[Chapter 1]

☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ akong naglalakad sa corridor ng aming building, maaga pa kung kaya't kakaunti pa lamang ang mga estudyanteng naririto ngayon.

"Farah? Too early huh." bungad ni Aliza, ang isa sa aking pinakamalapit na kaibigan.

"You're amaze aren't you Ali?" I answered sarcastically.

Sabay kaming natawa sa pagtataray namin sa isa't isa, we've been friends since then that's why there's no awkwardness with our acts.

"Hey guys, let's go?" biglaang pagsulpot naman ni Isha sabay turo sa pinto ng classroom na papasukan namin kanina. "Kay aga-aga nagtatawanan na naman kayo sa may kanto, nako." dagdag pa nito.

"What? Seriously? Kanto? Hindi kami tambay sis." saad naman ni Aliza. Yes, we've been a trio, and without Ali and Isha? My teenage life would be a mess.

Isha, Ali, and I are all first year freshmen accountancy students, we're all tracking the same course and it is to become a Certified Public Accountant (CPA) someday.

Pagkatapos ng klase, nagpaalam na kami sa isa't isa. We're not acting like the other friendship or squad bonding all day long, one to two days bonding for a week is enough with us, ayaw naming masawa sa pagmumukha ng bawat isa. "Hi Mom.." pagod na salubong ko kay Mommy.

"Oh hello honey, how was your school? Accounting isn't easy right?" sunod-sunod na tanong ni Mommy habang bumebeso saakin. "By the way, where are your siblings?"

"Autumn went on a bookstore, while Cyrus is playing basketball with his friends. Any snacks Mom?" tugon ko naman sa mga tanong niya.

Mom is just a 40-year old wife, 'di ko maitatangging sa edad niyang 'yan ay ang bata niya pa ring tignan, she's a tall woman, her eyes are brown, and her face is as lovely as flower.

I have two siblings Cyrus and Autumn. Cyrus is 16 while Autumn is 15, mahilig sa mga libro si Autumn she even made some space for her bookshelves on her room. Cyrus, on the other hand, loves playing games whether outdoors, indoors, or even online.

"Oh sorry honey I didn't prepared, I'll just go to buy you---" hindi na natapos ni Mom ang sasabihin niya.

"No, no, Mom. It's okay. Aakyat na muna siguro ako sa kwarto ko, magpapahinga lang po ako." humakbang na ako paakyat sa hagdan ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko'y muling nagsalita na naman si Mom.

"Anyway Wynt, tumawag ang Dad mo kanina, may bisita raw tayo mamaya so better prepare yourself honey!" saad muli ni Mom, tumango lamang ako sa kan'yang tinuran saka deritsong umakyat na. I am used to it, kung hindi kapamilya o kaibigan, entrepreneurs ang bisita ni Dad.

Pag-akyat ko sa second floor, agad na bumungad saakin sina Coby at Toby, ang aming mga alagang aso. They're both pomerianian. Our stress reliever.

"Hello babies. How was your day?" pagpapa-amo ko sa kanila. Dahil medyo pagod ako ay agad kong pinakuha sa aming kasambahay na si Manang Adora ang aming dal'wang aso.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad kong inilapag ang aking bag sa aking study table at marahang humiga sa aking kama, medyo may kalakihan ang aking kwarto. Naaalala ko pa kung paano ko pilitin sina Mom at Dad na lagyan ng galaxy design ang room kong 'to, ilang daang patak kaya ng luha ang iniyak ko mapilit ko lang sila? Gosh, I'm that weird and obsessed with stars, nah.

Dahil sa maghapong pag-aaral ay nakatulog ako ng halos dalawang oras, gabi na nang magising ako, dinner time.

Marahan kong kinusot ang aking mga mata, ilang sandali pa'y naabot ng aking paningin ang glow in the dark star stickers na bigay ni Dad kagabi na ngayo'y nakapatong sa desk ko. Agad akong tumayo, lumapit do'n at kinuha 'yon. Saan ko kaya 'to maaaring ilagay?

Bigla akong natauhan nang kumatok si Autumn. "Ate kakain na raw, dalian mo na at may bisita tayo sabi ni Mom." pagtawag ni Autumn saakin.

"Oh siya sige susunod ako." agad kong inayos ang aking sarili at dali-daling lumabas sa kwarto. Pagbaba ko palang ng hagdan ay naamoy ko na agad ang mga nakakagutom na pagkaing inihain para sa aming mga bisita, actually I am wondering if who will be our visitors this late night. Kaibigan kaya? Entrepreneurs? o baka naman long lost relatives nina Dad?

Biglang may kakaibang pakiramdam akong naramdaman habang tinutungo ko ang aming kusina, weird, 'di naman ako gan'to lalo na 'pag may bisita.

Pagpasok ko sa kusina ay agad bumungad saakin ang aking dalawang kapatid, nakaupo si Cyrus pang-apat mula sa kabisera ng lamesa habang abala sa paggamit ng kan'yang phone, habang naabutan ko namang naghuhugas ng kamay si Autumn sa may lababo.

"Pssst. Sino raw ang bisita?" pabulong na tanong ko kay Autumn.

"Kaibigan daw nina Mom at Dad." sagot naman nito.

"Kaibigan? Sinong kaibigan? Sino sa mga kaibigan nila? 'di ba't kilala naman natin lahat? At tsaka bakit ang daming inihain? Gosshh, seriously." sunod-sunod na tanong ko. "Ate? Dapat ikaw ang may alam, ikaw ang naunang umuwi hindi ba?" kunot-noong saad naman nito.

Sa aming magkakapatid, si Autumn ang pinaka-seryosong mag-isip kung kaya't hindi na 'ko magugulat sa kan'yang mga pananalita.

Hindi pa man natatapos ang aming pag-uusap ay dali-dali nang inayos ng mga kasambahay ang hapag, nasa salas na pala ang mga bisita na sinalubong pa nina Mom sa labas. Nagtatawanan at parang ilang taong hindi nagkita-kita sina Mom at ang kanilang mga bisita.

"Good evening Ma'am, Sir." agad na napabalikwas si Cyrus sa kan'yang kinauupuan sa pag-aakalang mga negosyanteng katrabaho ni Dad ang aming makakasalo.

Sa estilo pa lamang ng pananamit ay mahahalata na ang karangyaan ng pamilyang makakasalo namin ngayon sa hapag.

Biglang nagtawanan sina Mom at Dad pati na ang kanilang mag-asawang kaibigan sa tinuran ni Cyrus na '00'00,000', maliban sa dalawang anak, yata, ng aming mga bisita. "Hijo, just call me Tita, hindi kami pumunta para sa isang business dinner..."

Habang naririnig ko ang boses na 'yon ay parang isang pangyayaring naganap na ang aking nasaksihan, tila kaba at pagkabigla ang bumalot sa aking nararamdaman. Ano ito? Bakit ako nakararamdam ng ganito? Nangyari na ba ito?... "0000, just call me Tita, hindi kami naparito para sa isang business dinner okay?" natutuwang saad ng babaeng sa tingin ko'y halos ka-edad lang nina Mom at Dad.

Nanlaki na lamang ang mga mata ko sa gulat, I don't know but it's weird, I think it happened already, but I can't guess if when tsss. Nabalik na lamang ako sa ulirat ng magsalita si Mom.

"Mga anak, sina Tito Henry at Tita Lucinda niyo ay mga kababata namin, siguro hindi niyo pa sila nakikilala kasi nanirahan sila sa abroad for almost a decade---" hindi pa man tapos si Mom ay sumabat na si Dad na ngayo'y patungo na sa kabiserang kan'yang uupuan.

"Oh siya, dito niyo na ipagpatuloy ang usapang 'yan, nakakahiya naman kung nakatayo kayong magbabatian diyan." saad ni Dad. Acting as your businessman profession Daddy huh.

Naupo si Mom sa kanan ni Dad, habang ako naman ay katabi ni Mom at katabi ko naman si Autumn na sinundan naman ni Cyrus. Sa kabilang banda, naupo ang isang lalaki na ka-edad lang din nina Dad sa kabilang kabisera, habang nasa kanan n'ya naman ang kan'yang pamilya.

Katapat ko 'yong lalaki nilang anak na sa tingin ko'y halos ka-edad nina Autumn or Cy. He even glance on us, 'yong babae niya namang kapatid ay nagpakawala lamang ng isang maikling pag-ngiti bilang pagbati.

"Anyway, pasensya na pala at hindi na namin kayo nasalubong sa airport last week, how was your lives abroad Elisious?" pagsira ni Dad sa katahimikan.

Napatikhim muna si Tito Elisious bago sumagot, "Heto talagang si Alex, fond of teasing me with my second name? Hahaha. Wala ka man lang pinagbago ikaw pa rin ang kaibigan ko. Anyway, we're actually fine there, but we've decided to live in the Philippines this time. For better businesses and for a wide range of customers for our restaurants and hotels."

"Oh that's great then, magkakaroon din siguro ng pagkakataong makapagbond ang ating mga anak" saad naman ni Mom na tinugunan ng ngiti ng mag-asawang kaibigan nila.

Napaubo naman ako sa tinuran niya, mahaba pang usapan ang naganap habang kumakain kami, nalaman ko rin ang pangalan ng pamilyang 'yon, ang mag-asawang kaibigan nina Mom at Dad ay sina Tita Lucinda at Tito Henry Elisious Silvius, nalaman ko rin na simula highschool pa lamang ay sobrang magkaibigan na sina Mom at Tita Lucinda, pati rin sina Dad at Tito Elisious.

Napag-alaman ko rin ang pangalan ng dalawang anak na kasama nila, ang babae ay si Rhea Ezra Silvius na 15 years old, at ang lalaki naman ay si Nikkolai Silvius na isang 17 years old. Sinabi rin ni Tita Lucinda na may isa pa silang anak na hindi nakasama sa kanila kasi may inaasikaso itong papeles para sa bagong unibersidad na papasukan nito dito sa Pinas.

Nang matapos kaming kumain ay agad akong pumunta sa balkonahe upang gawin ang gabi-gabi kong nakasanayan, ang manood ng mga tala.

Karga-karga kong lumabas ng balkonahe si Toby, ang isa sa aming mga alaga.

"Look Toby, they're shining." pagka-usap ko kay Toby habang hinihimas-himas ang ulo nito.

Ilang sandali pa'y nagulat ako nang biglang sumulpot si Coby sa aking paanan.

"Look who's here," agad akong bumaba para abutin si Coby na nasa aking paanan, ngunit nagulat ako nang makita si Rhea na ngayo'y parang may hinahanap.

"M-May nawawala ka ba?..." maikling tanong ko rito.

"'Yong aso po ate, akala ko'y natakot ko, pumunta lang pala sainyo." nahihiyang tugon naman nito. Namangha na lamang ako sakanyang tinuran, sa itsura at katayuan ba naman niyang 'yan ay matatas pa rin siya sa tagalog kahit pa'y halos do'n na siya lumaki sa ibang bansa.

"Come on gusto mo silang hawakan? Here." agad na lumapit si Rhea sa akin at inilapit ko sakan'ya ang dalawang aso na ngayo'y hawak hawak ko.

Agad na naging magaan ang loob ko kay Rhea, hindi pa man kami gaanong magkakilala ay alam kong isa siyang mabuting tao.

Habang abala siya sa paglalaro-laro sa aming mga aso ay pinagmasdan ko ang mga tala sa kalangitan na pawang nagkikislapan sa dilim ng kalawakan. Hindi ko mapigilang mamangha sa aking nakikita.

"You love stars? Sabi ni kuya, ang mga bituin daw ay konektado sa nakaraan at kasalukuyan ng bawat tao." salaysay ni Rhea, hindi ko man masyadong makuha ang kan'yang ipinararating ay nagtaka at parang may dumaloy ng pagkabigla sa aking katawan, muli kinabahan ako ng hindi ko alam ang dahilan.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"I'm obsessed with them, parang may natatanging alaalang 'di ko dapat makaligtaan sa tuwing nakikita ko sila." tugon ko naman sakan'ya habang patuloy na minamasdan ang mga kislap sa kalangitan.

"Hmm. Gan'yan na gan'yan din kung titigan ni kuya ang mga bituin. You know what? Magkakasundo kayo 'pag tungkol diyan ang usapan." isang maikling ngiti lamang ang ibinigay ko sakan'ya.

☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ akong maglakad para hindi ma-late sa unang subject namin ngayong araw, pasado alas 6:53am ako nagising kung kaya't mabilisan lamang akong nag-ayos ng aking sarili at isinantabi na muna ang pagkain ng umagahan. It takes me 15-20 minutes to reach my school, hindi naman gaanong traffic kung kaya't mabilis akong naihatid ng aming driver.

Halos pitong minuto na lamang ay huli na ako sa aking unang klase, haysst research subject pa naman!

Mabilis akong naglalakad sa kahabaan ng corridor ng aming paaralan ngunit bago ko pa man marating ang aming building ay naagaw ang atensyon ko ng isang bata, isang batang lalaking sa tingin ko'y nasa anim o pitong taong gulang pa lamang. Isang bata na naglalaro sa loob ng aming unibersidad?

Nakasuot ito ng isang abuhing damit at itim na abot-tuhod na shorts. Ngunit ang mas nakaagaw ng aking pansin ay ang laruang tila isang bituin na kumikislap-kislap habang hawak-hawak ng batang iyon. Natagpuan ko na lamang ang aking sariling unti unting tinatahak ang direksyon kung nasaan ang bata.

Bago ko pa man marating ang lugar kung nasaan ang batang 'yon ay agad na itong nagtatatakbo, halos tumakbo na rin ako habang sinusundan ang bata. Nakita ko pa itong lumiko sa isang bahagi ng building, nang marating ko ang direksyong iyon ay nakita ko muli itong pumasok sa isang silid, ngunit bigla na lamang akong natalisod ng masagi ko ang paa ng isang lalaking biglang sumulpot sa pinto ng library kung saan saktong dumaan ako. Madali kong itinayo ang aking sarili bago pa man ako tulungan ng lalaking naging dahilan ng pagkatalisod ko.

"No, no, it's okay." pagpigil ko sa lalaki habang nasa harapan ko ang aking dalawang kamay, hindi ko na pinansin pa ang lalaki o inalam pa ang kan'yang pangalan, hindi ko na rin pa nakita kung sino o anong itsura ng lalaking 'yon 'pagkat agad na akong pumunta sa direksyong pinuntahan ng bata.

Dahan-dahan kong pinasok ang isang silid na parang isang imbakan ng mga lumang papeles at libro.

"Hello? May tao ba rito?..." walang tugon o anumang sagot akong narinig, pag-alingawngaw lamang ng aking sariling tinig ang aking naririnig. Maya't maya pa'y agad akong napabalikwas nang may nahulog sa isang kumpol ng mga papeles na nagdulot ng isang makapal na alikabok sa aking paligid, lizards. Dalawang butiking naghahabulan mula sa kisame.

Wala akong natagpuang bata sa naturang silid, ni wala ring bakas o anumang senyales na may pumasok doon.

Nang mapagtanto kong halos sampung minuto na akong late ay agad kong nilisan ang kwartong iyon at hapong-hapo na nagtatatakbo papunta sa aming classroom.

I immediately leave that messy room, I ran as fast as I can but one of a sudden I accidentally hit the man's phone by my fragile arms. I hit it and it flew into the air. Time seemed to slow down as we both struggled to reach that phone floating in the air.

Naunahan niya akong masalo iyon, humahangos akong humingi ng paumanhin sa kan'ya. "Omg, I'm so sorry. It's just that---" hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay agad niya na akong sinabat.

"Next time be careful, okay? 'Di sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong habulin ang oras." saad nito. Wala akong ibang nagawa kun'di ang mapayuko na lamang sa kahihiyan. "Are you okay, Miss?" muling tanong nito.

"Yes, I'm fine. I'm sorry 'cause I'm in a hurry. Tutuloy na ako, pasensya na talaga." pagpapaalam ko rito. Pagkatalikod ko'y agad itong nagsalitang muli.

"Oh it's you, the woman who stumbled earlier across the libra---" hindi ko na narinig pa ang sunod na sasabihin ng lalaking 'yon dahil mabilis na akong kumaripas ng takbo papunta sa aming classroom.

rieteratura

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report