[Chapter 21]

"0000000, Carina." Saad ni Ronaldo na nagpabalik sa akin sa realidad.

"A-Anong, b-bakit? Sino ka ba?" I was trembling, I don't know where to start asking.

"Mang Estong..." Panimula niya, malumbay siyang tumingin sa akin.

"I'm so sorry for betraying you and your family in the past, h-hindi k-ko nais na gawin iyon ngunit binantaan nila ang buhay ng aking pamilya, kaya kahit ayaw ko mang gawin ay inilagay ko pa rin ang pekeng liham na ginawa nila sa silid ng iyong ama..." He's pertaining to those memories, naaalala ko na. Natatandaan ko na ang mga pagdurusang naranasan ko noon, it was weird but I knew there's something that I ought to reminisce with those dreams and mysteries behind my past.

Hindi ko alam kung makararamdam ba ako ng galit, namanhid na yata ang buong katawan ko sa aking mga narinig.

"P-Pero maniwala ka, Issafarah. Ginawa ko naman ang lahat, tinangka kong iligtas si Lorenzo at Don Idelfonso noong gabing iyon, ngunit matapos na maubusan ako ng palaso ay nadakip ako ng mga guardia civil." Patuloy pa rin siya sa paghingi ng tawad, siya pala iyon, ang misteryosong lalaki na pumana sa ilang guardia civil, ang lalaking nakasuot ng isang salakot, si Mang Estong.

I was trying to calm down, "Paano mo nalaman ang lahat ng ito?" I asked him.

"Nakatira ako sa probinsya, sa Rosario Batangas. Mayroong isang napakalaking bahay na binabantayan si Papa, ang naturang bahay raw na 'yon ay inaalagaan na ng aming mga ninuno simula noong panahon pa ng mga kastila. Malayo ito sa mismong tirahan namin kaya noong napadpad ako ro'n ay inikot ko ang buong lugar." Wika nito, naalala ko ang isang bahay malapit sa tirahan nina lola.

"Tulad mo, pamilyar ang tahanan na iyon saakin. Natagpuan ko ito," turo niya sa puyod na may ukit na bituin.

"Doon ay mas lalong kinilabutan ako dahil bawat sulok ng lugar, balot man ito ng mga alikabok at sira-sira man ang mga kagamitan ay naroon ang pakiramdam ba para bang hindi iyon ang unang pagkakataong nakapunta ako roon. Na para bang may mas mahalagang pahiwatig ang bahay saakin," pagpapaliwanag pa nito, mas lalong sumakit ang aking ulo. I tried to get my medicine but I forgot that it was already empty.

"I'm sorry, I have to go." Napatayo na lamang ako sa aking kinauupuan.

"Vincente was cursed." Napatigil ako sa sinabi ni Ronaldo, muli ko itong hinarap.

"Issafarah, forgive him, or you will suffer again." Dagdag pa nito.

"Nagsimula na siyang guluhin muli ang buhay niyo, hangad kong wala nang buhay pa ang muling ilalaan. Nawa'y mapagtagumpayan mo na ito." Saad pa nito bago tuluyang lumisan.

Sa mga hindi inaasahang pagkakataon ay doon pa ako inaatake ng migraine ko, gosh I'm insanely light-headed. Naglakad na ako pero bago pa man makapara ng taxi ay napatumba na lamang ako sa aking kinatatayuan.

He's always there to save me, he's always there to take risk for me. But this time, I'm dozing off in amidst of nowhere. He's not around, I took so long. Why can't I recognized the spark that he tried to show me? Bakit hindi ko siya nakilala agad... "000. Alcantara, here's the results of all her test. Wala po kayong dapat na ipag-alala. Over fatigue and stress po kaya nawalan ng malay ang anak ninyo, dahil din po roon ay natrigger na naman ang migraine niya. You should give her some space and time to rest, nariyan na po ang lahat ng resita." Saad ng nurse bago ito lumabas ng kwarto, nagbigay rin ito ng mga paalala bago tuluyang umalis.

Idinilat ko ang aking mata, nasa isang hospital room ako, "Gising ka na pala, anak. Nagugutom ka ba? May masakit pa rin ba saiyo?" Magdadapit-hapon na, nakita ko sa isang sulok nakaupo si Ronaldo.

"Uh, tinulungan ka ni Ronaldo. Nakita ka raw niyang namimilipit sa sakit ng ulo." Sabi ni Mom matapos makitang nakatingin ako rito.

"Ah, thanks." Maikling saad ko.

"Mrs. Alcantara, uuwi na po ako." Lumapit ito kay Mommy at nagpaalam, binigyan din ako nito ng isang ngiti bago tuluyang umalis. "Maraming salamat, hijo." Sinubukang bigyan ni Mom ng pamasahe si Ronaldo pero hindi niya ito tinanggap.

Naramdaman kong lumakas ang katawan ko at nawala na rin ang sakit ng aking ulo, siguro ay dahil ito sa mga gamot na itinurok saakin. Bumangon na ako sa aking pagkakahiga at naupo.

"Hintayin lang natin ang doctor nak at uuwi na rin tayo." Wika ni Mom at tinulungan akong ayusin ang buhok ko.

"Nasaan po sila, Mom?" I am just wondering, if something came up alam kong palagi silang nag-aalala saakin or sa kahit kanino man saamin.

"Oh, I forgot to tell you. Nynzo found out that there's something behind Rhea and Nikko's accident nak, may isang binata na taga university niyo rin ang sadyang bumangga kina Rhea at Nikko noong araw na maaksidente sila. Cyrus is with them, the said man was also trying to attack him nak. I thought that certain guy was a bully." Napaisip ako sa kung sino mang binata ang tinutukoy ni Mom.

"Autumn's already in the house, hindi ko na siya pinapunta rito dahil malapit na ring gumabi. Daddy's still on his work, don't worry, darling." Yumakap si Mom saakin, she never failed to comfort me whenever I'm drowning and sick.

00000000000, nalaman kong si Gabriel pala ang nakuhaan sa CCTV na sumadyang banggain sina Rhea at Nikko, napatunayan din ang ilang beses na attempted attacks niya sa kapatid kong si Cyrus. Kaya pala kahapon ay narinig ko kay Ate Cindy ang pagbintang sa kaniya bilang isang kriminal.

I came to visit him in his prison, agad siyang hinuli ng mga awtoridad dahil sa sunod-sunod na reklamong natanggap.

"What brings you here?" Bungad niya saakin. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula hanggang sa muli siyang magsalita.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito." Saad pa nito, dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kaniya.

"I will now forgive you..." Saad kong ikinagulat niya naman, lumapad ang isang mapanuksong ngiti sa kaniyang labi. "Seriously," bulong nito na narinig ko naman.

"Alam ko na ang lahat, Gabriel. Nasusuklam ako sa lahat ng ginawa mo, sobra akong nasusuklam saiyo at saiyong ama, pero maaari namang muling simulan ang nakaraan hindi ba?" Kalmado lamang ako habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

"You're now forgiven, pagkatapos mong magsisi sa loob ng selda sana'y magsimula ka nang mabuhay ng mapayapa." Nakatingin lamang siya sa tila ba kawalan sa pagitan ng mga rehas.

"Kahit anong gawin mo, si Lorenzo pa rin ang iibigin at hahanapin ng puso ko ilang siglo man ang aming lakbayin upang ang isa't isa'y hanapin..." I was about to leave when I heard his words.

"I'm sorry for what I've done, Issafarah. Nabulag ako ng salapi, posisyon, at pag-ibig. Patawad." Ngayon ay nakahawak na siya sa malalamig na rehas habang humihingi ng tawad sa akin.

Nag-iwan lamang ako ng isang ngiti bago tuluyan siyang iwanan. Naglakad na ako patungo sa labas ng presinto ng maramdaman ang isang presensya, suot ang isang abuhing polo at maong na pants, hindi ako nagkamaling siya iyon. Nang makita ako ay sumandal na lamang ito sa kaniyang kotse at hinintay na makalapit ako, "Pumunta ako sa bahay niyo pero wala ka raw," kunot noong saad nito, he also crossed his arms.

My eyebrows furrowed with what he uttered, "Seriously, wala ka naman sinabing pupunta ka 'no." Hinawakan niya ang noo ko at inilapad ang nakakunot kong kilay.

Tinawanan niya ako na para bang nang-aasar, haysts. "Let's go?" Alok niya, tuluyan naming nilisan ang lugar na iyon at sa puntong ito ay mapayapa na naming haharapin ang lahat ng naisulat na sa mga tala.

"0000 pa ba ang ating mga bisita?" Tanong ni lola habang bumababa ng hagdan, agad naman itong nilapitan ni Cyrus at inalalayang bumaba.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Paparating na raw po, Ma." Tugon naman ni Daddy. Abala ang lahat sa pag-aayos, pagluto, at paglinis ng paligid. It's lolo's 40 days kung kaya't narito kami sa Batangas upang bisitahin ang puntod at ipinalangin ang kaluluwa ni lolo. "Anna, pakihugasan naman ng tasang iyon." Turo ni Mom sa isang babasaging tasa na nasa lababo.

Tapos nang mag-igib sina Dad at Cyrus kaya sinamahan na lamang nito si Kenneth na maglaro sa bakuran. "Kuya Nynzo!" Masayang lumapit si Kenneth kay Nynzo, at nagmano rin kina Tita Lucinda at Tito Henry.

"Mabuti naman at nandito na kayo, kanina pa kayo hinihintay ni Mama." Nagtawanan sila at ipinasok na rin ang mga kagamitan. Mag-e-stay kaming lahat dito for two consecutive days dahil weekend naman.

Mabilis na lumipas ang mga oras, dahil magkasundong-magkasundo sina Autumn at Rhea ay palagi silang magkasama, halos bantay sarado naman ni Anna ang kaniyang kapatid na si Kenneth dahil baka hapuin na naman ito kapag nasobrahan sa laro. Masayang inaalala ng lahat ang mga nakaraan, lalo na noong nabubuhay pa ang aking lolo. Lahat ay nag-alay ng mga bulaklak, kandila, at panalangin nang bumisita kami sa puntod ni lolo.

Alam kong masaya na siya roon, miss na namin siya pero tulad nga ng palagi niyang sinasabi ay mayroong hangganan ang lahat, ang tunay na maiiwan lamang ay ang alaala na siyang kayamanan ng bawat isa.

Kinagabihan ay muli ko na namang napansin ang isang malaking tahanan malapit sa bahay ng aming grandparents. Naramdaman ko na lamang na dinadala na pala ako ng aking mga paa rito, pumasok ako sa isang sirang pinto, nadatnan ko ang maalikabok na lugar kung saan ay sira na ang lahat maging poste man, sahig, o pinto at bintana.

Sa isang mahabang mesa ay naaninag ng aking paningin ang isang lalaki na para bang pinagmamasdan ang bawat parte at sulok ng tahanang ito. Hindi nga ako nagkakamali, si Nynzo ay narito rin.

"I'm sorry, I took so long." Nakayuko ako ngunit ramdam ko ang pagbaling ng kaniyang paningin saakin.

Tumutunog ang sahig sa bawat hakbang na ginagawa niya, hinawakan niya ang aking pisngi at iniharap ako sa kaniya. "Hindi mo kailanman kailangang humingi ng tawad,"

Pumatak ang aking luha, naghalo-halo ang emosyong nararamdaman ko. Natutuwa, nagsisisi, galit, marahan niyang pinunasan ang mga luha dulot ng aking paghikbi.

"Shhh. Tahan na, nandito na ako at hinding-hindi na kita iiwan pa." Naisubsob ko na lamang ang aking mukha sa kaniyang dibdib dahil sa kaniyang sinabi. I can't imagine that after so many years and decades destiny let our path collides again. What was written was already written. If we need to rewrite our stars, we'll write it again and again until everything becomes genuinely possible.

rieteratura

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report