ONE WONDERFUL NIGHT -
Chapter 42
Farrah Nicolah's POV
"Nicz, why aren't you letting me bring you home na?" Tanong ni Beau na nagpatigil sa'kin. Maharan akong nagpakawala ng hangin sa dibdib. Linigon ko siya at nakita kong naghihintay siya sa sagot ko. Linapag ko sa gilid ang baso na pinunasan ko na. Pagkatapos ay liningon ko ulit siya at nagsalita na.
"Eh, kasi nga magkikita ulit kami no'ng kaibigan ko ngayon. Sorry naman, Beau. Atsaka salamat na rin sa offer mo. Buti na rin iyon para hindi na kita ma estorbo 'no." Pagdadahilan kong sagot sa kanya. Kumunot ang noo niya at umiling.
"Hindi ka naman disturbo ah! And, what were the two of you up to? Why are you always meeting up late, anyway? And did that friend of yours already know na it's too late for you to meet him or her up? Alam niya ba na galing ka pa sa trabaho at 11 PM ka nang nag out sa work mo?" Mahabang komento niya.
Napangiwi ako. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko na alam ang idadahilan ko sa kanya. Dalawang araw na ang nakalipas simula no'ng gabing naging magkarelasyon na kami ni Flynn. Simula din kasi ng gabing iyon ay siya na ang palaging naghahatid sa akin pa-uwi. Kaya lang ang hindi ko maintindihan ay kung bakit gustong-gusto rin ng Beau ito na siya ang maghatid sa akin.
Napanguso ako sa aking naiisip. Farrah naman! Friend mo kaya si Beau. Kaya siguro gusto niya na siya ang maghatid sa'yo ay dahil gusto niya lang naman na safe kang maka-uwi! Ikaw na nga 'tong pinapakitaan ng kabutihan, ikaw pa 'tong ganyan mag isip! Tsk.
Napabuntong hininga ulit ako dahil sa naiisip ko. Tama nga naman. Pwede naman sigurong sabihin ko na lang sa kanya na may boyfriend na ako, at iyon ang maghahatid sa akin pa-uwi diba? Pwede ko namang sabihin iyon, basta ba ay hindi ko na lang sasabihin sa kanya kung sino iyon.
Sa nagdaang araw rin ay naka-usap ko na si Flynn patungkol sa relasyon namin. Hindi naman sa gusto kong itago ang kung ano ang meron kami. Pero ang akin lang naman ay if kung pwede ba na wala na munang makaka-alam, na kahit sinong ka-trabaho ko, sa kung ano kaming dalawa.
After all, he is still my boss and I am his employee. Ayaw ko talaga kasing baka iba ang isipin ng iba kapag nalaman nila. Ayaw kong mag-isip sila ng kung ano, lalo na kung hindi iyon mabuti patungkol sa amin. Dahil sa huli ay hindi lang naman ako ang maaapektuhan kong pagsasalitaan nila kami ng masama. Baka pati si Flynn ay mapagalitaan din nila ng hindi magandang salita.
Hindi naman sa nagiging judgemental ako sa mga kasamahan ko. Pero mas mabuti na rin iyong ganito. Malaki naman ang pasasalamat ko at naiintindihan naman ni Flynn ang hinaing ko. Naiintindihan niya na kapag nasa trabaho kami ay dapat tatratuhin niya pa rin akong empleyado niya at hindi girlfriend. Kaya nga kahit gaano niya pa kagustong makasama ako tuwing break time ko ay hindi na niya pinipilit. Isang oras lang din naman ang break time ko ngayon sa schedule ko na afternoon shift kaya naiintindihan din niya iyon. Sabi ko na lang sa kanya na babawi na lang ako kapag broken na ang schedule ko dahil mataas-taas na oras naman ang magiging break-time ko kapag ganon.
At isa pa, siya naman ang palagi ng maghahatid sa akin pa-uwi kaya may bonding time pa rin kami kahit ilang oras lang iyon.
Liningon ko ulit si Beau sa aking tabi. Close na ang restaurant namin at tinatapos na lang namin ang pagpupunas ng nga nagamit na baso, plato, at utensils.
"Beau, may sasabihin ako sa'yo." Mababang boses na sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam kong bakit, pero kinakabahan talaga ako. Napabuntong hininga ako ulit at bahagyang napapailing. Bakit ka naman kakabahan, Farrah? E hindi mo naman sasabihin sa kanya na ang amo niyo na si Flynn pala ang boyfriend ko ah! Hay nako sa'yo, Nicolah!
Tumaas ang isang kilay ni Beau. "What is it? You're not answering all my questions, Farrah. And also, is that friend of yours a girl or a boy?" Dagdag niya pa.
Napailing na lang ako at napanguso. Hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin ako makapaniwala na naging magka-close kami ng lalaking ito.
"Beau, may boyfriend na ako." Diretsong sabi ko sa kanya. Natigilan siya ng marinig ang sinabi ko. "At siya 'yong naghahatid sa akin pa-uwi simula pa kahapon." Pagsasabi ko sa kanya sa totoo.
"When did you have a boyfriend?" Tanging tanong niya.
Napalunok ako. Sasabihin ko bang noong isang gabi lang? Tsk!
"Ahm, bago lang." Iyon lang ang naging sagot ko sa kanya.
Tumango siya at nagkibit-balikat. "Ah, okay. Congrats, then!" Sabi niya at bumalik na sa pagpupunas ng kutsara.
Okay lang ba siya? Bakit parang nag-iba yata bigla ang mood niya?
Natapos na ang lahat ng kailangan naming gawin. Katulad ng dati ay maaga na naman kaming natapos kaya kailangan pa naming maghintay ng ilan pang minuto before kami makapag punch out.
Nakaupo lang ako sa isa sa mga upuan na nandito sa dining area. Nasa katapat kong upuan si Beau. Habang ang iba ko namang kasamahan ay may kanya-kanyang lamesa at upuan rin.
Biglang nag vibrate ang cellphone ko na nasa aking bulsa. Kinuha ko iyon at nakita kong nag text ang boyfriend ko. Napanguso ako, nagpipigil na mangiti.
Boyfriend, huh?
Lumelevel-up ka na nga Farrah!
I click the message icon and opened his message.
From: Baby <3
Baby, I will just wait for you there, okay? In our usual spot. Super excited to see you. I love you, baby. []
Nakagat ko ang ibabang labi ko habang binabasa ang message ni Flynn. Kung maka excited naman ito parang hindi kami nagkikita magdamag habang nagtatrabaho ako dito sa restaurant niya ah! Wala sa sarili akong napapailing habang nagtitipa ng reply para sa kanya.
To: Baby <3
Okay, sige. Didiretsu na lang ako mamaya sa pagpasok sa loob. H'wag mo na lang e lock ang pintuan ah?
Message sent!
Wala pang dalawang minuto ang hinintay ko ng makatanggap na naman ako ng mensahe galing sa kanya. Bilis mag reply ah!
From: Baby <3
Yes, baby, I won't lock the door for you. Anyway, don't you miss me? Or... aren't you excited to see me? And wait, you forgot the most important thing. You haven't said your "I love you" back. :(
Napangiwi ako sa message niya. Simula no'ng nagkakami ni Flynn ay lumalabas na rin ang pagka-corny niya minsan. Pero kahit naman gano'n ay hindi ko naman maipagkakaila na kinikilig rin ako sa mga paganyan-ganyan niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Bumuntong-hininga ako at nagtipa ulit para replyan siya.
To: Baby <3
I miss you and I love you, baby! :*
Message sent!
Pagkatapos kong mag reply sa kanya ang sakto namang nagsitayuan ang mga kasamahan ko. Tumayo na rin ako at nakita kong tumayo na rin si Beau. Agad akong dumiretso sa biometric time clock para makapag-out na. Ramdam ko ang pagsunod ni Beau sa likuran ko. Kanina pa siya tahimik simula no'ng inamin ko sa kanya na may boyfriend na ako. Nagalit kaya siya dahil tinanggihan ko ang alok niyang ihatid ako sa bahay pa-uwi?
"Beau, okay ka lang?" Hindi ko napigilan ang tanongin siya.
Naglalakad na kami ngayon palabas ng store. As usual, dito kami dumaan sa back door papunta sa locker room. Natigilan si Beau sa tanong ko at nagkibit-balikat.
"Yeah, I am. Why?" Sagot niya sa akin.
Napasinghap naman ako at marahan na bumuntong-hininga. Kapagkuway tumango na lang ako sa kanya at tipid siyang nginitian. "Ah, okay. Sige."
Pumasok na ako sa locker room at mabilis na nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ng suot ko kanina ng papunta ako dito sa trabaho ay agad kong kinuha amg aking bag. Hindi na ako nagtagal. Dahil tulad nga ng sinabi ko, na kung pwede ay dapat walang makakaalam na kahit sino sa kanila, na kasamahan ko sa trabaho, tungkol sa relasyon namin ni Flynn.
At para mapanatiling sekreto iyon ay kailangan hindi nila ako makita na sasakay sa sasakyan ni Flynn. So it is either mauuna ako sa kanilang lahat na umalis dito sa locker room, o ang kabliktaran which is magpapahuli ako sa kanilang lahat na umalis. Pero since gusto ko nang makita at makasama ang boyfriend ko. Mas pinili ko na lang ang mauna sa kanilang lahat.
Nagpaalam ako sa kanilang lahat na mauuna na ako. Pati na rin kay Beau na parang walang ganang makipag-usap sa'kin. Nag sorry na lang ako sa kanya kahit hindi ko naman talaga alam kong ano ang problema.
Nag vibrate ang cellphone ko na nasa aking bulsa. Kinuha ko ito at agad na sinagot ang tawag. Kahit hindi ko na tignan ang screen ay alam ko na agad kung sino ang tumatawag. Isa lang naman ang taong atat na atat na makita at makasama ako e. Hehehe!
"Hi, baby. Where are you?" Masiglang bati niya sa kabilang linya. Napanguso ako at napairap. Masyado namang halata na super in love ang lalaking ito sa'kin! Tsk. Tsk. Tsk.
"Hello. Naglalakad na ako papunta d'yan." Tipid ko na lang na sagot sa kanya kahit nangingiti na.
Naglalakad na ako papunta sa parking lot. Ang pinag-usapan namin na kung saan kami magkikita, 'yong spot kung saan niya ipapark ang sasakyan niya, ay nandon sa kabila at pinakadulong bahagi ng parking lot. Doon mismo malapit sa may labasan para kapag dumating man ang mga kasamahan ko ay mauuna muna kaming makaalis bago nila kami madatnan.
Mabilis akong naglakad dahil ayaw kong maabutan nila ako. Kaya ng dumating na ako sa harapan ng isang pamilyar na sasakyan ay mabilis kong hinawakan ang door handle nito at pumasok na sa loob.
"Hi! Kanina k-" Naputol ang pagbati ko sa kanya ng bigla niya na lang hinawakan ang mukha ko at siniil niya ako ng halik.
Natigilan ako at hindi nakagalaw agad. Nanlalaki ang mga mata ko dahil hindi lang ito simpleng halik na dampi-dampi lang. Gumagalaw ang dila niya sa loob at bahagya niyang sinisipsip ang mga labi ko. Mahina niyang kinagat ang ibabang labi ko kaya ko nabuksan ang aking bibig. Agad niya namang sinunggaban ang pagkakataong iyon para ipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Hindi rin nagtagal ay tinutugunan ko na ang mga halik niya. Dumaan pa ang ilang minuto bago namin tuluyang napagpasyahan na tapusin ang halik.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Hinihingal kami pareho ng maghiwalay ang mga labi namin. Kapagkuway pinagdikit ni Flynn ang mga noo namin habang nakahawak pa rin siya sa pisngi ko. Ngumiti siya sa akin at sinabing. "I love you, baby." Puno ng emosyong sabi niya. Tumango naman ako at nginitian siya pabalik. "I love you too, Flynn."
Pagkatapos ng halikan naming iyon ay agad ng pinaandar ni Flynn ang sasakyan niya. Tahimik lang kaming dalawa habang nakikinig ng music na pinatugtog ko sa sakyanan ni Flynn. "Baby, is your mom at home?" Napabaling ako kay Flynn ng bigla siyang nagsalita.
"Ah, ngayon ba? Wala eh. May trabaho siya." Simpleng sagot ko.
Tumango siya at nilingon muli ako. Bago niya ibinalik muli ang paningin niya sa daan. Nakita ko siyang napanguso. "What time will she be home tomorrow?" Dagdag niyang tanong. "Hmm... Baka mga before 10 AM." Sagot ko.
Bakit niya tinatanong? Gusto niya na bang ma meet ang Mama ko? Well, dati pa man, kahit noong hindi pa kami mag nobyo ay gusto niya na itong makilala. At, pareho naman silang dalawa. So, baka pwede ko na silang ipakilala bukas? "Oh! Okay. And tomorrow is your day-off, right, baby?" Tanong niya na naman at tumingin sa akin.
Monday bukas at change schedule na naman ako. Bali since closing shift ako this week, starting next week ay broken shift na ulit ako. Pero, bukas, Monday ay day-off ko. Mas maganda iyon para makapagpahinga muna ako bago sumabak sa panibago na namang schedule.
"Ah, yes, baby. Why? Gusto mo magkita tayo?" Ako na mismo ang nagtanong sa kanya. For sure, gusto niya rin naman makipagkita sa akin bukas.
"Yeppp." Masiglang sagot niya. "But, is it fine, though?" Paninigurado niya.
Nagkibit ako ng balikat at sumagot. "Well, wala naman akong lakad bukas. Nasa bahay lang ako. So, yeah..."
"Okay, then! Tomorrow will be our baby time." Nakangising sabi niya. "I'm excited! Do you have any where you want to go?"
Nang maalala ko kung anong effort ang ginawa niya last time ay napangiwi ako. Hindi naman sa ayaw ko ang mga ginawa niya no'n, at hindi ko na-a-appreciate 'yong effort niya. Actually, sobra-sobra pa nga ang paghanga ko no'n, e! Imagine sa isang araw na 'yon ay nakasakay ako for the first time ng yati! At, 'di lang 'yon, kasi nakapunta rin ako sa isa sa pinakamagandang isla na nakita ko sa aking talambuhay!
"Ah, wala, e." Honest kong sagot sa kanya. Wala naman talaga akong lugar na naiisip na puntahan ngayon. "Okay lang naman sa'kin kahit saan, Flynn. Pero... pwede ba na h'wag na 'yong sa mga malalayong lugar, Flynn? At, pati na rin iyong lugar na kailangan mo pa gumastos ng malaki. Pwede naman sigurong sa bahay na lang namin? O-okay ba 'yon sa'yo?" Balik kong tanong sa kanya.
Lumiwanag ang mukha niya at nginitian ako. "Sure, baby! Your house it is, then!" Nakangising sagot niya. "I hope I will be able to meet your mom already." Bulong niya na narinig ko.
Napanguso naman ako. Okay, bukas na bukas rin. Ipapakilala na kita sa nag-iisang taong walang kapaguran sa pag-aaruga at pagmamahal sa akin.
To be continued...
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report