Stars Over Centuries -
Chapter 16
[Chapter 16]
00000 00000 000
☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐ 0.000000
Halos isang buwan pa lamang nang magsimula ang second semester, nagpatuloy ang mahihiwagang bagay sa aking paniginip at buhay pero hindi naman na ito ganoon kalala.
If there's one thing that keeps on bothering me, it's him. Para bang may mas malalim pa akong alaalang nakalimutan maliban sa migraine effects ko na kung saan ay nawala siya sa aking alaala at ang kaniyang buong pamilya. "Wynt."
"Hey, Wynt!" Isha teasingly poked my cheeks.
"Kanina ka pa nagmumuni-muni, Wynt." Sabay silang natawa sa sinabi ni Aliza.
"Duh!" Inismiran ko lamang sila at inunahang maglakad sa corridor. Kahit kailan talaga, nako.
Mabilis naman nila akong sinundan, akala ko ay sumunod sila upang mas lalo akong guluhin pero ituturo pala nila si Gabriel na kasalukuyang naglalakad din sa corridor. "Nakapaskil kanina sa bulletin board-" hindi na naituloy ni Isha ang dapat sana'y sasabihin niya nang bigla akong lapitan at duru-duruin ni Gabriel.
"Kasalanan mo ang lahat ng ito!" I didn't owe him something, wala rin akong atraso sa pagkakaalam ko. "Wait-what?" Gusto kong tanungin kong ano ang atraso ko pero iyon lamang ang lumabas sa bibig ko. Mahinang bumulong si Aliza, "Wynt, don't mess with that man, let's go." Wika nito na tinapik ako sa balikat.
"No, Ali. I want him to explain, wala akong ginawang kasalanan sa kaniya." Matapang kong sagot, nagkakatinginan na rin ang mga estudyanteng dumaraan saamin.
Matalim na tumitig saakin si Gabriel, "Kasalanan? Kasalanan lahat ng kamalasang dala mo kung bakit nangyayari ito saakin!" Gigil na saad ni Gabriel, dinanggaan niya pa ako ng kaunti sa braso bago tuluyang umalis sa corridor kung nasaan kami.
"Tsk, as if may ginawa akong kasalanan sa kaniya." Naglakad na ako kasama ang aking mga kaibigan pero ilang hakbang pa lamang ang aming nagagawa ay napatigil ako.
Laman ng isang bulletin board si Gabriel, may warning na siya at maaaring patalsikin sa aming university. Ito ay dahil sa pagkakasangkot niya bilang isang lider ng grupong tahasang bumugbog kay Ronaldo-ilang buwan din palang naconfine
si Ronaldo bago ito nagkaroon ng lakas na pumasok ulit, alam kong hindi siya 'yong tipo ng tao na magsusumbong sa office para patalsikin si Gabriel. He was once bullied pero mas takot siyang malaman ito ng iba.
I could say, I was one of the witnesses-I was there. Pero hindi ako nag-abalang ireklamo siya dahil kung magrereklamo man ako, direkta ko siyang isusumbong sa mga awtoridad, nasa labas na kaya sila ng university noon, tsk.
My friends were both busy reading our bulletin board, habang abala sila ay nakita kong dumaan si Nynzo papunta sa kanilang building.
"Hey, wait." Hinabol ko ito, balak ko sanang itanong kung siya ba ang nagsumbong sa ginawa ni Gabriel noong gabing iyon.
Salubong ang kilay niyang tumingin humarap saakin, "What?" Bakit parang may mens siya ngayon, pfft.
"Ah sige, huwag nalang pala." Pinihit ko na sana ang paa ko para bumalik sa aking mga kaibigan pero bigla niya akong hinawakan sa may pulsuhan.
"May sasabihin ka, hindi ba? Spill it." Ani nito na hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko.
I let out a sigh, "Look, I won't beat around the bush-ikaw ba ang nagsumbong kay Gabriel?" Sarkastiko siyang tumawa sa tanong ko.
"Why would I?" sagot niya habang marahang inaayos ang mga papel na hawak niya.
Nakatingin pa rin siya sa mga inaayos niyang papeles, "Dapat lang sigurong mangyari ang mga dapat mangyari..." I was a bit astonished with his words. "Huh?" I uttered.
Doon niya lamang napansin na parang may kakaiba sa kaniyang sinabi, "A-Ah what I meant was it might be destined to happen. Malay natin, hindi natin alam nakatadhana na talaga itong mangyari... I gotta go, Wynt." Mahabang paliwanag nito, kumindat muna siya bago tuluyan akong iwan.
"000-000000 buwan na rin pala simula no'ng bumalik sa states mom at dad mo 'no? I miss them." rinig kong saad ni Autumn, kausap niya si Rhea sa sala. I wasn't eavesdropping like a rat, tho. It's just that I can hear them along the corner of our house.
Ilang sandali lamang ay tumunog ang aming doorbell, Nikkolai's here to fetch his lil sis.
"Who's that?" Narinig kong bumaba si Mom mula sa office nila ni Dad sa aming second floor.
"Si Nikkolai po, Mom. Susunduin na raw si Rhea." I answered.
"Nandito pala si Rhea, Oh sorry I'm busy. Nagmeryenda na ba kayo?" Lumapit siya kina Rhea at Nikkolai nagmano naman ang mga ito.
"Autumn, pinakain mo man lang ba ang mga bisita mo?" seems like she's interrogating my lil sis, haha. Nakapamewang pa si Mom sa harap nila.
"Uh, no need po Tita. Dumaan po kasi kami sa cafe kanina. It's okay po." Wika naman ni Rhea, kinda like she's scared of how my Mom act in front of them, cute. Napatikhim si Nikkolai, "It's fine, Tita. Susunduin ko na rin po pala si Rhea." Nakasandal ako sa isang sulok habang nakikinig lamang sa kanila.
Something caught my attention, I saw how gentleman and caring Nikkolai. Kinuha niya ang bag ng kapatid at dinala rin ang mga libro nito kahit pa lalabas lamang sila ng aming gate, sa labas ay nakaparada naman na doon ang kanilang sasakyan. Pinalaki sila ng hindi man lamang mahusay kundi may puso.
It was already 5:38pm in the afternoon, bumalik na si Autumn sa kaniyang kwarto ganoon din si Mom sa kaniyang trabaho. Kumuha ako ng remote at binuksan ang TV, humilata sa sofa na para bang wala akong inaalalang majors. Puro lamang paglipat ng channel ang ginawa ko, wala namang palabas na nakakapagpuno ng interes ko. Mas lalo lamang akong nabored, haysts.
Ilang sandaling pananahimik ay nagsisi-sigaw na lumabas si Autumn sa kaniyang kwarto, halos mabulabog niya na ang buong bahay sa ginagawa niyang pagsigaw. Paakyat na sana ako ng hagdan nang makitang pababa na sila ni Mom. "Anong nangyayari?" Agad kong tanong sa kanila, mangiyak-ngiyak na rin si Autumn. Napansin kong hawak niya ang kaniyang phone at may kausap dito. Si Rhea ang nagsasalita sa kabilang linya, nanghihina ito na para bang pinipilit na lamang magsalita.
"Mom, kailangan natin silang mapuntahan agad! Wala na raw malay si Nikkolai at halatang nanghihina na rin si Rhea!" naguguluhan pa rin ako sa nangyayari, mabilis na kinuha ni Mom ang susi sa kotse niya.
"Ate naaksidente sina, Rhea. Kailangan na namin silang mapuntahan agad." Hawak-hawak ni Mom ang phone niya, tina-try na rin niyang i-contact si Dad. I was about to call Nynzo, pero isang tawag ang humarang dito-Anna is calling. Nakalabas na sina Autumn at Mom sa bahay ng sagutin ko ang tawag, "Yes?" Saad ko matapos sagutin ang tawag, hindi ko alam pero parang unti-unting bumibigat ang dibdib ko, nagsisimula na rin ang panginginig ng kamay ko. "Wynt, hindi ko macontact sina Tito at Tita kaya ikaw nalang ang tinawagan ko. Something bad happened..." hinayaan ko lamang siyang ituloy ang kaniyang sinasabi.
"Lolo collapsed earlier, dinala na namin siya sa hospital pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising." Nagulantang ako sa aking narinig, natuod ako sa aking kinatatayuan, balak ko pa sanang isigaw ito kina Mom at Autumn pero hindi ko na magawa dulot ng pagkabigla.
Muntik na akong matumba sa aking kinatatayuan nang biglang dumating si Cyrus, "Ate? Are you okay?" Hindi ko alam pero bigla na lamang umapaw ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Why?" Inalalayan niya ako, hindi ko alam kung alin ang uunahin, I'm so drain with these chaos.
"C-Cy, try to contact Mom or Dad. Inatake raw si Lolo," ibinaba niya kaagad ang bag na hawak. Masama ang kutob ko sa nangyayari. Habang abala tina-try tawagan ni Cyrus sina Mom ay kumuha ako ng tubig sa kusina at ikinalma ang aking sarili.
Mabilis kong kinuha ang slig bag ko, "Wala pa ring sumasagot?" I asked him.
Sa tingin niya palang na 'yon ay alam kong hindi sinasagot nina Mom ang tawag mula saamin.
"Let's go." He's still wearing his uniform kaya't kumuha na lamang siya ng kaniyang jacket para isuot.
"I guess Dad's still working at this hour, how about Mom and Autumn ate? Saan ba kasi sila pumunta?" I forgot to tell him, hindi niya pa pala alam.
"Nikkolai and Rhea." Matapos naming makalabas sa bahay ay isinarado ko ang gate, walang magbabantay sa bahay, sa next week pa babalik ang mga katulong at si Manang Adora. Dad gave them a long Christmas break.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Naghintay lang siya ng idadagdag ko rito, "Naaksidente sila," his lips slightly parted in surprise.
"What the heck! Oh god." Napahilamos siya sa kaniyang mukha sa narinig.
0' already 10:00pm, sinama nina Mom at Dad si Autumn at Cyrus papunta sa Batangas habang naiwan naman ako para samahang magbantay si Nynzo sa kaniyang mga kapatid. Agad namang nagset ng flight sina Tito Henry at Tita Lucinda pauwi sa Pilipinas kaya within 15 hours lamang ay makakauwi na sila agad.
Hindi naman malala ang natamong mga sugat ni Rhea samantalang si Nikkolai ay hindi pa rin naggigising hanggang ngayon. Hindi ito iniiwan ng kanilang panganay, mahimbing nang natutulog si Rhea sa isang hospital bed habang binabantayan pa rin ni Nynzo si Nikko.
I'm sitting on the couch beside Rhea's bed but what happened to lolo's still bothering me so I keep asking Anna.
000 000000 00000000 0☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐☐ 000000.- Cousin
Anna's text made my heart beats fast even more. Nakita kong umayos ng upo si Nynzo, nakita niya akong nag-aalala pa rin.
Naglakad siya papunta sa kinaroroonan ko, tumango ng marahan na tila ba pinapasama ako sa pupuntahan niya.
Inalok niya akong kumain pero sinabi kong wala akong gana, sa mga ganitong pagkakataon nilalamon ako ng pag-ooverthink kaya imbes na kumain ay mas pinipili ko na lamang na mapag-isa o 'di kaya'y magpabalik-balik ng lakad. I can't relax myself.
He insisted to give me foods but I refused. Hindi niya talaga ako mapilit kung kaya't pumunta na lamang kami sa chapel ng hospital, imbes na kumain ay uminom na lamang siya ng mainit na kape.
Nang marating namin ang chapel ay agad kaming lumuhod at nanalangin. "Huwag kang mag-aalala, gagaling din ang lolo mo." I can't define my emotions, hindi ako makapaniwala. Ang lakas ni pa ni Lolo para danasin ito. "H-He's now in coma," bigla na lamang umapaw ang kanina pang pinipigilan kong luha.
Inabot niya ang kamay ko para hawakan ito, I felt a sudden outburst of something a sudden spark flares up. Pero hindi, hindi sa ganitong panahon, mali.
"Be strong, Wynt." Hindi ko alam kung saan niya pa nagawang hugutin ang sinabi niyang iyon, kahit siya kailangan 'yon ngayon.
"I know you're strong enough to face these obstacles, you're half way there. We're half way there" he was cut when the nurse called us.
"Sir, gising na po si Mr. Nikkolai." saad nito na ikinagulat naming dalawa, agad kaming napatayo at bumalik sa kwarto kung nasaan sina Rhea at Nikko.
Chineck si Nikko ng doctor at laking pasasalamat namin nang maging maayos naman ang lahat ng tests. Tinanggal na rin ang oxygen na nakalagay sa kaniya dahil maayos na rin daw ang kaniyang paghinga sabi ng doktor. Nagring ang phone ko, Dad's calling. "Hello, Dad." I answered his call.
"Oh hey, Wynt. Kumusta riyan?" He asked.
Lumabas ako ng room bago muling sumagot dito, "Ah, they're now doing good, Dad. Gising na rin po si Nikko ngayon. How about lolo?" He paused in a few seconds.
"Uh, nak. Nagising siya kanina pero masyadong naghihina ang lolo eh. Hinahanap ka niya at ang Tito Arth mo." Sabi ni Dad, things getting weird. I don't know why but I can sense all of these weird stuffs.
"Is there something wrong, Dad?" I asked out of nowhere.
Agad kong binawi ang nauna kong tanong, "O-Oh well, I see. Pakisabi po uuwi ako bukas, how about Tito Arth?" Narinig kong parang lumabas ng pinto si Dad.
"He's not coming home, hindi siya pinapayagan ng employer niya." Gosh, that heartless employer tsk. Bakit ba kasi sa lahat ng pagtatrabahohan ay doon pa siya nadestino, I pity his kids and parents.
"Take some rest, maglalaro pa tayo paggaling mo." Rinig kong sabi ni Nynzo kay Nikko. Pinatutulog niya na ang mga kapatid niya. I'm happy, mabuti't nagising na siya.
"0000' already awake earlier, too." Nakamukmok ako sa mga tuhod ko habang nakaupo sa sahig ng rooftop ng hospital.
Tumingin lamang siya saakin, alam niyang nag-aalangan akong maging masaya sa sinabi ko. "P-Pero bakit parang sinasabi ng instinct ko na may mali. I doubt it." He wasn't even surprised, para bang may alam siya sa mga ito. Pero nanunuot ang pagkabahala at awa sa mga mata niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Sorry..." iyon lamang ang nasabi niya.
"Matulog ka na, Farah. Maaga ka pa bukas. Take some sleep, rest." He uttered, kita ko rin ang pagod sa mga mata niya.
Kinabukasan din ay maaga akong bumyahe papuntang Batangas. Hindi ko napansin na halos magbente na ang pinaghalong missed calls ni Mom at Dad kaninang madaling araw. I wonder what's happening, tina-try ko rin silang tawagan ngayon pero walang sumasagot ni isa sa naroon.
Hindi ako masyadong sanay na magcommute mag-isa sa ganito kalayong byahe, mas madalas din kasing sariling sasakyan ang gamit namin papunta rito but since alam ko naman na ang papuntang probinsya ay hindi na ako nag-abalang magpasundo pa kay Dad.
Pinabalik na rin nina Mom ang mga kasambahay, si Manong Driver, at si Manang Adora upang may tao sa bahay. Pumayag naman agad sila dahil emergency naman ang nangyari kahit pa nakasalalay rito ang kaunting bakasyon na lamang nila. Pasado alas onse ng tanghali nang makarating ako sa bahay nina Lolo at Lola, wala akong naabutan doon kundi si Mang Andres lamang. Hindi ko rin alam ang papuntang hospital dito sa lugar nila kaya tumuloy muna ako sa bahay. "Magandang tanghali po, Mang Andres." Nananghalian siya sa isang mahabang upuan sa labas ng bahay nang maabutan ko, doon niya lamang napansin ang pagdating ko. "Wynter?" Mabilis niyang kinuha ang bag na dala ko upang ilagay ito sa loob, hindi ko na sana ipapabitbit pero nagmatigas naman siyang gawin ito, ika niya pa magagalit daw si Lolo sa kaniya niyan. "Nasaan po pala silang lahat? Ah, ituloy niyo lang po ang pagkain niyo aalis din po agad ako, pupuntahan ko po sila." sabi ko rito, nagmadali naman siyang kumain.
May katandaan na rin si Mang Andres, "Ah, kaninang umaga bigla silang nagsiligpitan ng gamit at sabay-sabay na umalis. Sinundo sila ni Alex." He's pertaining to Dad.
Kinabahan ako sa sinabi ni Manong, mahinang tango lamang ang isinagot ko rito, "Ah siya nga po pala, hindi ko po kasi alam ang papuntang hospital. Madalang din po kasi ang taxi, halos tricycle at jeep po ang mga nandito. P-Pero baka maligaw po ako kung magko-commute ako-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil nagsimula na rin siyang magsalita.
"Ah ayon ba, huwag kang mag-alala hija. Sumabay ka na lamang sa aking asawa, papunta rin naman siya sa bayan ngayong alas dose. Ipahahatid na lamang kita, ako na ang bahala rito sa bahay." I genuinely expressed my gratitude towards him, pinuntahan niya rin ang kaniyang asawa upang sabihin na sasabay ako rito.
Habang naghihintay ay napansin ko ang isang malaking bahay na minsan ko na ring nakita noong gabing kasama kong lumabas ng bahay si Anna para maghanap ng signal. Hindi ko napansin na ganito pala iyon kakita tuwing umaga. "Parang interesado ka sa bahay na iyan, hija." Hindi ko napansin na nandito na pala si Mang Andres at ang kaniyang asawa.
"A-Ah, parang pamilyar lang po. Wala po iyon." Tugon ko rito, naupo naman si Mang Andres sa bangko upang ipagpatuloy ang ginagawang paglinis ng maliliit na damo sa bakuran, kahit pa tanghaling tapat na.
"Ah, oo. Halos isang buwan na rin nang may bumisita riyang isang binatilyo. Natatandaan pa raw niya ang sariwang mga alaala sa bahay na iyan, nagtataka nga ako kung may tumira ba riyan eh simula no'ng ipinanganak ako rito wala namang pamilyang tumira sa bahay na iyan." Seryoso akong napatingin sa asawa ni Mang Andres na si Aling Gigi.
"Uh, ano raw ho ba ang pangalan ng binatilyong iyon? Kamag-anak po ba siya ng mga may-ari nito noon?" ganoon na lamang ang mga tanong na lumabas sa aking bibig.
"Ah, nako. Halika na nga kung ano-ano na naman ang pinagkukwento ko, maaaring kamag-anak lamang sila 'di ba? Bale, hindi ko naitanong ang pangalan ng binatang iyon, hija. Tara na't baka hinihintay ka na roon ng pamilya mo." Napatango na lamang ako saka mabilis na sumama kay Aling Gigi, sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang bahay na para bang may malaki itong parte sa buhay ko.
Nang marating ko ang hospital ay agad akong nagtanong sa counter kung saang kwarto naroroon si Lolo. Mabilis akong umakyat ngunit para bang bawat apak ko sa mga baitang ay nakakaramdam ako ng paghihina, mabilis ding tumitibok ang puso ko.
Nakaramdam din ako ng isang pamilyar na presensyang tila ba sumusunod sa bawat kong yapak.
Naabutan ko sa labas ng kwarto si Anna, lahat ay nasa loob ng kwarto maliban sa kaniya. "He's waiting for you, Wynt." Hindi na ako nag-abalang sagutin pa si Anna at mabilis na pumasok sa kwarto.
Pagpihit ko pa lamang ng doorknob ay nakita ko silang lahat sa sulok, tinawag ko si Lolo kahit nasa pinto pa lamang ako, "Lo! Nandito na po ako." Parang bumagal ang oras sa aking nakita, sa huling pagkakataon ay itinaas niya ang kaniyang kanang kamay na para bang nagpapaalam na. Alam kong hinang-hina na siya pero ginawa niya pa rin iyon para iparamdam saakin ang kaniyang presensya.
Buong akala ko ay nagising na siya kagabi, nanghihina lang pero bakit inabutan ko siyang maraming nakasaksak na machine para suportahan lang ang buhay niya! Sa puntong iyon ay unti-unting pumantay ang linya mula sa ventilators niya, kasabay ng pagbaba ng kaniyang kamay ay ang pagtunog ng malakas ng ventilator at paglapit ng mga nurse at doctor sa kaniya. Pinilit nila pero wala na.
Wala na...
rieteratura
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report