ONE WONDERFUL NIGHT -
CHAPTER 12
Farrah Nicolah
"Nicz pagkatapos mo diyan pwede kanang umuwi ah.", sabi ng manager in charge nila ngayong gabi na si Ms. Lina. Si Miss Lina ay ang dating supervisor niya na nag rekomenda sa kanya dito sa FN Lewis Restaurant. "Sige po ma'am tapusin ko lang po 'to.", magalang at nakangiti niyang sagot dito.
Nandito siya ngayon sa may service counter at nagpupunas ng mga cutleries at baso na kagagaling lang sa dishwashing area. 9PM na at meron pa din silang mga customers pero dahil malapit na siyang mag-out nagpupunas na lang siya ng mga kinainan ng mga guests kanina.
Isang linggo na siyang nagtatrabaho dito sa restaurant ni Mr. Lewis ngunit ni isang beses ay hindi niya ito kailanman nakita na pumunta dito.
Alam niyang dapat sana ay ikatuwa niya iyon sa kadahilanang nahihiya na naman siyang harapin ito pagkatapos ng pangyayaring iyon sa opisina nito. Ngunit, ang hindi niya maintindihan sa sarili niya ay kung bakit parang may iba pa siyang nararamdaman bukod dito na hindi niya matukoy-tukoy kung ano iyon.
Pagkatapos kasi ng mainit nilang halikan at ang paghingi nito ng tawad sa kanya ay hindi na siya nakaimik pa. Nahihiya at parang nanlulumo siya dahil sa paghingi nito nang paumanhin na para bang ipanaparating nito sa kanya na sising-sisi ito sa ginawa nila.
"Kailan daw po ba babalik si Chef, Maam?", narinig niyang mahinang tanong ni Sheila na kasamahan niyang waitress kay Maam Lina.
Nakuha ang interest niya nang marinig ito kaya pasimple siyang lumapit sa kung saan sila Sheila para makinig habang patuloy pa din ang pagpupunas niya ng mga baso. Curious lang bakit ba?
"Nami-miss ko na si Chef! Ngayon lang ang pinakamataggal na hindi ko siya nakita. Nasa abroad ba siya, Ma'am?", nakasimangot na sabi ni Sheila na nagpataas ng kilay niya.
*Kung maka miss ka naman! Ganon ba kayo ka close ni Sir para ma miss mo siya ng ganyan ha?! Gusto niyang isinghal sa babae. Pero of course, hindi niya ginawa.*
"Hindi siya nag-abroad. Nasa-opisina lang naman daw siya.", sagot naman ni Ma'am Lina kay Sheila habang tinatanaw ang mga guest, naghahanda kung mayroong maipaglilingkod sa mga ito. "Eh, bakit hindi na siya pumupunta dito sa restaurant? Bago 'yan ah."
*Bat mo ba kasi hinahanap ha?
Girlfriend ka ba niya?! Ang dami mong tanong ah!* gustong singhalan ni Nicolah si Sheila.
"Ewan ko lang. Pero palagi naman siyang tumatawag kay Joshua at sa amin ni Pinty para mangumusta dito sa restaurant.", nagkibit-balikat lang si Maam Lina kay Sheila.
"Ganon ba, Ma'am? Bakit kaya? 1 week na diba siyang hindi pumpunta dito? Nakakapanibago lang. Eh halos dito na nga iyon tumira diba?", mahabang ngusong sambit nito na parang reporter kung makausyoso. *Wait, what?! Halos dito tumira? so it means palagi nga si Mr. Lewis dito? Eh bakit ngayon hindi na siya pumupunta dito?*
"Siguro dahil kompleto na ang manpower natin dito sa restaurant. Simula nong nag start na kasi sila Beau at Nicola ay iyon din ang araw na hindi na siya pumupunta dito.", sabi naman ni Ma'am Lina na ikinatigil niya. *Ano daw? Simula nong dumating kami dito? Ako dito? Don't tell me...
Wait, hindi naman siguro dahil sakin diba? Kung bakit hindi na siya pumupunta dito?! OMG, Nicolah!*
Hindi na siya nakinig dito dahil hindi niya alam kung magsasaya siya o masasaktan. Mabilis niyang tinapos ang ginagawa at linagay niya na ito sa tamang lalagyan at pinuntahan na si Ms. Lina.
"Ma'am tapos na po ako. Uwi na po ako.", magalang na pagpapaalam niya dito.
"Oo, sige Nicz. Thank you ah, ingat ka sa pag-uwi.", nakangiting sabi ni Ms. Lina sa kanya.
Nagpasalamat lang siya kay dito at pumunta na sa biometric time clock at nag punch-out. Naglalakad na siya papalabas sa back door ng tinawag siya ni Sheila, "Nicccz!", habol-habol nito ang hininga dahil sa pagtakbo para maabutan lang siya. Hinarap niya si Sheila at binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin.
*Bakit parang naiirita ako bigla kay Sheila?*, tanong niya sa isip niya.
"Pakisuyo naman oh. Pwede bang bilangin mo kung ilan na lang ang meron sa mga ito doon sa stock room?", sabi nito at may inabot na maliit na papel sa kanya, "Please Nicz, tapos e message mo nalang sa akin. May number kana naman sakin diba?", tumango lang siya bilang sagot, "Pakibilangin ng maayos ha? Salamat Nicz, bye!", at umalis na si Madam pagkatapo siyang utusan. Tsk!
*Nag-out na nga ako diba? Hayyyys!*
Bumuntong hininga nalang si Nicolah at naglakad na papunta sa locker room. Nagbihis muna siya ng simpleng white tshirt at black shorts bago pumihit papunta sa kabilang silid, ang stock room. Pagkapasok niya sa stock room ay tinignan niya muna ang maliit na papel para makita ang mga kailangan niyang bilangin.
• Toilet paper
• Tooth pick (per pack)
• Aluminum Foil Paper
• Cling Wrap
• RE 750
• RE 1000
Konti lang naman pala, ba't hindi nalang si Sheila ang gumawa nito? Tch.
Pagkatapos niyang makita ang mga nakasulat ay pumunta na siya sa pinakadulong bahagi ng silid kung saan nakalagay ang mga toilet paper at ito ang unang binilang niya.
Nagbibilang na siya ng mga RE 750 nang may marinig siyang pamilyar na boses na ikinatigil niya.
"Yes. No, you don't have to come to the stock room, Josh. I'll be the one to double check it, just continue what you're doing there. Okay, no worries. Bye.", sabi ng baritonong boses na narinig niya. "Hey, who's there?", tanong naman nito pagkatapos nitong magpaalam sa kausap sa cellphone nito, na nagpaigtad sa kanya.
Mabilis siyang pumihit patalikod para sana magtago pero ang hindi niya inaasahan ay ang matapilok siya!
"Aaahhh" napasigaw siya sa sakit ng nadapa siya sa sahig. Nakagat niya ang labi niya ng nakaramdam siya ng hapdi sa tuhod niya. Buti nalang at naitukod nya ang siko at kamay niya kaya hindi nabagok ang ulo niya. "H-hey.. Farrah?", mariin siyang napapikit sa kahihiyan nang lumuhod si Mr. Lewis para daluhan siya. Tinulungan siya nitong maupo ng maayos doon sa sahig. "A-aw, a-aray...", napaigik siya sa sakit ng tuhod at paa niya.
"Careful. Okay ka lang ba? Saan ba masakit?", maypag-alalang tanong nito sa kanya.
Tinignan nito ang mukha niya, ang siko niya, ang mga kamay niya, hinahap kung saan siya may sugat. Mahina itong napamura ng makita ang tuhod niyang maygalos. "Kailangan natin gamotin 'to.", sabay turo nito sa tuhod niya, "How about your feet? masakit din ba?", tumango lang siya bilang sagot dito.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Hindi niya maibuka ang bibig niya dahil nanunuyo na naman ang lalamunan niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya ng makita si Mr. Lewis pagkatapos ng isang linggo nitong hindi pagpapakita sa kanya.
*What is he doing here? Akala ko ba hindi na siya pumupunta dito? Bakit andito siya ngayon ha?! Hoy, Nicolah! Baka nakakalimutan mong siya ang may-ari ng restaurant na to kaya may karapatan siyang pumunta dito! Nadapa ka na't lahat ang presensya niya pa ang inaatupag mo diyan!*, kinakastigo na ni Nicolah ang sarili sa isipan niya.
"Can you stand up?", tanong nito sa kanya. Pinakiramdaman niya naman ang paa niya ngunit napangiwi na lang siya ng makaramdam ng sakit nang sinubukan niyang inangat ang binti niya.
"Nevermind.", ani nito at bigla nalang siyang kinarga.
"Aaaay!", napasigaw siya dahil sa gulat!
Magre-react na sana siya ngunit hindi niya nalang ginawa. Nahihiya siya at ang lakas ng kalabog ng puso niya dahil magkadikit na naman ang mga katawan nila. Mahigpit ang pagkakawahak nito sa kanya pero sa kabila ng higpit na iyon nakaramdam pa din siya nang grabing pag-iingat. Na para ba siyang isang mamahaling bagay na ayaw nitong mabasag.
Dinala siya ni Mr. Lewis sa locker room at dahan-dahan siyang iniliapag sa isa sa mga higaan nila doon. Umalis ito at pumunta sa kung saan at nang makabalik ay may dala na itong first aid kit.
"I'm going to clean your wound. Just tell me if hindi muna kaya ang sakit, okay?", mataman na wika nito habang nakatayo sa harapan niya.
Nakatingala niya itong tinignan at naikagat niya ang labi niya bago nagsalita, "H-hindi na po kailangan s-sir. Kaya ko n-naman pong gamutin ang s-sarili ko.", nahihiyang sambit niya dito. Narining niya itong malakas na bumuntong-hininga at parang walang narining ng umupo ito malapit sa may tuhod niya.
*Bakit niya ba ginagawa ito ha? Akala ko ba ayaw niya ang akong makita?!*
Binuksan na nito ang first aid kit at nagkuha ng Agua Oxigenada, Betadine at cotton balls.
Ayaw na niyang makipag argumento kaya hinayaan niya nalang ito. Dahan-dahan niyang iginilid at inilapit ang tuhod niya sa lalaki para hindi ito mahirapan sa paggamot sa sugat niya.
Pinagdikit niya ang kanyang mga labi at mariing ipinikit ang mga mata, naghihintay sa hapdi pag inilapat na nito ang gamot sa sugat niya. Ngunit, ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa din siya nakaramdam ng hapdi doon. Bahagya nyang ibinuka ang isang mata niya at sinilip kung ano na ang nagyari kay Mr. Lewis, ngunit napamulahan nalang siya ng pisngi nang mapagtanto kung bakit naudlot ng binata ang panggagamot sa kanya. To be continued...
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report