[Chapter 10]

0000 ng Linggo, matapos magsimba ay nagtungo si Carina sa ilog upang magpahangin.

Matingkad na ang sikat ng araw dahil tanghali na, malapit na ring mag-siesta ang mga tao. Naisipan niyang maupo at sumandal sa isang puno ng mangga malapit sa ilog, tinatanaw niya ang maingay na agos ng tubig mula rito. Nais niyang mapag-isa, pagbulaybulayan ang suliranin sa kaniyang puso.

Lingid sa kaalaman ng dalaga ay pumunta si Lorenzo sa kanilang tahanan, labis siyang binabagabag sa nakita tatlong araw na ang nakararaan kung kaya't nais niyang dalawin at kamustahin si Carina, hindi man sila magkaibigan o labis na magkakilala.

Napag-alaman ni Lorenzo mula kay Ursula na pumunta si Carina sa tabing ilog upang magpahangin, itinuro rin ni Ursula ang direksyon papunta sa ilog dahilan upang hindi mahirapan si Lorenzo na marating ang nasabing lugar. Mula sa malayo ay natatanaw niya na ang dalaga na nakahalukipkip sa sarili nitong mga paa, 'di niya tunay na batid kung ito ba ay nahihimbing o kaya nama'y humihikbi.

Nang marating niya ang kinauupuan ng dalaga ay inilahad niya ang isang panyo rito. Nakita ni Carina ang mga sapatos sa kaniyang harapan kung kaya't napatingala siya sa lalaking nakatayo sa kanyang harap, ito ay may hawak na puting panyo at inilalahad sa kaniya.

"Iyong kinikimkim ang mga suliranin ng mag-isa." wika ni Lorenzo, hindi naman mawari ng dalaga ang gagawin, kung kukunin ba ang panyo o hindi?

Walang nagawa si Carina kun'di kunin na lamang ang panyo, "Suliranin?" sabi nito. "Ako'y napuwing lamang." tumayo na siya saka pinagpagan ang magkabilang saya.

"Ito na yata ang pangalawang pagkakataon na makita kitang umiiya-napuwing." natatawa na ang binata sa palusot na mga tugon ng dalaga, pinagagaan niya rin ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagbibiro.

"Noong gabing iyon, bago namin lisanin ang inyong tahanan, nakita kitang umiiyak. Kung ano mang suliranin ang bumabagabag sa iyo, nawa'y mapanatag ka Binibini." humarap na si Lorenzo sa ilog.

Mas lalong nadurog ang puso ni Carina, naaalala niya, hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang nakita matapos silang maghiwa-hiwalay sa daan ng kaniyang mga kaibigan, noong hapon ding iyon, nang muntikan na siyang manakawan at saktan ng mga kawatan...

*☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐ 00 0000 000 000 0☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐ 00. 0.0000 0000 000000

Agad na hinawi ng dalaga ang mga luhang balak magpumiglas sa kaniyang mga mata, samantalang payapang pinagmamasdan naman ni Lorenzo ang maingay na agos ng ilog.

Ilang sandali pa ay dumating na rin si Ursula, "Señorita, pinapatawag ho kayo ng inyong ama-" napatingin si Carina sa kaniyang likuran kung nasaan ngayon si Ursula.

"Ursula, hanggang kailan ko ba sa'yo ipaaalalang 'di ko ibig na tawagin mo akong señorita. Ito'y iyong labis na nakaliligtaan, ikaw ay para na ring kapatid saakin." wika ng dalaga sa malumanay na pamamaraan, araw-araw niya itong ipinaaalala kay Ursula ngunit sa pakiwari ng katulong ay wala siyang karapatang tawagin ang señorita sa mismo nitong ngalan.

Lingid sa kanilang kaalaman ay nakikinig si Lorenzo sa kanilang usapan, natutuwa siya na sa kabila ng pagiging asal maldita ni Carina ay mayroon din pala itong mabuting puso.

"Paumanhin po." napayuko si Ursula.

"Oh siya, ano nga pala ang iyong pakay? Ako'y ipinatatawag ni ama dahil..?" patuloy naman ni Carina.

"Dahil dumating ho si señorito Carlos, wala ang inyong kapatid at paalis naman ang iyong mga magulang kung kaya't ikaw raw ho ang sumalubong sa inyong panauhin." mahabang tugon naman ni Ursula, nag-iba ang reaksyon ni Carina. Hindi pa niya ibig na makita ang kaibigan.

Napansin ni Lorenzo ang pag-iba ng reaksyon ni Carina, kung kaya't imbes na umuwi na ay mas ninais niya munang tagalan ang pamamalagi sa bahay nina Carina. "Iyong sabihin na wala ako sa bahay." muling wika ni Carina.

"Ngunit nasabi na ho ng inyong ama na narito lamang kayo sa ilog. Akin ho bang papupuntahin na lang din dito si Señorito Carlo-" naputol sa pagsasalita si Ursula.

"H-Huwag, pakisabi na masama ang aking pakiramdam. Hindi ko siya mahaharap." pamimilit pa ni Carina. Napapakibit balikat na lamang si Lorenzo sa kaniyang naririnig.

"Mag-aalala ho ang Señorito. Inyo hong nalalaman na nag-aaral siya bilang isang doktor, higit na maaari ay pwede ka namang magpasuri sa iyong kaibigan, Señorita." pagpapaliwanag pa ni Ursula, napahawak na lamang sa kaniyang noo si Carina, napatikhim naman si Lorenzo.

Napatingin sa kaniya ang dalawang dalaga, kanilang nakaligtaan na narito pa pala ang binata.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Oh siya sige, ako'y susunod." iyon na lamang ang kaniyang nasabi, saka mabilis na bumalik si Ursula sa bahay.

Napatingin si Carina sa kinaroroonan ni Lorenzo, payapa pa rin itong nakaharap sa ilog.

"Ako'y mauuna na ginoo." akmang ipipihit niya na ang mga paa patalikod nang magsalita ang binata.

"Lorenzo." napatingin ang dalaga sa tinuran ni Lorenzo.

"Lorenzo na lamang ang iyong itawag saakin." napaharap muna siya sa binata, nakita niyang inilalahad nito ang kaniyang kamay.

Bilang paggalang ay nakipagkamay siya rito, "Kung gayon ay maaari mo rin akong tawaging Carina." matapos iyon ay nauna nang umalis si Carina sa ilog, saka naman sumunod si Lorenzo.

00000 metro mula sa ilog ay narating na ni Carina ang kanilang tahanan, malayo pa lamang ay naabot na ng kaniyang balintataw ang isang binatang nakatindig sa tapat ng hardin ng kaniyang ina. Lumapit siya rito saka nagwikang, "Ano ang iyong pakay, Carlos?" napatingin naman si Carlos sa kaniyang likuran kung saan narinig niyang nagsalita ang kaibigan.

"Magandang hapon Carina, ako'y napadaan lamang 'pagkat ako'y nagtungo sa aming sakahan." sagot naman ni Carlos.

"Ako'y mangungumusta lamang..." patuloy niya ngunit napatingin siya sa likuran ni Carina kung saan naglalakad si Lorenzo. "Sino ang lalaking iyan? Tila ngayon ko pa lamang siya nakita rito." tanong niya sa kaibigan. "Anak ng kaibigan ni Ama." walang ganang tugon ni Carina. Napatango naman si Carlos.

"Señorita, handa na ho ang mesa sa azotea." magalang na wika ng kasambahay, sumenyas lamang si Carina gamit ang kaniyang kamay.

"Huwag na kayong mag-abala pa 'pagkat ako'y mauuna na, paano ba 'yan ikamusta mo na lamang ako sa iyong kapatid." ibinaba na ni Carlos ang kaniyang sombrero bilang paggalang sa dalaga, siyang sakto namang paglapit sa kanila ni Lorenzo.

Nagkatinginan silang tatlo, "A-Ah siya nga pala Carlos, si Lorenzo anak ni Don Santiago Alonso. At Lorenzo, si Carlos ang aking kaibigan." nagkamay ang dalawang binata. "Masaya akong makilala ka, Lorenzo." ani Carlos, ngumisi lamang ng marahan ang binata bilang tugon.

"Oh siya, Carina ako'y mauuna na, 'pagkat ako'y tutungo pa sa tahanan ng pamilya Fernandez." pagpapaalam ni Carlos, saka itinapat ang sombrero sa kaniyang dibdib.

"Ako'y tutungo na rin Carina. Nawa'y maging payapa ang iyong isipan." pagpapaalam din ni Lorenzo. Ngumiti lamang si Carina at sabay pinagmasdan ang dalawang binata na kapwa nakasakay sa kani-kanilang kabayo papalabas sa kanilang hacienda.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! Nakita niya ring papasok na sa kanilang hacienda ang kalesa kung saan nakasakay ang kaniyang kapatid na si Catrina. Malayo pa ay kumakaway na ito kay Carina. Nang makababa ay agad siyang lumapit sa kapatid na ngayo'y nakasandal na parang pagod sa kanilang tarangkahan.

"Tila kaaalis lamang ng iyong mga panauhin kapatid." tumango lamang ng marahan si Carina saka tumalikod na.

Agad siyang hinabol ng magiliw na si Catrina, "Ano sa iyong palagay si Ginoong Lorenzo?" napatingin sa kaniya si Carina.

Kunot-noo itong sumagot sa kapatid, "Ano ang iyong nais iparating?" sabi nito.

"Hmm. Tila nakapagluto na agad ng meryenda si Manang Rosing." napailing na lamang si Carina ng ibahin ni Catrina ang usapan, umakyat na siya sa kaniyang kwarto.

☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐, pagpasok ni Carina sa paaralan ay masaya siyang sinalubong ng kaniyang mga kaibigan. Halatang iba ang kaniyang naging pakikitungo kay Josefa dahilan upang labis na magtaka ang kaibigan.

Masakit man ngunit pinilit niya na lamang na unawain ang sitwasyon. Ayaw niyang parehong mawala ang pinagsamahan nila ni Josefa at pati na rin ni Carlos.

Tulad ng dati ay nagliwaliw na muna sina Josefa, Juliana, at Carina bago magsiuwian at gaya ng hapon ding iyon ay nagpaiwan uli si Carina sa tapat ng simbahan kung saan niya aantayin ang kaniyang kutsero.

Natagpuan niya na lamang ang sariling naglalakad patungo sa hardin ng simbahan, sa 'di malamang dahilan ay tila may nag-uudyok sa kaniyang lumapit dito.

Tila lumamig ang pagdampi ng hangin, pumipiit na parang naiipit ang tunog ng mga kawayan at kapwa naglagas ang iba't ibang dahon mula sa mga puno. Nadurog ang kaniyang puso ng masaksihan ang isa na namang labis niyang kinatatakutan.

Sa isang sulok ng halamanan ay waring magkayakap si Carlos at Josefa. Kapwa dinadama ang pintig ng puso ng bawat isa, at masayang nagsasalo sa tamis ng tunay nilang pag-ibig.

Samantala, napahawak na lamang si Carina sa tapat ng kaniyang puso, mula sa pagkadurog ay ganap na itong nawasak ng poot. Unti-unting pumapatak ang luha na kanina pang pinipilit na takasan, napapaatras ng dahan-dahan ngunit makailang hakbang pa lamang paatras ay tahasang may humarang ng kaniyang palad sa mga mata ng dalaga dahilan upang hindi niya na makita ang magsing-irog na mga kaibigan.

Nakatapat ang palad ng isang lalaki sa kaniyang mga mata, siya ay nagimbal ngunit 'di man lamang nakaramdam ng takot.

"Ang pag-ibig ay hindi matatawag na pag-ibig kung hindi naman tugma tulad ng isang tula." napaharap na lamang si Carina nang makilala ang tinig ng binata.

rieteratura

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report