[Chapter 13] 0000000, 00000000 1789

0000000 na inihahain ni Manang Rosing ang umagahang kaniyang niluto para sa pamilya Estrella, pasado alas-sais pa lamang ng umaga ngunit 'di pa man sumisilay ang liwanag ng araw ay nakaalis na ang mag-asawang Estrella na sina Doña Catalina at Don Idelfonso, sila ay may mahalagang lakad na patutunguhan.

Samantala, ang kambal na sina Carina at Catrina naman ay kapwa nasa kanilang mga silid pa. Nag-aayos na si Catrina sa kaniyang sarili habang wala namang balak na pumasok ang kaniyang kapatid na si Carina. Maaga ang kanilang pasok sa araw na ito dahil ipinag-utos ng alcade-mayor sa kanilang lugar na ipagpaliban ang lahat ng pasok sa hapon upang ilaan sa misa para sa unang biyernes ng buwan.

"Magandang umaga Catrina, nasaan na ang iyong kapatid?" magiliw na tanong ni Manang Rosing sa dalaga, hindi niya ito tinatawag na Señorita sa utos ng kanilang Señora na si Doña Catalina na marapat na ang igalang ay si Manang Rosing na nakatatanda kaysa sa kaniyang kambal na anak. Labis ang pagpapahalaga ng Doña sa respeto at paggalang sa mga nakatatanda at magulang.

"Tila nahihimbing pa po ang aking kapatid Manang." tugon naman ni Catrina sabay upo sa silya upang magsimula nang kumain. Napalingon siya kay Ursula na ngayon ay nakatayo sa kaniyang gilid, "Maaari bang pakitawag na ang aking kapatid?" utos niya sa kasambahay, napatango lamang si Ursula at nagbigay galang sa señorita bago umakyat papunta sa silid ni Carina.

Nakatatlong katok si Ursula bago siya papasukin ni Carina sa silid nito, "Ano ang iyong kailangan, Ursula?" malumbay na tanong ng dalaga.

"Ipinatatawag na po kayo ng inyong kapatid, nais niya po kayong makasalo sa umagah-" hindi na naituloy pa ni Ursula ang sasabihin nang magsalita si Carina.

"Ako'y walang gana, at pakisabi na rin na hindi ako papasok sa araw na ito." nagtaka naman si Ursula sa tinuran ng señorita, batid niyang masama ang gising ng dalaga dahil halos kapatid na rin ang turing nito sa kaniya na masayahin at magiliw lalo na kapag bagong gising.

"M-Masama ba ang iyong pakiramdam, Señorita?" nauutal na saad ni Ursula dahil nararamdaman niyang iba ang pananalita ng señorita.

"Marahil ay kailangan ko lamang ng pahinga ngayong araw, iyo na lamang ipaalam kay Catrina na hindi ako sasabay sa kaniya dahil wala akong balak na pumasok." naguguluhan man lalo na sa huling isinaad ni Carina na ‘00000000000 0000000' ay sinunod na lamang ni Ursula ang sinabi ng señorita, mabilis siyang nagtungo at bumalik na sa kusina kung saan ipinaalam niya kay Catrina na hindi ibig ng kaniyang kapatid na pumasok bagay na ipinagtaka naman ni Catrina. Samantala, paglabas ni Ursula ay naiwan namang mag-isa si Carina sa kaniyang kwarto. Hindi niya ibig na makita ang kaibigang si Josefa dahil tiyak na maninibugho lamang siya rito. Inisip niyang kahit ngayong araw lamang, kahit ngayon lang ay mapag-isa muna siya.

0000-0000 ng umaga ng marating ng mag-asawang Estrella ang daungan, nakasuot pa ng balabal si Doña Catalina dahil mahamog pa sa labas. Kanilang sasalubungin ang mga produkto at pananim na kakailanganin sa kanilang mga negosyo, ang mga ito ay nanggaling at inangkat pa sa Maynila.

Lingid sa kanilang kaalaman ay naroon din sa barkong iyon ang mag-amang Felisidario na sina Don Sulpicio at ang kaniyang anak na heneral na si Vicente Felisidario. Kilala ang mga Felisidario bilang pamilya ng mga heneral at parte ng mga hukbong sandatahan, isa rin sila sa makakapangyarihan at maimpluwensiyang pamilya sa bayan ng Batangas.

000000 alas siyete y media na nang marating ni Catrina ang kanilang paaralan. Nakasuot siya ng puting baro at berdeng saya, puno rin siya ng mga palamuti at alahas sa kaniyang katawan.

Tinatahak niya ang pasilyo ng eskwelahan ni Maestra Segunda Bautista nang mapansin niya ang isang binata na nakilala niya na rin minsan ng nakasalo nila ang pamilya nito sa hapunan sa kanilang tahanan. Unang kita pa lamang niya sa binatang ito ay labis na siyang nahumaling sa bawat pagngiting pinakakawalan nito, isa pa ang matikas na tindig at pagkakaroon ng mabuting puso ng ginoong ito.

Nakasilip mula sa malayo si Catrina at hindi niya na lamang namamalayan ang mga pagngiti ng kaniyang labi habang pinagmamasdan sa malayo ang lalaking kaniyang hinahangaan.

Natauhan na lamang si Catrina ng magsimula nang maglakad ang binata at tiyak na ito ay dadaan sa pasilyo kung nasaan siya ngayon kung kaya't mabilis na siyang naglakad patungo sa kaniyang silid-aralan.

"000000 hija, aking nalaman kay Ursula na hindi mo nais na pumasok ngayong araw. Ikaw ba ay may sakit? Tiyak na mag-aalala ang iyong ina kapag nalaman niya ito." pag-aalalang tanong ni Manang Rosing sa alaga, sa dalawang magkapatid ay mas malapit siya kay Carina na siyang magiliw sa lahat ng katulong at manggagawa sa kanilang hacienda. Sadyang mabait din si Catrina ngunit ang binibining iyon ay mailap at minsan lamang makisalamuha sa kanila 'pagkat mas pinagtuunan nito ng pansin ang pag-aaral at paglalakbay sa iba't ibang lungsod at lugar.

Humarap si Carina kay Manang Rosing, "Wala po ito Manang, siguro'y kailangan ko lamang po ng pahinga. Bukas na bukas din ay papasok na po akong muli." napatango si Manang Rosing saka tumabi sa kama kung saan nakaupo si Carina, "Ikaw ba ay may suliranin?.." napatigil si Carina sa tinuran ni Manang Rosing. "W-Wala naman po." wika ng dalaga na halos hindi na makatingin sa mata ng kaniyang tagapangalaga.

"Oh siya, kung ano man ang bumabagabag sa iyo munting señorita, nais kong malaman mo na ang tanging kasagutan lamang sa iyong mga ikinikimkim ay pag-unawa, pagtanggap, at pag-ibig." patuloy pa ni Manang Rosing sabay hawak sa balikat ni Carina.

Napangiti muna si Carina at napatingin sa Manang, "Pag-unawa, pag-usisa sa mga positibong dahilan at epekto ng bawat suliranin. Pagtanggap sa hamon ng mga problema. At, pag-ibig na siyang magiging sanhi ng paglutas ng ating mga suliranin, 'pagkat tulad ni Jesus, ang kaniyang pag-ibig sa sanlibutan ang nagligtas sa ating mga kasalanan." saad ni Carina na palaging ipinaaalala sa kaniya ni Manang Rosing mula noong bata pa siya sa tuwing may suliranin siyang kinahaharap, napangiti na lamang at napayakap si Manang Rosing sa kaniyang alaga dahil labis nitong pinahahalagahan ang kaniyang mga pangaral.

"Oh siya, hija. Ako'y tutungo na muna sa kusina, ako ay may mga kailangan pang gawin. Kung ikaw ay may kailangan ay iyo na lamang kaming tawagin." wika ni Manang Rosing saka lumabas na sa silid ni Carina.

Samantala, pagkalabas ng Manang ay mabilis na ipinusod ni Carina ang kaniyang mahahabang unat na buhok ng paitaas, kinuha niya rin ang kaniyang plawta, at nagtungo sa ilog na sakop din ng kanilang malawak na hacienda. Sa tuwing siya ay nakararamdam ng anumang pighati ay musika ang nagsisilbing pagtakas niya sa mga ito. Mahilig siyang umawit at tumugtog ng piyano, biyolin, at plawta. Isinama niya rin ang kaniyang asong si Pina na siyang nagpapanatag sa kaniyang isipan kung may suliranin man siyang kinakaharap.

Naupo siya sa isang putol na troso malapit sa isang lilim ng puno sa ilog kung saan siya naroroon, huminga muna siya ng malalim saka hinarap ang mapayapang agos ng ilog. Kinuha niya na ang kaniyang plawta at nagsimulang tumugtog nito, tila nakiayon ang kapaligiran sa kaniyang pagtugtog ng isang madamdaming awitin, nagsisilaglagan ang mga dahon mula sa mga puno, hinahangin din ang mga tuyong dahon na nakakalat sa lupa, ang ilog ay umagos ng mataimtim, at ang sinag ng araw ay natakpan ng mga ulap na kalaunan ay napawi rin naman.

Hinimas-himas niya ang ulo ni Pina nang parang hindi ito mapakali, "Iyo rin bang nararamdaman ang aking pagdadalamhati?" saad ni Carina sa alagang aso, tila huminahon na rin si Pina na kanina lang ay parang hindi na mapakali. Hinawakan niya ang mukha ng alaga at iniharap sa kaniya na parang nakaiintindi ito ng kaniyang mga sasabihin, "Pina, iyong ipaliwanag saakin kung dapat ko pa bang ipaglaban ang aking nararamdaman, o kung dapat na akong magparaya sa kanilang tunay na pag-ibig." napahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa mukha ni Pina kung kaya't nagpumiglas ito sa kaniyang kamay na parang umiiling-iling.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Paumanhin..." niyakap niya ang alaga. "Ano ang iyong nais iparating sa iyong pag-iling, Pina?" pagtatanong pa nito sa alaga kahit pa hindi naman ito nakapagsasalita at walang kakayahang sumagot sa kaniyang mga katanungan, muli niyang hinawakan ang mukha nito ngunit sa pangalawang pagkakataon ay napailing-iling muli ang aso.

"Siyang tunay, dapat ko na ngang itigil ang aking pagkahibang." napatayo siya sa kaniyang napagtanto.

"Kung iisipin ay maaaring humanga lamang ako kay Carlos, kapatid lamang ang kaniyang turing saakin at marapat na ganoon din ako sa kaniya, hindi ba Pina?" nakatayo na siya habang nakahawak sa kaniyang baba na parang nag-iisip ng malalim, ngunit ilang sandali pa ay muli siyang napahalukipkip. "Hay..." napabuntong hininga na lamang siya sa mga tumatakbo sa kaniyang isipan.

0000-0000 ng hapon, nagsimula na ang misa para sa unang biyernes ng Hulyo sa pangunguna ni Padre Domingo Alcaraz. Marami ang dumalo sa simba, tulad ng mga maiimpluwensiyang pamilya, mga may matataas na katungkulan sa bayan ng Batangas, at mga indiong nabibilang sa mababang antas ng lipunan.

Nang matapos ang misa ay nagpaalam si Carina sa kaniyang mga magulang na siya ay tutungo sa plaza upang manood ng teatro, isinama niya rin si Ursula upang payagan siya.

"Señorita, ako po ay walang sapat na salapi upang manood ng pagtatanghal-" hindi na natapos pa ni Ursula ang kaniyang sasabihin ng sabatin siya ni Carina.

"Huwag kang mag-alala Ursula, ikaw ay sagot ko na." wika ni Carina habang masayang namimili ng mga palamuti sa buhok tulad ng puyod at pang-ipit. Magtatakipsilim na ngunit maingay pa rin sa labas, kabi-kabila pa rin ang mga nagtitinda at tumatawid na mga karwahe at kalesa sa kalsadang lupa. Muli niyang ibinaling ang tingin kay Ursula, "Anong problema? Ikaw ba ay may suliranin?" tanong niya ng mapansing halos kunot-noong nakatingin sakaniya si Ursula.

"A-Ah, inyo pong ipagpaumanhin, señorita. Ako'y naguguluhan lamang sapagkat kaninang umaga ay halos ayaw niyong bumangon at ang lamig ng inyong pakikitungo ngunit... ngayon ay tila maayos na ho kayo." kamot-ulong tugon naman ni Ursula. Kinuha ni Carina ang isang pang-ipit na may disenyong paru-paro at hinawakan ang kamay ni Ursula saka inilagay ito roon, "Hindi ba't sinabi ko naman saiyo kanina na kailangan ko lamang ng kaunting pahinga?" napatingin muna si Ursula sa ipinahawak sa kaniya ng señorita, "Oh siya, saiyo na iyang munting regalo. Pasasalamat sa pagsama sa akin." napatango na lamang si Ursula at masayang inusisa ang mamahaling pang-ipit na ibinigay sa kaniya ni Carina. Bumili rin si Carina ng isang pang-ipit na may disenyong kulay gintong bituin, labis siyang humanga sa angking ganda ng pang-ipit na iyon kung kaya't agad niya itong kinuha at binayadan sa ale, "Maraming salamat, señorita sa pagtangkilik ng aking mga paninda!" saad ng ale na hindi na napansin ni Carina dahil tila bumagal na naman ang kaniyang paligid ng makita ang kaibigang si Josefa.

Nagpapalinga-linga si Josefa sa gitna ng maraming tao, samantalang namalayan na lamang ni Carina na tumatakbo na pala siya papalayo upang iwasan ang kaibigan na hindi niya pa kayang harapin, hindi pa siya handa.

"Señorita!" pagtawag ni Ursula sa tumatakbong amo, "Hintayin niyo po ako!" samantala hindi naman nagpatinag si Carina na ngayo'y tinatahak na ang bahagi ng plaza, natagpuan niya lamang ang sariling natumba sa harap ng isang ginoo. Nakatungo lang siya sa sapatos nito habang nagsimula nang pumatak ang kaniyang mga luha, "A-Ayos ka lamang ba binibini?" tanong ni Lorenzo na akmang tutulungang makatayo ang dalaga ngunit nagpumiglas ito at dinanggaan pa siya sa may balikat saka diretsong tumakbo papalayo.

Napatingin si Lorenzo sa lupa kung saan bumagsak si Carina, naroroon ang isang pang-ipit na may gintong bituin na disenyo, dahan-dahan niya itong kinuha at tumingin kung nasaan na si Carina ngunit hindi na ito naabot pa ng kaniyang balintataw.

000000000 ang tatlong araw, maagang nagtungo si Ursula sa silid ni Carina upang gisingin na ang señorita. Gaya nga ng kaniyang inaasahan ay wala na roon si Carina at maagang pumunta sa ilog kung saan masaya itong pinagmamasdan ang pagsikat ng araw.

"Haringgg Arawwww!!!"

"Ako'y handa na!!!"

Nagsisiliparan ang mga malapit na ibon sa tabing ilog kung nasaan si Carina dahil sa malakas na pagsigaw nito. Binabati niya ang araw at sinasabi rito na siya'y handa na, handang magparaya at harapin ang kaniyang mga kaibigan. Ilang sandali pa ay dumating na si Ursula, "Señori-" hindi siya pinatuloy ni Carina sa kaniyang sasabihin. "Isa pang tawag saakin ng '00000000' ay mag-aalsa balutan ka na." napatigil si Ursula, kinabahan siya sa pananalita ni Carina na lingid sa kaniyang kaalaman ay nagbibiro lamang. "A-Ah p-paumanhin ho B-Binibini..." nagugulumihanang tugon ni Ursula, napaimpit na lamang ang tawa ni Carina dahil halatang nagimbal si Ursula sa kaniyang mga iwinika. "Ano ka ba Ursula, ako'y nagbibiro lamang. Ako ba'y ipinatatawag na nina Ama't Ina?" napatango na lamang si Ursula saka sabay na silang nagtungo sa bahay ng pamilya Estrella.

Matapos mag-umagahan ay dumating ang mga kaibigan ni Carina na sina Josefa at Juliana, malugod silang tinanggap ni Carina at gaya ng nakagawian ay masaya silang nakipagtalastasan sa isa't isa.

Sa malawak na salas ng pamilya Estrella ay naroon ang magkakaibigan, habang kasalukuyan namang nag-aaral magluto si Catrina sa kusina. Kahit na magkaka-edad lamang sila ay hindi siya malapit sa mga kaibigan ni Carina na sina Josefa at Juliana, mayroon din siyang kaibigan si Tanya Felisidario ngunit halos isang taon na rin ang nakararaan ng magpunta ito sa Europa.

"Hay, Carina sa aking pag-aakala ay bulaklak ang iyong ibinuburda. Bakit tila naging isang bituin iyan?" humahagikhik na tawa ni Juliana na sinabayan naman ni Josefa, napansin nilang parang nawala sa sarili ang kaibigan.

Napatayo ang tatlo nang makitang pababa ng hagdan sina Doña Catalina at Don Idelfonso, "Magandang araw ho, Don Idelfonso at Doña Catalina." pagbati nina Juliana at Josefa. "Magandang umaga rin naman sainyo mga munting binibini." pabalik na pagbati naman ni Don Idelfonso habang abala sa pag-aayos ng kaniyang kamiso, "Tila hindi na sila mga maliliit para tawaging munti aking asawa, iyong tignan hindi na sila iyong malilikot na mga batang palaging bumibisita sa ating prinsesa." natatawang dagdag naman ni Doña Catalina, napangiti na lamang si Don Idelfonso habang pinagmamasdan ang mga dalagang noo'y sobrang makukulit sa tuwing dadalaw sa kanilang tahanan. "Oh siya, mauuna na muna kami. Kayo'y magsaya munting mga prinsesa." wika pa ni Don Idelfonso bago tuluyang umalis ng kanilang bahay, mula noon ay parang mga anak na ang kanilang turing sa mga kaibigan ni Carina at Catrina.

"Tila kay palad mo naman Carina sa iyong mga magulang..." buntong hininga na lamang ni Josefa, mula noon ay hindi niya na nasilayan ang kaniyang mga magulang at naiwan na lamang sa pangangalaga ng kaniyang lolo at lola. "Ika'y 'wag mag-alala Josefa! Marami naman kaming nagmamahal saiyo! Lalo na ang iyong kasintahan." pangungulit pa ni Juliana habang sinasapo ang ulo ng kaibigan, napaakbay naman sa kanila si Carina.

Napatikhim ito, "Aba, kasintahan? Sino iyan?" pagkukunwari niya pang wala siyang nalalaman. Pasimpleng bumulong sa kaniya si Juliana, "Iyan ba'y totoo?!" pakantyaw na biro pa ni Carina na parang hindi apektado, kahit pinilit niya nang limutin, ay may parte pa rin sa kaniyang nasasaktan siya.

"Kayo'y huwag maingay, atin-atin lamang ang bagay na iyan, intiendido?" saad naman ni Josefa habang pinupulot ang kulay pulang sinulid.

"Maiba ako, ikaw ba'y wala pang napupusuan Carina? Tila mapaglihim kang kaibigan." dagdag pa ni Juliana na siyang malikot at maingay sa kanilang tatlo. "Maaaring meron na 'yan at palihim lang din ang kanilang pagkikita..." natatawang biro naman ni Josefa habang patuloy sa pagbuburda.

Tiningnan sila ng masama ni Carina, "Ano ba iyang iniisip ninyo, kung mayroon man ay tiyak ngayon palang ay papunta na iyon dito sa aming tahanan. At sasabihin kong paalisin na kayo rito dahil ang iingay niyo na naman." tugon naman ni Carina, nagsitawanan naman sina Josefa at Juliana dahil tila naging seryoso na si Carina.

Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng isang kalesang tumigil sa harapan ng tahanan ng pamilya Estrella, bumaba doon ang isang ginoo at nagbayad muna ito sa kutsero bago siya naiwan mag-isa sa labas ng tahanan ng mga Estrella. Samantala, naroroon ang tatlong dalagita na palihim na nakatingin sa durungawan ng salas. Tila nagulat sina Juliana at Josefa sa kagwapuhan at tindig nito ng humarap na ito sa may pintuan.

Bumalik na lamang si Carina sa kaniyang kinauupuan at nagpatuloy sa pagbuburda habang halos malaglag naman ang mga panga ng kaniyang kaibigan na nakasilip pa rin sa may bintana ng salas.

Nagsimula nang maglakad ang binata patungo sa pintuan at akmang kakatok na ito nang makitang nakasiwang naman ang pintuan at masayang sumalubong sa kaniya si Pina na nakita naman ni Carina kaya't hinabol ang kaniyang alaga.

rieteratura

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report