OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 61: DANGER

DASURI

"Yung prinsipe at batang babae, si Kai ba 'yon at si Sarah?" Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Marami na kasi akong naririnig tungkol sa nakaraan nila pero ngayon lang talaga ko nalinawan sa mga nangyayari.

Kaya ba ganon na lang kung makatingin sa akin si Sarah? Kaya ba sa tuwing tititigan nya si Kai para syang nasasaktan?

Pinahinto ni Shawn ang paglalakad ng kabayo. Nilingon nya ko at nagsalita,

"Kung sabihin kong oo, may gagawin ka ba para mawala ka sa kwento?"

I stare at him for a second. I don't know what to say. Basta nakatitig lang ako sa kanya at pilit ina-absorb ang lahat.

"Hindi. Hindi 'yan totoo. Sinasabi mo lang 'yan para guluhin ang isip ko," I forcefully shook my head.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" He asked me.

"Ewan ko. Basta hindi 'yon totoo. Ang mabuti pa, bababa na ko dito." Sinubukan kong bumaba na mula sa ibabaw ng kabayo pero pinigilan nya agad ako.

"Sandali, makinig ka muna sa'kin," hinawakan pa nya ko sa braso.

"Hindi ako nagbibiro. Kung gusto mo puntahan mo pa 'yung kakahuyan na 'yon," Itinuro nya 'yung kakahuyan sa di kalayuan.

"Meron sila doon na itinayong tree house noong bata pa sila. Doon sila madalas magpalipas ng oras at maglaro na parang tunay na mag-asawa. Pumunta ka 'don nang malaman mong nagsasabi ako nang totoo," nakipagtitigan sya sa akin para ipakita ang sinseridad nya sa kanyang mga binitawang salita.

Nanginginig kong hinawakan ang kamay nya sabay hawi rito. "Hindi pa rin ako naniniwala."

Bumaba ako sa kabayo nang walang tulong nya. Bahagya pa kong nadulas pero naitukod ko naman agad 'yung siko ko kaya hindi ako masyadong nasaktan. Mukhang balak pa nya kong tulungan pero tumayo lang ako at agad syang tinalikuran.

Tama sila. Dapat umpisa pa lang hindi ko na sinubukang kausapin ang isang total stranger. Ano bang nasa isip ko't sumama pa ko sa kanya? Tino-toxic nya tuloy ang utak ko.

"Bahala ka! Kung ayaw mong maniwala sa akin tanungin mo 'yung asawa mo. Sigurado naman akong pareho lang ng sinabi ko ang isasagot nya sa'yo," nagawa pa nitong isigaw sa akin.

Pero hindi. Hindi ako tanga para maniwala. Hindi ko na sya sinagot at nagsimulang maglakad palayo.

"Ano bang problema nya? Bakit nya sinisiraan sa akin si Kai?" Nagdire-diretsyo na ko nang lakad patungo sa bahay ng lola ni Kai.

Labing limang minuto rin ang lumipas bago ko nakarating roon. Papasok pa lang ako ng pinto nang mamataan ko si Sarah, nakita na rin nya ko at napahinto sa paglalakad.

"'Yung prinsipe at batang babae, si Kai ba 'yon at si Sarah?"

Kaya ba ganon na lang kung makatingin sa'kin si Sarah? Kaya ba sa tuwing tititigan nya si Kai, para syang nasasaktan?

"Kung sabihin kong oo, may gagawin ka ba para mawala ka sa kwento?"

"Okay ka lang ba?" Nakatingin sya sa siko kong may sugat.

Hindi ako sumagot. Nilagpasan ko lang sya at naglakad na papasok. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Pakiramdam ko nakikita ko 'yung batang Kai at Sarah na masayang naglalaro sa bawat parte ng bahay. Sa sala, sa kusina, sa hagdan at maski na sa mga kwarto. Hindi ko tuloy mapigilang maalala 'yung sinabi sa akin ni Shawn.

"Doon sila madalas magpalipas ng oras at maglaro na parang tunay na magasawa."

I shook my head. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman ang totoo. Lumabas akong muli nang bahay at muling nilagpasan si Sarah. Ayokong sa kanya magtanong. Paano kung kasabwat pala sya ni Shawn? Paano kung ginagawa pala nito 'to para magkasira kami ni Kai? I won't let that to happen.

"Ms. Dasuri, sa'an ho ka'yo tutungo? Magdadapit-hapon na. Bilang lang ang parte ng bukid na may ilaw. Baka mahirapan ho kayo sa pagbalik," sinubukan pa kong pigilan ni Sarah pero sarado na ang isip ko.

Ayoko nang makinig pa kung kani-kanino. Kung ano man 'yung totoo, ako na mismo ang tutuklas 'non.

Pagdating ko sa bukana 'nung kakahuyang tinutukoy ni Shawn. Napansin ko agad ang mga punong hitik sa mga dahon. Nagsasayawan iyon dahil sa pagihip ng hangin. Dahil malapit na nga talaga ang winter. Dama mo na ang malamig na simoy ng hangin. Kahit may kaunting kaba sa aking dibdib ipinagpatuloy ko pa rin ang pagpasok rito. Tunog ng mga natatapakan kong sanga ang tanging maririnig sa paligid. Kinuha ko 'yung cellphone ko para gamiting ilaw. Kahit kasi maliwanag pa sa labas, bahagyang madilim na rito sa loob. Dahil 'yon sa mga dahong nagiging takip sa sikat ng araw.

"Tama ba 'tong nilalakaran ko? Ang sabi lang naman ni Shawn diretsyo lang ang daan,"

Luminga-linga pa ko sa paligid. Puro puno at sanga lang ang nakikita ko. Talaga bang merong tree house sa gitna nito? Bakit parang ang weird at creepy naman ng place na napili nila? Wala naman sigurong mababangis na hayop dito 'no? Niyakap ko ang aking sarili at nagpatuloy sa paglalakad. Medyo manipis kasi 'yung jacket na suot ko kaya tinatablan pa rin 'to ng hangin. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mag-isip. Kung totoo lahat ng sinabi ni Shawn tungkol sa kabataan nila Kai at Sarah. Ibig bang sabihin 'non....

Sa kwentong ito, isa lang akong extra at hindi ang totoong bida?

Dahil sa kakaisip ng kung anu-ano. Ngayon ko lang namalayan na nasa tuktok na pala ko ng isang bangin. Napangiwi pa ko nang makita kung gaano 'to kalalim mula sa kinatatayuan ko. Puno nang mga nalantang dahon at pira-pirasong tangkay ang naroroon.

"Nasa'an na ba 'yung tree house na tinutukoy ni Shawn? Parang imposible namang may maitayong ganon dito," nagpalinga-linga pa ko. Nagbabakasakaling baka nasa paligid lang iyon.

"Sabi ko na nga ba pupunta ka," napalingon ako sa taong nagsalita mula sa likod ko.

"Shawn?" 'di ko makapaniwalang tanong.

"Anong ginagawa mo rito? At saka, nasaan na 'yung tree house na sinasabi mo?" Napaatras ako nang lumapit sya sa akin.

"Talaga bang naniwala ka sa mga sinabi ko?"

Kumunot ang noo ko, "Anong ibig mong sabihin? B-Bakit mo ko tinatanong mg ganyan?"

"Hindi mo pa 'rin ba gets?" tumawa pa ito bago muling magsalitang muli.

"Nagsinungaling ako. Niloko kita! Wala talagang tree house dito. Hindi ko akalain na mapapaniwala kita ng ganon kadali. Mukhang mahina nga ulo mo gaya ng bali-balita." "Anong sabi mo?!" I said angrily.

Nginisian lang ako nito. "Teka, wag mong sabihing hindi rin totoo na may gusto si Sarah kay Kai? At hindi totoong pinangakuan sya ng asawa ko ng kasal?" bigla kong naguluhan sa mga nangyayari.

"Opps! Mali ka, dahil sa lahat nang kasinungalingang sinabi ko. 'Yon lang ang totoo. Kaya nga nandito ka e. Kaya nga nasa harap kita ngayon." Nangilabot ako nang titigan ako ni Shawn. Parang hindi sya 'yung batang pasaway na nakilala at nakasama ko kanina.

"A-Ano bang gusto mo? Bakit mo ko pinapunta dito?" I tried to calm myself. Itinago ko 'yung phone ko sa likod ko at palihim na nag-dial rito.

"Anong gusto ko? Simple lang, ang mawala kana sa kwento. Nakikita mo ba 'yang bangin sa likod mo? Wala pang taong nakakabalik nang buhay matapos mahulog dyan. Ayoko sanang gawin 'to kaso ginalit mo ko," nakangisi ito sa akin na para bang sinasabi nyang kayang-kaya nyang gawin ang mga sinabi nya.

"Wag kang lalapit, sisigaw ako." banta ko pero mas lalo lang nyang ikinatuwa 'yon.

"Gawin mo para namang may makakarinig sa'yo." Humakbang pa ito papalapit sa akin. Umatras naman ako ng kaunti.

"Kung nakikipagbiruan ka lang. Itigil mo na 'to Shawn, hindi ka na nakakatuwa."

Ayokong isipin na kaya nyang gawin 'yung nasa isip ko. Kahit maikling sandali ko pa lang syang nakakasama. Alam kong hindi sya masama. Hindi nya magagawang manakit ng iba. "Bakit mo ba 'to ginagawa?"

Gusto ko pa sanang umatras kaso pag tingin ko sa likod. Nasa pinakadulo na ko ng lupang kinatatayuan namin. Once na humakbang pa ko paatras, mahuhulog na ko.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"May nasabi ba ko sa'yong masama? Nasaktan ba kita?"

Hindi ko kasi talaga maintindihan bakit umabot kami sa ganito. Okay naman kami, 'di ba?

"Sa akin? Wala. Pero sa babaeng mahal na mahal ko.... meron," tumigil ito sa paglapit nang halos isang pulgada na lang ang layo namin sa isa't-isa. Nakatingin sya sa akin habang may lungkot sa kanyang mga mata.

"Alam mo bang may side story pa 'yung kwento tungkol kay dark? Matapos umalis 'nung prinsipe sa palasyo. May isang batang napadpad sa baryo nila. Batang hindi nagsasalita. Hindi dahil sa meron itong kapansanan. Kundi dahil may madilim itong pinagdaanan. Habang malungkot na naghihintay 'yung batang babae sa pagbabalik ng prinsipe, nagtagpo ang landas nila ng batang lalaki."

"Noong una'y sinubukan syang iwasan nito gaya ng ginagawa nya sa lahat ng taong nasa paligid nya. Ngunit dahil pareho silang may pinagdadaanan nagawa nilang kagaangan ng loob ang isa't-isa. Hanggang sa dumating 'yung panahon na hindi lang nya tinuruan muling magsalita 'yung batang lalaki kundi tinuruan din nya itong umibig sa kanya. Mula noon, wala nang hinangad 'yung batang lalaki kundi ang makitang masaya 'yung batang babae." Napasinghap ako nang mapagtanto kung gaano na kalapit sa'kin si Shawn. Nagawa pa nya kong bulungan.

"Handa kong gawin ang lahat para lang makita syang ngumiti muli. Maski pa ang ibig sabihin 'non ay gumawa ko ng mali."

Humarap sya sa akin at muling nagsalita, "Sorry noona, hindi naman talaga ko galit sa'yo. Sadyang ikaw lang ang dahilan kung bakit hindi magiging masaya ang taong mahal na mahal ko,"

Hahawakan na sana nya ko sa magkabila kong balikat upang itulak nang mapansin nya ang umiilaw na cellphone sa gilid ko.

Please Kai, answer your phone!

Agad nyang hinawakan 'yung kamay kong may cellphone. Iniangat pa nya ito para makitang mabuti.

"Sinusubukan mong tawagan ang asawa mo? Sorry, pero hindi sya makakatulong."

He tried to snatch it from me pero nagpumiglas ako.

"Bitawan mo nga ko! Akala mo ba natatakot ako sa'yo?!"

"Ano ba! Wag ka ngang malikot! Ibigay mo na s a'kin 'yung cellphone mo!"

"Akala mo rin ba magiging proud si Sarah pag nalaman nya ang ginagawa mo? Ha, she will definitely hate you!" Pilit na inaagaw nya sa akin 'yung cellphone pero hindi ako pumapayag. Ginagamit ko na rin 'yung kabila kong kamay para pigilan sya. "Ano ba noona! Wag kang malikot! Nauubos na 'yung lupang tinatapakan mo!"

"Bakit? 'Yon naman ang gusto mo 'di ba? Ang mahulog ako," sinubukan ko syang itulak palayo pero masyado s'yang malakas.

"Ano ba! Makinig ka! Malapit nang------NOOONAAAA!!!!!"

Napauwang ang mga labi ko nang biglang bumigay na 'yung lupang kinatatayuan ko. Hindi ko na namalayan kung anong nangyari sa cellphone na pinag-aagawan namin dahil sa bilis ng mga pangyayari. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at umasang ako'y makakaligtas pa.

ΚΑΙ

"Oh, iho. Kakauwi mo lang? Nakakain kana bang bata ka?" bungad sa akin ni lola pagkapasok ko sa sala ng bahay.

Mukhang kabababa nya lang mula sa panonood ng mga drama sa kwarto nya. Bata pa lang ako, mula nang mamatay si lolo iyon na kinahiligan nya. Hindi pa 'rin pala nya naaalis 'yon.

"Oho, pinilit kasi ako nila Mang Tani at Aling Nene na doon na magmeryenda. Nakakahiya namang tumanggi."

"Natutuwa lang 'yon dahil nabisita ka sa kanila," dagdag pa ni Lola. Nagpalinga-linga naman ako sa paligid.

"Uh, La, 'yung mag-ina ko nasa itaas po ba? Nakakain na rin ba sila?" hindi ko kasi sya nakikita. Tumawag ito sa akin kanina pero 'nung aktong sasagutin ko na'y nalowbat naman 'yung phone ko.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo nito. Para bang sobrang nagtataka sya sa naging tanong ko.

"Bakit La? Hindi nyo 'ba inalok si Dasuri na kumain ng meryenda? Nasa kwarto pa rin 'ba sya?" sinulyapan ko 'yung kwarto namin sa taas.

Iniwan ko kasing natutulog sya 'don. Hindi ko na sya ginising alam ko namang kailangan nyang magpahinga lalo na't dalawa silang nasa katawan nya.

"Nung umalis s'ya sa kwarto ko hindi na sya muling bumalik pa. Hindi ka ba nya pinuntahan? Tinanong nya kasi sa akin kanina kung saan ka nagtungo. Akala ko tuloy magkasama kayong namamasyal kaya hindi na ko nagtaka 'nung maghapong di ko nasilayaan ang asawa mo. Hindi mo ba talaga sya kasama?" lalo kong naguluhan sa mga sinabi nila. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Of course not! Mahimbing ang pagkakatulog nya kaya hindi ko na sya pinagkaabalahang gisingin pa bago ko umalis. At saka, hindi familiar si Dasuri sa mga lugar dito kaya imposible 'yung sinasabi nyo." Medyo naiirita ko nang pahayag. Hindi naman makapagsalita si Lola. Mukhang inaalala nya ang mga nangyari.

"Nangaasar ka naman ba La? Aist, not a good joke, okay? Makaakyat na nga," tinapos ko na ang walang kwentang usapan namin ni lola. Ganyan naman kasi 'yan, mahilig mang-troll. Dumiretso ako sa kwarto kung saan iniwan ko si Dasuri na mahimbing na natutulog.

"Pero hindi ako nagbibiro apo. Wala nga dyan ang asawa mo." Pahabol pa nya. I just shrugged my shoulder. Wala ko sa mood makipagbiruan ngayon.

Matapos kong makarating sa tapat ng pintuan ng kwarto ko. Hinawakan ko 'yung door knob at pinihit 'to. Pero laking gulat ko nang mapagtantong nakalock ito.

Hindi mahilig maglock ng pinto ng kwarto si Dasuri. Lalo na 'kung hindi nya kwarto 'yon. Natatakot kasi itong baka hindi na nya mabuksan. Except kung magkaaway kami. Bigla na namang kumabog ang dibdib ko. Shit! Parang may mali.

Lalo iyong tumindi nang marinig ko ang boses ni Sarah.

"KAMJJONG!! MADAM KIM, S-SI KAMJJONG PO?!" Bakas sa boses dito ang pagkahingal. Dinungaw ko sya mula sa kinaroroonan ko.

"Bakit mo hinahanap ang apo ko? At bakit ba hinihingal kang bata ka?" si lola ang umusisa rito.

"S-saka na po ko magpapaliwanag. B-basta kailangan ko pong makausap si Kamjjong ngayon." Nagugulumihan nitong pahayag. Hindi na ko nakatiis at nagsalita.

"What do you want from me?" Magkasabay nila kong nilingon ni lola. Bakas rito ang tuwa at pangamba nang makita ko.

"Anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ko hinahanap?" Bumaba ako at nilapitan si Sarah. Bahagya pa syang natameme nang mapansing nakatitig ako sa kanya

"Ah, A-ano... k-kasi... 'yung babaeng nakakairita. Ay, ibig kong sabihin 'yung asawa mo... n-nandon sa kakahuyan." otomatikong nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi nya.

"What? Si Dasuri nasa kakahuyan?! Pero maggagabi na." Napasulyap pa ko sa labas na may nag-aagaw dilim na kulay ng ulap.

"Sigurado ka 'ba dyan sa mga pinagsasabi mo?" Napaatras pa sya nang bahagya mapataas ang boses ko. Naiinis na kasi talaga ako.

"O-Oo, nakita ko syang pumasok sa loob 'nung kakahuyan. Sinubukan ko syang pigilan kaso hindi sya nagpapigil." Nakayuko nitong paliwanag.

"Bakit naman sya pupunta 'don? Hindi ba't ipinagbawal ko na ang pagpasok roon? Lalo na't maggagabi maaari syang mapahamak." sumingit si lola sa usapan.

"Nung una hindi ko 'rin alam ang dahilan pero 'nung nalaman ko mula sa ibang magsasaka na kasama nya si Shawn 'nung bandang hapon. Naisip ko na baka sya 'yung nagudyot sa asawa nyo na pumasok roon," bahagya itong humarap sa amin. Mababakas mo ang pagaalala sa kanyang mukha.

"Kung magkasama nga sila ngayon. Kinatatakot ko na baka may gawin syang masama kay señorita Dasuri," nagpanting ang dalawa kong tenga sa aking narinig.

Hindi ko namalayang nahablot ko na pala ang kanyang braso, "Anong ibig mong sabihin?"

"Kaninang tanghali, kinausap ako ni Shawn. T-Tinanong nya sa akin kung mawawala daw ba si Dasuri ay magiging masaya na ulit ako? Kakausapin ko na ba ulit sya? Ang sabi ko... OO. Hindi ko naman alam na totohanin nya e. Hindi ko alam na- -----" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nya. Binitiwan ko ang braso nito at humahangos na lumabas ng bahay.

"Damn that boy!"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report