Our Own Kind of Story
Chapter 17:

"Nak, hindi ka pa ba tapos magbihis? Kanina ka pang hinihintay ni Malia dito," sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

Pumikit ako saglit, saka bumuga ng hangin. "I'm almost done, 'Ma," balik kong sigaw kahit ang totoo, nakaupo pa ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang maroon suit na susuotin ko para sa gabing ito. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko, excited ba ako o kinakabahan. Hindi ko alam.

Makalipas ang ilang minuto, bumuntong-hininga ako at tumayo na sa pagkakaupo. Madilim na rin sa labas at baka ma-late pa kami sa Ball.

Kinuha ko ang maroon suit na nakalatag sa kama at nagsimulang magbihis. Nakakahiya naman kay Malia na mas excited pa sa akin, eh hindi pa naman siya kasali sa Ball.

Nang matapos akong magbihis, dahan-dahan akong humarap sa human size mirror sa silid ko. Tumambad sa akin ang repleksiyon ng sarili ko. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa magandang suit na suot ko at masasabi kong bagay iyon sa akin. Sukat na sukat iyon at 'di man lang makitaan ng kahit isang gusot. Well, si Mar kasi ang pumili ng suit na ito. Pinadala nga lang niya ito kanina.

Ngumiti ako sa harap ng salamin. Mas gwapo pala ako sa ganoong ngiti kaysa sa seryoso kong mukha. Pinasadahan ko uli ang suit dahil tila ang sarap niyon sa mga mata.

Matapos kong pagmasdan ang sarili ko sa harap ng salamin, lumabas na ako ng silid at tumungo sa sala. Medyo nadismaya ako ng 'di ko makita roon si Mar.

"OMG! You're absolutely handsome with a maroon suit, Jan," agad na puri ni Malia habang nakatingin sa akin, bahagyang nanlaki ang mga mata.

Natawa ako sa naging reaction niya. "Handsome ka riyan," ani ko sa tonong 'di sang-ayon sa sinabi niya. "You're too prepared, Malia," balik ko naman sa kaniya.

Nakasuot siya ng red long dress with some pearls on it. Nagre-reflect pa sa ilaw ang mga 'yon. Medyo labas din ang mapuputi niyang balikat at ang medyo malalim niyang cleavage.

"Of course I am,” pag-amin niya, saka tumayo sa pagkakaupo. Nagulat ako dahil ang suot niyang dress may hiwa sa parteng gilid daan para makita ang maputi at makinis niyang hita kapag naglalakad. "Wow!" natatawa ko na lang na reaction.

"Oh? 'Di pa ba kayo aalis?" tanong ni Mama na kagagaling lang sa kusina.

"Aalis na rin po kami, Tita. Tita, hindi niyo naman po sinabi na may gwapo pala kayong anak," natatawang baling ni Malia kay Mama.

"Gwapo ka rin naman, eh."

Muntik ko nang 'di mapigilan ang pagbugalwak ng malakas kong tawa dahil sa sinabi ni Mama lalo na ng makita ko ang reaction ni Malia. Simangot na simangot siya habang nakanguso. Napapadyak pa sa sahig.

"Tita naman, eh! Look at me, Tita I'm not handsome anymore I'm gorgeous," complain ni Malia.

Natawa si Mama habang tinitingnan si Malia. "Okay, maganda ka na," pagpayag ni Mama.

Lumiwanag naman ang mukha ni Malia at niyakap si Mama.

"Sige na, umalis na kayo at baka pagsarhan na kayo ng gate," pagtataboy ni Mama.

"Sige po 'Ma, aalis na po kami," paalam ko.

"Enjoy."

Niyakap ko si Mama at hinalikan bago kami tuluyang lumabas ng bahay.

"Hindi ba tayo susunduin ng boyfriend mo? I'm too lazy too drive," ani Malia ng makalabas kami ng bahay.

Biglang sumimangot ang mukha ko nang marinig ang sinabi ni Malia. Hinihintay ko magpakita sa akin si Mar kanina pang umaga pero ni anino niya hindi ko man lang nakita. Hindi rin siya nagte-text o tumawag sa akin. Pati pagdala ng suit na suot ko iba pa pinagdala niya.

"Hindi," dismayado kong sagot. "Baka iba sinundo," mahina ko pang dagdag.

"Aysus! Selos ang peg," pang-aalaska ni Malia.

"Nakakainis kasi, Malia I've been waiting for him for a long day pero hindi siya nagpakita o kahit nag-text o tumawag man lang. Ni hindi nga ako binati ng Happy Valentine's Day," hinaing ko na puno ng inis.

"Kaya naman pala mukhang hindi ka excited. Baka naman he's preparing for a grand surprise," teorya niya.

"Surprise? He ignoring me it's a surprise," aniko.

"Jan, don't over think. It's a day for us as a student we must enjoy it because it is once in a lifetime experience." Bumuga ako ng hangin at sumimangot. "I'll try."

-

Hindi man lang gumalaw ang mga labi ko nang makarating kami ni Malia sa isang private event center kung saan gaganapin ang ball. Ni hindi ko nga na-appreciate ang ganda ng set up ng lugar at ang maiilaw na palamuti't lightning. Paano ba naman, bukod sa pagkainis ko kay Mar, idagdag pa ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ni Ken nitong nakaraan. Ni hindi na nga siya nagpakita sa akin matapos niyon.

Gusumot ang mukha ko nang pumasok kami sa mismong silid kung san naroon ang karamihan ng mga estudyante. Ang taray nga ng pa-red carpet nila pero 'di ko na-enjoy dahil wala roon ang isip ko.

"Jan, smile the camera's capturing us," narinig kong sabi ni Malia.

Hindi ko namalayan ang camera man na nasa harap na namin. Wala akong nagawa kaya ngumiti na lang ako kahit na peke iyon.

“Fake smile,” narinig ko pang sabi ni Malia nang iwan kami ng camera man.

Hindi ko na lang siya sinagot at naglakad na patungo sa table kung nasaan ang kapwa ko estudyante. Nakita ko kung paano nag-prepare ang school para sa event na ito. Kitang-kita 'yon mula sa lighting, table and stage decoration na talaga namang ang ganda sa mga mata. Idagdag pa ang mga bulaklak na nakalagay sa bawat gilid ng lugar at ang mga tilang isinabit doon.

Mabilis na gumalaw ang mga mata ko para hanapin si Mar pero mukhang wala pa siya roon, maging si Jame. Nakita ko naman sa 'di kalayuan si Ken, seryoso lang siya nakaupo na tila ba walang pakialam sa paligid. Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot at guilt ng makita ko ang bakas ng lungkot sa kaniyang maamong mukha. Hindi ko alam. Hindi ko maunawaan kung bakit bigla siyang nagbago at tila ba isa ako sa dahilan. "Hey, you okay?"

Lumingon ako sa nagtanong na si Dy, walang expression.

"Yeah," matipid kong sagot at pilit ngumiti. "You're beautiful," puna ko pa sa hitsura niya. Kahit hindi maganda ang mood ko, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang simple pero napakagandang ayos ng mukha ni Dy. "Thanks. And you, you're handsome in your suit," balik na puna niya.

Ngumiti lang ako at hindi na muli umimik. Ibinaling ko ang paningin ko sa paligid para hanapin si Mar pero bigo akong makita siya.

Karamihan ng nakikita ko, grupo ng mga kapwa ko estudyante na bakas ang excitement sa kanilang mga mukha. Selfie roon, selfie rito na tila ba gusto nilang i-capture ang gabing ito kung saan lahat sila magaganda't guwapo. Nakita ko naman si Malia sa table 'di kalayuan kay Ken, mukhang masaya itong nakikipagkwentuhan sa mga estudyante roon.

Mayamaya pa'y umakyat na ang dalawang guro sa stage para pormal na simulan ang gaganaping ball. Dahil ukupado ang isip ko, hindi ko na inintindi ang mga sinabi nila.

Ilang mga guro pa ang nagsalita at maging ang principal na sobrang haba ng pinagsasabi na kahit hindi naman lahat ng estudyante sa harap nito ay nakikinig.

Muli na namang gumalaw ang mga mata ko at lumipad ito patungo sa entrance ng silid. Ganoon na lang ang paglukso ng puso ko ng makita ko roon si Mar. Tila ba slow motion ang pagpasok niya. Siya na yata ang pinakagwapong lalaki sa gabing 'yon dahil sa suot niyang maroon suit na tila ba ibinagay niya sa suot ko. Nakaramdam ako ng kiliti dahil sa isiping 'yon. Pero bigla ring naglaho ang saya, kilig at excitement na nadarama ko at napalitan 'yon ng inis at selos nang biglang dumating si Jame at mabilis na umabre-syete kay Mar. Gusto kong manakit! Gustong-gusto!

Nagtama ang mga namin ni Mar nang bumagsak ang paningin niya sa gawi ko. Hindi ko naiwasang bumakas ang inis at selos sa mukha ko kaya mabilis akong nag-iwas nang tingin habang nakasimangot. Naiinis ako! Nagseselos ako! Mayamaya pa'y nagsimula na ang pinakahihintay ng lahat. Lahat handa na sa gagawing performance para sa lahat. Halos karamihan, hindi matawaran ang mga ngiting namumutawi sa kanilang mga labi dahil sa excitement. Pero ako, heto, nakasimangot at tila nawalan na ng ganang sumayaw. Gusto ko na lang umuwi at doon ilabas ang inis ko.

"Jan, are you nervous?"

Lumingon ako kay Dy. Umiling ako bilang sagot.

"Ganoon? Pero mukhang hindi ka rin excited? Hindi ka ba masaya?" usisa pa niya.

Simple akong ngumiti. "Hindi naman sa ganoon, natabunan lang siguro ng nararamdaman ko 'yong excitement at saya," malungkot kong hayag.

Lumungkot ang mukha ni Dy. "Aw! I don't know what you're going through right now, pero let yourself enjoy even just this moment," aniya.

Ngumiti ako at tumango. "I'll try."

"Ano, are you ready? Magsisimula na."

Nag-isip ako dahil hindi ko alam kung handa na ba akong sumayaw. Pakiramdam ko kasi limot ko na lahat ng steps na prinactice namin at baka magkamali ako.

Hindi pa ako nakakaimik nang hilahin ako ni Dy patayo at iginiya na sa kung saan dapat kami nakapwesto. Bigla akong kinabahan nang makita ang maraming estudyante sa gitna na handa nang sumayaw.

"Let's witness what they've been prepared for us," ani ng MC kasunod ang maigting na palakpakan.

Ito na. Nagsmula na ang musika kasunod ang paggalaw ng bawat isa. Lumingon ako sa paligid at namataan ko si Mar na nakahawak sa baywang ni Jame pero nasa akin ang mga mata niya, puno ng pananabik. Umiwas ako at nagpokus sa musika at sa galaw ko.

Pumikit ako nang hawakan ko ang baywang ni Dy at umikot kami kasabay sa rhythm ng musika. Sa isip ko, nakita ko si Mar na nakangiti habang isinasayaw ako sa gitna ng isang silid kung saan kami lang ang naroon at tinututukan ng spotlight.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Bawat galaw niya, puno ng damdamin. Bawat hawak niya sa akin tila binabalot ako ng pagmamahal galing sa kaniya.

Pero sa pagmulat ko, iba ang kasayaw niya at hindi ako 'yon. Gumuhit ang pait sa mukha ko kasabay ng tila kirot sa dibdib ko.

Hindi na muli akong lumingon kay Mar dahil ayaw ko nang saktan ang sarili ko sa katotohanang ako hindi ako ang kasayaw niya.

Palakpakan ang naging kapalit ng musikang nagtapos. Ngumiti ako kay Dy at sabay na kaming umupo sa table kung saan kami nakapwesto kanina.

Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong lumingon sa gawi ni Mar. Lumamlam ang mga mata ko ng makita kung paano tumawa si Mar sa company ni Jame at ng ilan pang mga estudyante roon habang ako nandito at nagngingitngit. Paglingon ko naman sa kabilang table, nandoon naman si Malia at si Ken. Nagi-guilty na naman ako. Bakit puno ng lungkot ang mukha ni Ken? Balot na balot ng kalungkutan na nagpapahirap sa akin dahil kahit gaano ko man itanggi, isa ako sa dahilan noon.

Yumuko ako at marahang pumikit. Damn! Ang bigat na ng damdamin ko. Halo-halong negative feelings ang bumabalot sa akin ngayon. Naiinis ako. Nagseselos ako. Nagi-guilty ako.

Kumuha ako ng baso at mabilis iyon ininom. Tumayo ako at naglakad patungo sa rest room. Lalo akong nahihirapan sa lugar na iyon. Kailangan ko munang pumunta sa tahimik na lugar.

Nang makarating ako sa rest room, pumasok ako sa isa sa mga cubicle roon para magmukmuk. Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko nang makaupo ako sa bowl. Katahimikan ang nagpalutang sa nararamdaman ko.

Una pa lang alam ko ng hindi magiging madali para sa akin ang makipagrelasyon kay Mar. Alam ko na 'yon, noon pa, kaya nga natakot akong ipaalam sa kaniya at tanggapin siya. Alam ko kasing darating ang ganitong sitwasyon sa relasyon namin at wala akong magagawa kung 'di ang manahimik dahil wala akong lakas ng loob para ipahayag na akin lang siya.

Kasalanan ko rin naman siguro dahil ayaw kong ipaalam sa lahat ang relasyon namin ni Mar. Kung hindi lang sana ako takot, baka hindi 'to nangyayari. Dahil alam ko kung gaano kadeterminado si Mar na ipaalam sa lahat at sabihing pag-aari niya ako.

Nasuklay ko ang buhok ko gamit ang sarili kong mga daliri. Kailangan ko 'to. Kailangan kong umiyak para gumaan ang pakiramdam ko. Patong-patong na ang bigat sa dibdib ko.

Pinahid ko ang luha sa mga mata at pisngi ko. Inayos ko ang sarili ko dahil ayaw ko ring ipakita na malungkot ako. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto pero bago ko pa 'yon pihitin, nakarinig ako ng pamilyar na boses mula sa labas. Binawi ko ang kamay ko at pinaringgan ang pamilyar na boses.

"This is the last thing you can do for me, Ken."

Kumunot ang noo ko sa pagtataka ng marinig ang boses ni Jame.

"Jame, I can't do what you asked. Hindi ko kayang gawin at hindi ko gagawin," matigas na balik ni Ken.

Narinig ko ang pagsinghap ni Jame mula sa labas. "You can't? Sige, huwag mong gawin and I will tell the truth," may pagbabantang ani Jame.

"Jame, please itigil na natin 'to, wala 'tong patutunguhan kung 'di sa huli tayo lang din ang masasaktan. Tanggapin na lang natin na hindi sila para sa atin."

Bumuhos ang labis na pagtataka sa mukha ko. Hindi ko maunawaan kung ano ang pinag-uusapan nila pero alam ko may something at involved kami ni Mar doon. "Sige, if you can't, I will do it by myself."

"Jame! Sige, gawin mo at pagkatapos ano? Do you think you'll get him if you do that? Sigurado ka ba roon? Jame, wake up! Huwag mong lokuhin ang sarili mo na baka makuha mo siya kahit alam mo sa sarili mo na hindi ikaw ang mahal ni Mar," mahabang sabi ni Ken.

"Bakit Ken? Natatakot ka ba na malaman ni Jan ang lahat?" makahulugang tanong nito kay Jame. "Na una pa lang may intention ka na sa pagpasok sa buhay ni Jan. Na mahal mo siya noon pa man at nakipag-team up ka sa akin para makuha siya at makuha ko si Mar. Na lahat nang nangyari sa inyo ay plano nating dalawa. Natatakot ka rin na malaman na ikaw at ako ay magpinsan."

"I don't really care if he'll know the truth, Jame. Handa na akong malaman niya at pagbayaran ang kasinungalin ko."

Napatakip ako sa bibig ko kasunod ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Para akong sinapak at nagising sa malaking kasinungalingan ni Ken. Pakiramdam ko trinaydor ako ng taong pinagkakatiwalaan ko. Ng tinuring kong kaibigan. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at lakas ng loob na pinihit ang doorknob. Lumabas ako sa cubicle at nanghihinang naglakad palabas. "J-Jan?"

Huminto ako sa paglakad at pumihit paharap kay Ken, wala na roon si Jame. Bakas ang labis na gulat at kaba sa mukha niya.

"Y-you look surprised," sarkastiko kong sabi at ngumisi.

"You...h-heard-"

"Narinig ko lahat, Ken," matigas kong sabi. "Damn you! You're a great lier. Napakagaling mong umarte, Ken. Napaniwala mo ako sa malaki mong kasinungalingan. Amazing!" Mapait akong tumawa at pumalakpak, puno ng sarkastiko. "Jan, let me explain," puno ng pagmamakaawang aniya.

"Let you explain? You don't need to explain dahil alam ko na ang lahat ng kasunungalingan mo. I don't wanna hear your damn excuses," puno ng galit kong balik.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"I-I'm so so so sorry, Jan. Alam kong nagkamali ako. Alam kong nagsinungalin ako pero lahat ng pinakita't sinabi ko sa 'yo totoo lahat ng 'yon," paliwanag niya. "Oo, I lied to you pero ako bilang kaibigan mo hindi 'yon kasinungalingan. Everything I've done to you...I really meant it," seryoso at puno ng damdaming pahayag niya.

Ngumisi ako. "Gusto kitang paniwalaan, Ken. Gusto kong maniwala na lahat ng ginawa mo totoo pero alam kong may motibo ka sa bawat magandang ginawa mo sa akin." Tumulo ang luha sa mga mata ko. "I'm very disappointed, Ken. Alam mo kung gaano kita tinuring bilang kaibigan. Pinagkatiwalaan kita. Sinabi ko lahat ng sikreto ko sa 'yo. But look what you've done, you ruin what we have."

Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. At aminin ko man o hindi, apektado rin ako sa pagluha niya.

"Oo, nagsinungalin ako Jan pero hindi kasinungalin lahat ng pinakita't pinaramdam ko sa 'yo. Pinagkatiwalaan mo ako kagaya ng pagtitiwala ko sa 'yo ang pagkakamali ko, sinira ko 'yong tiwala mo at handa akong pagbayaran 'yon. Kung 'di mo ako mapapatawad, tanggap ko at deserve ko 'yon. Pero alam mo kung gaano kahirap para sa akin? Oo, pumayag ako sa plano ni Jame dahil umasa ako na baka mapansin mo ako." Ngumisi siya ng mapait. "At masaya ako dahil napansin mo ako. Habang tumatagal, mas nakokonsensiya ako sa ginagawa ko and I decided to quit. Umayaw na ako sa plano ni Jame. Gusto kong mahalin mo rin ako sa paraang kaya ko na walang tulong ng iba. And you know what pain I've been through sa tuwing kinukwento mo sa akin kung gaano mo kamahal si Mar? Kung gaano ka nasasaktan sa kaniya. Kung paano ka kinikilig. Kung paano ka nag-aalala sa kaniya. Para akong dinudurog, Jan. Tiniis ko lahat at hindi lumayo kahit masakit. Tiniis ko dahil sa kabila ng lahat, gusto ko pa ring mag-stay kahit bilang kaibigan mo lang. Kaibigan lang, Jan kahit hindi mo na ako mahalin dahil alam kong may mahal ka ng iba." Hindi ako nakaimik dahil alam kong seryoso lahat ng sinabi niya pero alam ko rin sa sarili ko na hindi pa ako handang magpatawad dahil pakiramdam ko trinaydor ako ng taong pinagkakatiwalaan ko. Tumalikod ako at laylay ang balikat na lumabas ng rest room. Ang bigat ng pakiramdam ko at gusto ko ng magpahinga. Masyado na akong napapagod sa mga nangyayari. Masyado na akong nasasaktan. Inayos ko ang sarili ko. Tinuyo ko ang luha sa pisngi ko bago naglakad patungo sa karamihan ng mga tao ngunit hindi pa man ako nakakarating sa upuan ko, napahinto ako kasabay ang paglamig ng pakiramdam ko na para bang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa biglang lumitaw na video sa projector sa entablado.

Napaatras ako nang makarinig ng mga bulungan mula sa mga tao nang halikan ko si Mar sa video-ng nasa projector. Utay-utay na akong nanghihina sa mga tinginan ng mga tao. Para akong may malaking kasalanan na sinisisi ng lahat. Tumulo ang luha sa mga mata. Nakita ko si Mar na lumapit sa operator ng projector at pinatay 'yon. Lumingon ako sa mga tao na ngayo'y nakatingin na sa akin, bakas sa ilan ang tila ba pandidiri sa napanood. "Sinong may gawa nito?" narinig kong sigaw ni Mar habang naka-mic, umalingawngaw 'yon sa silid. Walang sumagot. Tumalikod ako at ng akmang hahakhabang na ako ng marinig ko ang boses ni Mar.

"Jan."

Mariin akong napapikit. Gusto kong humarap pero hindi ko kayang harapin ang malalalim na tingin ng mga tao.

"Don't step out and stay," aniya habang nasa entablado. Mayamaya pa'y lumiwanag ang kinaroroonan ko at dumilim ang paligid. "I'm sorry for what happened it wasn't supposed to be like this, Jan." Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang hikbi na dulot ng pag-iyak ko. Bakit kailangang sabay-sabay? Hindi ko na kaya. Kailangan ko ng taong makakapitan dahil pakiramdam ko bibigay na ako. "Since everyone already saw the clip, I want to take this moment para sabihin sa lahat kung ano ka sa buhay ko, Jan." Umaalingawngaw ang boses niya sa silid kasabay ang hiyawan ng lahat. Dahan-dahan akong pumihit. Nakita ko si Mar sa kabilang bahagi na iniilawan ng spotlight hawak ang microphone habang nakatingin sa akin. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin.

"Jan, is my long time best friend. We've known each other since Junior High School. Siya 'yong tipo ng kaibigan na hindi ka iiwan sa kabila ng ugali mo, kahit pa nasasaktan mo na siya ng labis. Siya rin 'yong kaibigan na palaging nandiyan para tulungan at alalayan ka sa lahat ng bagay. Kaya hindi ko naiwasang dumepende sa kaniya sa maraming bagay. Hanggang namalayan ko na lang na hindi na ako masaya kapag wala siya. Na kung pwede lang magkasama kami sa lahat ng oras. Gusto kong alagaan at bantayan siya." Ngumiti siya sa pagbabalik alaala sa nakaraan.

"He's been my favorite people at 'di ko namalayang doon pala magsisimula ang lahat. At first, I don't really know how to deal with my feelings for him. Hindi ko alam at natatakot ako. Hanggang sa luminaw ang lahat sa akin at hinarap kung ano ang nararamdaman ko dahil ayaw kong maging duwag. Hindi rin naman malabo para sa akin ang nararamdaman ni Jan, alam ko lang na natatakot siya sa sasabihin ng mga tao sa paligid. Hindi siya natatakot para sa sarili niya, natatakot siya para sa akin."

Hiyawan ang sumunod sa mahabang kwento ni Mar. May mga pumalakpak na tila inaabangan pa ang sasabihin niya.

"And this night, gusto kong sabay nating harapin ang takot at pangambang nararamdaman mo, Jan." Ilang hakbang na lang ang nalalabing pagitan namin. Lumingon siya sa paligid. "I announce that this man is mine and don't anyone dare to hit with him. I, Mar is his boyfriend and he's mine," anunsiyo niya sa lahat, puno ng saya.

"I love you, Jan."

Napuno ng hiyawan ang silid dahil sa kilig na dulot ng ginawa ni Mar.

Patuloy sa pagluha ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung masaya o malungkot ako. Ang alam ko lang, natatakot ako pagkatapos nito. Sa rami ng tao sa lugar na 'to, ilan lang ba ang tatanggap sa amin? Ilan lang ba ang makakaunawa sa ganitong relasyon? Sigurado ako, hindi lahat.

Mayamaya pa'y may lumapit kay Mar at iniabot ang bulaklak sa kaniya.

"I'm sorry for avoiding you this morning, Jan. I've been prepared something to surprise you." Huminga siya ng malalim at humakbang pa hanggang sa nasa harap ko na siya. "Happy Valentine's Day, Jan. I love you."

Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko at umiling. Hindi ko kaya, natatakot ako.

"Kiss!" narinig kong sigawan ng marami.

Marahan akong pumikit ng lumipad ang palad ni Mar sa pisngi ko at marahang hinaplos iyon para pahirin ang mga luha.

"I'm sorry," aniya. Nagdikit ang mga noo namin habang binubulong niya ang 'I love you'. "Let's face it together, Jan. Kung natatakot ka, nandito lang ako hindi ako aalis."

Umiling ako ng sunod-sunod. Hindi ko kaya. Binabalot ako ng takot na baka pagkatapos nito hindi namin kayanin ang mapanghusgang mundo.

Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at huminga ng malalim para mag-ipon ng lakas. "I-I'm sorry, Mar," nahihirapan kong sabi, saka buong lakas loob na tumalikod at humakbang palayo sa kaniya. Nakita ko pa kung paano gumuhit ang pait at sakit sa mukha ni Mar na lalong nagpahirap sa akin.

Mabibigat ang mga hakbang ko palabas ng silid na 'yon habang tila ulan na bumubuhos ang luha sa mga mata ko dahil sa sakit at hirap ng kalooban ko.

I'm sorry, Mar. Naging duwag ako!

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report