Our Own Kind of Story
Chapter 12:

Kita ko sa mata ng mga estudyante ang excitement nila para sa gaganaping Valentine's Ball, nagniningning ang kanilang mga mata dahil matutupad na ang isa sa masayang araw ng isang buhay estudyante. Dito kasi namin mararanasan na maging isang pinakagwapo at pinakamaganda kahit isang gabi lang. Nandito 'yong kulitan, sayawan at ang pinakahihintay ng lahat, ang masayaw nila ang kanilang special someone.

Napapitlag ako ng maramdaman ko ang mainit na hangin mula sa bibig ni Mar.

"Mar ano ba," reklamo ko, saka sinuri ang paligid. Tila wala namang nakakita sa ginawa niya. "Nandito sila, oh," paalala ko pa.

"Eh, ano ngayon?"

"Nababaliw ka na ba? Eh, kung maging laman tayo ng balita rito sa campus?" kinakabahan kong balik.

Bumuntong-hininga na lang si Mar at lumingon sa labas ng bintana ng classroom. Kita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya na tila naiinis.

Hindi pa lang talaga ako handa na malaman ng iba ang relasyon namin ni Mar. Natatakot ako para sa kaniya, sa reputasyon niya at baka pati ang pamilya niya madamay. Okay na siguro muna 'yong ganito.

Kinapa ko mula sa ilalim ang kamay niya at bahagya iyong pinisil. Humarap siya at ginawaran ko ng seryosong ngiti.

Mayamaya pa'y dumating na si Mr. Cruz, ang adviser namin. Dumeretso siya sa table sa unahan at tiningnan kaming lahat.

"Y'all look so excited, huh?" anito habang nakangiti. Excited namang sumagot ang ilan sa mga kaklase ko. "I'm excited too pero bago ang lahat may mahalaga akong sasabihin sa inyo."

Nagkaroon ng bulong-bulungan, lahat sila na-curious kung ano 'yon.

"Tungkol ho saan, Sir?" tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"Quiet, please," saway ni Mr. Cruz na agad namang nanahimik ang lahat. "Magkakaroon kayo ng bagong classmate. He is from Thailand and he choose to study here in our school," pahayag nito na ikinagulat ng lahat. "He just need to take some subjects here for him to graduate."

Nagkaroon na naman ng bulong-bulungan. Tumingin ako sa gawi ni Ken at tahimik lang ito na tila hindi interesado kung sino ang bagong magiging classmate namin. Bakit parang may lungkot na namumutawi sa mga mata nito? Mayamaya pa'y naagaw ang atensyon ng lahat ng pumasok ang isang magandang babae. Nagtaka ang marami at nagkaroon na naman ng mga bulungan. Bakit babae ang lumabas eh sabi ni Sir 'He'? Hindi ko alam pero pamilyar ang mukha nito, nakita ko na ba ito before?

"Nandito na ang bago niyong kaklase, class." Bumaling siya sa magandang babae o tama sigurong sabihing magandang lalaki. "Introduce yourself to your new classmates," utos nito.

Ngumiti ang magandang lalaki kay Sir, saka humarap sa amin. Tila nahihiya pa itong magsalita. Kapagkuwa'y ngumiti ito. "Hi," simula nito. Inayos pa nito ang ilang ligaw na buhok at inipit 'yon sa likod ng tainga. "Nice meeting you guys. Ahm...Ako nga pala si Malia Sanchez, 17 years of age and I'm from Thailand. I'll be your new classmate and I'm hoping na sana maging kaibigan ko kayong lahat kahit sa kaunting panahon lang," pakilala-speech nito. Nagulat naman kaming lahat dahil marunong pala itong magtagalog. Sinuri ko lalaking Malia ang pangalan at inisip kung saan ko ito nakita. Pamilyar kasi talaga ang mukha ni

"Kilala mo ba siya, Jan?" pukaw sa akin ni Mar ng makita ang pagkunot noo ko.

Nag-isip muli ako. "Parang nakita ko na siya before, pamilyar 'yong mukha niya, eh," paliwanag ko.

"He's from Thailand kaya paanong nakita mo na siya before?"

Kumibit-balikat ako. "Oo nga, eh pero pamilyar talaga siya o baka kamukha lang niya." Ngumuso ako at muling humarap sa magandang lalaki na mukhang babae.

"Did our school allowed a gay to wear like that?" nagtatakang tanong ni Mar.

Kahit ako ay nagtataka dahil nakasuot ito ng school uniform na pambabae at naka-hills pa na akala mo'y rarampa.

"Nagtataka nga rin ako, eh. Baka dahil he came to Thailand and beside he just stay here for almost two months kaya pinayagan ng school," komento ko.

Umupo ang bago naming classmate sa katabi ni Ken, tahimik at ngumingiti lang ito sa mga tumitingin sa kaniya. Hindi pa rin nawawala ang bulong-bulungan tungkol dito. Lalo na sa mga kaklase kong haters na agad ni Malia. Kung sa akin wala namang kaso kung pinayagan itong magsuot ng ganoon.

Lumingon muli ako sa magandang babaeng 'yon, saktong nakatingin din ito sa akin. Ngumiti pa ito kaya ginantihan ko 'yon. Nagulat pa ako ng kumindat ito kaya mabilis akong nag-iwas nang tingin.

Type ba ako ng magandang babaeng 'yon? No, hindi pwede dahil hindi kami talo. Natawa na lang ako sa naisip ko.

"Hey."

Napahinto ako ganoon din si Mar nang marinig namin ang boses na 'yon. Katatapos lang ng klase at papunta kami ngayon sa cafeteria. Hinanap ng mga mata ko si Ken pero ang bagong kaklase namin ang nakita ko si Malia. Nauna na siguro si Ken na lumabas, hindi ko na kasi ito nakita, eh.

Nagtaka ako at napatingin kay Mar na nagtataka rin, kumibit balikat pa siya.

Ngumiti si Malia sa amin at magiliw na lumapit sa akin. Nagulat pa ako ng bigla na lang itong umabre-syete sa akin. Agad akong napaigtad at nailang.

Hindi ako nakaimik sa inakto nito. Kailan pa kami naging close para gumanoon ito sa akin.

"Wait." Inalis ko ang braso nito sa akin at hinarap ito. "Are we

Close?" masungit kong tanong.

Kung tama 'yong naisip ko kanina, oh my God!

Sumimangot ang masayang mukha ni Malia habang nagmamasid lang sa amin na katulad ko ay nagtataka.

"Of course we are," balik nito.

Nang akmang lalapit uli ito sa akin, umurong ako at hinarang ito gamit ang mga kamay ko.

"Kilala mo ba ako? Kasi ako, hindi kita kilala," prangka kong sabi.

Lalong tumilos ang nguso ni Malia at lumaylay ang balikat. "Eh?! Why you're so harsh to me, Jan?" nagtatampong anito.

"Because I don't really know you tapos you're acting like we are friends," medyo naiinis ko ng sabi.

"We're not just friend, Jan. Sumbong kita kay Tita Maddie, sasabihin ko inaaway mo ako," tila batang nagbabanta anito sa akin.

Nagulat ako ng marinig ang pangalan ni Mama mula sa rito. Bumaling ako kay Mar at ganoon din siya.

"How did you know my mothers name?" nagtataka kong tanong.

"Like I was said, we're not just friends. You are my cousin and I'm your cousin too," paliwanag nito at umikot pa ang mga mata. Nagkatinginan kami ni Mar na kapwa nagtataka.

"Wait, wait! As I remember I don't have any cousin named Malia," paglilinaw ko.

"Yeah I know but you have a cousin named Martin, right?"

Saglit akong nag-isip, hinalukay ang utak ko.

"Yes, it's me your long lost cousin, Martin but don't you dare to call me that name kung ayaw mong kurutin ko 'yang singit mo," natatawang sabi nito. "Oh? Kilala mo na?"

Ganoon na lang ang pag-awang ng bibig ko at ang pagngiti ng labi ko ng maalala kung sino si Martin sa buhay ko. Sinuri ko pa ito at nakumpirmang ito nga 'yon. Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha nito nang makita ko siya kanina. "Martin, ikaw nga!" Nang yayakapin ko ito, sumalubong ang palad nito sa mukha ko. Nakita ko ang busangot nitong mukha.

"Ihanda mo 'yang singit mo, kukurutin ko talaga 'yan," banta nito habang nakaamba ang mga kamay.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Alangan akong ngumiti, kapagkuwa'y ngumiti rin. At nahawa na rin si Malia. Nagtawanan kami at saka ko ito niyakap ng mahigpit.

"I miss you so much, Marti-aray!" Napaigtad ako ng paluin nito ang likod ko. Natawa ako at ganoon din ito. Nagtatalon pa kami habang humahalakhak na animo'y musika sa tainga ko. Binalot kami ng pagkasabik sa isa't isa. Kapagkuwa'y naghiwalay din kami sa pagkakayakap at nagtinginan, saka nagtawanan uli na parang mga baliw.

"Miss you so much, Jan. Matagal na talaga kitang gustong puntahan kaya lang gusto ko bongga 'yong muli nating pagkikita," sabi ni Malia ng makahuma sa pagtawa.

Nanliit ang mga mata ko. "Bongga talaga? Eh, look how bongga you are right now," puri ko rito.

"Aysus! Mas bongga ka nga ata, eh," makahulugang anito at bumaling kay Mar na nasa tabi ko lang, nakangiti.

"Huh? Anong bongga ka riyan," nahihiya kong sabi.

"Sus! Eh, who's that man beside you? Hmm!" pang-aalaska nito.

Nag-aalangan akong humarap kay Mar, ngumiti lang siya sa akin. Muli akong bumaling kay Malia. "Ano ka ba, kaibigan ko lang 'yan," mahina kong sabi pero base sa mukha nito, hindi ito kumbinsido roon. "'Yong totoo?"

"Oo nga, ano ka ba," natatawa ko nang sabi.

"Okay, sabi mo, eh," pagpayag niya. Humarap ito kay Mar. "Hi, I'm Malia, Jan's cousin," pakilala nito at inilahad ang kamay.

"Mar, Jan's boyfriend." Mabilis kong siniko si Mar kaya napaigtad siya at natawa. "I mean, Boy best friend," ulit niya. Kunyari akong ngumiti kay Malia na halatang nagpipigil lang sa pagngiti. Tinanggap ni Mar ang kamay ni Malia. "Ano, sasabay ka na ba sa amin sa cafeteria?" tanong ko.

"Of course. Tara na, let's go," masigla nitong sabi.

-

Umukupa kaming tatlo ng table sa gawing gitna ng cafeteria. Si Mar na ang um-order ng pagkain namin.

"Hindi mo naman sinabi na may jowa ka na," simula na naman ni Malia.

Kumunot ang noo ko. "Jowa ka riyan, hindi ko nga ko nga jowa 'yon," pagtanggi ko.

"Eh, 'di best friend," anito. "Pero cute at gwapo siya, huh," puri niya.

Ngumiti ako. "Oo naman," agad kong sabi, hindi naitago ang ngiti.

"Aysus, bakit ka kinikilig diyan?"

"Huh? Ako kinikilig? Hindi, ah." Yumuko ako para 'di makita ang matamis na ngiti sa labi ko.

"Deny pa, ikaw din baka maagaw ko 'yan," banta nito.

"Kaya mo ba?"

"Hinahamon mo ata ako, Jan."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Hindi naman sa ganoon, ang sa akin kung magpapaagaw siya, eh 'di wala na akong magagawa roon," seryoso kong sabi.

"Aysus! Kung sa bagay, sa panahon ngayon mahirap ng maghanap ng loyal na lalaki lalo sa kagaya natin," malungkot na ani Malia.

"Tunay," pagsang-ayon ko.

"Mukhang na-miss niyo nga ang isa't isa, ah."

Kapwa kami napalingon ni Malia kay Mar na nakangiti habang hawak ang tray na naglalaman ng pagkain. Binahagi niya iyon sa amin at umupo sa tabi ko. Kita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang makahulugang mga tingin ni Malia. "Siyanga pala, bakit hindi ka kaagad nakilala nitong si Jan?" curious na tanong ni Mar habang kumakain kami.

Ngumiti si Malia. "It's been 10 years since my family migrated in Thailand kaya simula noon hindi na kami nagkita ni Jan. We're sisters since we were young. Alam namin sa isa't isa kung sino at ano kami. I'm not like this before kaya hindi ako namukaan ni Jan," paliwanag nito, bakas ang saya sa pag-alala sa nakaraan namin.

Patango-tango lang si Mar sa kwento ni Malia.

"Eh, bakit 'di namin nalaman ni Mama na babalik na kayo sa Pinas?" tanong ko naman.

"We want you and Tita Maddie surprise," sagot nito.

Ngumiti ako. "I'm surprised, Malia. You're a lot different now, kaya nga hindi kita nakilala, eh. Inisip ko pa na baka type mo ako no'ng kumindat ka sa akin kanina," natatawa kong pagkwekwento.

"Yuck! Hindi tayo talo, Sis," natawang sabiya nito.

Natawa na lang din kami ni Mar.

Matapos kaming kumain, nagpaalam si Malia na pupunta munang rest room at naiwan kami ni Mar para hintayin siya.

"Bakit 'di mo sinabing boyfriend mo ako?"

Nakapa ko ang lungkot sa boses niya. Kinapa ko ang kamay niya at bahagya 'yong pinisil. "I'm sorry, Mar hindi pa siguro ito 'yong tamang panahon. Hayaan mo, kapag handa na ako, sasabihin ko rin sa kanila." Ngumiti ako sa kaniya para pagaanin ang loob niya.

Ngumiti lang si Mar sa akin at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. Mabilis naman kaming nagbitaw sa isa't isa nang biglang dumating si Malia. "Buwesit!"

Napakunot noo ako ng makita ang inis na mukha ni Malia. Tila sasabog na siya sa sobrang inis.

"Hoy, anong nangyari sa 'yo?" nagtataka kung tanong.

"May mayabang kasi roon sa rest room. Binunggo ba naman ako and he blamed me for what happened where in fact it was him fault," inis na himutok nito. "Malia, chill," kalmang sabi ni Mar.

"I wanted too, pero kasi nakakainis talaga, eh," balik nito.

Ngumiti ako. "Don't stress yourself, Malia 'yong beauty mo, oh nasisira," pagbibiro ko.

Bigla itong nabahala. "Huh? Seriously, Jan?"

Tumawa ako. "I'm just joking pero seriously, you look ugly when you pissed-off."

"Jan naman, eh," parang batang sabi ni Malia.

"Naku, tara na nga't pumasok na, male-late na tayo," paalala ko.

Natawa na lang kami ni Mar habang inis na inis na si Malia sa nangyari.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report