Pancho Kit Del Mundo -
[7] Terenz Dimagiba
Napapikit ako nang mariin nang makita kong unti-unti nang lumalapit ang mukha niya sa akin. Ramdam ko na ang mainit niyang hininga. May mumunting pintig ang namuo sa aking pulso at hindi ko maintindihan ang kakaibang kabog sa aking puso.
"Say..." Rinig ko ang mababaw niyang boses at naamoy ang mabango niyang hininga, binuksan ko ang aking mga mata at nakitang halos karayom na lang ang layo ng labi niya sa akin, "Have we ever kissed before?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Naalala ko ang una naming pagkikita noong gabing umuwi siyang lasing at hinalikan niya ako. Noong mga oras na iyon ay inakala niyang ang syota niyang si 'Ellie' ang kaniyang kaharap. Hindi niya ba naalala iyon? Somehow, my shoulders dropped. Linihis ko ang aking paningin sa kaniya para maiwasan ang mapanuri niyang mga mata.
"Nahihibang ka ba, Sir? Bakit naman tayo maghahalikan?" diretso kong saad, hindi makatingin sa kaniya.
Narinig ko siyang tumawa at lumayo na siya sa akin. Nang ibinalik ko ang paningin sa kaniya ay sumandal na siya sa kaniyang kinauupuan at i-n-i-start ang engine ng sasakyan. "You're right at that. I won't even dare kiss a pauper." Puno ng disgusto ang boses niya habang may tingin na tila minamaliit ako.
Namuo ang galit sa aking dibdib pero mas pinili ko na lang na manahimik. Maliit na ako sa paningin niya, bakit ko paliliitin pa. Sumandal na lang din ako sa aking kinauupuan at winili ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana ng kotse. Ang payapang langit ay nagpaalala sa akin ng masayang atmospera sa amin. Bakit nga ba ako nagkakaganito sa kapwa ko lalaki at higit sa lahat ay sa isa pang arogante at matapobreng tao? Na-miss ko tuloy sina Nanay at Tatay. Kumusta na kaya sila?
Kinuha ko ang aking cellphone at nag-send ng mensahe kay Nanay. Mamayang gabi bago matulog ay tatawagan ko siya, na-mi-miss ko na ang mga boses nila. Malamang, marami na namang maikukwento sa akin si Buboy.
"Nice. I didn't know you could have phone like that," sarkastiko niyang sabi, halos idiin pa ang bawat salita.
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone sa sinabi niya. Hanggang kailan pa ba niya ako kayang insultuhin ng ganito? Hindi naman siya bobo para hindi makita na bigay lang ito sa akin. Mahirap na nga ang tingin niya sa akin, 'di ba? Saang lupalop niya nahugot ang mga salita na kaya ng isang kahig isang tuka na kagaya ko ang makabili at makahawak ng ganito kamahal na bagay?
"Alam kong alam mo na bigay lang sa akin ito ni Ninong!" hindi ko napigilang sigaw sa kaniya.
"I know, dumbass. That's why I said it must be nice. That old man didn't even buy me a single thing nor gifts way back I was young," diretso at seryoso niyang saad. "Good for you."
Natigilan ako at napatitig sa mukha niya sa sinabi niyang iyon. Walang bahid ng emosiyon ang mga mata niya sa bawat katagang binitawan niya. Somehow, biglang umurong ang galit ko. Bigla akong nahiya sa kaniya.
Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang cellphone niya. Tumigil ang sasakyan dahil sa stoplight at dahil doon ay nasagot niya ang tawag. May pinindot siya sa harapan at may inilagay sa kaniyang tenga, sinagot niya ang tawag ng ganoon. "Hey, babe." Biglang naging malambing ang boses niya na mas ikinatitig ko sa kaniya.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Ang kaninang walang emosiyon niyang mga mata ay nagkaroon bigla ng buhay at kakaibang saya. Sinampay niya ang kaniyang kamay sa nakabukas na bintana ng kotse at pinaglaruan ng mga daliri niya ang ibaba ng kaniyang labi. Ngumiti siya ng sobrang tamis habang pinapakinggan ang kausap. "Ellie." Iyon lang ang pangalan na pumasok sa isipan ko na nagbigay ng kakaibang saya sa mukha niya. Tila ba ang marinig lang ang boses nito ang pumawi sa kanina ay lumbay na nadarama niya.
Umiwas ako ng tingin at dinako na lang muli ang paningin sa labas.
"I miss you, babe." Labis ang pangungulila sa boses niya. "Hurry and come back home already. I can't wait to feel you again in my arms."
Nakaiinggit. Ramdam ko ang labis na pagmamahal sa boses niya at hindi ko maiwasang mainggit. Masaya siguro ang magmahal ng ganiyan. Sa buhay na meron ako, hindi ko na naisipan pang sumubok sa relasiyon. May mga babae rin akong napusuan noon, pero dahil mas iniisip ko ang sitwasiyon ng aming pamilya ay isinantabi ko na lang iyon. Ngayon, habang naririnig ko si Sir Pancho, tila gusto ko rin maramdaman ang nararamdaman niya. Masaya nga talaga siguro ang magmahal.
"Take care always, okay? Huwag masyadong magpagod. Don't let other guys come near you nor touch you or I swear, I'll come and get you there. I am fucking serious, Ellie Saavedra." Tumawa siya na tila mula talaga sa puso. "I love you so much, babe. Please come back to me soon."
Napapikit ako sa huling sinabi niyang iyon. His voice was so sincere and sweet. Maging ako ay nakaramdam ng bahagyang kiliti sa aking tiyan. Kung ganiyan lang din sana siya lagi kahit sa aming kasama niya sa mansiyon. Well, kunsabagay, exception nga talaga siguro kapag ang mga taong importante talaga sa iyo ang kaharap o kausap mo. Sino ba naman kami? Ako?
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa nakarating kami sa kanilang kumpaniya. Sakto naman ang oras ng dating niya roon at pagkapasok niya ay sinalubong kaagad siya ng maraming gawain. Naging busy kaagad siya sa pagkausap sa mga tauhan yata ng kumpaniya nila at narinig ko pa na pinapatawag siya ni Ninong sa opisina nito at may meeting yata sila.
"Why did you follow me, pauper?" Napamaang ako sa kaniya noong susunod rin sana ako sa kanila sa elevator, napatingin din sa akin ang mga kumakausap sa kaniya kanina. "Just wait on the fucking car until I finished work. You don't belong here."
Sa puntong iyon ay natulala lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa mawala na sila sa aking harapan. May iba na napadaan ang nakarinig sa sinabi niya at nagbulung-bulungan kaagad sa likuran ko. Tahimik akong naglakad palabas ng building habang nakayuko. Hiyang-hiya ako. Buong buhay ko noon lang ako pinahiya ng ganoon at sa harap pa ng maraming tao. Bawat lakad ko ay pabigat nang pabigat. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa labis na sakit. Alam ko naman iyon, eh. Alam ko namang iba ang kinalalagyan ko kaysa sa kanila, pero kailangan ba niyang ipahiya ako ng ganoon? Gusto kong sigawan siya sa sobrang galit, pero lahat naman ng sinabi niya ay totoo.
Napatingin ako sa aking paligid dahil pakiramdam ko ay tinitignan ako ng lahat ng tao. Puno ng disgusto ang mga mata, nagbubulungan, nagtatawanan. Pakiramdam ko ay isa akong basahan sa gitna ng mga mata ng maraming tao ngayon. Naikagat ko ang aking labi at pinunasan ng likod ng aking kamay ang namuong luha sa aking mga mata. Inisip ko ang mga ngiti ni Nanay, pag-asa sa mga mata ni Tatay at ang kinabukasan ni Buboy. Kailangan kong tatagan ang aking sarili dahil may pamilya akong umaasa sa akin.
Napag-isipan kong maglakad-lakad muna para mabawasan ang bigat sa dibdib na aking nadarama. Babalik na lang ako mamaya kapag oras na ng uwi niya. Ngunit, sa isang oras kong paglalakad, nang napagpasyahan ko nang bumalik ay hindi ko na maalala ang daan pabalik.
"Lagot, nawawala yata ako."
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report