ONE WONDERFUL NIGHT
CHAPTER 26

Farrah Nicolah's POV:

"Nicz, bakit nawala ka nalang bigla kagabi? Saan ka nagpunta?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko sa tanong ni Via. Break-time na namin ngayon kaya nasa locker room na kami, kumakain. Kinakabahan akong napatingin sa kanya. Nakita ko ang kyuryosidad sa kanyang mga mata. Napa-lunok ako. Ano kayang ida-dahilan ko? Pagkatapos no'ng nangyari sa'min ni Flynn kagabi sa kanyang sasakyan, nag-usap lang muna kami ng konti tapos ay hinatid niya na agad ako pauwi. Nag-iinit bigla ang pisngi ko nang maalala iyon. Hmmp. "Ahm.. Ano.. M-may pinuntahan ako."

Pinagdikit ko ang labi ko nang mautal ako. Pasimple kong inabot ang water bottle ko at uminom. Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko ng maalala ko si Flynn. After he said those three letter words, my world seems suddenly stopped. Hindi pa nga nahuhupa ang masarap na sensayong nalasap ko no'ng oras na 'yon, binigla niya naman ako sa sinabi niya. Hindi tuloy ako nakakibo dahil do’n.

"Akala ko sumama ka na kay chef. Sabay kasi kayong nawala. Hinanap ka kaya namin kagabi ni Beau." wika ulit ni Via sa'kin.

"Ah, oo. Nagkasabay kami ng uwi." sagot ko naman sa kanya at tumayo na. "Wait lang ah, excuse me.."

Kinuha ko ang pinagkainan ko at pumunta sa may lababo. Nakahinga ako ng maluwag nang nalayo ako sa kanila. Ayaw ko nang mag sinungaling kaya tipid ko nalang siyang sinagot.

Ayaw ko nang ipagsabi sa kanila ang mga bagay na dapat ay personal lang. I mean, wala naman siguro akong obligasyon para sagutin lahat ng tanong nila hindi ba? Tama na 'yong sinabi ko na nagkasabay kami ni Flynn pauwi. I will just leave it there, hanging. Nasa sa kanila na 'yon kung anong gusto nilang isipin.

Napanguso ako. Ayan, Nicolah! Nag o-overthink ka na naman. Nagtatanong lang naman si Via ah? Ba't napaka defensive mo masyado? Hay nako, masyado ka lang talagang gulity!

Napailing nalang ako sa aking sarili. Pagkatapos kong hugasan ang aking pinagkainan ay inilagay ko na muna iyon sa dish drainer. Mamaya ko na iyon kukunin pagka-uwi ko. Naglalakad na ako ngayon papunta sa may bed room area, na nasa kabilang dulo ng locker namin. Napag-isipan kong do'n nalang ako magpapalipas ng oras. Apat lang kaming closing shift, kaya kami lang din ang nandito ngayon na naka on-break. Tapos na ang iba naming kasamahan kanina kaya walang ibang tao dito.

Nang makarating ay agad akong umupo sa gilid na bahagi nang isa sa mga kama na nandito. Pinagkrus ko ang aking mga paa at nakapangalumbaba. Ipinalibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng kwarto.

Ang swerte namin dahil nandito kami. Napakaswerte namin dahil si Flynn ang amo namin. Parang hindi ito isang locker room eh. Para na itong isang simpleng bahay kung tutuusin. May dinning area, bedroom, may restroom na separate cubicle for girls and boys, may shower room at may parang salas pa.

Napakabait niya talagang tao. Kasi iniisip niya talaga ang kapakanan naming mga workers niya. Kung sa ibang employer pa ito, nako! Isang bodega lang ang magiging locker room niyo, hindi katulad dito.

Speaking of Flynn.

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Naalala ko na naman tuloy ang nagyari kagabi.

Sa maraming beses ko nang narinig si Flynn na nagtapat nang kanyang nararamdaman para sa'kin, akala ko ay hindi na niya ako mabibigla. Ngunit, nagkakamali pala ako. Iba pa rin talaga ang epekto ng tatlong katagang iyon. Bukod sa pagkagat ng labi ko, wala na akong ibang naging sagot pagkatapos niya iyong sabihin. Literal na napipilan ako, na para bang huminto bigla ang ikot ng mundo ko.

Ngunit sa kabila nang katahimikan kong reaksyon. Kabaliktaran naman no'n ang aking naramdaman sa aking kaloob-looban. Mas dumoble pa ang tibok ng puso ko no'ng narinig ko 'yon. Na para bang gusto na nitong kumawala dahil sa bilis at lakas nitong kabog. Kakalasap ko lang sa kaluwathian no'n, ngunit, nang marinig ko 'yon ay para akong dinuduyan sa sarap sa pakiramdam.

I know napaka sinungaling ko na nitong mga nakaraang buwan. Pero kahit ano pang tanggi ang gawin ko sa sarili ko, alam kong meron din akong nararamdaman para sa kanya.

Ngunit sa kabila ng nararamdaman ko sa kanya, hindi ko pa rin maikakaila na natatabunan pa rin iyon nang takot. Takot na baka masaktan na naman akong muli kung hahayaan ko ang sarili kong mas mahulog ang loob sa kanya.

Kaya hindi ko na talaga alam kong anong dapat kong maramdaman. Ayaw kong lumalayo siya sa'kin, ngunit natatakot din akong baka masaktan na naman ako pag dumating man ang araw na 'yon.

***

"Nicz, pwede ka bang kumuha nang Aluminum Foil at RE-1000 do'n sa stock room?" Biglang sabi ni Ma'am Pinty sa'kin. "Para may mapaglagyan tayo ng mga take-out ng guest mamaya."

Nandito ako ngayon sa station ko. Naka assign ako sa first four tables malapit sa entrada ng restaurant. Meron kasi kaming designated area kung saan kami ang naka-assign na kukuha ng orders at mag se-serve sa guest na uupo doon sa area namin. Kasali na din sa assignment ko ang salubungin ang mga guest na pumapasok.

Liningun ko si Ma'am Pinty na nasa gilid ko at masunurin akong tumango.

"Okay, sige po Ma'am. Pupunta na po ako." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Ilang RE-1000 po pala ang kukunin ko po?"

"Ano.. siguro mga 20pcs nalang." sagot naman ni Ma'am Pinty sa akin.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Tumango ulit ako sa kanya at nagsalita, "Sige po, Ma'am. Kukuha na po ako."

"Sige. Ako na muna ang magbabantay dito sa area mo." sabi naman ni Ma'am Pinty sa'kin.

"Thank you po, Ma'am." 'yon lang ang sinabi ko at umalis na.

Naglalakad na ako sa papunta sa stock room, nang mapatingin ako sa may dispatching area. Sisilipin ko sana si Flynn ngunit ang hindi ko ine-expect ay nang tumingin na'ko do'n ay nakatitig na pala siya sa'kin. Mabilis kong naibalik ang aking mga mata sa dinadaanan ko. Napanguso ako para pigilan ang aking ngiti. Para akong tanga! Hindi ko alam kung bakit parang kinikiliti ako bigla.

Naipaling nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Para akong teenager na kinikilig dahil naabutan ko ang aking crush na tumitingin sa'kin. Waahhhh!!! Inhale - exhale, kalma lang Nicolah!

Pagkadating ko sa stock room ay dumiretso na ako sa kung saan nakalagay ang aluminum foil. Kukunin ko na sana 'yong isang box nang may biglang humawak sa kamay ko, na hahawak sana sa box na 'yon.

Mabilis akong pumihit sa aking likuran para sana kompirmahin kung siya nga ba talaga ang may-ari nang pamilyar na kamay na 'yon. Ngunit, nanlalaki ang mga mata ko nang hindi ko sinasadyang magtama ang mga labi naming dalawa nang lingunin ko siya. Tama nga ako, dahil siya nga ang may-ari ng kamay na 'yon.

Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat. Ngunit mas lalo akong natigilan ng hinawakan niya ang magkabila kong bewang at mas pinagdikit pa ang mga katawan namin.

Kumalabog ang puso ko nang ipinikit ni Flynn ang kanyang mga mata at nagsisimula ng gumalaw ang labi nito.

He is teasing me by sensually licking and sucking my lips kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ibinuka ko ang bibig ko at mabilis naman nitong sinunggaban ang pagkakataon. He inserted his tongue inside my mouth.

Napa-kapit ako sa dibdib niya, sa chef's uniform na suot niya. Isinandal niya ako sa rack at pinailaliman ang halikan namin. Mahina kong nakagat ko ang labi niya nang biglang bumaba ang isang kamay niya sa may hita ko, humahaplos. "Flynn.." Hinihingal akong bumitaw sa halikan namin. "Baka hinahanap na ako ni Ma'am Pinty."

I saw him close his eyes and heaved a sigh. Pagbukas ng mga mata nito ay malamlam niya akong tinitigan.

"I'm sorry. Hindi ko napigilang sundan ka dito." sabi nito sa'kin.

Tumango lang ako at napanguso. Inayos ko ang damit at palda ko na bahagyang nagusot. Tumalikod muna ako sa kanya at kinuha na ang isang box ng aluminum foil at ang RE-1000.

"Una na ako sa loob ha?" mahinang boses kong pagpapaalam sa kanya.

"Okay." Lumapit ang mukha niya sa'kin at pinatakan ako ng isang halik sa labi. "I will take you home later, okay?"

I pressed my lips together to suppress my smile and nod my head again, "Ahm, sige. See you nalang sa loob!" sabi ko kay Flynn at nagmamadali nang lumabas ng stock room. Patay ako kay Ma'am Pinty nito! Hindi naman siguro ako masyadong nagtagal do'n diba?

"Oh, Nicz! Anong nangyari sa'yo? Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ni Via sa'kin ng nakabalik ako sa loob ng restaurant.

Kunot-noo naman akong napatitig din sa kanya, "Ha? Ano bang meron sa mukha ko?" tanong ko sa kanya at kinapa ang aking mukha.

"Namumula ka kasi." sabi nito at bumaba ang tingin sa kabuuan ko. Parang iba iyong tingin niya. May nararamdaman akong kakaiba.

Napataas ang kilay ko. Nahahalata ko na ang pagka-observant nitong si Via. Ano bang gustong palabasin niya?

"Ah gano'n ba? Ewan ko lang kung bakit." walang pakialam kung sabi at bumalik na sa station ko.

Siguro nga oras na para hindi ang iisipin ng iba ang unahin ko. Nakakairita na kasi masyado.

To be continued...

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report