Our Own Kind of Story -
Chapter 8:
Mabilis akong tumakbo patungo sa classroom, nagbabakasakaling nandoon si Mar. Matapos kong pag-isipan ang mga sinabi ni Ken, napag-isipan kong tama siya. Kailangan kong sumugal dahil lahat naman ng bagay sa mundo, hindi sigurado. Kailangan ko ring magbakasakali. Panghawakan 'yong mga 'baka'.
Halos habol ko ang aking paghinga nang makarating ako sa building na kinaroroonan ng classroom namin. Hingal kong nilandas ang hallway palapit doon. Halos wala nang mga tao roon dahil lunch time na.
Kinakabahan ako na lalong nagpapa-excite sa akin. Tila may nagliliparan sa sikmura ko na nagpapahurumentado sa tibok ng dibdib ko. Sa tingin ko ito na ang tamang oras para harapin ko ang takot at isugal ang nararamdaman ko. Huminga ako nang malalim nang marating ko ang pintuan ng classroom. Bahagya iyong nakasara. Hindi ako siguradong nandoon si Mar pero nararamdaman ko. Dahan-dahan kong hinawakan ang pinto at binuksan iyon. Nanlumo ako sa aking nakita. Tinakasan ako ng excitement. Nawala ang lakas ng loob ko. Tinakasan ako ng lakas. Pakiramdam ko babagsak ako sa nakikita ko. Tila ba ginugusumot ang dibdib ko dahil sa sakit. Napaawang ang bibig ko at hindi ko maialis ang mga mata ko kay Mar at sa babaeng kahalikan niya. Hindi ko alam ang iisipin ko basta ang alam ko, galit ako, nagseselos. Nasasaktan.
"Jame, ano ba? Are you out of your mind?" narinig kong sabi ni Mar matapos nilang maghiwalay sa isa't isa.
"No I'm not. I love you, Mar."
Akmang hahalik uli ang babae nang lumayo si Mar. Napadako ang mga mata niya sa gawi ko na labis na ikinagulat niya. Napaawang ang bibig niya at hindi alam ang gagawin. "Jan?"
Matalim ko lang siyang tinitigan bago ako tumalikod at naglakad palayo. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko. Bakit ngayon pa kung kailan handa na akong sumugal? Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang mga kamay na pumigil sa braso ko. "Jan, wait I will explain. Mali ang nakita mo."
Hinarap ko siya. Kusang huminto ang luha sa mga mata ko. "Wala kang dapat i-explain, Mar. Hindi mo kailangang magpaliwanag. Sino ba naman ako, 'di ba? I'm just your best friend. Just your fucking best friend. Masaktan man ako, wala kang responsibilidad dahil kaibigan mo lang ako. Umiyak man ako, wala kang kasalanan dahil kaibigan mo lang ako." Pakiramdam ko sa bawat pagbanggit ko sa mga katagang iyon, hinihiwa ang puso ko.
"I don't care if you're just my fucking best friend, Jan. I will explain because I wanted to," balik niya na halos napataas na ang boses. "Hindi ko siya hinalikan. She was just suddenly kissed me. Hindi ko alam. Hindi ko 'yon ginusto. She confessed but I rejected her. Hindi ko siya mahal. Hindi ko gusto 'yong halik niya Jan. Alam mo kung kaninong halik lang ang gusto kong maramdaman? 'Yong sa 'yo lang Jan. 'Yong mga halik mo lang," biglang kalmado niyang sabi. Hinawakan pa niya ang pisngi ko at hinimas iyon.
"Pero hindi iyon ang nakikita ko, Mar. Mukha ngang sayang-saya ka sa halik ng babaeng 'yon. Kita ko kung paano ka lumaban sa bawat halik ng babaeng 'yon," inis kong sabi.
"No. Hindi 'yon ganoon, Jan. Nagpumiglas ako. Sinubukan kong kumawala dahil ayaw kong magkasala sa 'yo. Dahil mga labi mo lang ang gusto kong madampian ng mga labi ko, Jan. Walang iba." Inilapit niya ang mukha sa mukha ko. "Maniwala ka, Jan hindi ko gusto ang nangyari," pagsusumamo niya.
Natahimik ako. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sensiridad na palagi kong nakikita sa tuwing sinasabi niyang gusto niyang subukan. Sa tuwing tumititig ang mga mata niya sa akin.
Wala na akong inaksayang panahon, mabilis akong gumalaw at sa isang iglap magkalapat na ang mga labi naming dalawa. Pumikit ako, saka ko naramdaman ang paggalaw ng mga labi ni Mar. Ang masuyo niyang mga kamay na humahaplos sa pisngi ko. Ang malambot niyang labi na nagbibigay ng masarap na sensasyon na gusto kong maramdaman ng paulit-ulit. Gusto kong huwag nang matapos ang tagpong iyon. Ang sarap sa puso. Ang saya at walang hanggang ligaya ang bumabalot sa akin.
-
Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang mga bagay na iyon sa amin ni Mar. Sa isang iglap, sinusubukan na namin ang relasyong hindi kami sigurado. Kakaibang relasyon para sa iba, pero susubukan naming maging katanggap-tanggap sa marami kahit alam naming hindi iyon ganoon kadali. Maraming mga matang mapanghusga maaaring bumatikos sa amin kaya naiintindihan ko si Mar na mas mabuting itago na muna namin ang relasyong meron kami. "Hindi ka ba natatakot?" seryoso kong tanong kay Mar habang nasa plaza kami at nakaupo sa bench doon.
"Natatakot saan? May dapat ba akong katakutan?"
"Hindi natin alam kung hanggang kailan natin maitatago 'yong relasyon natin. Hindi ka ba natatakot na baka kapag nalaman nila maging tampulan ka ng tukso? Maging mababa ang tingin nila sa 'yo? Mawalan sila ng respeto?" Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko, bahagya niya iyong pinisil. "Why should I, Jan? Hindi porket mas pinili kong itago 'yong relasyon natin natatakot na ako sa sasabihin ng iba. Ito lang ang sa tingin kong paraan to make our relationship at peace. Masyadong mapanghusga ang mga tao at sabihin man natin na malakas tayo, maapektuhan pa rin noon ang relasyon natin. Mas okay na 'yong ganito and when the time comes na malaman nila, haharapin natin. Don't think too much, darling." Ngumiti siya na ubod ng tamis.
"Pero paano ka, Mar? Natatakot ako sa sasabihin ng mga tao sa 'yo. Natatakot akong hindi ka nila irespeto at magiging mababa ang tingin nila sa 'yo. You don't deserve those hates just because of me," nababahala kong pagtatapat. Iyon kasi ang malungkot na katotohanan sa kagaya niyang lalaki na nagkagusto sa kapwa niya. Nasa isip na ng mga tao na kapag pumatol sa bakla, pera lang ang habol at walang tunay na pagmamahal. Na kapag pumatol sa bakla, mababa na ang tingin at walang dignidad.
"May dapat ba akong ipaliwanag sa kanila? Kung iyon ang magiging tingin nila sa akin, ibig sabihin lang niyon, hindi nila alam ang salitang 'love' na nararamdaman ko sa 'yo. Isn't a sin anymore. Hindi kasalanang magmahal lalo na't wala naman tayong nasasagasaan," pangangatuwiran niya.
Tahimik ko lang siyang tiningnan at mayamaya'y puminta ang matamis na ngiti sa labi ko. Ang sarap-sarap lang sa pakiramdam na marinig ang mga katagang iyon sa lalaking mahal ko. Yumayakap sa akin ang walang hanggang ligaya na siya lang ang alam kong nakakapagparamdam sa akin.
"Salamat, Mar." Mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit. Napakaswerte ko na sa wakas kasama ko na siya ngayon at base sa nakikita ko handa siyang ipaglaban ang relasyon namin kahit na hindi iyon sigurado.
-
Napapitlag ako nang maramdaman kong may umakbay sa akin. Bahagya pa akong napayuko dahil sa mabigat niyang kamay. "Hmm! Napaka-fresh mo ata ngayon, ah?"
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Humarap ako kay Ken at ngumiti. "Ngayon lang?" Ngumuso ako. "Tss! Ang alam ko palagi naman akong fresh, eh. Hmmm! Ikaw pala ang dahilan kung bakit nasisira mukha ko," natatawa kong sabi sa kaniya. Siya naman ang kunyaring nalungkot. "Aw! Disaster pala ako?" aniya, saka kunyaring nasaktan nang humawak siya sa kaniyang dibdib. "Ang gwapo 'tong, dahilan kung bakit nasisira mukha mo? Baka naman hinahanap-hanap mo na 'to?" Natawa ako, saka pinalo siya sa dibdib ng mahina. "Mayabang ka rin pala 'no? Masyado kang confident, eh," sabi ko.
"Joke lang 'yon," natatawa pa rin niyang sabi. "Pero seryoso, blooming ka ata ngayon. Inspired?"
"Palagi naman akong inspired, eh hindi mo lang napapansin," sabi ko.
"Inspired din ako pero 'di mo rin napapansin," balik niya.
"Kanino? Sobrang tagal na nating pinag-uusapan 'yang babaeng 'yan pero 'di ko pa rin kilala. Sino ba 'yan?" curious kong tanong. Sobrang tagal ko na kasing alam na in love 'tong si Ken pero 'di ko pa rin kilala kung sino ang swerteng babaeng 'yon.
"I-ikaw."
Napahinto ako sa paglalakad. "Huh?" gulat kong reaction dahil sa walang pasubali niyang sabi.
Biglang pumalatak ng tawa si Ken dahil sa naging reaction ko. "I'm just joking, Jan don't take it seriously," natatawa pa rin niyang paliwanag.
Natulala ako at hindi nakaimik. Hindi ko alam pero pakiramdam ko seryoso si Ken nang sabihin niyang ako ang babaeng 'yon. Pero bakit nga naman ako maniniwala, eh babae nga 'yon at hindi naman ako babae.
Pilit akong ngumiti. Nailang ako bigla sa 'di ko malamang dahilan. Parang seryoso si Ken. Ewan. "I know you were just joking. Nagulat lang ako," paliwanag ko agad. "Tara na nga, gutom na ako, eh," akit ko sa kaniya, saka nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa cafeteria.
"Sa tuwing kasama kita, pakiramdam ko dapat akong matakot sa paglabas ko ng school."
Kumunot ang noo ko nang sabihin iyon ni Ken nang makarating na kami sa cafeteria. "Bakit naman? May mga kaaway ka ba?" nag-aalala kong tanong.
"Yong mga titig kasi ni Mar parang may patalim na papatay sa akin," seryosong aniya habang pasimpleng nakabaling ang mga mata sa gawi ni Mar.
Napangiti ako sa sinabi niya habang napapailing pa. Alam ko kasi kung bakit ganoon na lang kung tumingin si Mar kay Ken. Pinaliwanag ko naman na sa kaniya ang lahat pero ewan ko ba sa lalaking 'yon kung bakit nagseselos pa rin. "Hoy! Masaya ka pa noon? Mukhang ipatutumba niya na nga ako, eh."
"Kumain ka na nga kang, Ken huwag mo nang pansinin si Mar," saway ko sa kaniya.
"Hindi ka ba-"
"Stop!" pigil ko sa kaniya kasabay ang pagharang ko ng palad ko sa bibig niya. "You're talking too much, Ken."
Ngumuso si Ken. "Hindi ka ba nag-aalala sa akin?" Kunyari pa siyang nagtatampo.
"Hindi," mabilis kong sagot.
Lalong pumait ang mukha niya. "Kaibigan ba talaga kita?"
Napangiti ako. "You're just imagining things, Ken. Huwag ka ngang paranoid diyan," sabi ko.
"Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain. Napaka-heartless mo kasi sa akin."
Tiningnan ko ang plato niya at muli akong natawa. "Paano gaganahan, eh naubos mo na 'yang pagkain mo?"
Mabilis na ngumiti ng malapad si Ken na halos labas lahat ng magaganda niyang ngipin. "Wala na ba? Kaya pala nawalan na ako ng gana."
"Baliw," natatawa kong balik.
Tinapos ko na lang din ang pagkain ko para makaalis na kami sa lugar na iyon.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report