Of course not, You're a Kim now, right?" I nodded unconciously,
"Then, it's OURS."
Bahagya naman akong napangiti, "Sa amin daw? Ayeee. Hihi" palihim akong kinilig.
"Pero in legal aspect, di pa rin talaga tayo ang nakapangalan sa titulo. The owner of this place is still my grandmother. Kaya kailangan mo syang pakisamahan kung gusto mong manatili dito." Muli kong nilingon si Kai nang marinig ang sinabi nya. "Meron ka pang lola?" Never nya kasing nabanggit sakin ang tungkol don.
"Yes," simple nitong saad
"Bakit hindi mo sya nakukwento sa akin dati? Ba't di rin sya umattend ng kasal natin? Kasing ugali ba sya ng mama mo?" Sunod-sunod kong tanong. Umiling-iling naman si Kai.
"Nah, kabaliktaran sya ng mama ko. She's a perfectionist and a disciplinarian. Actually, to be honest with you. My dad got 24 Exes, and yung 24 na yon hiniwalayan s'ya because of my grandmother. May pagka-monster-in-law daw e." "Eh?" I gulped. Seryoso ba sya?
"Nandito na tayo." Kinuha ni Kai ang bag ko at naunang bumaba ng bus. Wala sana kong balak sumunod kaso ayoko rin namang magpaiwan.
"Wag na lang kaya tayo tumuloy? Uwi na tayo." Aya ko sa kanya pagkarating sa tapat ng malaking bahay.
Nilingon naman nya ko, "Why?"
"Parang sumama bigla pakiramdam ko. Mukhang kailangan kong kitain 'yung obygine ko bigla. Hehe."
Sinubukan kong magpalusot ngunit mukhang hindi uubra. Bumukas 'yung pinto ng bahay at iniluwa ang isang matandang babae na sa tantya ko ay nasa animnapu't limang taong gulang. Nakasalamin ito habang nakabuns ang halos puti nyang buhok. May hawak rin itong tangkay na tumutulong sa kanya sa paglalakad. Pero kahit ganon, bakas parin ang kagandahan ng kanyang mukha.
Napatago ko sa likod ni Kai habang nakakapit ng mahigpit sa damit nito. Awra pa lang nung lola nya natatakot na ko. Parang kakainin nya ko ng buhay. Huhu.
"Ikaw ba 'yan, Jong-In? Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito bata ka?" Bungad nya nang makita ang asawa ko.
"Musta na, la? Tagal nating di nagkita." Nagbow si Kai sa harap nya at saka hinawakan ang braso ko.
"Ang totoo nyan, la. Hindi lang ako ang pumunta rito para bisitahin ka." Nagulat ako nang hilahin ako ni Kai patungo sa tabi nya. Nanlaki pa ang mga mata ko nang magkasalubong ang tingin namin ng lola nya.
"I came here with my wife."
Yumuko ako para magbigay galang at iwasan na rin ang tingin nito. "Ah, M-Magandang tanghali po. A-Ako po pala si Dasuri Choi----ay, este Kim po pala. N-Nice meeting you po!"
Takte. Nanginginig ang mga tuhod ko.
Ramdam ko kasi ang pagscan nito sa buong katawan at pagkatao ko. Parang pinapatay na nya ko sa pamamagitan lang ng pagtingin.
"Totoo pa lang nagpakasal ka ng bata ka? Talagang hindi mo man lang ako sinangguni tungkol dyan? Mabuti pa siguro'y pumasok na kayo sa loob. Marami pa kaming dapat pagusapan...." I gulped when she gave me an intense stare. "Ng asawa mo."
Pakiramdam ko biglang nawala 'yung kaluluwa ko dahil sa takot. Anak ng tipaklong! Tulungan nyo ko. Huhu. Tumalikod na sa amin 'yung matanda at unang pumasok sa loob. Para namang napako na 'yung mga paa ko sa sahig. Ayoko nang pumasok. Uuwi na ko. Huhu.
Pero sa kabila ng sobrang kabog nang dibdib ko. Bigla 'yon nawala nang maramdaman ko ang paghawak ni Kai sa aking kamay. He interwined his hand with mine. Napalingon ako dito at napatitig.
He gave me an assuring smile, "Don't be scared. Nandito ako, di kita pababayaan..."
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report