ONE WONDERFUL NIGHT
CHAPTER 30

Farrah Nicolah's POV

HINDI alintana sa akin ang halos dalawang oras na biyahe dahil sa totoo lang ay nangingibabaw ang excitement na nararamdaman ko.

Di kalaunan ay huminto kami sa isang malaking kulay asul na gate. Bumusina si Flynn at kusa na itong bumukas. Pinausad ni Flynn ang sasakyan at pumasok kami ro'n.

"Good morning, Sir Flynn. Welcome back po." Bumati ang isang lalaki na sa tingin ko ay ang gwardya nila dito. Nang makita niya ako ay ngumiti rin siya sa akin at bumati. "Hello, ma'am. Magandang umaga ho." Bumati rin kami ni Flynn pabalik sa kanya. Pagkatapos ay pinaandar na ulit ni Flynn ang sasakyan.

"Andito na ba tayo, Flynn?" Hindi ko napigilang magtanong sa kanya. Nakatutok ang mga mata ko sa labas ng makapal na salamin ng sasakyan niya.

Ang nakikita ko sa labas ay may mataas na pader na may modernong disenyo. Sa pinakatuktok ng pader ay mga mga kulay puting spikes. Habang umaandar naman ang kotse ay nadadaanan namin ang mga hugis tatsulok na puno na nakahilerang sa magkabilang bahagi ng driveway. May mga outdoor lamps din sa bawat sulok nito.

"Yes, baby. We are already here." Sabi ni Flynn at inihinto ang sasakyan sa harap ng isang malaki, magarbo at modernong tatlong palapag na bahay.

Sa labas palang ay nagsusumigaw na ito ng karangyaan, ano pa kaya sa loob?

Bumaba si Flynn sa driver seat at mabilis na umikot sa side ko. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inilahad ang kanyang kamay sa akin. Nakagat ko ang aking ibabang labi habang tinitignan 'yon, inabot ko yon at pagkatapos ay iginiya niya ako pagkalabas ng sasakyan.

"Thank you, Flynn." Pagpapasalamat ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin bilang sagot. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa aking likod gamit ang kaliwang kamay niya. Iginiya niya ako papunta sa entrada ng malaking bahay. May nakikita akong isang matandang babae at magandang dalaga na nakatayo doon at nakangiting tinatanaw kami.

"Flynn, hijo, magandang umaga! Kamusta ang inyong byahe?" Bati ng matanda kay Flynn nang makarating kami sa kanilang harapan. Pagkatapos ay lumingon ito sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Lihim akong napalunok. Sa klase kasi nang tingin niya sa akin ay para niya akong sinusuri. Sino ba 'to? Lola ba 'to ni Flynn?

"Good morning, Nana!" Bumati rin si Flynn sa matandang babae, at ang sunod niyang ginawa ay nagpamangha sa akin. Nagmano siya sa matanda! OMG, it is just surreal to see a man such as Flynn Noah Lewis na nagmamano sa matanda! Alam ko namang nasa kanya na halos lahat nang mabuting katangian ng tao, pero hindi ko pa rin mapigilan ang mamangha! "It's so nice to see you again, Nana. The trip was bearable as usual. How are you all doing here?"

"Masaya rin akong makita kang muli, hijo. Mabuti naman at nakabisita ka na ulit rito." Masayang sabi nang matandang tinawag ni Flynn na Nana. Tumingin ulit ito sa akin kaya napatayo ako ng tuwid. Pero, nakahinga ako nang maluwag, nang matamis ako nitong nginitian, na nginitian ko rin pabalik. Hindi naman pala ito gano'n ka stricta katulad nang naisip ko kanina. Hooh... "Atsaka may maganda ka pang binibining dala rito. Hali na muna kayo sa loob. Dito mo na ipakilala sa akin 'yang kasama mo."

Nakahawak si Flynn sa bewang ko habang papasok kami sa loob. Pagkatungtong pa lang ng mga paa ko sa loob ng bahay nila ay napanganga ako. Tama nga ako dahil mas nakakamangha nga ang nasa loob nito.

Umupo kami sa isang pahaba at mamahaling sofa. As usual nakadikit na naman si Flynn sa'kin. Ewan ko ba sa lalaking 'to. Parang ayaw na niya akong bitawan eh.

Napatuwid ako nang upo nang pagtingin ko sa harapan ay nakitang kong nakatingin na yong Nana sa amin. Bumaling ang mga mata niya sa kamay ni Flynn na nakahawak sa kaliwang hita ko. Nakita kong napangisi siya dahil do'n, kaya napalabi naman ako..

"Yesha, apo. Sabihan mo si Maria na padalhan nang inumin dito para kay Sir Flynn at sa kasama niya." Narinig kong wika ng matanda sa magandang dalaga na kasama nito kanina.

"Okay, La. Sige po." Masunurin naman itong sumunod sa utos ng kanyang lola.

"Oh, hijo! Ipakilala mo naman ako sa maganda mong bisita." Hindi nawala ang ngiti sa labi ng matanda habang kinakausap si Flynn.

"Yeah, haha sorry I forgot. Anyway, Nana, this is Farrah." Pinakilala ako ni Flynn doon sa tinatawag niyang Nana. Pagkatapos ay bumaling ulit siya sa akin at nagsalita. "And, Farrah, this is Nana. She has been with us since I was just 7 years old. Now, she is the one who is taking care of our rest house here."

"Hello, po. Kinagagalak ko po kayong makilala, Ma'am." Magalang kong sabi do'n kay Nana.

"Mas kinagagalak kitang makilala, hija." Sabi naman nito sa'kin. Lumingon ito kay Flynn at ngumisi. "Ito na ba ang iyong nobya, hijo?"

Napaubo ako bigla, para akong nabulunan sa sarili kong laway nang marinig ko ang tanong ni Nana! Mabuti nalang at may dumating na babae at may dalang tubig. Kinuha ni Flynn ang baso sa babae at inabot iyon sa akin. Uminom ako ng tubig habang hinahaplos ni Flynn ang likod ko. Shet, nag over react pa ata ako!

"Baby, are you fine?" Nag-aalalang tanong ni Flynn sa'kin. "What happened to you?"

Tumango ako sa kanya, "Ahm, oo, ayos lang ako. Nabulunan lang ako, sorry."

Kumunot ang noo ni Flynn habang nakatitig sa akin. Siguro'y naguguluhan siya kung bakit ako nabulunan, eh hindi naman ako kumakain o umiinom! Pfft.

Napabaling kaming dalawa ni Flynn nang marining naming tumatawa si Nana. Naguguluhan ko siyang tinignan, anong nakakatawa?

"Hahaha. Pasensya na kayo. Natawa lang ako sa reaksyon nitong si Farrah. Tinanong ko lang naman kung siya na ba ang nobya mo, hijo, ngunit nabulinan na lang siya bigla. Hahaha!"

Napatanga ako sa sinabi ni Nana. Kasabay no'n ay naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko pababa sa batok. Gano'n ba kahalata na naapektuhan ako?! OMG.

"Really? Oh, I don't know." Parang namangha pa si Flynn sa sinabi ni Nana. "Yun pala ang dahilan, baby?" Maang niya pang dugtong.

Mariin akong pumikit, pagkatapos ay marahang bumuntong-hininga.

"Hindi, ah! Nabulunan lang talaga ako." Pagde-deny ko pa.

"Oh, siya. Oh, siya." Sabi ni Nana na para bang kinakalma niya ang sarili niya para hindi na siya matawa. I am just looking at her intently, amazed at her reaction. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit parang ang saya-saya niya? "Ano na nga ba ang sagot do'n, hijo? Ito na bang si Farrah ang nobya mo?" Ulit na tanong nito.

Ngayon, sinusubukan ko na talagang wag magpaapektuhan. Eh, bakit naman kasi ako naaapektuhan, diba? My gosh, Nicolah! Ano na bang nangyayari sa'yo, self?!

Habang naghihintay sa sagot ni Flynn ay pasekreto akong nakikinig. Kahit alam ko na naman ang sagot no'n, curious pa rin ako sa kung ano ang sasabihin niya.

Ang mga mata ko ay nakatingin lang sa mesa na nasa harapan namin, pero ramdam na ramdam ko pa rin na mariing nakatitig si Flynn sa'kin. Bahagya akong napaigtad ng bigla nalang niyang ipinatong ang kamay niya sa balikat ko, uma- akbay sa akin.

"Well, just to honest, Farrah is not my girlfriend as of now, Nana. But..." Liningon ko siya nang binitin niya ang kanyang sinabi. "Hindi natin alam... Baka pag-uwi namin mamaya ay nobya ko na pala siya. Diba, baby?" Seryoso ang mukha niya habang tinatanong 'yon.

Napipilan na naman ako at napalunok nalang. Hindi pa ako sigurado sa isasagot ko kaya itinikom ko nalang ang aking bibig.

Pagkatapos no'n ay nagpapasalamat ako dahil sumingit si Nana. Hindi daw siya makapaniwala na nanliligaw pa pala si Flynn sa'kin. Akala niya raw talaga ay mag nobyo at nobya na kami. Sinabi niya rin sa akin kung gaano kabait, matulungin, at mapagkumbaba si Flynn. Wala na raw akong dapat hanapin pa dahil na sa kay Flynn na daw iyon lahat.

Gusto ko ngang matawa nong sinasabi niya 'yon dahil para niya talagang nilalakad si Flynn sa akin. Hindi niya rin pinaglagpas na sabihin na ako pa raw ang pinaka-unang babae na pinakilala ni Flynn sa kanya. Sabi niya rin na sigurado siyang espesyal ako para kay Flynn at seryoso raw ito sa akin, dahil hindi naman daw nakikipagrelasyon si Flynn dati. Mas pinipili pa raw kasi nitong mag focus sa sariling negosyo o di kaya ang pagtulong nito sa ama, sa pamamalakad ng kanilang kompanya.

Ilang minuto pa ang usapan nila nang bigla nalang nanghingi ng pahintulot si Flynn na aalis na raw kami.

"Ay nako! Pasensya na at naparami pa ata ang nasabi ko. Sige na at pumanhik na kayo, para mas marami pa ang oras na gugulugin niyo doon. Mag enjoy ka doon Farrah, ah?" Yan ang huling sabi ni Nana bago kami umalis. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero sumunod lang ako sa kanya. Napakunot ang noo ko nang papunta kami sa likurang bahagi ng bahay nila.

"Saan ba tayo pupunta, Flynn?" Di ko napigilang tanong sa kanya.

Huminto siya sa paglalakad at hinitay ako. Nang nasa harapan niya na ako ay hinawakan niya gamit ang dalawang kamay niya ang magkabila kong bewang. Napapikit ako nang bigla niya nalang akong hinalikan sa labi. "You will know it when we arrive there."

Kalmado niyang sabi at hinawakan ako sa aking bewang. Naglalakad na kami ulit at seryoso lang siya sa tabi ko, habang ako rito ay para nang aatakehin sa puso. Hindi ko alam pero feeling ko ay parang normal na gawain na lang iyon sa kanya. Iyong mga gestures na kanyang ginagawa, na dapat ay ang magkarelasyon lang sana ang gumagawa.

Pero ano pa ba 'tong inaarte ko? Alam ko namang naghihintay na lang si Flynn sa sagot ko. At isa pa, sobra pa nga sa halikan ang nagawa na namin...

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Omg Nicolah ano ba 'tong mga iniisip mo!

Napaawang ang labi ko at nanlalaki ang mata ko nang tuluyan na kaming makalabas sa likurang bahagi ng kanilang bahay.

A blue crystal clear water and the calm waves of the ocean welcomed me.

"Hala! May dagat pala dito?!" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Flynn habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa malawak at malini na karagatan.

I am completely astonished at what is in front of me right now. I didn't expect na may dagat pala dito sa likod ng bahay nila. Hindi naman kasi kita iyon if galing doon sa labas. Matagal na akong hindi nakakapunta ng dagat kaya hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita ko ngayon sa aking harapan! Flynn Noah's POV

"Hala! May dagat pala dito?!" Farrah asked, amusement is evident in her eyes.

I pouted. Her reaction is just so cute. Her eyes widen and her lips parted. She surely didn't expect to see what she is seeing now.

"Yeah. Let's go?" Smiling widely, I ask her.

"Ha? Saan na naman tayo pupunta?" She unbelievably asked, again.

I puckered my lips and pointed it to where my double-deck yacht was currently docked.

"Can't you just trust me and come with me?" I answered and diverted my attention back to her.

When I saw her reaction, I gently grab her again. I hold her perfectly shaped feminine shoulder, slightly hugging her sideways.

I slightly bent down to level our faces. I then, tilted my head and brought my lips near her ear and whispered.

"Let's go, baby. Because I can't wait to finally spend the rest of the day with you. Just the two of us. On that private island." To be continued....

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report