Saving Harper -
Chapter 13 - Harper
-Xavier's POV-
(A year and a half ago)
"Comeon, Philip! You said we'd be ready two months from now so don't give me this bullshit of an excuse and that you need another month! I already pushed this timeline for you. Di ako papayag na madelay pa to. Do you know what implications this would do to sales?"
Ayokong tumingin sa nagsasalitang babae sa elevator. Kasi feeling ko ako yung Philip na kinakausap nya. She was already there nung pumasok ako pero di ko nakita yung mukha nya kasi may kinakalikot sya sa bag nya and her long wavy hair covered her face.
"No! Kung kailangan mong magpa overtime, do it! I don't want piecemeal deliveries. Kelan pa ko pumayag don?! I'll tell you what Philip, as an incentive, your job will ride on this. You make the deadline, you're safe. Deliver this late or incomplete, find another job."
Lumulubog nako sa kinakatayuan ko and malamang, lalu na yung Philip na yon.
Di ko natiis, dahan-dahan akong lumingon.
I was thinking a while ago that her voice, kahit sobrang galit, had a certain ring to it that draws you. But forget about the voice, her face was beyond stunning. Like the images of real goddesses that not even DaVinci could capture even if he had the lifetime to do it.
She wore an annoyed look that would scare the shit out of that Philip kung mag kaharap sila ngayon, pero ang ganda nya. She had no make-up on (trust me, I know a lot from my ex), her hair was messy with all the rummaging she did from her bag, but man, ang sexy nya. I was staring too much. But I couldn't look away. Buti nalang dalawa lang kami dito sa elevator at walang nakakapansin kung paano ko sya tignan. Buti nalang din that she wasn't looking at me. I think she was imagining that Philip na kaharap nya so I was invisible.
She sarcastically laughed and rolled her eyes. "Is that supposed to be a threat? E di pumunta ka kay George for all I care. I hope you're recording this conversation para marinig nya to lahat. This is my advice, instead of wasting both our time with this phone call, try working so you get to keep your job." She pouted and the call ended. It was my cue to look straight ahead and sakto naman, bumukas na yung elevator and she walked quickly and confidently past me. Her flowery perfume was the only thing that lingered with me.
Wow. Sino sya?
Muntik nakong masarahan ng pinto ng elevator dahil sinundan ko pa sya ng tingin.
"Good morning, I'm here for Mr. Alturas?" Finally, nakalapit nako sa reception.
"Good morning. Yes, you must be Mr. Arnaiz. I'll show you to Franco's office." I followed the receptionist sa huling tao that will interview me for this job.
After the interview, I immediately got the job. Wow. Ang bilis ah.
I never got to see the girl in the elevator again until for another two weeks since my first day.
"Xavier, kamusta naman so far?" Franco, my new boss asked me nung pumasok ako sa office nya to present my artwork drafts.
"Ok naman. Chill lang mga tao dito kaya di mahirap mag adjust." I casually answered. I knew I made the right decision applying here.
After five years of working in our architecture firm, nag decide nako to venture to other jobs that could teach me different things from what I learned from school and from working, before I go back to our firm as an architect. It won't hurt kung madami akong matutunan. At sa totoo lang, I'm challenged sa galing ng lolo ko at nanay ko. I wanted to be able to give them innovative designs na hindi pa nila nagagawa.
"Oo, relaxed lang mga tao dito." He answered tapos parang may bigla syang naalala at natawa sya ng konti. "Except for one person."
Could it be her?
"Sino?" I innocently asked. Well kahit naman sabihin nya sakin yung pangalan I wouldn't know kung sya yung babae sa elevator. "Harper Javier."
I shook my head at the name. If someone named Harper was introduced to me nung nasa HR who toured me around the office, I'd definitely remember her. Harper. It was too unique. Wala nga akong kilalang Harper e. "Di mo pa siguro sya nakikilala baka nasa meeting sya nung inikot ka ng HR."
"Baka. Kasi mahirap namang makalimutan yung pangalan."
"Trust me pag nakilala mo sya, di mo sya makakalimutan. You'll see her soon enough." He chuckled again and we started with my presentation.
I haven't met the Harper Franco was talking about, pero nakita ko na ulit yung crush ko right after lunch. Nasa meeting sya and I can see her from where she was sitting sa boardroom habang kumukuha ako ng tubig sa water dispenser. "Huy pre, yung baso mo puno na." Franco passed me at tama sya kasi natapon na yung tubig sa harap ko. "Shit!" Buti nalang may basahan. Mukhang madaming nakakatapon ng tubig dito.
"Saan ka ba kasi nakatingin?" Natawa sya.
I glanced at the boardroom again. Sinundan ni Franco yung tingin ko. She was now speaking to someone at seryoso nanaman yung itsura nya. I wondered how she would look like if she smiles. "Crush mo pre?" Franco snickered.
"Oo, nakasabay ko sya sa elevator, nakakatakot sya pero di mo mapigilang tignan or pakinggan. Parang kahit sigawan ka nya buong araw, ok lang." I was still staring. Kasi hindi naman nya ko napapansin.
"Pre, yan si Harper. Saka di mo alam sinasabi mo dahil pwede kang ibaon ng buhay nyan. Pakilala kita gusto mo?"
I shook my head. If makikilala ko sya, gusto ko on my own. Mabilis makalimutan yung mga taong pinakilala lang in passing.
"Okay ikaw bahala. Sige lang titigan mo lang, kasi hindi ka mapapansin nyan. Walang pinapansin yan dito unless ka meeting ka nya. At yung mga ka meeting nya nag dadasal nalang na hindi sila mapansin nyang si Harper." "Close kayo?" Kasi parang kilalang-kilala nya si Harper. I was still staring at her. Di parin kami gumagalaw ni Franco kung saan kami nakatayo.
"Oo, ako lang kaibigan nyan dito. Magka-batch kaming pumasok. And I used to date her." Napalingon ako kay Franco ng gulat.
"Pre wag mo kong insultuhin sa tingin mo. Sinubukan ko lang naman. Pero asawa nyan yung trabaho nya that's why it didn't work out. She's the epitome of work is life. Try mo ligawan kung gusto mo talaga sya, malay mo ikaw pala yung kailangan nya." Franco shook his head na parang sinasabi nya sakin na wala akong pag asa.
Na mukha naman. Kasi lahat ng company events, Christmas party at summer outing na dumaan wala sya talagang ibang tinitignan o kinakausap. Walang tinitignan as in such a way na magiging familiar na sakanya finally. Lahat ng madaanan ng mata nya all in passing lang. Ano kaya yung feeling ng matitigan nya. Ng makita nya talaga.
Dapat pala pumayag nalang ako kay Franco na ipakilala sa kanya. Mukha tuloy akong tanga na naka tingin lang sa kanya palagi.
Isang taon yung lumipas, di parin nya ko kilala at nakuntento nako sa pag daan nya paminsan-minsan sa area ng Creatives para tawagin si Franco. Tinatawanan nalang ako ng lahat ng ka-team ko kasi alam nila na crush ko sya. At hindi din naman nakaka gulat na yung ibang artist crush din sya.
"Wag mong aksayahin oras mo kay Harper pre wala kang pag asa dyan. Ang dami-daming babae ditong nag papapansin sayo." Hirit sakin ni Brian minsan nung nakita nanaman nya kong naka tingin kay Harper. Actually palagi nya yang sinasabi. At minsan sinasamahan pa nya ng mga pangalan ng mga may gusto sakin dito.
"Pass." Yun lang yung sinasagot ko palagi sa kanya.
Eventually, I just let it go. Wala nga akong pag asa. Kasi kahit makilala sya, di ko magawa. Eventually, I pushed my boyish crush kay Harper at the back of my mind. Yun nalang yon. Crush.
(present day)
"Pre, favor naman. May kailangan akong contact details ng supplier natin nung sample ng papel na nasa desk ko." Franco called me sa cellphone one morning. Di pa sya dumadating sa opisina.
Pumasok ako sa office ni Franco to retireve kung ano mang papel yon. "Magpapatest ako sa printing baka mas maganda yung kulay sa paperback cover. E-682 yung code nung material. Hanapin mo naman sa laptop ng assistant ni Harper. Nag resign nanaman kagabi e. Actually hindi resign, Harper fired her." Parang binibiro nya ko kasi ako pa talaga yung inutusan nya kesa yung mga junior artist.
"Pang ilan na bang assistant yan?" I chuckled. Harper was notorious for having the most assistants na nag resign or napaalis dito sa kumpanya.
"Pangatlo for the last two months. Speaking of, bayaran mo ko mamaya. 3 weeks lang to. Pero muntik ka ng manalo dun." Franco and I started making bets kung gaano katagal yung mga nagiging assistant ni Harper. Yung pusta ko sa huli nya one month mag tatagal kaya natalo ako by a slim margin. Di pa nakapag hintay to next week. 200 pesos din yon.
"Dapat yung susunod nating pag pustahan kung mag reresign ba or tatanggalin sa trabaho e." I finally stood up pag tapos kong mag save ng artwork sa computer ko para gawin yung favor ni Franco.
"Sige sa susunod na assistant nya. Tignan muna natin, depende yan sa itsura e."
"Judgmental mo gago." Hirit ko. Ganon na kami ka-close ni Franco, nag mumurahan na kami minsan. Madalas pala. Hindi mahirap maging kaibigan si Franco kasi friendly sya sa lahat at madami kaming mga pinagkekwentuhan. "Sige na, malapit nako sa office galing kami ni Harper sa meeting. Salamat pre."
Pumunta nako sa area ng office ni Harper and hinanap ko na yung pinapahanap ni Franco. Ang gulo ng files ng assistant nya. Sinubukan ko sa search, walang lumalabas. Di ko alam kung ginagago lang ako ni Franco.
Dapat tatayo nako pero nakita ko sya. Harper strode towards me and tumigil sya sa harap ko. "What's your name?" Tanong nya. It was the first time na tinignan nya ko at kinausap directly.
"Xavier Arnaiz." I answered. So ganito ko pala sya makikilala, sya pa yung lalapit sakin. Malamang kasi area nya to.
"Xavier. Well, that's easy enough to remember. I need my coffee, black. I trust you already know how to work a laptop. We'll start you off with scheduling muna so please sync the calendar in there with my phone. And put in your number there. Passcode is 131313." Inabot nya sakin yung telepono nya and pumasok sa office nya.
Okay tangina. Pinagkamalan nya kong bagong assistant nya at gulat parin ako sa nangyari. Hindi eto yung iniimagine kong mangyayari pag nagkakilala kami.
Di ko alam kung anong uunahin ko. Mag sabi kay Franco, o kuhanan sya ng kape, o yung pinapagawa nya sa phone nya. Naiintindihan ko na yung taranta ng mga assistant nya.
Inuna ko yung phone nya kasi yun yung pinaka madali. I opened it. Itim yung wallpaper at lock screen nya. Seryoso ba? Kala ko yung mga babae maarte sa mga ganito? Konti lang din yung apps na meron sya.
Tama si Franco. Walang panahon si Harper sa ibang bagay. Or walang interes. Natempt akong tignan yung mga picture nya pero kailangan ko pang kumuha ng kape. Saka masyadong creepy na yon. Wala tayo sa ganung level, Xavier. Gago ka
non.
Pag tapos kong i-sync at ilagay yung number ko (baka kasi trip nya lang akong tawagan pag nalaman nyang hindi nya ko assistant at kinuha ko na din number nya para siguradong masagot ko), nagmadali nakong kumuha ng kape. Pumasok ako sa office nya pagtapos ko pang isipin kung anong pwede kong sabihin sa kanya. 'Hi Harper, di mo ko assistant pero pwede bang mag apply na alalay mo?' Tangina, parang tanga.
Pero may kausap sya sa office phone. "Then stop giving me crappy assistants." Napatingin sya sakin and ngumiti ako. Mahihirit ko ba sakanya na hindi nya ko assistant? I surveyed her. It gave me an idea. Lumabas ako ng office nya and nagmadali ako papunta kay Franco.
"Gago ka wala naman sa laptop ng assistant ni Harper yung pinapahanap mo." ;Bati ko kay Franco na tumawa sa sinabi ko. Talagang ginago nya lang ako. "Binigyan lang kita ng chance na makita sya pre. Bakit ang tagal mo dun? Kinausap ka ba?"
"Gago. Akala nya ako yung bagong assistant nya."
Lalung natawa si Franco. "Tangina hindi nga?"
"Oo. Inutusan ako agad di nako nakapalag."
Di parin tumitigil si Franco sa pag tawa. Nung medyo naka recover na sya, "Sige pupuntahan ko si Harper ngayon para sabihin."
"Wag. Naisip ko pare, pwede kaya akong maging assistant nya?"
Tumigil na finally si Franco sa pag tawa. "Seryoso ka ba? Art Director na kita may sarili kang team tapos gusto mong maging assistant? Ganon mo ba ka gusto si Harper?" Nagtatakang tanong ni Franco. "Sideline din yon. Sa tingin mo madadagdagan sweldo ko?"
Napailing si Franco sa idea ko.
"Pre magagamit ko yung extrang sweldo para sa master's ko. Dollars din yung binabayad ko dun no." Pinilit ko sya. Kahit mukhang di naman yun yung objective ko talaga.
Ang tagal nakatingin sakin ni Franco mukhang hinuhulaan nya kung yung pera ba talaga yung gusto ko. "Sigurado ka dyan ha. Di mo alam pinapasok mo."
"Oo kailangan ko to." Wag mong unahin yung hidden agenda mong makilala sya, Xavier. Pero kung mababayaran pa ko para don, why not?
"Sige, kakausapin ko yung HR. Feeling ko papayag sila kasi iisipin nilang di ka din mag tatagal. Ipapalipat ko nalang yung computer mo dun sa area nya." "Galingan mo pre. Taasan mo yung additional na bayad sakin. Tutal malapit ng maextinct yung posisyon ng assistant ni Harper."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Ok fine. Teka, anong pustahan natin? Papaalisin ka nya or magreresign ka?" Franco challenged me.
"Magkakagusto sya sakin." Payabang kong sabi at tumawa nanaman sya. "Ulol. Asa."
"Di mo alam yon." My phone rang and si Harper yung tumatawag. "Tignan mo, tinatawagan na nya ko agad. Miss na nya ko." Pinakita ko sakanya yung phone ko bago ko sinagot. "'Crush' ampota." Natawa si Franco.
She needed lunch-cheeseburger and a full order of not so healthy food. Hmmm. "Okay, Harper." I was already curious kung ano pang gusto nyang kinakain. It can't be all junk. Most girls watch out for their weight, my ex was one of them, di ko alam kung sya din ganon.
"Cheeseburgers?" I turned to Franco.
"Yeah. Everyday."
"Everyday? Seryoso?"
"Weird diba?"
"Ano pang ibang gusto nyang pagkain?" If I needed to order her food every day kailangan ko naman ng variety kung hindi sya mag bibigay kung anong gusto nya.
Napatingin si Franco sa kisame nya habang nagiisip. "Pasta, pizza, salad pero caesar lang gusto nya. Get the one from TGIFridays. Lahat naman kinakain non. Kaya mo yan. Be creative. Ay teka, pag stressed sya, coffee ice cream. She loves that." I took a mental note. "Sige na, pagsisilbihan ko na yung boss ko." "Ako parin yon Xavier." ;Franco chuckled.
"Wag kang seloso pre, di bagay." I said and nagmadali nakong pumunta sa bagong area ko and ibigay kay Harper yung kailangan nya.
I stretched. It was already past 10:30pm and hindi ako makapaniwalang nagtatrabaho parin si Harper.
"Xavier." I thought I heard my name. Tinawag ba nya ko?
"Harper?" I called out. Wala. She didn't even answer.
Tumayo ako to check on her, mamaya ano ng nangyari sa kanya.
She was sitting on her couch and nakalaylay na yung ulo nya to her side halatang nakatulog na sya while the manuscript she was reading rested on her lap.
Lumapit ako sa kanya. She looked peaceful. Walang pag susungit sa mukha nya. Sabi ko na nga ba. Hindi lang sya seryoso, mataray, masungit and strict and whatever else I've been hearing about people she work with. I'm now seeing some softness within her. I'm not sure if she hides this intentionally, but I was sure of one thing, I want to see more of this side.
I couldn't help myself. I leaned down and softly took a strand of her hair and dahan-dahan kong inayos sa likod ng tenga nya.
What happened next was unimaginable. "Xavier." She whispered my name. I straightened up and nanlaki yung mata ko. Baka nagising na sya.
Mukha akong tanga dahil kumaway pako sa mukha nya to make sure na tulog parin sya. Tulog. Sure nako ngayon. Tinawag nya yung pangalan ko. Habang tulog! That fact pleased me a lot kahit posible din namang ibang Xavier yon. I looked at my watch and it's almost 11pm. Kailangan na nyang umuwi.
I shook her shoulder gently para gisingin. Mukhang gulat sya na kaharap nya ko. Gago mukha kang stalker dyan na pinapanood lang syang matulog, make something up! "Harper, did you need anything?"
"What?" "Ummm tinawag mo ko." I laughed gently. She has no idea.
She made up an excuse na alam kong hindi naman totoo. This just made her more interesting to me. I went back to my table looking smug at what just happened. Napanaginipan nya ko kahit kakakilala nya lang sakin. Ayan. Ganito yung impact ko sakanya that I was hoping for.
"Good night, Harper." I returned her parting words. "Don't dream of me too much." I muttered behind her back, testing kung tatalikod sya to acknowledge what happened or what I said. No. Tuloy-tuloy lang syang maglakad papunta sa elevators. This girl is definitely enthralling.
"Gago you called her a bitch?" Franco laughed habang hinihintay ko sya sa office nya na matapos makipag usap kay Harper. Pangalawang araw palang, I was able to ruin things already.
"Hindi ko sinasadya ok? Lumabas nalang. Nakalimutan kong no chill sya. I thought she was warming up to me." I groaned on my chair. Frustrated sa katangahan ko. It was only the second day and I couldn't keep my trap shut! "Good thing di ka nya binato ng kung ano-ano dun. Pero inis sya sayo pre. Di ko alam kung madadaan mo to sa kagwapuhan mo."
Alam ko naman. Harper might not be the type to easily forgive.
"Harper is... complicated, Xavier. She doesn't warm up easily to people. She's been here for nine years and sino lang kaibigan nya? Ako lang. She has a lot of baggage na kahit saakin ang tagal pa bago nya sinabi. She hates talking about it." "Ex-boyfriend ba yan?"
Umiling sya. "I'm the last guy she dated Xavier and that was years ago. Hindi lalake ang problema nya. In fact, maybe guys are the last thing on her mind. Madami syang unfinished business sa pamilya nya. Doctor silang lahat except for Harper."
"Buong pamilya?" Well at least may one thing in common kami. Puro architect naman kami sa pamilya. Pero hindi lahat.
"Oo pre. Buong angkan. Sabi ko nga, she hates talking about it so konti lang alam ko. Hindi sila ok sa bahay and umalis sya sa kanila college pa lang sya. Families can be really complicated." May point don si Franco.
For some reason, I wanted to be there for Harper para sa kahit anong problema nya and be whoever she needs me to be. Di lang taga bigay ng kape nya. I wanted to be so much more in her life.
But calling her a bitch was not the start that could make me so much more in her life. Baka nga dalawang araw lang ako sa buhay nya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Kaya hindi ako makapaniwala na tinanggap pa nya yung sorry ko and she agreed to dinner to show her kung gaano ako ka sorry. At ka tanga. Suntok sa buwan yung pag bigyan nya ko. Buti hindi masasayang yung reservation ko sa Mamou. The horror on her face was evident nung nakita nya yung pamilya nya sa restaurant kung nasaan kami. Inoobserbahan ko lang sya so kitang kita ko na tensed na sya sa sitwasyon.
"Ma, pa, this is Xavier, my boyfriend."
Whoa. Sinabi kong gusto kong maging kahit ano para sa kanya, di ko inakalang boyfriend agad. Fake boyfriend, but still. But if this is what she needs, gagalingan ko na.
Natatawa ako kasi parang hindi sya sanay sa mga ginagawa ko na feeling ko naman typical na ginagawa ng boyfriend. Kung boyfriend nya ko, ganun gagawin ko. Baka mas malala pa. Definitely mas malala pa.
Tama nga si Franco matagal nang walang boyfriend tong si Harper. Binulungan ko lang at kinindatan and she stiffens next to me. Kaya in-easyahan ko lang. Baka masampal ako pag bigla ko nalang hinalikan to sa harap ng pamilya nya. Sa cheeks lang naman. Pero baka masampal parin ako.
Natatawa din ako deep inside sa pagpapanggap nyang alam nya lahat ng katotohanang pinagsasasagot ko sa mga tanong ng pamilya nya. Nakikita ko yung gulat nya sa mga sinasabi ko kasi she clenches her fist sa ilalim ng mesa lalu na nung sinabi kong I was taking my master's sa University of Washington. Akala nya nagiimbento lang ako. Ano kayang itsura nya pag nalaman nyang totoo lahat ng sinasabi ko?
Medyo feeling ko I did go a little overboard kasi tinanggap ko lahat ng imbitasyon sakin ng pamilya nya. Kahit yung kasal sa Boracay. Well that should be interesting. Di ko alam kung aabot kami dun sa moment na yon. Sana.
But I was glad that after that dinner, the incident of me calling her a bitch was forgiven. Thank you, Lord. Nagulat sya nung sinabi kong Art Director talaga ako at totoo lahat ng sinabi ko. Gulat sya tapos biglang namula sa hiya dahil pinagkamalan nya kong assistant nya. But to me it was the way to finally get to know her.
Weekend na at tinatapos ko yung requirement ng isang professor ko when my phone sounded a notification.
harperj liked your photo
Aba. Hindi lang pala ako yung stalker. I smiled to myself. I tried stalking her before pero lahat naka private, ni walang Facebook. Saka 5 posts lang on Instagram? Gaano ba sya ka-busy?
She liked the photo of my ex, Kylie. Interesting. Tinext ko sya kasi biglang nawala yung pangalan nya sa mga naglike. Haha. She un-liked it.
(text) Me: You don't have to stalk me.
Curious ako kung anong isasagot nya sa biro ko.
(text) Crush: It was a very good picture.
Natawa ako ng malakas sa condo ko. Very good picture daw pero inunlike. Ano kaya yun. Biniro ko pa sya. I told her that her sister followed me para naman ifollow nya na din ako.
(text) Crush: K.
Lalu akong natawa. 'K' ampota. Her lack of response was so amusing. Her sister following me in Instagram a while ago also gave me an idea.
(text) Me: ;Di ba sya magtataka why I don't post you?
Hinintay ko yung isasagot nya kasi di ko mapredict. 80% feeling ko she's going to say no. or maybe 85%. But instead binalik nya sakin yung tanong. Smart. Ngayon ako yung susubok mag panggap na ok lang na wala sya sa IG feed ko. Ilang beses akong nag palit ng isip sa isasagot ko. Bura ako ng bura kasi mukhang over-eager. Okay, Xavier, just play it cool. Normal lang. Ibalik mo sa kanya yung one-word nyang sagot.
(text) Me: Yes.
Tapos may naisip nanaman ako.
(text) Me: If you want, I'll post your picture now. Pahingi ng picture mo. Yung stolen ah. Parang ganito.
I sent a picture na feeling ko magiging maganda pag sya yung nandon. Well maganda naman talaga sya.
Papatol kaya sya? I think yung tamang tanong ay mukha ba kong gago.
Di ko napredict na magiging concerned sya na makikita ng lahat sa office na I'm posting her. Oo nga naman. Pero sa totoo lang what's the big deal? She already dated Franco. Mas ok ba si Franco kesa sakin? Thankfully pumayag din sya. Kasi wala naman talagang pakielam mga tao sa office. E ano naman ngayon? Ilang beses na ba nila akong nakitang tumitingin sa kanya? Sya lang naman yata sa office yung hindi nakakaalam na crush ko sya e.
Ang ganda nung picture na sinend nya. I knew right away kung anong caption ko when I saw it. My muse.
Which she is.
Kinabukasan, kwinento ko lahat kay Franco yung nangyari. Syempre tawa nanaman sya ng tawa.
"Hoy gago wag mong sasabihin sa kanyang alam mo yung totoo. Mahihiya yon." I pointed to him.
"Pag nalaman nyang alam ko, tapos ang pagasa mo." He joked. Pero totoo, malaki yung possibility na mahihiya na sya na may nakakaalam and aayaw na sya.
"Sigurado ka ba sa pinapasok mo Xavier?" Franco eyed me. Alam ko na hindi nya sasabihin.
"Wala namang masamang sumubok." I shrugged.
"Baka hindi ka mag panggap?" Hirit nya. Di nako sumagot don. "Good luck pre. Boto ako sayo. Pero, alalahanin mo din kung bakit wala syang boyfriend. Girls like her work too hard. Kahit nag papanggap lang kayo, wala kang magiging kaagaw
na lalake ang kaagaw mo trabaho nya. So kung seseryosohin mo to, alamin mo muna kung kaya nyang panindigan. Pero sinabi ko naman na to sayo dati, malay mo ikaw yung kailangan nya."
Hindi ko na pinakita kay Franco, pero natakot ako sa sinabi nya. Ang dami kong hesitations pag dating sa babae na yung buhay ay trabaho.
Like Kylie.
Masakit hindi mapili so kakayanin ko ba pag nangyari ulit yon sakin?
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report