Third person point of view

Mabilis na dumating ang dalawang kapatid ni Cleah kasama ang dalawa pa na si Bryle at Stephen.

Tumulong agad sila sa pakikipag laban sa mga kaaway nila.

Hindi alam ng binata na wala na ang kanyang asawa. Patuloy pa rin sya sa pagbaril ng mga kalaban nito at nakita nyang hindi na sya nag iisa sa pakikipag laban kaya mabilis na naubos nila ang mga kaaway na basag lahat ang bungo at nakahandusay ang mga katawan.

Mabilis na pinuntahan ng binata ang asawa kung saan ya ito iniwan at hindi pinaalis para hindi mapahamak.

Biglang nanlumo ang binata ng wala na ang kanyang asawa.

"Dark! Nasaan ang kapatid namin?"biglang tanong ni skyler sa binata

Sa halip na sagutin nito ang tanong ay hindi niya ito sinagot

"Ano ba Dark! Nasaan ang kapatid namin?!"galit na sigaw ni skyler at kwenelyuhan ito

"Hindi ko alam! Dito ko lang iniwan ang asawa ko!"malamig at matigas nitong sagot sa kapatid ng dalaga

Ang tatlo naman ay nakatingin lang sa dalawa na nagsasagutan. Napaisip naman agad ang panganay na kapatid ng dalaga kung nasaan na ito.

"Bakit wala sya dito! Anong klasi kang asawa?!"biglang sigaw ni skyler sa binata

"Tama na yan sky!"saway ni Stephen

Pinigilan naman ni Ryle si skyler para hindi nya masuntok ang binata

"Walang kasalan si Dark dito, sky! Nakita mo naman sigurong maraming kalaban. Wag mong isisi sa kanya. Kasalan din natin dahil hindi natin alam na nasa peligro ang buhay ng kapatid natin. Kung hindi sya tumawag sa atin siguradong mahihirapan si Dark dahil kasama nya ang kapatid natin."mahabang paliwanag ng kanyang kuya. Kaya huminahon ito sandali

Kusa naman tumulo ang luha ng binata.

"I didn't do anything to save my wife. Kailangan kung mahanap ang asawa ko hindi pweding mawala pa ito sa akin."biglang sabi ng binata "Hanapin na natin si ma'am Cleah. Ryle?" Wika ni Bryle at biglang tinawag si Ryle

"Ano?"

"Track mo para madali sya nating mahanap. Papagabi na baka kung mapaano ang asawa ni boss na kapatid nyo."utos nito sa kanya

Hindi na umangal si Ryle at agad na tini-trace ang kapatid. Lumapit naman si Skyler sa kanya at tinulungan din para mapadali. Ngunit hindi nila makita kung saan naroroon ang kapatid.

"Did you find her?"biglang tanong ng binata sa dalawa

"None! Imposeble na hindi ko sya ma trace."sagot ni Ryle sa kanya

"Sh!t!! It's all my fault! I'm the one who should be blame here! Kasalanan ko ang lahat ng to kung hindi ko pinabayaan at iniwan ang asawa ko hindi sana ito mangyayari."galit at sobrang pagsisi ang kanyang nararamdaman "We need to find her even it's night... Call our men to help us! Now!"biglang sigaw ng binata

Agad na tinawagan ang mga ito para agad na mahanap ang kanyang asawa

Sa kabilang dako naman kung nasaan naroroon ang dalaga ay mistulang nakaupo pa rin ito. Umiiyak at naghihintay na sana mahanap na ngunit hindi niya inaasahan na masusundan pa rin sya ng mga armado Sobrang dilim ng kanyang tinahak kaya nagtago sya sa likod ng puno at hindi gumawa ng ingay.

Tatlong armado ang nakasunod sa kanya. At baka mapaano pa sya pag lumabas sya sa kanyang tinataguan.

Kinapa niya ang kanyang bulsa kung sakali hindi nya naiwala ang kanyang cellphone.

Mabuti na lamang at nasa kanya. Agad niyang pinaandar at hinanap ang contact ng kanyang asawa.

Hindi sya nawalan ng pag-asa na sana ay masagot na ng kanyang asawa.

Mabuti at sinagot agad ng binata ang tawag kaya agad na naitrace ng kanyang mga kuya at ng kanyang asawa kung anong lugar sya napadpad.

("Wife, stay there ok. Wag kang aalis diyan. Paparating na kami para iligtas ka.")sabi ng kanyang asawa sa kabilang linya

"Hubby, dalian niyo. Natatakot na ko dito."mahinang sagot nito at tumulo ang kanyang luha

("Wait for me, wife... I'm sorry... please wag kang aalis para hindi ka mapahamak.")sabi ng binata sa kanya

"Dalian niyo! Nandito lang yung babae na pinapakuha ni boss. Patay tayong lahat pag hindi sya natin nakuha!"sigaw ng isang armado habang may dalang flashlight at pinapa-ilawan ang daan at hinahanap nila sa likod ng puno "Hindi pa yun nakakalayo sigurado ako! Gubat na to at isa pa hindi niya alam ang pasikot sikot na daan. Haha!"sigaw ng isa pang armado habang tumatawa

Natakot naman bigla ang dalaga sa posebleng gawin nila.

"Hubby, nasaan kana ba? Bilisan niyo... hoho... natatakot na talaga ako dito!"sabi nito sa tawag

("Malapit na kami sa pwesto mo, wife! Ilang armado ang nakasunod sa'yo?")tanong ng kanyang asawa sa kabilang linya

"Tatlo sila hubby."sagot ng dalaga

Hindi sumagot ang binata sa kanya ng makarinig sya ng pagputok ng baril malapit sa kanyang pwesto.

"Wife! Nasaan ka?!"sigaw ng binata sa kanya habang wala na ang barilan sa pagitan ng armado at ng kanyang asawa

Napalabas naman ang dalaga sa kanyang tinataguan ng marinig nito ang sigaw ng kanyang asawa

"Hubby! Nandito ako!"sigaw ng dalaga sa binata

Pinailaw ng dalaga ang kanyang cellphone upang makita ito ng binata.

Mabilis naman pinuntahan ng binata ang pwesto ng dalaga at agad na niyakap

"Sorry wife kung iniwan kita. Kasalan ko to."sabi ng binata at niyakap ang dalaga ng sobrang higpit

"Hubby, salamat at niligtas mo ko."sabi ng dalaga habang umiiyak

"Ssshhh... stop crying wife... ligtas kana."sabi ng binata sa kanya

Hinawakan ng binata ang mukha ng kanyang asawa at pinahidan ang luha na tumutulo sa kanyang mata. Napapikit ang dalaga habang nakayakap pa din sa binata. Hinalikan nito ang noo ng dalaga at niyakap muli

Nagsidatingan ang kanyang mga kuya at ang dalawa pa na kasama ang mga tauhan ng binata para madaling mahanap ang dalaga

"Mabuti at ligtas ka princess. Sorry kung hindi agad kami dumating... sana hindi ka napadpad dito."sabi ng kanyang kuya na si skyler at niyakap ang kapatid at ganon din si ryle "Promised hindi ka namin pababayaan, princess. Stop crying."sabi ni Ryle sa kanya

Tumahan naman ang dalaga ngunit bigla nalang nahimatay.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Agad naman pinasan ng binata ang dalaga at nilisan ang lugar kung nasaan nila nahanap ang kanyang asawa.

Sumunod naman ang apat at ang mga tauhan nito.

Buhat niya ang dalaga hanggang sa makarating sila sa kanyang sasakyan at nilagay agad ang kanyang asawa sa likod at pinahiga.

Mabilis naman nito pinaandar ang sasakyan at nilisan na ang lugar.

Iniutos pa ng binata sa kanyang mga tauhan na iligpit ang mga bangkay.

Mabilis na nakarating sila sa kanyang palasyo kaya agad na kinuha nito ang dalaga at binuhat papasok sa kanyang kwarto.

Hindi nito inalintana ang kanyang sugat ang mas mahalaga lamang sa kanya ay ang kaligtasan ng dalaga.

Hindi niya alam ang gagawin kung maulit pa ang nangyari sa dalaga.

Tinawagan nito ang kanilang private doctor para tingngan ang kalagayan ng dalaga

Dumating din ang magulang ng dalaga at ganon din ang magulang ng binata. Hindi natuloy ang kanilang family dinner dahil sa nangyaring trahedya.

Pinapa- imbistigahan na din ng ama ng binata'dalaga upang malaman kung sino ang salarin

Pinahigpit pa ng kanilang mga ama na kung saan ang dalaga ay dapat na may bantay ito upang hindi na maulit ang nangyari.

Mabilis na nilapitan ng binata ang kanyang asawa na mahimbing na natutulog sa kanyang kama.

Mabuti na lamang at walang sugat ang dalaga.

Hinawakan nito ang kamay ng dalaga at hinaplos ang mukha.

Mapapatay nito ng di oras ang taong may kagagawan nito sa kanila. Siguradong sobrang galit ng taong ito sa kanya kung kaya't nadamay pa ang kanyang asawa Wala pa rin makakatalo sa kanya dahil isa syang mafia lord. At hindi nya gusto na ang gawing kahinaan nya ay kanyang asawa.

End of chapter 280

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report