Stars Over Centuries -
Chapter 19
[Chapter 19]
"0000000 kay aga naman ng iyong pagtrabaho, Estong. Para saan ba ang kahong 'yan?" Ani Manang Rosing, nakita niyang bitbit ni Mang Estong ang isang katamtamang laking kahon, dadalhin niya ito sa kwarto ni Don Idelfonso. Alas sais pa lamang ng umaga ngunit halos abala na ang lahat sa pagsisimula ng kanilang araw, nakaalis na rin ang mag-asawang Estrella patungo sa isang kalakarang magaganap mula sa ilang kliyente ng kanilang pangunahing pinagkakakitaan.
"Magandang araw, Manang Rosing. Ipinalalagay ito ni Don Idelfonso sa kaniyang silid, naglalaman daw ito ng mahahalagang papeles." Napatango si Manang Rosing sa sinabi ni Mang Estong.
Lumapit ito kay Carina na nakaharap sa kaniyang piyano, kanina pa ito nakaharap lamang sa instrumentong yaon ngunit ni isang tipa ay hindi naman nito ginagawa. "Hija, tila may malalim kang iniisip. Umagang-umaga'y problemado ang iyong mukha." Nabalik sa kaniyang huwisyo ang dalaga.
"Ah, naisip ko lamang po kung nasaan na si Carlos. Ilang araw na rin mula noong huli siyang makita." Mahinahon nitong sagot sa mayordoma, sabay silang tumingin sa durungawan kung saan makikita mula sa hardin si Catrina na abalang magdilig ng mga halaman ng kanilang ina.
Hinawakan ni Manang Rosing ang balikat ni Carina na para bang nagpapahiwatig ito ng isang mensaheng huwag siyang masyadong mag-aalala.
Ilang saglit lamang ay isang kabayo ang tumigil sa harap ng kanilang tahanan. Agad na lumapit dito si Catrina upang salubungin ang bisita. "Magandang araw Ginoong Lorenzo, ano ang iyong sadya?" Ani Catrina na abalang ayusin ang sarili upang maging presentable sa harap ng ginoo.
"Magandang araw rin, Binibining Catrina. Narito ako upang sana'y sunduin ng maaga ang iyong kapatid, kaniyang nabanggit na sila'y tutulong saamin sa paghahanap kay Carlos ngayong umaga." Napaisip si Catrina, kaniyang nahalata na masyadong malapit na sina Carina at Lorenzo upang sunduin ito ng binata.
Napansin ni Lorenzo ang biglang pagbago ng kanina'y maaliwalas na mukha ni Catrina, "Paumanhin?" wika nito.
"A-Ah sa aking pakiwari'y nag-eensayo ang aking kapatid sa loob." Tugon naman ni Catrina.
Ilang sandali lamang ay isang sumisigaw na manggagawa ang bumulabog sa katahimikan ng hacienda, agad na lumabas sina Manang Rosing, Carina at pati na rin si Mang Estong. Nagsilapit din ang kanina'y mga abalang trabahador ng hacienda Estrella.
"M-May natagpuang bangkay hindi kalayuan sa haciendang ito!" Nagimbal ang lahat sa narinig, halos hindi na magkamayaw ang lahat.
"P-Po?" Nagkatinginan si Lorenzo at Carina, malakas ang kutob nila sa nangyayari.
"Ano ang katauhan ng taong ito, hijo?" Usisa naman ni Manang Rosing na ngayo'y napasandal na lamang sa maliit na punong kahoy mula sa kaniyang kinatatayuan. "Lalaki po, at nagtamo ito ng apat na bala sa katawan at isa sa may sintido." Sagot naman ng trabahador.
"Karumaldumal itong pinaslang, tila ba pinarusahan ito." Dagdag pa nito na halos maduwal na sa imahinasyong namumuo sa kaniyang isipan, hindi pa rin niya makalimutan ang imahe ng binatang natagpuan malapit lamang sa haciendang kanilang pinagtatrabahohan.
☐☐☐☐☐☐☐ na tumungo sina Carina at Lorenzo sa lugar kung saan ay naroon pa rin ang bangkay, sila ay pumunta upang tukuyin ang pagkakakilanlan ng naturang binata. Pagdating nila roon ay isang makapal na kumpol ng mga tao ang bumungad sa kanila.
Dito ay natagpuan nila ang pamilya ng binata na kapwa nagdadalamhati sa sinapit ng biktima. "Carlos! Gumising ka!" Nanginginig habang patuloy ang pag-apaw ng mga luha mula sa mga mata ni Josefa. Napatakip na lamang si Carina sa kaniyang bibig dahil sa nasaksihan, halo-halong emosyon ang nag-uunahang lumamon sa kaniyang isipan ngayon, dahan-dahan itong napaatras dahil hindi siya makapaniwala sa sinapit ng isa sa pinakalamapit niyang kababata. Nakiramay ang lahat sa pagkamatay ni Carlos Quizon, isa sa pinakamaimpluwensyang pangalan sa kanilang bayan. Gayunpaman, hindi maatim ng kaniyang buong pamilya ang sinapit mula sa kamay ng isang hindi pa nila nakikilalang may sala sa naturang pagpatay, halos mawalan na rin ng pag-asa si Josefa na magpatuloy pang mabuhay dulot ng pagkalugmok sa labis na pagdadalamhati. Hindi na pinatagal pa ang pagburol sa bangkay sapagkat marami itong tinamong sugat na maaaring magdulot ng masangsang na amoy sa buong paligid.
Hustisya, iyan ang sigaw ng lahat ngayon. Walang ibang hangad ang pamilya Quizon kundi hustisya, ang mapanagot ang may sala at ang patawan din ito ng parusang kamatayan.
00000000 hinawakan ni Carina ang kamay ni Josefa, kapwa nila sinasariwa ang mga alaala kasama ang kaibigan. Isang araw pa lamang mula nang mailibing ang binata at patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon. Ipinasuri din nila ang katawan ni Carlos bago ito tuluyang maiburol.
Humahangos na dumating si Juliana sa bahay ng mga Fernandez kung saan ay dinalaw rin ni Carina ang kaibigang si Josefa.
"Bakit hapong-hapo ka, Juliana? Anong problema?" Napahawak muna ito sa dibdib upang bawiin ang hangin bago sumagot sa tanong ng kaibigan.
"Hindi ko lubos maisip kung kayo ba'y maniniwala sa aking sasabihin." Panimula nito.
Nag-aalalang napatingin naman si Josefa mula sa isang silyang kinauupuan, lumapit si Juliana kay Carina at hinawakan ang magkabilang kamay nito.
"Sinugod ng mga guardia civil ang tirahan ng mga Alonso. Inakusahan nilang si Lorenzo ang pumaslang kay Carlos!" Nagulantang ang magkaibigan sa narinig, napatingin si Carina kay Josefa. Alam nilang lahat na hindi iyon Lorenzo kay Carlos.
"H-Hindi." Nagsimulang mahulog ang mga luha ni Josefa, napakapit na lamang siya sa dulo ng mesa dahil sa matinding panghihina.
"Hindi ako naniniwalang si Lorenzo ang gumawa nito," dagdag pa ni Josefa na sinang-ayunan naman nina Carina at Juliana.
"Naniniwala akong may nagtatago sa likod ng mga kaganapang ito," matapang na saad naman ni Carina na tinutukoy ang pinaka-puno't dulo ng lahat ng pag-aakusang ito.
Agad siyang tumungo sa isang taong pinaghihinalaan niya, hindi niya matiis na manahimik lamang sa kabila ng pagdududa sa mga gulo, mga pangyayari na maraming inosenteng tao ang nadadamay.
"0000 kong darating din ang araw na ito na makapag-iisip ka nang ituloy ang kasunduan para sa atin." Sarkastikong wika ni Vicente habang pinaiikot ang kaniyang hintuturong daliri sa dulo ng basong hawak-hawak. "Ikaw. Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito, hindi ba?" Ani Carina, nakatayo lamang siya habang pinagmamasdan ang heneral na nakapwesto sa salas ng kanilang tahanan.
Ibinaba ni Vicente ang baso na may laman ng isang mamahaling alak sa mesa, "Bakit naman ako?" Imbes na sagot ay tanong din ang ibinalik niya rito.
gawa ni
Napasandal ito sa kaniyang kinauupuan at marahang humarap kay Carina, "Magpakasal ka sa akin, sisiguraduhin kong kahit anong mangyari'y papanig saatin ang batas." Inunat nito ang mga braso sa mahabang sandalan ng kaniyang kinauupuan.
"Heneral ka pa man din ngunit ganoon mo pala tingnan ang halaga ng batas." Dismayadong dismayado si Carina sa ugaling taglay ni Vicente, buong akala niya'y isa itong tapat na naglilingkod ngunit hindi rin pala ito patas at may sariling pagtingin sa batas.
Tumayo si Vicente at lumapit sa kanina pang nakatayo na si Carina, "Carina, gusto ko lamang ang pakasalan ka. Maging ina ng ating mga supling, mahal kita noon pa huwag mo naman sana akong pahirapang sungkitin ang iyong puso." Akmang hahawak ito sa kamay ng dalaga ngunit inilihis niya ito kaagad.
"Kung tunay mo akong iniibig, hindi ko kailangang suklian iyan at pilitin ang aking sarili. Kung tunay mo akong minamahal, hindi ka gagawa ng ikapapahamak ng mga mahal ko, Vicente." Sa mensaheng iyon ay mas lalong binalot ng poot ang puso ni Vicente, ilang pagkakataon na siyang tinanggihan ni Carina at isa ito sa labis na nagpadurog sa kaniya. Hindi siya kailanman nakaranas na tanggihan kung kaya't gusto niyang ang lahat ng bagay na naisin ay mapa-sakaniyang mga kamay.
Napayakap na lamang ng mahigpit si Carina sa kaniyang ina at ama nang umuwi ito sa kanilang tahanan, nalulugod siya sapagkat napag-alaman niyang pareho itong hindi pumayag sa alok ni Don Sulpicio na ipagkasundo silang dalawa ni Vicente.
"Bakit tila ang lambing ng aming kerubin?" Usal ni Donya Catalina habang mahigpit pa rin na naka-kapit sa anak.
"Ina, Ama. Maraming salamat po." Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ng anak, ni wala silang alam kung anong mabuti ang nagawa nila para sa anak ngayong araw.
Dahan-dahang kumawala si Carina sa pagkakayakap at tiningnan ang wangis ng kaniyang ama't ina.
"Maraming salamat po dahil hindi kayo pumayag na ipagkasundo ako." Nagulantang ang mag-asawa dahil sa nalaman ng anak, buong akala nila ay magagalit si Carina kapag nalaman ang bagay na ito ngunit laking tuwa na lamang nila dahil hindi sila nagpadalos-dalos ng kanilang desisyon.
"Hindi kailanman pinipilit ang isang tao para umibig, anak." Saad ni Donya Catalina na sinang-ayunan naman ni Don Idelfonso.
"Isa pa, ramdam ko rin na mayroong itinadhana saiyo ang Maykapal." Wika naman ni Don Idelfonso habang hinahaplos ang buhok ng anak.
"At natagpuan mo na ang ginoong iyon, anak." Alam niyang sa pagningning pa lamang ng mga mata nito sa tuwing naroon ang ginoo ay mahahalata na ang dalisay na pag-ibig na tinataglay ng anak, hindi rin maikakaila na isang mabuting binata ang iniibig nito..
"Idelfonso, nakahanda na ang iyong kalesa sa labas. Paumanhin ngunit kailangan mo nang magmadali, kasalukuyan nang hinahalughog ang buong kabahayan ng pamilya Alonso, kaawa-awang Lorenzo, hindi ako makapaniwalang siya ang pagbibintangan sa kaso ng pagpaslang kay Carlos." Habag ang nanaig sa buong hacienda Estrella para kay Lorenzo.
Bago pa makaalis ang Don ay muli itong hinabol ng kaniyang ama, hinawakan niya ito sa kamay na may nangungusap na mga mata.
"Ama, pakiusap po. Tulungan niyo po si Lorenzo, alam kong alam po ninyo na hindi siya ang may sala sa pagpaslang kay Carlos." Napatango ang Don sa sinabi ng anak, marahan niya itong hinaplos sa buhok bago tuluyang nagpaalam.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Hindi man mawari kung anong tulong ang kaniyang maibibigay dahil isa lamang siyang negosyante at hindi isang abogado na mayroong mas malalim na nalalaman sa batas ngunit hangga't maaari ay nais niya itong ipagtanggol sa suwail na batas na nananaig sa kanilang bayan. Unang-una'y dahil malapit ang pamilya nito sa kanila, at pangalawa'y isa lamang itong hamak na inosenteng binata na nais pabagsakin ng heneral dahil sa namumuong relasyon sa pagitan ng kaniyang anak at ng binata.
0000 ni Lorenzo sa kaniyang sarili na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng kaibigang si Carlos, ngunit bilang paggalang sa batas ay wala siyang ibang nagawa kung hindi ang sumama na lamang sa mga guardia civil na dumakip sa kaniya. Tahimik at kalmado siyang sumama dahil kampante siyang wala ni anumang katibayan ang magpapatunay na siya ang salarin sa nangyaring pagpaslang.
Una siyang dinala sa tanggapan ng heneral kung saan ay nagkaharap sila ni Vicente.
"Masaya akong makilala ang isang mamamatay taong tulad mo, Lorenzo Alonso." Sarkastikong bungad ng heneral na tinugunan lamang ng isang matalim na tingin ni Lorenzo. Hangga't maaari ay ayaw niyang sumagot ng pabalang sa kung sinuman ang magbubukas ng usapan ukol sa pag-akusa sa kaniya, alam niyang anumang tugon ay maaaring gamitin laban sa kaniya lalo pa kung mayroong taong nais na magpabagsak sa kanilang pamilya.
"Siya nga pala, nagtungo rito kanina ang iyong magiging biyenan..." Tumayo ito at lumapit sa nakaposas na si Lorenzo.
"Biyenan, sana." Humawak ito sa kaniyang baba na tila ba nag-iisip at tsaka naglakad-lakad sa buong lawak ng kaniyang tanggapan.
"Kung hindi ko nga lang sisirain." Humalakhak ito na para bang nanalo sa isang napakalaking patimpalak.
"Kung gayon, ikaw nga. Ikaw ang taong nasa likod ng lahat ng ito." Matapang na saad ni Lorenzo.
"Hindi ka nakasisiguro." Mabilis na tugon ng heneral, ipinangangalandakan niya ang selyo mula sa isang sobreng papel na nagpapatunay ng kaniyang titulo bilang isang pinagkakatiwalaan na pinuno ng kanilang bayan pagdating sa pagdakip at pagpaparusa sa mga nagkasala at lumabag sa batas.
"Inyo nang dalhin 'yan sa kaniyang kulungan," sumenyas pa ito sa kaniyang mga tauhan na para bang maliban sa ipipiit ang binata ay may nais pa silang gawin dito.
Muling umupo si Vicente sa kaniyang silya na para bang isang hari na nagmamay-ari ng dakilang trono, ilang sandali pa ay pumasok ang isa pang tauhan sa kaniyang silid-tanggapan.
Sumaludo muna ito bago isinalaysay ang sasabihin, "Heneral, may isang binibining nagpupumilit na pumasok dito." Itinaas lamang ni Vicente ang kaniyang kanang kamay senyales na papasukin ang binibining panauhin.
"Catrina, ano ang iyong pakay? Ako'y sawa nang marinig ang paulit-ulit na hinaing mula sa inyong pamilya." Hindi pa man nakahaharap ay alam na ng heneral kung sino ang panauhing kanina pa nagpupumiglas na pumuslit mula sa kaniyang mga tauhan.
☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ang kaniya-kaniyang palagay at usap-usapan ukol sa karumaldumal na pagpaslang kay Carlos Quizon, marami ang humusga at marami rin ang nagduda sa kung sino man ang tunay na may sala.
Ganap na alas tres ng hapon matapos dakpin si Lorenzo Alonso ay ang paglilitis nito upang mas siyasatin pa ang mga katibayang magbibigay ng ebidensya sa lahat. Binuksan ang paglilitis sa publiko kung saan ay maaaring manood ang kahit sino man sa iba't ibang antas ng lipunan, mayaman o kapos-palad ay maaaring pumunta at saksihan ang paglilitis na magaganap.
Kasama ni Carina ang kaniyang ama sa pagpunta sa lugar kung saan gaganapin ang paglilitis, naroon din si Josefa at ang pamilya ni Carlos. Doon ay nakita rin nila sa harap na nakaupo si Don Sulpicio na tila ba ay naeengganyong nag-aabang ng mga susunod pang mangyayari. Malapit sa kinauupuan ng mag-amang Estrella ay ang mag-inang Lucia at Helia Alonso, nagpadala na ito ng liham sa puno ng kanilang pamilya na si Don Santiago upang ipaalam ang nangyaring pag-akusa sa kanilang unico hijo ngunit ilang oras pa bago ito tuluyang matatanggap ng Don sapagkat may kalayuan din ang lugar kung saan ito ipinadala ni Don Sulpicio Felisidario.
Sa hukuman ay naroon na ang mahahalagang personalidad na hahawak at maglilitis sa kaso. Samantala, isang hamak na hindi kilala at nag-eensayo pa lamang sa kaniyang propesyon ang abogadong ibinigay kay Lorenzo. Nagbigay na ng mensahe ang punonghukom sa lahat ng mga tagapakinig at naroon na magsisimula na ang paglilitis, doon ay dinala na sa harapan ang inakusahang si Lorenzo. Mababakas sa hitsura ni Lorenzo ang maraming pasa at galos, patunay na ito ay minaltrato at binugbog matapos na ipiit sa malalamig na rehas ng kulungan. Nakataling ipinaluhod ito sa sahig dahilan upang magdulot ng kabi-kabilang hiyawan ng pagkadismaya at samo't saring usap-usapan sa nangyaring pagpaslang.
Mahigpit na napahawak si Carina sa kaniyang ama, sa kabilang dako'y makikita rin ang pagyakap ni Lucia sa kaniyang anak na si Helia dahil sa labis na pagkahabag sa anak.
"Narito tayong lahat upang alamin ang katotohanan sa likod ng pagpaslang kay Ginoong Carlos Quizon." Panimula ng punonghukom, siya ang inatasan ng heneral na maglitis sa kasong ito. Lingid sa kaalaman ng nakararami ay nakatanggap din ito ng paunang mga salapi upang litisin ang naturang kaso.
"Ginoong Lorenzo Alonso, ako'y hindi na magpapaligoy-ligoy pa, diretsong katanungan para sa iyo. Inaamin mo bang ikaw ang salarin sa nangyaring pagpaslang sa yumaong si Ginoong Carlos Quizon?" Usisa ng punonghukom sa inakusahang si Lorenzo.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Hindi po, bakit ko naman papaslangin ang aking kaibigan? Isang mabuting ginoo si Carlos, sa katunayan nga po ay isa ako sa mga tumulong upang hanapin siya." Halatang pagod at nanghihina si Lorenzo habang nagsasalita, lumalim din ang kaniyang mga mata na tila ba pag-iisip ng mga posible pang iparatang para sa inosenteng tulad niya.
Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Lorenzo, base sa kanilang pang-araw-araw na natutunghayan ay malapit ang dalawang binata, natigilan ang lahat ng sumenyas ang punonghukom na tumahimik. "Ngunit maaaring palabas lamang ang lahat ng iyon, hindi ba?" Lumawak ang usap-usapan sa paligid, napatingala rin si Lorenzo sa punonghukom dahil sa kaniyang naulinigan.
Ipinapalabas ng punonghukom na isang pakitang-tao lamang ang ginawang pagtulong ni Lorenzo sa paghahanap kay Carlos. Doon ay napansin ni Lorenzo ang kabuktutan ng nangyayaring paglilitis.
Tinawag ng punonghukom ang isa sa mga tauhan ni Vicente na siyang humalughog sa buong tahanan nina Lorenzo. "Bilang isang alagad ng batas, patas mong isalaysay ang iyong mga natunghayang ebidensya habang hinahalughog ang hacienda Alonso." Atas ng punonghukom sa guardia civil.
Tumango ang naturang guardia civil sa kaniyang dalawa pang kasamahan at iniharap sa lahat ang isang kahon na naglalaman ng mga katunayan, inilahad nila ito sa punonghukom at ipinakita rin sa madla. "Punonghukom, bilang isa sa mga sumiyasat sa tahanan ng mga Alonso ay aking natagpuan sa silid ng kaniyang nakababatang kapatid ang isang kahon na naglalaman ng baril." Bumaling ang tingin ng lahat kay Lorenzo. "Nasasakdal, iyo bang inaamin na pagmamay-ari mo ang baril na natagpuang ito?" Nagpupumiglas sa kaniyang pagkakatali ang binata, kaniyang napagtanto na kahit ano mang pilit ay hindi na mababago pa ang isang planadong hakbang. "Hindi, at wala ako ni anumang uri ng armas na pagmamay-ari! Isa itong pain, patibong!" Hindi na natiis ni Lorenzo ang kaniyang galit, hindi niya maatim na makitang nasasaktan ang kaniyang ina at kapatid, gayon din ang binibining sinisinta. Sa puntong iyon ay nakialam na ang pampublikong abogadong naatasang magtanggol kay Lorenzo, "Mawalang galang na po ngunit hindi sapat ang isang baril lamang bilang katibayan ng pagpaslang kay Ginoong Carlos." Umiinit ang tensyon sa loob ng hukuman, mas lalong nanaig ang bulong-bulongan mula sa mga tagapakinig.
Ibinaling ng punonghukom ang tanong sa abogadong nagtatanggol kay Lorenzo, "Ginoo, kung ikaw ang nasasakdal, iyo bang itatago ang pangunahing ebidensya sa mismong silid-tulugan mo? Hangga't maaari ay itatapon mo ito o kaya nama'y ilalagay sa isang silid na hindi kailanman pagdududahan, sa silid ng isang walang kamuwang-muwang na binibini. Sa madaling salita, sa silid ng kaniyang nakababatang kapatid." Mahabang salaysay ng punonghukom. Napakuyom ang mga kamao ni Lorenzo, hindi rin alam ni Josefa kung ginugulo lamang ba sila ng mga may kapangyarihan upang ilihis ang tunay na nasa likod ng lahat ng ito.
Napunta ang paningin ng lahat ng mapasigaw ang nakababatang kapatid ni Lorenzo na si Helia. "Hindi! Walang ganoong bagay sa kahit saan mang silid ng aming tahanan! Kayo ang may kagagawan nito!" Mas lalong nadurog ang puso ni Lorenzo nang makita ang kapatid na halos hindi na makahinga sa pag-iyak, ganoon na lamang ang pagmamakaawa nito ngunit ni isa, walang nakinig.
"Paumanhin punonghukom ngunit sa aking pakiwari'y may punto ang batang i-" hindi na naipagpatuloy pa ng abogado ang sasabihin nang muling magbigay ng isa pang ebidensya ang mga guardia civil, ibinigay nila ito sa punonghukom na sinuri naman nito kaagad.
"Kung ganoon, ukol saan ang liham na ito?" Itinaas niya ang hawak na pirasong papel.
"Naglalaman ito ng isang pagkakasundo, ang nasasakdal ang siyang pumaslang ngunit mas may malaki at makapangyarihang tao ang siyang nagplano ng lahat ng ito." Ipinabasa niya ang liham sa harapan ng mga nanonood. Nakasulat ito sa wikang kastila, sinasabi sa liham ang oras kung saan ay gaganapin ang pagpaslang at ang mga parusang ibibigay rito. Mas tumindi ang paniniwala ng madla sa inilatag na katibayan, hindi na natiis pa ni Lorenzo ang kaniyang pagtimpi at labis na nagsisisigaw sa loob ng hukuman, ninais siyang lapitan ni Carina ngunit pinigilan ito ng kaniyang ama.
Dahil sa hindi na mapigilang binata na labis na hinahamak ang batas dahil sa hindi patas na paglilitis ay agad na ibinigay ng punonghukom ang parusang kamatayan sa nasasakdal.
"Dahil sa ipinakitang mga katibayan ay ating napatunayan ang pagpaslang kay Carlos Quizon, iginigiit man ngunit sa mga ebidensyang ating natunghayaan ay ating nakamit ang katunayan sa likod ng karumaldumal na sinapit ng binatang inhenyero. Ang pasya ng nakararami ay kamatayan." Nawalan ng malay ang ina ni Lorenzo sa sinabi ng punonghukom, halos matuod naman sa kaniyang kinaluluhuran ang binata. Sa pinakaunang pagkakataon ay nasaksihan ni Carina ang pagbagsak ng mga luha mula sa mga mata nito. Ninais nilang makalapit dito ngunit hinarang sila ng mga guardia civil sa pamumuno ni heneral Vicente.
Sumisigaw ang lahat ng hustisya at parusa sa mas lalong madaling panahon, ang mga nanonood ay mayroong halo-halong emosyon. Ang iba'y nadismaya sa desisyon samantalang ang iba nama'y isinisigaw ang hustisya sa pagkamatay ni Carlos Quizon, at makakamit lamang ang hustisyang yaon kung mapaparusahan ang nasasakdal na pinaniniwalaang pumaslang sa binata.
Pinatigil ng punonghukom ang ingay, "Hindi na natin ito patatagalin pa, sa ganap na ika-sampu mamayang gabi ay bibigyan ng parusang kamatayan si Lorenzo Alonso sa harap ng publiko. At sa lalong madaling panahon ay ipahahanap din ang pinaka-pinuno ng kasong ito." Nagbigay ng huling mensahe ang punonghukom bago tuluyang umalis, dito ay makikitang kasabay niyang maglakad papalabas ng hukuman ang kalmadong-kalmado na si Don Sulpicio.
Tila gumuho ang mundo ni Carina ng makita ang pagpupumiglas ni Lorenzo habang hinahatak palabas ng hukuman ng mga tauhan ni Vicente. Lubha siyang nasusuklam sa lahat ng mga paratang na sinuportahan lamang ng mga agam-agam at hindi nagbigay ng klarong imbestiga.
Agad siyang lumapit kay Josefa nang makita itong papalabas na, "Josefa, alam mong hindi siya ang pumaslang kay Carlos. Alam kong naniniwala kang inosenteng tao si Lorenzo, hindi ba?" Hinawakan nito ang kamay ng kaibigan. Nagbabakasaling tutulungan siya nitong mas pababain pa ang hatol mula sa parusang kamatayan sa binata.
"P-Patawad, Carina. Ginawa ko ang lahat ng pagmamakaawa upang huwag siyang madamay ngunit mayroong mas may kapangyarihan na siyang nagplano ng lahat ng ito. Isa pa, paumanhin sapagkat gulong-gulo na rin ako kung sino ba ang aking paniniwalaan..." Tuluyan itong bumitiw sa pagkakahawak kay Carina, doon ay nawalan na ng pag-asa pa si Carina na maililigtas pa niya o ng kaniyang ama si Lorenzo.
rieteratura
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report