Pieces of You
Chapter 13 Jelly

Weekend came by so fast and my conversation with Nathan are lasting a while now. Pero naroon pa rin ang kaba sa tuwing kaharap at kausap ko siya. Minsan iniisip ko na lang na natural na lang ang nararamdaman ko sa tuwing nandyan siya. Napaka-intimidating kasi ng titig niya.

That night after the detour, nagulat na lang ako nang nakita ko ang mukha ko all over my feed with a MIA on it. I even got countless notifications giving sympathy to my sudden disappearance at nakita ko pa ang haha reactions ni Nathan sa karamihan ng mga shared posts patungkol sa pagkawala ko.

I texted Abby to say I'm okay and I just forgot to text her. Hays. Bakit ko ba 'yun nakalimutan?

1 new message

Nate

I see you're MIA. Bakit wala pati pangalan at picture ko? Magkasabay naman tayong nawala ah. Hahaha

Napakagat naman ako ng labi ng bumanat ng biro si Nathan.

You

Di kaya biro magtrend online. Tapos MIA pa ang rason.

I sound so serious. Wala talaga akong alam sa mga ganito e. Puro okay at oo lang naman ang reply ko kapag si Abby ang katext e.

Nate

Biro lang.

After he replied, hindi ko na siya nireply-an pa. Hindi ko na rin kasi alam kung ano ang sasabihin. I might just ruin the moment. Or I just did it already.

Later that night, the posts were found nowhere in the pages nor in my timeline. Kinabahan ako dun. That was quite a fuzz. Parang noong nakaraan lang nasa news ako tapos ngayon ay MIA naman. Napahipan naman ako ng hininga sa ilong. Bahala na.

I often get morning greetings from Nathan which I found it very thoughtful of him. Saka, I am starting to get butterflies in my stomach sa tuwing magtetext siya ng may kinalaman sa naging takbo ng araw ko.

I am still on my bed right now. Pikit mata habang ninanamnaman ang lambot ng kama ko at ang pagkakataong makapagpahinga ng mas mahaba. Sobrang napagod kasi ako sa mga nangyari this week. Dagdag pa 'yung pagpupuyat ko nung nakaraan.

Isa pang nakapagpapabagabag sa isip ko ay ang pagpunta ng mga magulang ko dito sa Pilipinas. I'm clueless as to what they are up to pero ramdam kong may balak silang hindi ko magugustuhan. The idea of them going to the Philippines is what I don't like the most, 'yung balak pa kaya nila.

Binuksan ko ang mga mata ko at saka nilibot ang paningin papunta sa bintana sa kaliwa ko. Tanaw ko ang mga nagsasayawang dahon ng mga puno. Saturday is windy day. Magandang magpaaraw ngayon at makalanghap ng sariwang hangin. Bago pa ako tumayo sa aking kama ay nakarinig ako ng tunog na nanggagaling sa phone ko. I crawled on top of my bed to reach for my phone on my bedside table.

1 new message

Nate

Good morning, Solennessy. Have a great day ahead of you.

The fact that he mentioned my name, I wanted to scream at the top of my lungs unbothered kahit pa may makarinig sa pagtititili ko.

For another minute, I received another text. This time it was from Abby.

Abby

Good morning, friend! Be sure na pupunta ka dito, ha? Magtatampo si Mama sayo.

I replied to their messages and then I got up from bed. Nanghilamos muna at saka lumabas ng bahay sa harap ng porch still on terno na may design na watermelon at saka minessy bun ang buhok ko. Magpapaaraw lang sana ako at lalanghap ng sariwang hangin. Binuksan ko ang pinto, what a bright and windy day!

"Ayy, kabayo!"

I was taken aback nang may nakita akong lalaking nakatalikod sa may hagdanan. Napahawak ako sa aking dibdib. Then I saw him turn to me at saka ngumiti ng konti. Pwedeng mahimatay?

It was Nate standing on the porch of my house. He was wearing a white shirt na medyo hapit sa katawan nito at isang black jagger pants. He was wearing a white sneaker na bumagay sa suot nito. Ang lakas talaga ng karisma nitong lalaking ito. Ang aga-aga nagpapasabog ng kagwapuhan oh.

"N-Nate."

Flabbergasted, I called him with his nickname. But his smile just become more genuine and visible. Nakakahawa 'yung ngiti niya oh. Napatungo naman ito dahil nahihiya? Kinikilig? I saw his face red. Kinikilig din pala itong lalaking ito. "Hindi mo naman ako sinabihang bibisita ka pala." He took steps to reach for me. Present na naman si kaba. But I stood firm.

"Surprise?"

He said without a hint of surprise in his voice but rather it was like a sentence. Ngunit mababakasan mo ang galak sa kanyang boses. "Sira." He scratch the side of his head with his pointing finger. Aba. Marunong din palang mahiya ito sa akin?

"Tuloy ka." Nang inanyaya ko siyang pumasok ay nanatili pa rin siyang nakatayo sa labas.

Ano kayang problema nito?

"Actually, I..." Nag-alinlangan pa itong ituloy ang kanyang sinasabi, but I remained attentive kaya nagpatuloy siya sa kanyang sasabihin.

"I wanted to invite you for a cup of coffee."

"Ah. Sure."

When I accepted his invite, naging maaliwalas ang mukha niya at bakas ang excitement sa kanyang mukha. Tsaka, sino ba naman ako para tumanggi? Eto na 'yun oh.

"20 minutes? Magpapalit lang ako. Pasok ka muna?" Tumango ito sa akin at tumuloy sa bahay. He made his way to the sofa at saka umupo.

"Sure. Take your time. Handa naman akong hintayin ka."

Napakagat-labi naman ako sa sinabi nito. Geez. Pigilan mo 'yang kilig mo, Hennessy.

Handa siyang hintayin ako? Bakit parang may double meaning 'yung sinabi niya sa akin? I shrugged the thought off. I heard him giggle kaya tumalikod na ako at saka nagmadaling pumasok sa aking kwarto. What was that? Napa na parang bulateng binudburan ng asin.

Napatakip naman ako ng bibig at saka tumili ng never ending. Ang harot! Makapagligo na nga.

Madalian akong nagshower. It took me only 10 minutes at saka dali-daling naghanap ng masusuot habang nagsusuklay. Hindi ako nagboblower dahil nakakasira siya ng buhok saka hindi ko lang talaga gusto.

How about a dress? Kakaunti lang ang dress ko rito at lahat ay para sa mga pormal na okasyon. No, definitely not. Maooverdressed ako sa suot ni Nathan. Ano kaya?

When I got out of my room, nakuha ko ang atensyon ni Nathan. His eyes were glued in my position. Pangit yata 'yung suot ko, akala ko babagay sa kanya e.

Then, he shifted his gaze to his wristwatch. A smile plastered on his face.

"That was 19 minutes and 32 seconds. Record breaker ka. Congrats!"

Psh. 'yun lang pala, akala ko kung ano na. Sarap bigwasan nito e. Malapit na tuloy akong bumalik sa kwarto at di na muna magpakita sa kanya.

"Sira, record breaker ka diyan." Napasimangot naman ako.

"Akala ko kasi mag-iisang oras ka pa sa loob e. Ganon naman 'yung mga babae, hindi ba?" Inis na tinitigan ko siya.

"So, ano gusto mong sabihin? Na hindi ako babae? Ganon?"

Kahit gwapo 'to, bibigwasan ko 'to. Pigilan niyo ako. Konti na lang talaga at bibigwasan ko na to ng pagmamahal ko.

Natawa naman ito sa naging reaksyon ko at saka napatakip ng mukha. Oh, problema nito? Pagkatapos ay mukha ko naman ang tinakpan nito. "Nagpipigil lang talaga ako."

Pinitik niya ng marahan ang noo ko sabay inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Namula naman ako sa ginawa nito. Kinindatan niya ako, nginitian at saka hinawakan ang kamay kong nakakapit sa laylayan ng damit ko. Hinila niya ako papalabas at saka sinara ang pinto ng hindi binibitawan ang kamay ko.

"Couple shirt pala ah." Bakas sa mukha nito ang panunukso. Mga mapanuyang tingin. Ang sama.

Ginaya ko kasi ang pananamit niya. I had white shirt on, jagger pants and a pair of white sneakers. Nahihiya akong tumingin sa kanya.

"So, does that mean we're a couple now?"

Hindi naman sumagi sa isip ko ang sinabi nito kaya hindi na ako nakasagot pa. Nakatunganga lang ako sa kanya. Habang patuloy na bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Napahawak tuloy ako dito na isiya naman ikinatawa ng lalaki. Kaya ang ginawa ko, tinapat ko ang palad ko sa mukha niya at saka itinulak papalayo. Ako naman ang humalakhak ngayon. Hindi na ito nakaganti pa dahil tumakbo na ako papalayo papunta sa kotse nito. Ako na ang nagbukas ng pinto para sa sarili ko while he made his way on the driver's seat. Bago niya ini-start ang kotse ay may isineyas ito sa akin.

He placed his palm in front of his face and he let his hands move in circular motion. He winked at me dahil alam niyang alam ko ang ibig sabihin nun.

"You're beautiful" in sign language.

**

"May pupuntahan ka pa?" Nate in between sipping his coffee. Tumango ako habang nginunguya ang piraso ng buko pie sa aking bibig.

"Maggogrocery na lang ako since lumabas na rin lang ako."

Sumimsim ako ng kape at saka tinanaw ang nagsasayawang alon sa dagat. Ang ganda dito. I can see the sun rising and the hymn of the fresh breeze, the morning could offer.

"I'll go with you." Napaso naman ako sa kape ng sabihin niya iyon. Seryoso?

"Okay ka lang? Did you hurt your tongue. Patingin?"

Inilapit nito ang mukha niya sakin habang nakatitig sa aking labi. Shocks. Awkward! Mabilis naman akong umiling.

"Okay lang ako. Hehe." Pinunasan ko naman ang kapeng naglandas sa labi ko. Geez. So clumsy of you.

"Seryoso ka? Hindi na. At saka ayaw ko namang isipin mo na inaabuso ko 'yung kabutihan mo. Huwag na." He took another sip of coffee and then stared directly at me. He raised his eyebrow which, I didn't know he was capable of doing. Ano naman ang ginawa ko dito?

"Ayaw mo ba akong makasama?"

Biglang nagbago ang tono ng pananalita nito. He became serious. Then he diverted his gaze towards the sea. Nakita ko kung paano umigting ang panga nito. Uh-oh.

"G-Gusto." He faced me when he heard my answer. Then I heard him laugh. And his face more than ever.

"Hindi pa rin pala kumukupas ang acting skills ko."

Noong nalaman kong pinagtitripan niya lang ako ay tinapunan ko siya ng kutsara sa mukha na inilagan niya lang. Kainis! Tumawa lang ito sa akin. Unti-unting pinapawi ng kanyang ngiti at tawa ang inis ko sa kanya. Lugi naman ako! "Let's go."

Hinawakan niya ako sa aking kamay. He gently carressed my face at hinila ang aking ilong na siya namang ikinabusangot ng mukha ko.

Together, we walked out of the coffee shop at nagtungo na sa malapit na mall dito. Quality time with him? Yes!

Naunang humila si Nathan ng pushcart pagdating namin ng grocery store. Napakagentleman oh. Ngumiti naman ako sa ginawa niya iyon at ito naman ay napatango.

Marami-rami ring tao ang naggogrocery ngayon dahil na rin sa weekend at kakapayday lang ng mga employees nung nakaraan. Ang iba ay kasa-kasama ang pamilya nila, ang iba naman ay piniling mag-isang mamili at ang iba ay may kasama katulad ko.

Dumiretso muna kami sa vegetable section. Kumuha ako ng mga gulay na pwedeng ipanggawa ng sandwich, salad and veggie chips katulad na lang ng patatas. Nakita kong kumuha si Nathan g talong at saka tumingin sa akin. Nang nakita niya akong tinititigan siya at ang hawak niyang talong ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang laki."

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Nabasa ko sa kanyang labi. Ngumiti ito ng pagkalaki-laki at saka tinaas-baba ang kanyang kilay.

"Sira."

Sinenyasan kong ibaba ang talong na hawak niya dahil nakakakuha na siya ng atensyon mula sa mga mamimili. Hays. Kung hindi ko lang to gusto, iiwanan ko talaga ito dito eh.

Kumuha rin ako ng spices bellpeppers, garlic, onions and such saka pepper and cheese powders, laurel leaves. That should do. Hindi naman ako masyadong nag-uulam e.

Sunod ay pumunta kami ng meat section. Nauna akong maglakad habang nasa likod ko si Nathan na nagtutulak ng pushcart. Kahit na nagtutulak siya ng pushcart ay hindi ko maitatangging ang gwapo niya pa rin. Hindi naging kabawasan ang pagtutulak niya ng pushcart kundi naging pgi points pa ito sa mata ng mga kababaihan. Kulang na nga lang ay lumaglag ang panga ng mga babaeng nadadaanan nito at todo titig sa kanya. "Chicken?"

Itinaas nito ang isang piraso ng chicken breast gamit ang clipper. Napatango naman ako. Kumuha siya ng plastic at saka inilagay ng may pag-iingat ang mga piraso ng manok ng paisa-isa. "Aabutin ka talaga ng siyam-siyam niyan."

Tumawa ako sa kanya at napataas naman siya ng magkabilang kilay sa kanya. Narealize niya siguro ang ginagawa. Chineck ko naman ang beef meat. Sapat na kaya ang dalawang kilo? "Curious lang ako." Sigi pa rin siya sa pagkuha ng manok na pare-parehong parte sa dibdib ang laman. Lumingon ako sa kanya at nacurious din kung ano ang ikinacurious nito. "Bakit kaya 'yung chicken may breast,"

Tinitigan niya ang laman ng manok pagkatapos ay nilingon niya ako at nagpatuloy sa kanyang sinasabi.

"Pero ikaw wala?"

Nanunuyo niya akong tinignan at pilit na pinipigilan ang pagtawa saka dahan-dahang inangat ang kamay nito na nakapeace sign.

"Salbahe ka talaga!"

Namumula man ay tinapunan ko siya ng masamng tingin. Muntik ko pa ngang maibato sa kanya ang clipper na hawak ko kung hindi lang dahil sa mga taong nakakakita sa amin. "Pasalamat ka at nakapagpigil pa ako."

Tsk. Ganon-ganon na lang 'yon! Bigla naman akong naconscious.

Di naman sa kalakihan itong dibdib ko pero meron naman! Napanguso tuloy ako.

Pabagsak kong inilagay ng dalawang kilo ng beef meat sa pushcart at saka naglakad ng mabilis papunta ng fruit section. I reminded myself that I'm angry. Mamaya niyan, rurupok na naman ako e. "Sol! 'Yung dibdib mo este 'yung manok!"

Lalo lang akong namula at nahiya dahil sa isinigaw ng lalaking ito. Urgh! Pwedeng malusaw na lang?

Nilingon ko ito at saka sinamaan ng tingin habang tinatakpan ang aking mukha. Tuwang-tuwa ang tukmol oh.

Hindi na ako nagtagal sa fruit section. Kumuha lang ako ng pear, mansanas, grapes at pinya. Hindi ko naman pinapansin ang mga segu-segundong kinukulit ako ni Nathan. Ganito ata talaga to pag nakilala mo e, minsan akala mo di makausap ngayon naman parang may saltik.

"Tara. Bibilhan kitang yakult."

Kahinaan ko talaga pinuntirya niya oh.

"Bahala ka nga."

Inikutan ko siya ng mata kaya ngumuso ito. Tumalikod ako agad ng hindi na nakapagpigil na ngumiti at kiligin! Nathan Mariano knows how to melt my heart. Kainiiiiiis. Kinikilig ako. "Ang dami naman niyan. Magpapatayo ka ba ng tindahan ng yakult?"

Nasa pagitan ako ng curls at biscuit section na katapat lang ng drinks section kung saan naroon si nathan na naghahakot ng yakult. Halos lahat ng stock na nandoon ay hinahakot niya. Kumuha siya ng isang piraso ng chuckie, tinusok ang straw at saka sumimsim. I saw how his expression changed.

"I never tried this once in my whole life."

Sumipsip pa ito ng konti at saka nagthumbs up sakin.

"It's good!"

Kaya kumuha din siya ng maraming chuckie dahil sa nagustuhan niya. Hays. Di talaga papaawat ito. Halos napuno ang cart namin ng puro chuckie at yakult ang laman.

Kumuha ako ng cookies at chips na kasya sa kamay at braso ko dahil busyng-busy ang mokong sa paghakot ng chuckie.

"Siguraduhin mo lang na di mag-aalboroto 'yang tiyan mo, mamaya ha?" Hindi niya ako pinansin bagkus ay nagpatuloy lang ito sa kanyang ginagawa.

May lumapit sa amin na bata na sa tingin ko ay mga 5 years old pa lang. Ang cute!

Kinalabit niya si Nathan sa pwet na ikinatawa ko. Ilang beses niya rin itong kinalabit at sa pang-apat na beses ay nakulitan na si Nathan at nilingon ito. Tinakpan ko ang aking bibig at nagpipigil ng tawa dahil hindi niya agad nakita ang bata.

Nang tumingin ito pababa ay nagpanggap ito na parang nagulat. Tsk.

"Anak ka ba ni Dagul?"

Ngumuso naman ang bata at saka nagpameywang. Nasa tuhod niya lang kasi ito. May lahing kapre kasi itong si Nate.

Pinalo ko sa braso si Nathan. Pinapatulan pa ang bata kaya ako na lang ang nag-approach dito. Bumaba ako para pumantay ang tingin namin. Nakakaawa naman kung ilang minuto ring nakaangat ang ulo ng bata. "Hello, baby boy. What's your name?"

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Grumpy pa rin ang mukha nito. Ang cute. Ang sarap pisilin ng pisngi niya dahil mukhang sipao e.

"Ca. rrrr... den."

Natawa naman ako sa pagsambit niya ng pangalan niya. Napadiin kasi niya ang sound ng r sa pangalan niya.

"Hi Carden. Where's your mom?"

Mapapasabak yata ako sa ingles nito. Hindi ko kasi makitang may kasama ito. I think his guradians lost sight of him.

Umiling lang ito. Pano ito. Hindi naman mababakasan ng pagkatakot o pag-aalala ang mukha ng paslit. Strong.

"Chuckie."

Itinuro niya ang chuckie na nakabitay sa bibig ni Nate sa tulong ng straw. Sinenyasan ko itong bigyan ng chuckie ang bata dahil wala ng stock kung saan ito kinuha ni Nate kanina.

Sinamaan niya ako ng tingin at saka umiling-iling. Tsk. Makikipagkompetensiya pa talaga sa bata oh.

"Carden, this is Kuya Nate. He's gonna give you Chuckie if you're gonna tell him how much do you want, okay?"

Tumango naman ang bata at saka kinalabit si Nate sa pants nito dahil nagkukunwari itong wala siyang napapansin. "Good boy." I patted his head at saka tumayo na..

"How much do you want baby boy?"

Iniangat nito ang kamay at saka isa-isang binilang ang mga daliri. His fingers are cute and short. Aww.

Carden stopped counting at three.

Sinenyasan ko naman si Nate na bigyan niya ang bata ng talong Chuckie but he disagree with the idea.

Konting banta pa ay sumuko rin ito. He kneeled with his left knee para kahit konti ay mapantayan niya ang tingin ng bata.

Sa tingin pa lang ng dalawa ay mukhang may hidwaan na ito. Boys. Hays.

Inabot na ni Nate ang tatlong chuckie kay Carden without breaking his gaze. Tinanggap namin ito na hindi nagpatinag sa nagbabantang tingin ni Nate.

I broke the invisible staring competition between them at saka kinausap si Carden.

"Okay, Carden. Are you happy?"

Tumango naman ito habang titig na titig sa Chuckie na hawak niya na halos mahulog na nga dahil sa mumunting kamay niya. So I offered him help na hindi naman niya tinanggihan. "Let's go and find your Mom?"

Dahil sa mabagal itong maglakad ay kinarga ko na lang ito. So this is how it feels when you have a little brother. How I wish I have one.

Hindi rin naman naging mahirap na hagilapin ang guardian ng bata because he has a bracelet na parang locator ganon.

"Thank you for taking care of my son. Kanina pa kasi siya nangungulit na bilhan siya ng chuckie but because we're in the middle of shopping something, nawaglit kami ng bantay sa kanya."

It was Carden's mom. She looks so young and sexy kahit na may anak na.

"Walang anuman po. Carden is smart and strong. Hindi nga namin siya nakitaan ng takot e."

Nasa kandungan na ng kanyang ina ang bata. He's busy with his chuckie. Sumilip naman ng tingin ang mama ni Carden kay Nathan. Then she smiled.

"Bagay kayo." Ikinapula ko naman 'yun.

"Anyways, we'll go. Thank you ulit." She waved us goodbye and Carden gave me a kiss on my cheek. Sweet boy.

When I turned to Nathan, halos magkandabuhol-buhol na ang kilay nito. Problema nito?

"Halika nga."

Nagulat ako nang bigla niyang tinaas ang laylayan ng shirt niya. Shet. Abs. Napalunok ako kahit wala naman akong iniinom.

Pinunasan niya ang parte ng pisngi ko na hinalikan kanina ni Carden.

"Psh." He straightened his shirt when he's done with what he did.

"P-Petty ha."

Sumimangot naman ito saka may sinabi at saka tumalikod.

"I'm jealous." Nagpigil naman ako ng tawa at saka hinabol siya.

"You're jealous because of a kid?"

Nang-aasar kong tanong sa kanya at saka siya kinalabit sa laylayan ng kanyang damit.

Naumpog naman ako sa kanyang likod ng bigla siyang tumigil. Lumingon ito sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Ito lang muna."

Nakarinig ako ng mga salitang "ang sweet ng lalaki" "bagay sila" at mga tili sa paligid ko na nakakita sa sweet gesture sa akin ni Nate. Brr. Kinilig naman ako at namula sa ginawa niya kaya napahila ako ng isang box ng coco crunch para takpan ang mukha kong namumula.

Napabili tuloy ako ng Coco Crunch ng wala sa oras.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report