Pancho Kit Del Mundo -
[14]
I sighed for I don't fucking know how many times already nang makitang wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula sa aking Ellie. Maging ang tawag ko ay hindi kumukonekta sa kaniya sa hindi malamang dahilan. I couldn't help but feel frustrated.
Suportado ko siya. Even before, his happiness was what mattered to me. Nangako ako sa kaniya na kahit ano pa mang mangyari ay nandirito lang ako palagi para sa kaniya. Pero hindi pala madali. Nakapapagod, naka-e-exhaust, naka-fu- frustrate na rin. I love him so much that it's already too much.
I don't know how long I could keep this up, babe. Please, come back to me.
"Sir, we are good to go. Nacheck-out ko na po ang kwarto and already been cleared," sabi ng kalalabas ko lang na sekretarya sa hotel habang kasunod niya ang pauper na bitbit lahat ng aking mga bagahe.
Tumayo ako mula sa pagkauupo sa rest area sa labas ng hotel at pinagkatitigan muna ang malawak na karagatan bago tumalima para sa pag-uwi. I wish Ellie's here with me. We could enjoy the scenery at the day and enjoy fucking each other at night. Napangisi ako sa pilyong kaisipan.
Naagaw ang atensiyon ko ng tahimik na si pauper. Wala lang akong sinasabi, but the rest of our leisure day sa Boracay ay halata na ang pananahimik niya. Lumalayo muli siya sa akin at tila ayaw kahit magkalapit kami ng balat. Naiisip ko muli na baka ang aking ama na naman ang dahilan, but my old man was not even here. Was this really because of me?
Magmula noong nakatuwaan kong makisabay sa kaniya sa pagligo sa dagat ay nag-umpisa muli siyang mag-iwas. Sa unang beses na iniiwasan niya ako noon, ano kaya ang nag-trigger no'n? But more importantly, does he really like me I couldn't help but feel something satisying inside me. Look at this pauper, starting to get enchanted at me, huh?
Ngingisi-ngisi akong tumabi sa kaniya sa loob ng eroplano na dapat ay ang sekretarya ko ang katabi niya. Dinahilan ko kay Maia na gusto kong maupo sa pwesto kung saan ang pauper dahil mukhang kumportable roon, pero sa totoo, gusto ko siyang tuksuhin. Napahalakhak ako sa aking isipan nang pagkatabi ko pa lang sa kaniya ay halos mapatalon siya sa pagkaauupo. Then he faced his body on the other side na halos tumalikod na siya sa akin.
"Sit straight, pauper," kunyari ay nangangaral na sambit ko sa kaniya.
Napahihiya naman siyang umayos nang upo at pasimple pa akong dinaanan ng tingin. I secretly grinned at myself. Ah, this was really so satisfying. Gustong-gusto ko siyang bully-hin. So amusing.
Kalahating-oras pagkatapos mag take-off ang eroplano, nagsimula nang mag-ikot ang mga stewardess sa mga upuan para magbigay ng mga snacks. One came at our side at malaki agad ang pagkangingiti niya sa akin, she even bit her lower lip na akala niya hindi ko nakita. I don't hate girls, ayaw ko lang ng super showy. And isn't she aware kung anong trabaho niya? Hindi naman siguro included sa trabaho ng mga stewardess ang mang-akit ng kanilang pasahero. Yumuko pa talaga siya ng malalim kahit hindi naman kalaliman ang trolley na bitbit, dahilan iyon para umangat ng kaunti ang maiksi niyang skirt exposing her white legs. I almost rolled my eyes.
"Here's your snack, Sir." I don't want to be judgemental, but her voice sounds so flirty - she made it so obvious and it sucks.
"Nah, I'm good," pagtanggi ko sa kaniya at pagkatapos ay bumaling sa nananahimik na pauper dahil may naglaro na naman sa aking isipan. "What do you want, baby?" I made my voice so hoarse at the word "baby" na kahit ang stewardess ay napasinghap.
Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata ni Terenz. His jaw almost dropped at tila napipi. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng magkabilang tenga niya. Damn, really, really amusing.
"B-Baby?" pabulong niyang sabi sa akin at hindi nakatakas sa paningin ko ang panginginig ng kaniyang mga labi.
I rolled my tounge on my lower lip. "Yeah... baby."
Bigla niyang tinakip ang dalawang kamay sa kaniyang mukha na kinailing ko. Sinobrahan ko naman yata. Napangiwi ako habang nakikita pa rin siya sa ganoong estado. Bahagya akong lumayo sa kaniya and with a smug face, tiningala ko ang stewardess na halatang natitigilan pa rin.
"My baby said he doesn't want any, too. Thank you," pormal kong pagpapasalamat sa kaniya at tanging tango na lang ang nagawa ng babae bago lumayo sa aming pwesto.
"Pwede ba umayos ka na? Arte lang 'yun para umayos iyong stewardess sa harapan ko," walang gana kong pag-amin sa pauper at nakita ko mula sa gilid ng aking mata ang pagtanggal ng kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha at tumitig sa akin with a lost expression.
"A-Arte?" inosente ang pagkatatanong niya kung kaya ay napasinghal ako.
I crossed my arms and legs and gave him a cracking-up expression. "Bakit sa tingin mo talaga lalambingin kita. Asa."
After I said that ay tinaasan ko siya ng kilay at gilid ng labi - nagyayabang. Lumupaypay ang mga balikat niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Damn, natutuwa na akong paglaruan siya. It's been a long time noong nasa highschool at college ay mahilig na talaga ako sa ganito. But I must say, off all my candidates, mas nag-e-enjoy ako sa pauper na ito.
Just you wait, there's more to come.
Bandang ala-una ng tanghali ay nakarating na kami sa NAIA at sinundo ang aking driver. Hinatid muna namin si Maia sa condo niya bago kami dumiretso ng uwi sa mansiyon. Sinilip ko pang muli ang aking cellphone na tinanggal ko na sa airplane mode at na-dissapoint lang muli nang wala pa ring reply sa akin si Ellie. Damn, babe. Please, please, stop doing this to me.
Pagdating sa mansiyon ay napakunot ang noo ko pagkababa pa lang ng kotse. Tila may kakaiba. May mumunting tugtugin akong naririnig sa aking kwarto na sobrang pamilyar sa aking pandinig. Nagkakaroon lang naman ng mellow music na tugtugin na nangingibabaw sa loob ng mansiyon kapag naandito siya. Kapag naandito ang aking Ellie.
My heart beated wildly, tila kinikiliti ang aking tiyan.
"Fuck!" I happily cursed at mabilis ang lakad na pumasok sa mansiyon hindi pinapansin ang pagtawag ng pauper sa akin.
When I got inside wala akong nakita. Dumiretso ako sa kusina and there I found him. Ang taong sobra, sobra, ko nang miss. Lahat ng frustrations ko ay nawala at napalitan ng labis na tuwa. God, he's here. My babe's here. Finally, he's home. "Ah! Ellie anak, naandito na siya," pagtawag ni Nana sa atensiyon niya na noon ay katulong niya sa paghahanda ng mga meryenda.
Lumingon siya sa gawi ko and God knew how hard I tried to hold back not to ravish him on the spot.
"Babe!" he beamed and smiled wildly. "Welcome home."
Wala nang pasubali ay winala ko ang distansiya sa pagitan naming dalawa. I grabbed his cheeks and kissed him- sensely. Nawawala ako sa katinuan, gustong-gusto ko na siyang hagkan. And I was more glad to deepen the kiss nang pinaikot niya ang kaniyang mga braso sa aking leeg at tinugon ang ibinigay kong halik.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report