Our Own Kind of Story -
Chapter 19:
Tahimik akong pumasok sa library upang maghanap ng mga libro para sa mga school works na ipapasa ko dahil sa pag-absent ko ng isang linggo. Kailangan kong habulin ang lessons para makasabay at 'di maapektuhan ang grades ko. Pinili ko ang gilid na bahagi ng library kung saan walang tao. Simula no'ng gabing 'yon, umiwas ako sa mga tao dahil natatakot akong makarinig ng mga salitang masasaktan ako.
Ipinatong ko ang mga gamit ko sa upuan, saka tumungo sa mga bookshelves para maghanap ng libro. Marami-rami rin kasi akong gagawin para makahabol sa lessons.
Isa-isa kong tinitingnan ang mga libro sa bawat hanay ng bookshelf. Medyo mahirap maghanap ng kailangang libro dahil sa dami ng mga naroon.
Napangiti ako ng makita ko ang hinahanap kong libro, nasa bahaging taas iyon ng bookshelf kaya naman hindi ko agad nakita. Itinaas ko ang kamay ko para kunin iyon pero dahil mataas ang bookshelf at pandak ako, bahagya ko lang nahawakan ang libro. Tumingkayad na ako pero 'di ko pa rin abot. Paulit-ulit kong sinubukang abutin pero bigo ako. Sinubukan ko na ring tumalon pero 'di ko talaga makuha ang libro.
Napasimangot ako at muling tumingkayad para abuting pilit ang libro. Nang mahawakan ko ang bahagi nito, mas tumingkayad pa ako pero walang nangyari. Mayamaya pa'y lumitaw ang kamay mula sa kung saan at kinuha ang librong inaabot ko.
"I get it for you."
Natigilan ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Hindi ako maaaring magkamali kung kanino 'yon dahil sa bawat minuto, tila naririnig ko 'yon sa isip ko. Nanlamig ang katawan ko sa kaba kasabay ang pagkabog ng dibdib ko higit sa normal. Ramdam na ramdam ko ang presensiya niya at tila may espasyo sa puso ko na napunan. Nanabik ako sa boses na 'yon.
"You okay?"
Bahagya akong napagalaw nang maramdaman ko ang pagdait ng katawan niya sa likod ko. Parang may kuryenteng dumaloy daan para makaramdam ako ng kiliti at panghihina. Lalo akong naestatwa ng gumalaw siya at mas nilapit ang katawan sa akin. Halos yakap na niya ako sa posisyon namin. Ramdam ko na ang kabog ng dibdib niya, ang lakas niyon.
"I miss you, Jan," marahan niyang wika sa parteng tainga ko. Pakiramdam ko tumaas ang balahibo ko sa batok dahil sa mainit na hininga niya na dumanti sa likod ng tainga ko.
Napapikit ako. Utay-utay na ba akong bumibigay at nagiging marupok? Ni hindi na ako makagalaw dahil sa presensiya niya at sa katawan niyang nakadait sa akin.
Kahit na itanggi ko sa sarili ko, hindi ko pa rin maloloku ang damdamin ko kung gaano ko na-miss ang lahat kay Mar. Ang sarap lang ulit maramdaman ng presensiya niya na matagal ko ring 'di naramdaman.
Marahas akong pumikit at lumunok ng laway para kalmahin ang damdamin kong naghuhurumentado sa loob ko. Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa patungan ng mga libro, saka pumihit paharap sa kaniya. Natigilan ako at naestatwa nang makita kung gaano kalapit ang mukha niya sa akin. Ramdam ko na nga ang mabango niyang hininga.
Nakapatong ang mga palad niya sa parteng taas ng bookshelf habang nayuko at direktang nakatingin sa mga mata ko. Kita ko kung paano siya nanabik sa akin at ang pait at sakit pero nananatili ang pagmamahal sa kaniyang mga mata. "I miss your lips." Bumaba ang mata niya sa labi ko kaya napalunok ako. "I miss your hug." Gumuhit ang pait sa mukha niya. "I miss your hands." Hinawakan niya ang naninigas kong kamay. "I miss all of you," marahan at masuyong winika niya. Nanatili ang mga mata ko sa kabuuan ng mukha niya. Hindi ko maipaliwanag ko gaano ako nanabik na titigan 'yon. Higit akong nanabik sa kaniya at gusto kong punan ang pananabik na 'yon.
"M-Mar," nahihirapan kong banggit sa pangalan niya.
Napapikit si Mar at gumuhit ang labis na ligaya sa mga mata niya dahil sa pagbanggit ko sa pangalan niya.
"God! I miss your voice calling my name, say it again please," pagmamakaawa niya.
"A-akin na ang libro," iwas ang tingin kong sabi. Muling nablangko ang mukha ko at naglaho ang emosyon doon.
"Jan-"
"Give it to me now," maawtoridad kong sabi.
Tila bumagsak ang balikat ni Mar. Nawalan ng saya at napalitan ng pait ang pag-asang gumuhit sa mukha niya kanina. Lumuwag ang katawan niya sa akin. Lumawak ang espasyo namin at sa bawat agwat na lumalaki, mas nadudurog ang puso ko.
Nang makalayo siya, hinablot ko ang libro sa kamay niya at mabilis na lumayo at bumalik sa table ko.
Bumuga ako ng hangin, paulit-ulit para kalmahin ang sarili ko. Nanunubig na naman ang mga mata ko at tila kahit anong sandali ay papatak na 'yon.
I miss you, Mar!
Dahil sa nangyari, hindi na rin ako nakapagbasa ng libro at nakagawa ng activities. Nablangko na ang utak ko at inukupa 'yong lahat ni Mar.
"Let's go," aya sa akin ni Malia nang matapos ang klase. "Gutom na ako, eh,” dagdag pa niya.
Inayos ko ang mga gamit ko at inilagay 'yon sa bag ko. "Palagi ka namang gutom, eh," pagbibiro ko.
"Let's eat, libre ko."
Napalingon ako sa boses na 'yon at tumambad sa akin si Ken, nakangiti. Isinakbit ko ang bag ko at tumayo sa pagkakaupo.
Nagkatinginan ang dalawa, saka bumaling sa akin. "Ano pang hinihintay niyo? Tara na." Naglakad na ako palabas ng classroom at narinig ko ang mga yabag nila na sumunod sa akin.
Nasaan kaya si Mar? Kaninang umaga ko pa kasi siyang 'di nakikita. Aminin ko man o hindi, hindi ako sanay na hindi ko siya nakikita.
Nang makarating kami sa cafeteria, pumwesto kami sa bahaging gitna ng lugar. Si Ken na rin ang um-order ng pagkain para sa amin.
"Bakit kaya 'di pumasok si Mar?"
Kumunot ang noo ko at tiningnan si Malia. Tama ba namang i-open ang topic na 'yon habang iniisip ko si Mar? Hindi ako sumagot.
"Hindi ka ba naaawa sa kaniya?" tanong niya. "He exerts effort just to prove how much he loves you. Hindi siya napagod sundan ka kahit 'di mo siya pinapansin, kahit mukha na siyang asong ulol." Natawa si Malia at agad ding naging seryoso. "Hindi sa kinakampihan ko si Mar, pero parang ganoon na nga. I'll tell you this one last time, don't waste time dahil hindi natin hawak ang pagkakataon. Hindi natin alam kung kailan mawawala ang mga tao sa buhay natin. Better to cherish every moment of our lives. Don't be afraid of what others will say," sabi niya.
Napayuko ako ng bahagya. Sana ganoon lang kadali. Sana madali lang na maging masaya at huwag isipin ang ibang tao. Hindi kasi ako ang tipong walang pakialam sa sasabihin ng iba.
"Hey, mukhang seryoso pinag-uusapan niyo, ah," putol ni Ken sa mabigat na atmosphere sa lugar kung nasaan kami.
"Why you're took so long, huh? Nagugutom na kami, eh," reklamo ni Malia kay Ken.
Napakamot ito sa ulo. "Sorry naman, mahaba ang pila, eh," anito.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Sige na, ilapag mo na 'yang pagkain," utos pa ni Malia.
Inilapag ni Ken ang pagkain sa lamesa at binigay iyon sa akin at kay Malia. Ngumiti ako kay Ken. "Salamat," ani ko. Ngumiti lang din siya bilang tugon.
"By the way, are you guys excited for our graduation next month?" tanong ni Ken.
"Of course yes, it's our reward for hardwork and dedication we invest," masayang sagot ni Malia.
"Ikaw, Jan?" baling sa akin ni Ken.
"Oo naman," maikli kong sagot, saka bumaling sa pagkain.
Hindi ko maramdaman ang pagkaing nasa harap ko. Wala akong gana dahil hanggang ngayon nasa isip ko pa rin lahat ng sinabi ni Malia.
Bumaling ako kay Ken at Malia, napangiti ako sa nakikita kong closeness sa pagitan nilang dalawa. Nagkukulitan sila na tila ba comfortable na sila sa isa't isa. "Kailan pa kayo naging close ng ganiyan?"
Natigilan sila at kunot ang noong humarap sa akin. Gumuhit ang hiya at pagkailang sa kanilang mga mukha.
"Huh? We're friends, t-that's why, we're close," paliwanag ni Ken.
Tumango naman si Malia. "Yeah, right. Walang malisya roon," depensa pa niya.
Napangiti ako. "Did I say anything? Kung maka-react kayo para kayong secret lover na aktong nahuli," pang-aalaska ko sa kanila.
"Secret lover!" bulalas nila na halos sabay pa. "Of course no," habol pa nila.
Natawa na lang ako dahil sa pagkataranta ng dalawa. Hmmm! Mukhang something happening between this two, ah.
Hindi ko napigilan ang ngumiti ng mas malapad ng biglang nagkaroon ng distansiya sa kanilang dalawa at tila nagkailangan pa sa isa't isa.
-
Bumuga ako ng hangin at matamang tumitig sa kisame. Bakit hindi napapagod ang mga mata ko sa pagluha? Kailan ba mauubos ang luha sa mga mata ko para hindi ko na kailangang umiyak. "Nak."
Napakurap ako at mabilis na pinahid ang luhang kumawala sa mga mata ko. Bumukas ang pinto at pumasok roon si Mama.
Umupo ako sa kama, iwas ang tingin sa kaniya. "Umalis na po ba siya?" malungkot kong tanong.
"Uh." Tumango siya. Malungkot siyang tumingin sa akin, kapagkuwa'y lumapit sa kama at umupo sa tapat ko. "Nak, hindi ka ba napapagod na saktan ang sarili mo at ang taong mahal mo?" malungkot na tanong niya. Napayuko ako. "Pagod na pagod na po ako, 'Ma. Pagod na ako sa sarili ko." Muli na namang tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa nararamdaman kong sakit.
"Nak," hinawakan niya ang kamay ko at marahan 'yong pinisil. "hindi mo kailangang saktan ng husto ang sarili mo at ang taong mahal mo. Harapin mo ang takot diyan sa puso mo. Huwag mong hintayin na mawala ng tuluyan ang taong mahal mo dahil lang naging duwag kang harapin ang mundo na kasama siya." Ngumiti siya kahit alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon ko. "Oo, maaaring husgahan kayo ng mga tao sa paligid ninyo pero hindi no'n mababago ang katotohanang nagmamahalan kayo. Sino ba sila? Mga tao lang sila sa paligid ninyo na hindi maunawaan ang pagmamahal na nararamdaman ninyo. Mga taong sarado ang isipan sa bagong mundo. Ang mahalaga, 'yong nararamdaman ninyong dalawa."
Tumulo ng malakas ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabing 'yon ni Mama. Masyado akong naapektuhan doon.
"Alam mo ba kung bakit 'di kita pinansin no'ng nalaman kong lalaki ang gusto mo? I'm worried. Natakot ako para sa 'yo dahil alam ko ang mundo ng mga katulad ninyo. Ayaw kong tanggapin na ganiyan ka kasi natakot akong masaktan ka ng mga tao sa paligid mo. Naalala mo pa noon, nag-set up ako ng blind date sa 'yo kahit na nasa grade 7 ka pa lang noon." Natawa si Mama sa paggunita ng alaalang 'yon. Napatawa rin ako dahil doon. Naalala ko pa kung gaano ako tumutol doon pero nauwi pa rin sa blind date.
"Ayaw ko kasing husgahan ka ng mundo. Pero alam kong hindi ka naging masaya noon at nasaktan ako sa ginawa ko. Kaya kahit mahirap para sa akin, 'yong takot ko, nilabanan ko para maging malaya ka at maging masaya. Ayaw kong saktan ka dahil lang takot akong husgahan ka ng mga tao. Ayaw kong maging malungkot ka." Bumuga siya ng hangin. Tumulo ang luha sa mg mata niya pero ngumiti pa rin siya. "Huwag mong gawing malungkot ang sarili mo. Labanan mo rin ang takot at doon ka magiging masaya at malaya." Pinahid niya ang luha.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahikbi ako at mabilis na niyakap si Mama ng mahigpit.
Naalala ko kung paano natakot si Mama para sa akin ng malaman niyang ganito ako. Natakot siyang husgahan ako ng mundo kaya pilit niya akong binago para maging normal ang lahat sa akin.
"I'm sorry, 'Ma," humihikbi kong sabi.
Naramdaman ko ang pagtampal niya sa likod ko. "Hindi mo kasalanang ganiyan ka. Ikaw 'yan at hindi ka dapat magpanggap sa iba. Be yourself and you'll be happy." Hinimas niya ang likod ko ng marahan. "Hindi ko kayang makita kang malungkot at nasasaktan dahil bilang ina mo, nasasaktan din ako."
"I'm sorry, 'Ma. Naging duwag ako. Nasaktan ko hindi lang si Mar pati kayo."
"Shhh! Hindi mo kailangang mag-sorry, ang kailangan mong gawin, ayusin ang lahat."
Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. "Thank you, 'Ma." Ngumiti ako at mabilis na hinalikan siya sa pisngi. "Tama ka 'Ma, aayusin ko ang lahat. Thank you. I love you, 'Ma." Hinalikan ko siya sa pisngi at mabilis na bumaba sa kama. "Hoy, gabi na sa'n ka pupunta?"
"Aayusin ko 'Ma ang lahat. Babalik agad ako. I love you, 'Ma."
Kusang huminto ang luha sa mga mata ko. Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto at ng bahay.
Nag-abang ako ng taxi patungo sa lugar kung saan nakatira si Mar. Tama si Mama baka mahuli ang lahat at pagsisihan ko sa huli. Hindi ko na ipapagpabukas pa ito, kailangan ko na agad makausap si Mar at ayusin ang lahat sa amin. Humingi ng tawad at hingin na bumalik na kami sa dati.
Mabilis akong bumaba sa taxi at nagbayad nang makarating 'yon sa tapat ng malaking bahay kung saan nakatira si Mar. Ilang beses pa lang akong nakakarating dito dahil nahihiya ako sa pamilya niya.
Nag-doorbell ako sa gate ng ilang beses. Napangiti pa ako ng lumabas ang guard at lumapit sa akin.
"Kuya, nandiyan po ba si Mar?" agad kong tanong, puno ng excitement.
Nag-isip ang guard. "Sorry, Sir pero wala ho si Sir Mar dito. Ilang araw na ho siyang hindi umuuwi," sabi ng guard na agad nagpalaylay sa balikat ko.
"G-ganoon po ba? Sige, po salamat," malungkot kong sabi. Biglang naglaho ang saya at excitement ko dahil sa nalaman ko.
Bagsak ang balikat kong tumalikod at naglakad palayo sa gate. Nasaan ka ba, Mar? Bakit ngayon ka pa nawala kung kailan handa na ako. Huli na ba ako at hindi na tayo muling magkakaayos? O baka nagsawa na siya sa paghahabol at pagsuyo sa akin.
Hindi ko namalayang nasa kalsada na pala ako at huli na. Nasilaw ako ng putting ilaw na galing sa sasakyang ilang dipa na lang ang layo sa akin.
Purong puti ang huli kong nakita bago ako tuluyang mawalan ng ulirat.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report