OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 69: KAI’S SECRETARY
SEHUN
"Grabe. Hindi kain 'yang ginagawa mo. Lamon."
Alam ko naman nagiging matakaw ang babae kapag buntis pero parang sobra naman ata 'tong si Dasuri. Halos lunukin na lang nya 'yung burger na kinakain nya e. Wala nang nguya-nguya. Hindi na nga ko kumakain. Pinapanood ko na lang sya.
"Oh, pwedeng uminom. Kasama sa binayaraan ko 'yan." inabutan ko sya ng tubig. Mukha kasing mabibiluokan na sya anumang oras.
"Wag ka ngang magulo. Malungkot ako kaya ako kumakain ng madami. Stress eating ang tawag dito." pangangatwiran pa nito.
Napailing na lang ako nang may mapuntang ketchup sa gilid ng labi nya. Hindi nya siguro napapansin kaya nagpatuloy lang sya sa pagkain. Ayoko namang magmukha syang gusgusin kaya inabot ko na lang 'yon ng pinunasan gamit ang daliri ko. "Teka nga," napahinto naman sya sa pagkain nang mapansin ang ginawa ko.
Parang slow motion kaming nagkatitigan pareho. Hinihintay nya siguro 'kung anong gagawin ko sa ketchup na napunta na sa daliri ko. Napaisip ako bigla at itinigil ang muntikan nang pagsubo nito. Kumuha ko nang tissue at pinunasan iyon. "Kadiri. Eeeeh..." medyo ngumiwi pa ko para ipakitang nandidiri talaga ko.
"Tinitingin-tingin mo? Kala mo naman isusubo ko 'yon? Ha. Di ko pinangarap maka-indirect kiss ka 'no. Asa!" naiilang na ko sa tinging pinupukol nya sa akin.
"Wala naman akong sinabi ah? Kumain na nga lang. Hubby... miss na talaga kita. Huhu~" nakahinga ko nang maluwag nang magpatuloy ito sa pagkain. Napaayos naman ako nang upo.
"Ano ba namang resto 'to. Ang mahal ng mga pagkain ang init-init sa loob. May aircon ba dito?!" luminga-linga ako para iwasang mapatingin kay Dasuri. Takte. Bakit ba ko naiilang?!
"Ehemp, ano nga ba ulit 'yung tinatanong mo sa'kin kanina?" Hihingi daw kasi sya ng payo kaya nya ko inaya rito pagkatapos naming magpa-ikot-ikot dun sa store kanina. "Miss na miss ko na 'yung asawa ko. Kahit unang araw pa lang nya sa trabaho."
"Oh' tapos?"
"Anong gagawin ko? Ayoko namang sabihin sa kanya 'to kasi ayoko syang mag-alala. Alam ko namang nagsasakripisyo din sya kasi kailangan na sya ng kumpanya. Kaso ilang buwan na lang due date ko na. Natatakot ako na baka sa oras na sumakit 'yung tyan ko. Ako lang mag-isa sa bahay.." sinunod-sunod nito ang pagkagat sa burger na hawak nya.
"Edi mag-hire kayo ng maid." 'Yun lang e.
"Di 'yon kadali 'no. Kahit naman di na active si Kai sa showbiz. Idol pa din sya. Mahirap na kung baka kung ano na lang lumabas na balita. Saka isa pa, ayaw naming masira 'yung private life na meron kami." "Sabagay, nandyan pa rin 'yung mga Exo-L. Matyaga silang nag-aantay sa pagbabalik ng grupo namin." Tumahimik ako sandali para mag-isip.
Gustuhin ko man, hindi ako pwedeng magpresinta na samahan sya lagi. Unang-una, hectic din ang schedule ko. Pangalawa, delikado ang puso este image ko. Baka magkaroon pa ng issue kapag may nakakitang may kasama kong buntis na babae.
"Hmm..."
"Kung walang oras si Kai sa'yo. Bakit hindi na lang ikaw ang maglaan ng oras para sa kanya." Iniangat ko ang tingin ko kay Dasuri.
"Paano naman yon?" mukhang di sya bilib sa suhestyon ko.
"Paano mo ba nagawang pasukin 'yung mundo ni Kai 'nung mga panahong fans ka pa lang nya?" Napaangat ng ulo si Dasuri at tumitig sa akin.
"You mean...."
"Exactly, be his personal secretary."
DASURI
Pasado alas-syete ng gabi. Nakatanaw ako sa garahe ng bahay mula sa bintana ng kwarto namin ni Kai. Inaabangan ang pag-uwi ng gwapo-gwapo kong asawa. Pagkatapos ng usapan namin ni Sehun. Buo na ang desisyon ko. "I'll be his favorite secretary," saad ko habang may ngiti sa aking mga labi.
Company NAMIN 'yon. Wala kong nakikitang masama kung gustuhin ko mang magshare ng time and effort para 'don.
Tuluyan nang sumilay ang matamis na sa aking mga labi ng makita ang asawa kong bumababa sa kanyang sasakyan. Nagmamadali naman akong bumaba upang pagbuksan sya ng pintuan. "Welcome home, hubby." I gave him a peck on his lips. Kahit halatang pagod ay nagawa pa rin nitong yakapin ako't bigyan ng halik sa aking tyan.
"Kamusta ang first day sa trabaho?" Sinubukan kong kunin 'yung maletang hawak-hawak nya pero inilayo nya sa'kin 'yon.
"Ako na," Naglakad kami pareho sa sala. Ibinaba nya ang kanyang maleta at saka marahang umupo sa sofa.
Dali-dali naman akong naupo sa sahig para sana tangalin 'yung suot&suot nyang sapatos. Kaso pinigilan nya rin ako agad.
"Ako na, baka maipit pa si baby dahil sa ginagawa mo."saad nya habang inuumpisahan na ang pagtanggal nung mga sapatos. Wala na kong nagawa kundi ang ngumuso na lang at umupo sa tabi nya. "Gusto ko lang naman na pagsilbihan ka." wika ko rito.
Huminto si Kai sa kanyang ginagawa at tumingin. "No need. Ang manatili ka lang sa tabi ko, sapat na." Hindi ko namalayang nakangiti na pala ko dahil sa sinabi nya. Aigoo. Lumalandi ang loko.
"Halika nga rito," iniusod nya ko papalapit sa kanya sabay yakap sa'kin ng mahigpit.
"Argh." he groaned.
"I missed you, wifey. Isang araw pa lang kita hindi nakasama pakiramdam ko isang taon na. Paano pa kaya sa mga susunod na araw?" He leaned on my shoulder and rest. "But I need to work harder hindi lang para sa atin kundi para narin sa kanya." sabay haplos nito sa aking tiyan.
Hinawakan ko naman ang kamay nyang nakapatong sa tummy ko. "Yon lang ba ang problema mo? May solusyon ako dyan." abot tenga kong ngiti.
Okay, this is it. Pancit! Mukhang makakakuha na ko ng tyempo para sa binabalak ko. Pag meron talagang tyaga. Ika'y pinagpapala. Hahaha.
"What do you mean?" makikita mo ang kuryosidad sa mukha ni Kai. Bahagya ko naman syang hinarap.
"Sabi mo nami-miss mo kami ni Baby. Gusto mo lagi mo kaming nakikita 24 hours a day? Nababantayan kung nakakakain ba kami sa tamang oras? Or safe ba kami lagi?" "Uh huh..." Kai nodded.
"Edi gawin mo kong personal secretary. I'll be on your side 24/7. Kahit wala nang sweldo. Handa akong magsilbi para sa'yo."
ΚΑΙ
"Edi gawin mo kong personal secretary. I'll be on your side 24/7. Kahit wala nang sweldo. Handa akong magsilbi para sa'yo." sobrang lapad ang ngiti ni Dasuri habang nagniningning ang mga mata nito. Hindi ko maiwasing mapakunot ang noo habang nakatitig rito. 'Is she out of her mind?'
"No.." sabay iling dito.
Nagulat ito sa naging sagot ko pero di sya nagpatinag. Mas humarap sya sa akin at pinilit akong kumbinsihin.
"Sige na, pumayag kana. Hindi naman ako manggugulo e. Magiging productive ako. Siguro sa umpisa mangangapa ako pero matututunan ko din naman 'yon e."
"Kaya ko na rin magtimpla ng kape. Nag-aral ako maghapon pagkabalik ko rito sa bahay. Maraming beses nga lang ako napaso pero di ko na nakakalimutang maglagay ng asukal. Promise." itinaas nya pa ang kanyang kanang kamay na parang nanunumpa sa harap ko.
"Kaya ko rin mag-xerox ng mga files or mag-email. Pati nga tamang manners sa pagsagot sa telephone pinag-aralan ko na e."
"Hello. Good morning. This is Dasuri, Jong in's beautiful wife and sexy secretary. What can I do for you?" what?! I almost laugh, pinigilan ko lang baka ma-offend 'tong asawa ko.
"Enough wifey. I already said no. Hindi kami naglalaro 'don para sumali ka kung kailan mo gusto. At sa kalagayan mong 'yan? You better stay at home and take rest." Umarko naman ang mga mata nito at bahagyang lumayo sa'kin. She even crossed her arms.
"Nakakasawa na kaya humilata dito. Saka nakabili na ko ng mga susuotin ko e. Badtrip naman."
Bahagya akong natawa nang marinig ang mga sinabi nya. "Let's go." aya ko rito.
"Magluluto na ko ng hapunan natin mukhang nalipasan ka na naman ng gutom kanina e." I tried to lighten up the mood pero di pa rin nawawala ang pagkakunot ng noo nito.
Hayst. Saan na naman ba kasi nya nakuha ang kalokohang ideya na 'yon?
**Kinabukasan,
Hindi ko na ginising pa si Dasuri nang umalis ako ng bahay. Naihanda ko na naman 'yung almusal nya sa mesa. Nag-iwan na lang ako ng note doon para malaman nyang nakaalis na ko.
Medyo gabi na rin kasi kami nakatulog kagabi. Panay parin ang pangungulit nya patungkol sa kagustuhan nyang maging secretary ko. Ganun ba talaga pag buntis? Kung anong maisip, gagawin talaga nila?
Binuksan ko ang makina ng kotse at dahan-dahang pinaandar iyon palabas ng garahe namin. Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng daan patungo sa opisina. Tumunog na agad 'yung cellphone kong dala-dala. Nagulat pa ako nang makita ang pangalan ni Jamie noona sa caller Id. Nagtataka man ay sinagot ko iyon at gumamit ng bluetooth earpice.
"Hello, noona? Napatawag ka?"
"Wow. Makatanong ka naman parang ayaw mo na kong kausap nyan ah. Nag-e-enjoy kana bang maging President ng isang kumapanya? President Kim na ba ang itatawag ko sa'yo ngayon? Hahaha."
"Tsk. Puro ka talaga kalokohan. Kamusta na ba ang grupo? Matagal-tagal ko na rin silang di nakikita."
"Ayun, patuloy parin naman ang mga activity nila Kris sa China. Mas dumami pa nga yung mga offer nila ngayon. Nakatulong siguro 'yung mga pagalabas-labas nila sa mga pelikula. Si D. O naman sunod-sunod din ang mga roles na ino-offer sa kanya."
"Actually, last week nag-start na syang mag-taping nh first lead role nya. Siguro after 3 months mapapalabas na 'yon. Sina Chanyeol at Baekhyun naman, nag-eenjoy sa pagsali sa mga variety show. Gusto ngang sumali sa real men sabi ko. Wag muna di pa kaya ng mga buto nila. Ang tatapang e, kala mo talaga kakayanin. Haha"
"Good to hear na patuloy parin ang pag lago ng mga career nila. I'm so happy for them."
"Naman. Ikaw ba? Nage-enjoy ka naman ba dyan sa ginagawa mo? Kamusta na si Dasuri? Malaki na ba 'yung tyan?"
"Well, nakakapanibago pero makakasanayan ko rin siguro. Hindi naman ako pinipilit ng mga magulang ko. Sabi naman nila I can still have vacations for months if gugustuhin ko. Kumabaga inaalam ko lang muna 'yung mga bagay-bagay sa kumpanya to be familiarized. Para na rin makatulong ako sa kanila. Kahit papano."
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Si Dasuri? Malaki na 'yung tyan nya. She's on her 7 months of pregnancy. Medyo excited na kinakabahan na kami sa paglabas ng first baby namin. I just hope h'wag nyang itakwil ang anak nya if it's not a girl." "Bakit babae ba gusto ni Dasuri? Edi kung lalaki ang lumabas. Sundan agad baka makatyamba ng babae. Haha"
"Tss. Madaling sabihin, mahirap gawin." Naaaninag ko na 'yung bukana ng building ng kumapanya namin. Dumiretsyo ako sa basement para iparada 'yung kotseng dala-dala ko.
"Depende sa performance mo 'yon. Hahahah."
"Hindi ka parin talaga nagbabago noona. Mag-asawa ka na nga." I just realized I never heard something about her past or current relationship. Masyadong malihim si noona pagdating doon.
"Wag kang mainip. Dadating tayo dyan. Haha. Pero maiba ko, Next year na labas nila Suho mula sa military."
I casually parked my car. Lumabas ako ng kotse at pumasok sa elevator. Pinindot ko 'yung button for my office floor.
"Ano nang plano mo?"
"Saka ko na iisipin ang tungkol dyan. Gusto ko munang mag-focus sa ginagawa ko ngayon." I heard her sigh.
"I know. Nagre-remind lang."
Nang mapansin kong malapit na ko sa floor na patutunguhan ko. I tried to warn noona.
"Sige na, noona. Nandito na ko sa opisina. I'll call you again." kasabay nang pagbaba ko sa cellphone ay ang pagbukas ng elevator. Nagalakad ako patungo sa kwarto sa kaliwang pasilyo.
I saw a young lady na tumayo mula sa kinauupuan nya upang batiin ako. She's wearing a business attire for women. White on top and black skirt matching her black stiletto.
Kahit medyo nagtataka ay binati ko rin ito. "Good morning. And you are?"
Sasagot pa lamang ang babae nang marinig namin ang boses ni Mr. Seo sa aking likuran. Nilingon ko ito at nakangiti itong bumati sa akin.
"Good morning Mr. Kim,"
Sa halip na magsalita, I gave him a gesture asking who is the lady beside me. Nakuha naman nya iyon at muling nagsalita.
"Ahh, Pasensya na, Mr. Kim. Nakalimutan kong ipakilala sa'yo si Ms. Jung kahapon. She will be your secretary. She's been here in the company for two years and I can say na excellent ang performance na ipinapakita nya. Makakatulong sya sa'yo nang malaki."
"Nice meeting you Mr. Kim. It's my pleasure to work with you. Hindi man ako ganon katagal sa company but you can assure that I will always do my best to help you. Please be good to me." yumuko itong muli sa harap ko. "Wait, she's my secretary? Pero paano ka?"
"I am still your father's secretary. Hangga't hindi mo pa tuluyang tinatanggap ang pwesto nya. Sa kanya pa rin ako didiretsyo for reports. Pero wag kang mag-alala. Malalaman mo parin lahat ng nangyayari sa kumapanya. Kailangan ko lang talagang magreport kay President Kim to keep him aware on company's progress."
"Um, Excuse me, Mr. Kim. I hope you don't mind but if you are worried because I'm a woman. I can assure you that I will never dissapoint you. Just give me a chance." napalingon akong muli sa babae sa gilid ko. Mukhang mali ang pagkakaintindi nya sa mga pagtatanong ko.
"No, it's alright. Nagtaka lang ako sa mga pagbabago. Anyway, I'm also looking forward to work with you. I'll go ahead." nagpaalam na ko sa kanila at saka pumasok sa opisina.
I guess... It's really a NO for Dasuri.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report